OBRERO NAGBIGTI SA KABLE

suicide

NATAGPUANG nakabigti at wala nang buhay  ang isang construction worker sa loob ng kanyang tahanan sa Marikina City, nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ng Marikina City Police Station ang biktimang si Jhun Rey Gutierrez, 22-anyos, nadiskubreng walang buhay sa loob ng kanyang tahanan bandang alas-5:30 ng hapon sa Block 42, Mais Street, sa Barangay Tumana, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid sa salaysay ng testigong si Maricris Parale y Tividad, 23, jobless, nakarinig siya ng kakaibang ingay mula sa bahay ng biktima kaya naisipan niyang sumilip sa harapang pintuan para alamin kung ano ang nangyayari.

Nagulat na lamang siya nang makita niya ang nakabigting biktima gamit ang kable ng kuryente.

Tinulungan ng isa ring construction worker na si Marlon Miguel, 33, si Parale na putulin ang kable na ginamit ng biktima sa pagbibigti ngunit wala na itong buhay. (NICK ECHEVARRIA)

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE NA NASERMUNAN NI MA’AM, NAGBIGTI

suicide

(Ni ANNIE PINEDA)

LABIS umanong dinamdam ng isang 14-anyos na estudyante nang mapagalitan ito ng kanyang guro matapos makabasag ng salamin sa loob ng kanilang paaralan, ayon sa ulat kaninang umaga sa probinsya ng Davao City.

Kinilala ang biktimang si Joseph Masingcap, Grade 7 student sa Canocotan National High School at residente ng Purok 6-A, Canocotan, Tagum City, Davao.

Batay sa report ng Tagum City Police Station, nag-iisa lamang ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang matagpuan ang bangkay nito na nakabigti gamit ang pisi.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, napagalitan ng kanyang guro ang biktima nang makabasag umano ito ng salamin sa loob ng nasabing paaralan.

Hinala ng mga kaibigan at kaklase ng biktima, posibleng umanong dinamdam ng biktima ang pangyayari at labis na kahihiyan kaya nagawa nitong magpakamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang wala pang pahayag ang guro ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

NAPAGOD MAG-ARAL, GRADE 11 STUDENT NAG-SUICIDE

suicide

(Ni ANNIE PINEDA)

HINDI na umano nakayanan ng isang grade -11 student ang napahabang pag-aaral sa sekondarya na nauwi sa depresyon dahilan para wakasan ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti kaninang umaga sa probinsya ng Isabela.

Wala ng buhay nang matagpuan ang 17-anyos na biktima sa loob ng kanyang silid sa kanilang bahay sa Barangay Napaccu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Ayon sa report ng Reina Mercedes Police Station, natagpuan na lamang ng kanyang ama ang hindi na pinangalanan pang biktima dahil sa menor de edad na nakabitin sa kanyang kuwarto gamit ang lubid.

Kuwento ng ama, napansin na nilang hindi umiimik ang kanyang anak at halos tamad na itong pumasok pa sa eskuwela, sa pag-aakalang nasa mood lamang ito ng bata ay hindi na muna nila pinansin.

Hanggang sa nakita na lamang ang biktima nakabigti.

Naniniwalan naman ang pamilya ng estudyante na depresyon ang nagtulak dito para tapusin ang sariling buhay.

Please follow and like us:
Read More

MEKANIKO NAGBIGTI DAHIL SA DEPRESYON

suicide

(Ni KEVIN COLLANTES)

Depresyon sa pagkamatay ng kanyang ina ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad kung bakit nagawa ng isang mekaniko na wakasan ang sariling buhay sa Barangay Rosario, Pasig City nitong Martes.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/BGen Christopher Tambungan, ang biktima ay nakilalang si Paul Andro Nieva, nasa hustong gulang, mekaniko na nagsisilbi bilang tool keeper ng Hino Motormall NCR Inc..

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong 3:00 ng madaling araw nang madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanyang pinagtatrabahuhang kumpanya,  na matatagpuan sa Eastbank Road, corner Alfonso Street, Barangay Rosario.

Ayon kay Amando Tagal, duty security guard, kasalukuyan siyang nagpapatrulya  nang madiskubre ang bangkay ng biktima.

Nakabigti aniya ang leeg nito sa gate ng engine overhaul bay gamit ang isang nylon cord kaya’t kaagad itong ipinagbigay-alam sa kanilang supervisor at sa pulisya.

Ayon kay Dario Quinto, supervisor ng biktima, simula nang mamatay ang ina ng biktima ay dumanas na ito ng depresyon, kaya’t ito ngayon ang tinitingnan ng mga awtoridad na posibleng dahilan nang pagpapatiwakal.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at inaalam kung may naganap bang foul play.

Please follow and like us:
Read More