PINTOR NA RIDER NANAPAK NG TRAFFIC ENFORCER

NANAPAK-2

ARESTADO ang isang pintor na rider matapos sagasaan at suntukin sa mukha ang isang miyembro ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) na humuli sa kanya sa Pasig City, nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si George Novo y Flores, 43, umano’y sumagasa at nanapak sa traffic enforcer ng Pasig TPMO na si Noel Santiago y Jacinto, 40, ng C5 Road, sa panulukan ng Pasig Blvd., Brgy. Bagong Ilog sa nasabing lungsod bandang alas-4:50 ng hapon.

Ayon sa Desk Officer ng Police Community Precinct (PCP) 10 na si P/Cpl. Aglugob Jr., habang nagmamando ng trapiko ang biktima nang mamataan niya ang suspek na lulan ng motorsiklo ngunit walang suot na helmet.

Nang sitahin ng traffic enforcer, walang maipakitang  driver’s license at rehistro ang suspek kaya pinaarangkada umano nito ang motorsiklo dahilan para masagasaan sa binti at paa ang biktima.

Hindi pa nakuntento ang suspek,  inupakan pa sa mukha ang biktima nang tangkain siyang arestuhin nito.

Naawat lamang ang suspek sa pananakit nang tulungan ang biktima ng kapwa traffic enforcer dahilan para maaresto ito. (NICK ECHEVARRIA)

Please follow and like us:
Read More