INTEL AGENT NG NBI NANG-ARBOR NG DRUG SUSPECT, HULI

(NI DAVE MEDINA)

NAHAHARAP sa kasong obstruction of justice at paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isang nagpakilalang intelligence agent ng  National Bureau of Investiggation ( NBI) sa drug buy bust operation, Lunes ng gabi sa Makati City.

Agad inaresto ng Makati City Police ang suspek na si Monakiram Batabor matapos tangkaing arborin ang kaniang tiyuhin na nadakip sa ikinasang drug buy-bust operation ng Makati Police sa Brgy. Guadalupe Nuevo.

Nakita pa sa surveillance video ng Makati City Police ang pagpiprisinta ni Batabor ng kaniyang NBI ID at  iba pang ID sa mga pulis at nakikiusap na arborin ang kaniyang tiyuhin na hindi agad natukoy ang pangalan.

Kinumpiska kay Batabor ang kanyang service firearm na kalibre .45 at sa pag-iimbestiga pa ng mga pulis ay nabatid na nakatalaga ito sa CARAGA Region.

Nauna rito ay kasama sa pitong nadakip ang tiyuhin ng suspek

sa San Jose St., Brgy Guadalupe Nuevo, Makati City, ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng  Makati City Police Station (MCPS) na pinamumunuan ni PLt Jeson Vigilla matapos maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga sa isang hinihinalang drug den.

Please follow and like us:
Read More