NAKURYENTENG MISIS ISINALBA, MISTER PATAY 

NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na lalaki makaraang isalba ang nakuryente niyang asawa habang tinatanggal sa pagkakasakal ang asong nakatali sa poste ng barangay street light sa Dasmariñas City sa lalawigang ito.

Kapwa isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang mag-asawang sina Joselito Cabanas Jr. at Katlin Santos, 31, kapwa residente ng Block 10-D, Lot 13, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas City.

Gayunaman, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas si Cabanas habang kritikal ang kalagayan ni Santos.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Gilbert Santos ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:00 noong Biyernes ng gabi nang humingi ng tulong  ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ng mag-asawa dahil nasakal ang asong nakatali sa poste ng barangay street light.

Ngunit habang tinatanggal ni Santos sa pagkakasakal ang aso ay nakuryente ang biktima.

Tinangka namang saklolohan ni Cabanas ang asawa ngunit maging siya ay nakuryente rin.

Ayon kay Santos, walang nakitang nakalaylay na live wire  ngunit malakas ang ground sa poste ng ilaw.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sa loob ng poste nagmula ang kuryente at kung sino ang dapat panagutin sa insidente. (SIGFRED  ADSUARA)

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE NANGISAY SA MAISAN

NAKURYENTE

ISABELA – Nalagutan ng hininga ang isang Grade 11 student makaraang makuryente sa gitna ng maisan habang naglalagay ng abono kasama ang kanyang ama, iniulat ng pulisya nitong Huwebes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Zyron Valisno, residente ng Barangay Villa Fermin, Echague, Isabela.

Batay sa report ng Echauge Police Station, magkasama ang biktima at kanyang ama na naglalagay ng abono sa mga pananim na mais sa nasabing lugar.

Habang abala ang biktima, hindi niya napansin ang live-wire na mababa lamang ang pagkakasabit dahilan para mahagip nito ng kanyang ulo.

Dahil dito, nagkikisay ang biktima na agad namang tinulungan ng ama.

Isinugod sa pinaka-malapit na ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NANGISAY SA PAILAW

QUZON – Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos na makuryente sa street light ng isang barangay sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Albert Agana Liop, residente ng Barangay Angeles.

Batay sa report ng Atimonan police, pauwi na sa kanilang bahay ang biktima dakong alas 9:00 ng gabi  nang mapahawak ito sa  isa sa mga poste ng street lights ng nasabing barangay.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang nangisay ang biktima nang mapadikit sa mababa at nakalawit na kable mula sa poste.

Nagawa naman itong matanggal sa pagkakahawak sa kable ng mga nagresponde at naisugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente at inaalam ang posibleng pananagutan ng barangay. (NILOU DEL CARMEN)

Please follow and like us:
Read More