RECRUITMENT SA FB; 4 PINIGIL SA NAIA

socialmedia12

(NI FROILAN MORALLOS)

PINAYUHAN ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga Filipino na nagnanais magtrabaho sa abroad na iwasan makipag- deal sa soicial media para makaiwas sa problemang kakaharapin.

Ang babalang ito makaraang pigilin ng mga tauhan ng Bureau of Immigrarion (BI) ang apat na Pinay sa Ninoy Aquino International Airport dahil mga pekeng papeles.

Ito ay bilang warning sa mga Pinoy upang hindi bumagsak sa kamay ng mga illegal recuiters kung saan kasabwat ang human trafficking syndicate na nag-ooprerate sa (NAIA).

Aniya huwag mainganyo sa mga sinsabing high paying job na offer sapagkat ito ay isang trap para pumayag kayo sa naturang offer.

Ayon pa kay Morente magtungo na lamang sa Philippines Overseas Employment Administration (POEA) upang makasiguro na hindi malalagay sa alanganin.

 

Please follow and like us:
Read More

P40-M SHABU NASABAT SA PASAHERO SA NAIA

HINDI nakalusot na maipuslit ng umano’y drug courier matapos masabat sa kanya ang P40 milyong halaga ng shabu sa NAIA Terminal 3, Biyernes ng madaling araw.

Naaresto ng ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan.

Nabatid sa Bureau of Customs na galling sa Cambodia ang pinigil na pasahero.

Nakuha sa pag-iingat nito ang anim na kilo ng shabu na may street value na P40.8 milyon.

 

Please follow and like us:
Read More

NOTORYUS NA TAXI DRIVER HULI SA NAIA 

naia3

(NI JESS GALANG)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila International Airport authority (MIAA) ang isang notorious white taxi driver na wanted dahil sa paniningil ng sobra o overcharging sa mga dumarating na Overseas contract Worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority [MIAA] general manager Ed Monreal kinilala ang suspek na si Friddie Mago, 49, ng no. 6 E Rodriguez corner FB Harison St. Pasay City .

Napag-alaman na si Mago ang driver ng white taxi na may plate no. TXY -831 ang itinuturo ng kanyang mga nabiktima na OFW na sumingil ng sobra sa kanila nang sumakay sa taxi na minamaneho ng suspek  sa NAIA.

Sinabi ni Airport Police Senior Inspector Roderick Mejia, naaresto si Mago ng kanyang tauhan na si AP02 Joel Estole dahil sa walang uniform at pagparada sa no parking area sa may bay 3 ng NAIA terminal 3.

Ayon pa kay Mejia, nangyari ang pagka-aresto kay Mago bandang alas 5:00 ng hapon noong  October 22, nang makipagmatigasan ito kay Estole at ayaw ibigay ang kanyang lisensiya .

Sa isinagawang imbestigasyon, nadiskubre ni Mejia na si Mago ay isang  notorious driver na naaresto rin kamakailan dahil sa pangongontrata sa mga pasahero na nag-viral sa social media ilang linggo ang nakararaan.

Noong March 1, 2018, nahuli rin ito sa NAIA terminal 3 ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nahaharap si Magno ng kasong kriminal sa Pasay city Prosecutors Office dahil sa paglabag ng paragraph 2 of Article 287 or Unjust Vexation; Article 151 or Resistance and Disobedience to a person in authority at Article 148 or Direct Assault sa ilalim ng Revised Penal code.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKING NAG-IWAN NG P35M SHABU SA NAIA, ARESTADO

(PHOTO BY DANNY BACOLOD)

ARESTADO na ang lalaki na umano’y nag-iwan ng bagahe na naglalaman ng tinataya sa P35-milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, nitong Sabado.

Kinilala ang suspect na si Nazarene Orbillo, ng Tarlac. Nakalagay ang pangalan nito sa bag tag na nakita sa bagahe.

Natimbog ng mga tauhan ng pinagsanib ng BOC-NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa pakikipag-coordinate ng PDEA Region-3, sa isang hot pursuit operation sa  Tarlac City si Orbillo matapos abandonahin sa NAIA Terminal 1 ang isang maleta na naglalaman ng limang kilo o P35M halaga ng shabu,  lulan ng Philippine Airlines Flight No.PR 596 mula ng Hanoi,Vietnam, Biyernes ng alas-6:30 ng umaga.

Nakita umano ito ng isang customs examiner habang nagsasalang ng mga unclaimed na bagahe sa arrival area ng paliparan.

Nakalagay sa isang kulay brown na suitcase ang aabot sa 5 kilong hinihinalang shabu. May name tag na “Orbillo Nazarene” ang bagahe.

Nakasilid sa isang plastic container ang droga.

Agad na itinurn-over ng mga awtoridad ang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Itinanggi ni Orbillo na sa kanya ang bagahe.

Please follow and like us:
Read More

P35M SHABU SA BAGAHE  INIWAN SA NAIA

(NI KOI HIPOLITO)

AABOT sa hindi bababa sa halagang P35 milyon ang halaga ng mga iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad ng Bureau of Customs (BOC-NAIA) sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, Sabado ng umaga.

Ayon kay BOC-Naia Customs Collector Mimel Talusan, nadiskubre ang isang maleta na kulay brown at isang backpack, ng mga duty X-Ray Inspection Project (XIP) personnel na iniwan sa lugar ng hindi pa kilalang pasahero.

Agad umanong inireport ang dalawang bagahe sa mga operatiba ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) na agad namang nakipagcoordinate sa NAIA- Interdiction Task Group (IADITG) para sa gagawing drug interdiction operation.

Isinagawa ang pagbubukas ng maleta at ng backpack ng mga Customs examiner sa harap ng duty flight supervisor, opisyal ng Customs at ng PDEA at doon nakita ang laman ng maleta na isang plastic na binalutan na packaging tape na may 5.16 kilograms ng mga pinaghihinalaang shabu.

Ang backpack ay may laman na isang kilo ng pinaghihinalaang shabu na aabot umano sa halagang P35 milyon.

Sinasabi pa ni Collector Talusan na sumakay umano ang hindi kilalang pasahero na may dala ng mga kontrabando sa Philippine Airlines Flight No. PR 596 galing ng Hanoi, Vietnam.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga Customs agents sa posibleng pasaherong suspek at inaalam na ngayon ang mga flight details nito para sampahan ng kasong paglabag sa violation of RA 10863 (CMTA) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Please follow and like us:
Read More

LALAKI HULI SA PUSLIT NA .22 KALIBRE SA NAIA 

naia3

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga kinatawan ng Philippine National Police – Aviation Security Group PNP-AVSEGROUP)  ang isang papaalis na pasahero dahil sa tangkang pagpuslit nito ng isang .22 caliber pistol palabas ng bansa.

Kinilala ng Aviation police ang naturang pasahero na si Leandro Gatdula.

Naharang ito ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), personnel sa security check counter sa departure area , bago siya makasakay sa kanyang Incheon, South Korea Asiana Airlines flight.

Ayon sa pahayag ng X-ray scanning operator na tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), mayroon siyang napansin na imahe ng baril sa loob ng bagahe nitong suspek.

Agad niya ipinarating sa opisina ng Aviation police at sa ikinasang interception operation ng mga ito, bumungad sa kanila ang anim na piraso ng bala, magazine at baril sa loob ng bagahe ni Gatdula .

Si Gatdula ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag ng R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act , at sa ngayon nasa kustodiya itong  suspek sa aviation police para sa karagdagan na imbestigasyon .

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL SA BELTBAG NAPIGIL NG BI

bi45

(NI ROSE PULGAR)

PINIGILAN ng  mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng American national, makaraang tangkaing ipuslit palabas ng bansa ang isang 6-araw na sanggol na lalaki na isinilid sa loob ng kanyang beltbag na hand carry, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Miyerkoles ng  umaga.

Kinilala ni Immigration Port Operation Division Chief Grifton Medina ang dayuhan na si Jennifer Erin Talbot, 43, mula Utah, Unites States

Lumabas sa report, dakong alas-7:00 ng umaga nang pigilin ng mga awtoridad ang dayuhan sa boarding gate ng Delta Air sa NAIA Terminal 3 matapos makitang nakasilid ang sanggol na tinayatang nasa anim na araw pa lamang sa dalang bag ng dayuhan.

Sinabi pa ni Medina, walang dalang kaukulang dokumento ang dayuhan na nagpapahintulot sa kanya na dalhin at ilabas ang sanggol sa ating bansa.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil dito at kung paano naipasok ang sanggol sa loob ng paliparan na nakasilid pa bagahe ng dayuhan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng BI ang naturang sanggol habang nakikipag-coordinate na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa isasagawang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Medina, nakatakdang iturn-over ng NBI ang nasabing sanggol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pangangalaga rito.

 

 

Please follow and like us:
Read More

GUN PARTS NASABAT SA NAIA

(NI FROILAN MORALLOS)

NAKASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang rifle parts na idineklarang buckle iron decoration.

Ayon sa pahayag ni NAIA Customs district collector Mimel Talusan, aabot sa 20 rifle hand guards, at anim na hand guard locks ang nadiskubre ng mga examiner na nakapaloob sa isang package sa bodega ng DHL na sinasabing galing sa Shanghai, China.

Sinabi ni Talusan na sa ilalim ng Sections 119, 1400 and 1113 of R.A. No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at ng Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act), ipinagbabawal ang mag- import o pag-export ng baril , gun parts and ammunition nang walang pahintulot  o clearance mula sa pamahalaan.

Ang mga nakumpiskang rifle parts ay nakatakdang i-turn over sa pamunuan ng PNP-Firearms and Explosive Unit para pakinabangan at for proper disposition.

Please follow and like us:
Read More

‘KAHINA-HINALANG’ BAGAHE NAIWAN SA NAIA

(TEKSTO/PHOTO BY AJ GOLEZ)

BAHAGYANG nagkaroon ng tensiyon sa harap ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City dahil sa naiwang kahina-hinalang bagahe. Agad umaksiyon ang awtoridad at masusing ininspekyon ng mga tauhan ng PNP Aviation Security

Group at ilang security guard ang bagahe subalit nang mabuksan ay naglalaman lamang ito ng mga naiwang gamit ng isang pasahero.

Tiniyak naman ng pamunuan ang mabilis na pagresponde sa mga katulad na insidente upang maiwasang magkaroon ng hindi kanais-nais na kaganapan at matiyak ang seguridad at kaayusan ng lahat ng mananakay sa nasabing paliparan.

Please follow and like us:
Read More

4 DAYUHAN HULI NG BI SA PEKENG DOKUMENTO

naia immigration 12

(NI FROILAN MORALLOS)

BUMAGSAK sa bitag ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na foreigners habang pasakay sa kanilang flight palabas ng bansa dahil sa paggamit ng pekeng dokumento.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, ang apat na dayuhan ay isang Chinese fugitive, Nigerian impostor, at dalawang Sri Lankans, kung saan na- intercept ang mga ito ng Bureau’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 at 2 ng magkakaibang petsa.

Ang Chinese national ay nakilala na si Wang Wen, 33, at nasakote noong Sabado ng umaga sa NAIA terminal 2 habang pasakay sa Philippine Airlines flight papuntang Xiamen.
Nakuha kay Wang ang pekeng Philippine visa na mayroon fake immigration arrival and departure stamps.

Nadiskubre sa verification sa BI  rekord, na si Wang ay  may nakabimbin na summary deportation order noon pang 2018, dahil sa kasong economic crimes.

Matapos ang isang oras nahuli ng BI-TCEU personnel sa NAIA terminal 1 departure si Nigerian Adekunle Michael Ogunade, 55, habang paalis gamit ang fake Solomon Islands passport.

Ayon kay BI-TCEU chief Timotea Barizo inamin ni Ogunade sa isinagawang imbestigasyon ang tunay niyang pagkato matapos madiskubre na peke ang kanyang mga papeles resulta ng BI’s forensic document laboratory.
Huling naaresto itong dalawang Sri Lankans na sina Drosamy Asah, 32, at Talayan Hilamaran, 35, sa transfer desk ng NAIA terminal 2 bago makaalis papuntang Brisbane Australia .

Sina Wang at Ogunade ay kasalukuyang detainee sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naka-pending ang kanilang deportation, habang ang dalawang Sri Lankans ay pinabalik sa kanilang port of origin.

Please follow and like us:
Read More

GROUND HANDLER SA NAIA TUMILAPON SA KIDLAT

(NI FROILA MORALLOS)

TUMILAPON ang isang Macroasia ground handler ng Philippine Airlines (PAL) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 , dahil sa malakas na kidlat noong Martes ng gabi.

Kinilala ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang biktima na si Joel Arejola, 30, na nahulog sa ladder sa Bay 12 ng NAIA habang nagtatanggal ng ground power unit (GPU) sa paalis na flight PR 116 patungong United States nang biglang kumidlat dakong alas 6:58 ng hapon.

Matatandaan na nag isyu ang Pagasa ng “red lightning alert” dakong alas 6:53 ng hapon para tumigil ang mga ramp workers at magtungo na lamang ang mga ito sa loob ng terminal 2.

Agad naman na dinala si Arejola sa loob ng NAIA terminal 2 clinic kung saan binigyan siya ng first aid sa tinamong sugat sa kaliwang bahagi ng katawan. Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal hindi siya nagkulang sa mga ito upang sundin ang kautusan ng Pagasa kaugnay sa lightning alert para maiwasan ang insidente.

Nag-isyu ang Pagasa ng yellow lightning alert dahil sa malakas na ulan at kidlat.

 

Please follow and like us:
Read More

DROGA SA DIAPER: PALAU NATIONAL TIMBOG   

naia3

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ang isang Palau national makaraang makumpiskahan ng halos 60 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang bote at nakabalot sa diaper sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Martes ng gabi.

Kinilala ang suspect na si Mike Taman, 47, Palau national.

Base sa report , dakong alas-7:30 ng gabi nang paaalis na sana ng bansa ang dayuhan sakay ng United Airline flight UA 192 sa NAIA terminal 3 nang madiskubre ang dalang shabu nito na nakalagay sa isang bote  at nakabalot sa diaper matapos itong dumaan sa final security checkpoint sa nasabing paliparan.

Dito nakita mula sa suspect ang 59.5 grams na shabu na may street value na aabot P404,600.

Depensa naman ng dayuhan ipinadala lang daw sa kanya ng isang kaibigan ang nasabing diaper at hindi niya alam na may laman ito mula sa kanyang pagbabakasyon sa Pilipinas.

Ayon kay NAIA PDEA Chief Jerald Javier, nasa kustodiya na nila ang nasabing dayuhan at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.

 

 

Please follow and like us:
Read More

3 AFRICAN KULONG SA PEKENG PASSPORT

bi12

(NI MINA DIAZ)

TATLONG Aprikano ang inaresto ng Immigration officers ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagtatangkang pumasok sa bansa gamit ang pekeng pasaporte.

Sinabi ni BI Chief Operations Division, BI Port Grifton Medina na naharang ang mga Aprikano noong Abril 10 sa kanilang pagdating mula sa Istanbul, Turkey sa pamamagitan ng Turkish Airlines flight na dumating sa NAIA terminal 3.

Ani Medina, ang Immigration officers na nag-proseso sa mga dayuhan ay nakakita ng maraming pulang bandila, kaya ipinasa ito para sa pangalawang inspeksiyon sa mga miyembro ng Bureau Control Travel and Enforcement Unit (TCEU).

“The TCEU members immediately noticed irregularities in their passports and this was confirmed by our forensic document examiners,” dagdag pa ni Medina.

Sa isang sertipikasyon na inilabas ng BI ay nagsabi na ang mga pasaporte ng tatlong pasahero ay huwad at ang kanilang mga biographical pages ay pineke lahat. “There were alterations in the passport itself, and the biographical page was entirely bogus,” sabi ni Medina.

Naniniwala ang BI-TCEU na sinubukan ng mga Aprikano na gamitin ang mga pekeng pasaporte ng Ghana dahil ang mga mamamayan ng nasabing bansa ay hindi kinakailangang makakuha ng visa kapag pumunta sa Pilipinas.

“The passengers may have originated from an African nation whose nationals are categorized as restricted, and are thus obliged to apply for a visa in our consulates abroad to enter the Philippines. These men are probably planning to conduct some sort of illegal operations in the country,” ayon pa sa ulat ng BI.

Please follow and like us:
Read More

KANO HULI SA PEKENG PHL PASSPORT SA NAIA

passport1

(NI FROILAN MORELLOS)

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  ang isang  American national dahil sa pagkukunwaring Pinoy at paggamit ng pekeng Philippine passport .

Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nakilala ang suspek na si Elmer Doller 49, sakay ng Qatar Airways galing sa Doha.

Nahuli ang suspek nitong Sabado ng Bureau of Immigration (BI) officers pagpasok sa Immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Sa ginawang pang-unang imbestigasyon, sinabi ng suspect na hindi peke ang pasaporteng hawak nito. Sinabi pa ni Doller na isang Cavitena ang kanyang ina ngunit nang idaan sa scanning machines ng BI ang pasaporte ay nadiskubreng peke ito dahil wala umanong security feature ang kanyang passport.

Sa interogasyon ni travel control and enforcement unit (TCEU) chief Erwin Ortañez , hindi umano maipaliwanag ng suspect kung paano siya naging Filipino citizen.

Sa kasalukyan ay nakakulong si Doller sa BI Detention Center sa Bicutan Taguig City, habang ikinakasa ng Bi ang kasong kriminal dahil sa paglabag ng Immigration Laws.

Samantala, naaresto rin noong Sabado  ng mga tauhan ng TCEU sa NAIA terminal 1 ang isang Pilipina bago makasakay sa kanyang flight papuntang Spain matapos madiskubreng peke ang kanyang Schengen visa.

Agad naman na ilinipat sa panganglaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang babae para imbestigahan.

Please follow and like us:
Read More

PEKENG PINOY ARESTADO

huli

ARESTADO ng Bureau of Immigraton ang isang overstaying na Koreano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagtatangka na umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagpapanggap na siya ay isang Pilipino.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Kwak Dong Hee, 26, na aalis sana patungo ng Saigon, Vietnam sakay ng Cebu Pacific.

Dinala na si Kwak sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kung saan ito mananatili habang hinihintay na matapos ang kanyang deportation proceedings.

Ayon sa BI, nagpanggap si Kwak bilang si Erik Nacis, na isinilang mula sa mga magulang na Koreano at Pilipina sa Meycauayan, Bulacan noong 1992.

Pero nagduda ang immigration officer sa NAIA nang mapansing hindi nagta-Tagalog si Kwak.

Sinabi ni Carlo Gomez ng BI Travel Control and Enforcement Unit na nang tanungin na nila si Kwak, umamin ito kalaunan na ang kanyang mga magulang ay parehong Koreano at iligal niyang nakuha ang hawak na Philippine passport kapalit ng P120,000.

Kapwa umano Koreano ang tumulong sa kanya para makakuha siya ng Philippine passport at ng birth certificate.

“Our records check showed that Kwak last arrived in the Philippines on Aug. 27, 2015, hence he has already been overstaying for more than three years,” dagdag ni Gomez.

Kasabay nito, nagbabala si Morente laban sa iba pang banyaga na nagtatangkang malusutan ang mga otoridad sa Pilipinas. (MITZI YU)

 

Please follow and like us:
Read More