68-ANYOS ARESTADO SA RAPE NG 6-ANYOS

(Ni FRANCIS SORIANO)

MAKALIPAS ang tatlong taong pagtatago, bumagsak na sa kamay ng awtoridad ang isang lolo na wanted sa kasong rape sa Navotas City.

Kinilala ni  P/Col. Rolando Balasaba, hepe ng Navotas City Police Station ang suspek na si Reynaldo Aguilar, ng Ignacio St. Bagong Bayan North (BBN).

Ayon kay Balasabas, naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section sa pangunguna nina PSMS Generoso Cagatiga, PCpl Mark Anthony Diaz, PCpl Jerwin Layco,  NUP Maria Elisa Orsolino, sa ilalim ng pangangasiwa ni PEMS Alvin Bautista, sa pinagtataguan ng suspek sa Blk 5, Ponciano St. Fatima Village, Brgy. Sta Cruz, Porac, Pampanga.

Sa record ng pulisya, kinasuhan at binigyan si Aguilar ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 288 ng Navotas City dahil sa kasong Statutory Rape noong March 2016 sa panggagahasa sa isang anim na taon gulang na batang babae na kanyang kalugar sa lungsod ng Navotas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

TOTOY KRITIKAL SA BUGBOG NG 2 BULLY

(NI ALAIN AJERO)

NAKARATAY sa pagamutan ang isang totoy na nawalan ng malay nang mag-tag-team ang dalawa ring totoy at suntukin saka  hampasin ng bato sa ulo ang biktima dahil sa umiiba na umano ito ng barkada, sa Navotas City.

Nananatili sa Tondo Medical Center ang 15-anyos na biktimang itinago sa pangalang  Kevin, grade 10 habang isinailalim na sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa ng Navotas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga suspek na sina alyas Steph, 17, at Klay, 16.

Ayon sa pulisya, nagtalo muna sa loob ng San Rafael Technological and Vocational School sa Taliba Street, Road 2 corner Kalakal St., sa San Rafael Village, ang suspek na si Steph at biktimang si Kevin dahil kumakalas na umano sa barkada ang huli.

Paglabas ng paaralan nina Steph at Klay ay bumubulusok umanong sinuntok ni Kevin si Steph.

Sinalubong naman ng kamao ni Steph ang nguso ni Kevin kaya’t nawalan ng malay ang huli.

Nabatid na pumasok pa sa eksena ang suspek na si Klay at hinampas pa ng bato sa ulo ang wala nang malay na biktima.

Itinakbo si Kevin sa nasabing ospital habang dinakip ng mga pulis sina Steph at Klay bago inilipat sa kustodiya CSWDO.

 

Please follow and like us:
Read More

PARAK TODAS SA TANDEM

ambush12

NI ALAIN AJERO/PHOTO BY JIMMY CARBO)

PATAY ang isang miyembro ng Mobile Patrol Unit ng Navotas Police Station nang tambangan ng riding-in-tandem, Biyernes ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ang biktima na si P/Cpl. Alex Sta Ana Vitug Jr., 33, ng Blk. 10, Lot 15, Del Mar Subdivision, Llano, Caloocan City.

Sakay ang pulis ng kanyang motorsiklo patungo sa Navotas Police Station nang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo  alas-7:20 ng gabi sa kanto ng Araneta Avenue at Tuazon St. Brgy. Potrero, na agad niyang ikinamatay.

Nang matiyak na patay na ang ang parak ay bumaba ng motorsiklo ang isa sa mga suspek at kinuha ang service firearm ni Vitug at tinangay din ang kanyang motorsiklo saka tumalilis kasama ang kasabwat.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 10 basyo ng bala, isang nakuping punglo, at isang bahagi ng ipinutok na bala na dadalhin sa PNP Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang mga salarin at ano ang kanilang motibo.

Please follow and like us:
Read More

10-ANYOS PISAK SA TRAK

accident

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

PATAY ang isang 10-anyos na nene matapos mabundol at magulungan ng tractor head, Miyerkoles ng hapon sa Navotas City.

Agad namatay ang biktima na si Ma. Isabel Advincula, Grade 8, ng 112 R. Domingo St., Brgy. Tangos, matapos magulungan ng tractor sa kahabaan ng R-10 Road sa Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) dakong alas-5:30 ng hapon.

Ayon sa pulisya, patawid ang biktima nang masagi ng humahagibis na Isuzu tractor head na minamaneho ni Martin Fale, 40, ng Area 4, Sitio Payong, Old Balara, Quezon City.

Dala ng pagkasalpok natumba ang biktima at nagulungan ng panlikod na gulong ng tractor head na naging dahilan ng dagli niyang kamatayan.

Nasakote si Fale ng mga rumespondeng pulis at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

GINANG TINADTAD NG BALA SA ULO

GUN FIRE-2

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG 55-anyos na ginang ang patay matapos na walang habas na pagbabarilin sa kanyang ulo ng hindi pa nakikilalang salarin na tumambay pa umano sa labas ng kanilang bahay bago siya itinumba sa Lungsod ng Navotas kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Navotas City Police chief Senior Supt. Rolando Balasabas ay ganap umanong alas -2:00 pasado ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tapatng bahay ng biktimang si Carina Agustin, ng Pantalan 1, Barangay Tangos – South ng nasabing lungsod.

Nakatayo sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang hindi pa nakikilalang lalaking suspek na nakitambay din umanosa biktima, dahil hindi naman niya kilala ay hindi siya pinansin ng biktima hanggang sa lumipas ang ilan pang minuto at bigla na lamang bumunot ng hindi pa nalalamang kalibre ng baril ang suspek at walang habas na pinaulanan ng bala sa ulo ang biktima.

Please follow and like us:
Read More

NAVOTAS POLICE CHIEF SINIBAK

bata1

(NI ALAIN AJERO)

TINANGGAL sa pwesto ang hepe ng pulisya ng lungsod ng Navotas kaugnay ng pagkakahuli ng 12 menor-de-edad sa operasyon ng mga awtoridad kontra droga noong nakalipas na buwan.

Kasalukuyang nasa floating status si Senior Superintendent Ram Averia dahil sa kabiguan nitong supilin ang iligal na droga sa kanyang nasasakupan.  Siya ay hinalinhan ni Senior Superintendent Rolando Balasabas.

Bukod dito ay iniimbestigayan din si Averia dahil umano sa pagtatago ng ebidensya.

Ikaapat nang opisyal na sinibak si Averia kaugnay ng pagkakaaresto ng 28 katao sangkot sa iligal na droga  kabilang ang mga menor-de-edad Barangay North Bay Boulevard  halos isang buwan na ang nakararaan.

Naunang inalis sa pwesto sina Inspector Resty Descalzo, hepe ng Police Community Precinct 3, at Police Officer (PO) 3 Randy Belly at PO1 Jejomar Padasas ng intelligence unit ng nasabing istasyon, dahil sa kabiguang manmanan ang mga lugar na pinupwestuhan ng mga bumabatak na menor de edad.

Magugunitang kinasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga magulang mga nahuling paslit dahil sa pagsasamantala, kalupitan, at kapabayaan ng mga ito na nagbunga ng pagkakamulat ng mga bata sa iligal na gawain sa murang edad.

Please follow and like us:
Read More

MENOR DE EDAD NA AKYAT-BAHAY HULI

menor

(NI CHE ALMADIN)

HULI ang menor de edad na lalaki sa paga-akyat bahay at pagtangay sa mahigit P110, 000 halaga ng pera, alahas at gadget sa bahay ng isang negosyante sa Navotas, Martes ng gabi.

Nasa kustodiya na ngayon ng Navotas City Police ang suspek na itinago sa pangalang Royet, 16, out of school youth ng Barangay North Bay Boulevard South (NBBS)na sakop ng Kaunlaran Village ng parehong lungsod. Ayon sa biktimang si Marilou Sumande, 40, ganap umanong alas – 10:00 pasado ng gabi nang madiskubre niyang pinagnakawan ang kanyang bahay sa Block 7, Bisugo Street, Phase 1B ng parehong lugar.

Pwersahang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto at sinira rin ang drawer niya na naglalaman ng P110,000 halaga ng salapi, maging ang mga alahas na naroroon din at mga gadgets sa loob ng silid ay hindi rin pinatawad. Mabils niya itong iniulat sa pulisya na agaran ding nagsagawa ng imbestigasyon hanggang sa matukoy ang suspek na nakitang aali-aligid sa bahay ng biktima bago ang maganap ang pagnanakaw.

Agad ding nadakip sa follow up operation ang suspek kung saan P59,000 na lamang ang natirang pera. Nabawi rin ang mobile phone ngunit hindi na ang mga alahas at iba pang gadget.

Please follow and like us:
503 Service Unavailable

Service Unavailable

The server is temporarily unable to service your request due to maintenance downtime or capacity problems. Please try again later.

Additionally, a 503 Service Unavailable error was encountered while trying to use an ErrorDocument to handle the request.