NADINE DAMAY SA KANEGAHAN NG TATAY

(NI GORGY RULA)

” KANEGAHAN ng ama ni Nadine hindi na dapat patulan ng KathNiel fans.”

Si Nadine Lustre tuloy ang naapektuhan nang husto sa ipinost ng kanyang amang si Ulysses Lustre sa Facebook account nito.

Lalong nagalit ang mga fans ni Kathryn Bernardo sa post na iyun ng ama ni Nadine na tila may patama sa kanilang iniidolong batang superstar.

Post ni Ulysses sa kanyang FB account; “Facebook says, ‘What’s on your mind?’ I guess it means that I’m entitled to rant, once in a while.

“Here it goes; ‘I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you’re desperate to break US apart.

“I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around.”

Hindi naisip nitong Ulysses na hindi naman siya ang napahamak kundi ang anak niya.

Nabalik tuloy ang isyung live-in na kung saan kinukuwestiyon tuloy ang pagiging ama niya na bakit hinayaan daw na makipag-live in ang anak nila kay James Reid.

Sana mag-ingat din naman itong mga KathNiel fans sa mga sinasabi nila.

Baka mamaya bumuwelta rin ito kina Daniel at Kathryn no?

Sana hindi na lang nila pinansin dahil positive naman ang nangyayari ngayon kay Kathryn.

Hindi na sana sila nakisawsaw sa kanegahan ng tatay ni Nadine.

Minsan hindi na nakapag-isip nang mabuti at mali-mali ang nagagawa kapag loser.

Halos sold out na ang Oct. 19 Araneta…

ICONIC CONCERT NINA MEGA AT SONGBIRD POSIBLENG MAY REPEAT

Lalong na-enjoy ni Regine Velasquez ang pagyu-You Tube dahil sa

feedback sa kanyang kuwento sa  You Tube channel kung paano siya deadmahin sa Louis Vuitton store sa New York.

Dahil sa hindi siya pinagbentahan, bumili siya tuloy ng 20 pairs na sapatos sa katapat nitong Neiman Marcus.

Kaya pagbalik niya ng LV, hinarap na siya dahil sa dami nang napamili niya sa Neiman Marcus.

Sabi naman ni Regine, wala naman daw nega dun sa kuwento niyang iyun.

Nakakatawa pa nga raw kaya natuwa rin siya sa magang turnout ng views sa kanyang You Tube channel.

“Kasi pag pinanood  mo yung video, hindi naman siya nega eh.

“Actually, funny it was funny. Naikuwento ko lang naman.

“Nakakatawa lang kasi siya,” pakli ng Asia’s Songbird na aligaga na sa rehearsal ng Iconic concert nila ni Sharon Cuneta sa October 18 at 19 sa Araneta Coliseum.

Wala naman daw siyang balak na magkaroon ng sarili niyang You Tube channel. Ang ate Cacai lang daw niya ang nagkumbinseng gumawa na siya ng vlog, na ‘vlang’ naman ang tawag niya.

“Sinabi lang yan sa akin ng kapatid ko na maybe you should have a  You Tube. Sabi ko talaga ba?

“Kasi nakakatawa naman talaga kaming mag-asawa. We’re really funny. So, sabi niya try lang natin.

“Ayun dere-deretso na. I think this week we’re releasing the second ‘vlang’,” dagdag kuwento ni Regine.

Kahit sinasabing influential na si Regine dahil sa lakas niya sa social media, hindi iyun dahilan para deadmahin na ang mga movie press.

Ang iba kasing sikat na artista, parang feeling nila hindi na nila kailangan ang mga movie press dahil kaya na nilang i-promote ang sarili nila sa kanilang malakas na social media account. Pero sabi ni Regine, bahagi na raw talaga sa training nila noon na dapat marunong kang makisama sa mga movie press.

“I’m not joking. It was part of my training. I’m sure si Ate Sharon kasi she’s so gracious with…di ba with everyone.

“It’s part of my training kasi ako noon, I was very shy. So, they had to train me on how to speak to the mga press people mga ganyan. Kasama yan sa longevity mo na tatagal ka kung meron kang disiplina ka, hindi lang working hard, kundi may respeto ka sa bawat taong makikilala mo. Kasama yun eh,” pahayag ni Regine na mas matsika nga siya ngayon at malapit sa movie press.

Masaya na ngayon sina Sharon at Regine dahil sold-out na pala ang first night ng kanilang Iconic concert.

Konti na rin ang natira sa October 19, kaya hindi malayong magkaroon pa ito ng repeat.

Tanong nga namin kay Regine, dahil sa Iconic na ang title ng concert nila, ano pa ang mas mataas dun kung sakaling mag-concert sila uli.

“Mars na! Malayo na yun eh. Sa Mars na siya!” natatawa niyang sagot sa amin.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE, KATHRYN A MISMATCH

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SIGURO panahon na para sabihan nating dapat nang tigilan iyang patuloy na comparison sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Sa naging takbo ng mga pangyayari sa kanilang career, siguro naman maliwanag na sa atin na hindi sila magka-match.

Hindi masasabing dahil sa kanyang nagawang box office records ay lamang talaga si Kathryn dahil hindi lang naman iyon ang basehan. Pagdating naman sa talents ay hindi pahuhuli si Nadine na napiling best actress ng mga mas respetadong award giving bodies.

Siguro nga lang mas maganda ang diskarte at mas malakas ang support sa career ni Kathryn dahil isipin ninyo ang mga leading men niya sa kanyang mga nagawang hits ay sina Daniel Padilla at Alden Richards. Ano naman ang magagawa ni Nadine na ang naging leading men ay sina Carlo Aquino at Sam Concepcion?

Iyong dalawang pelikula ni Kathryn, in fact last three niya, ang shooting sa abroad. Malaking bagay iyon para mabatak ang audience. Iyong pelikula naman ni Nadine, kinunan lang sa tabi-tabi kaya alam mo ang laki ng pagkakaiba ng budget ng kanilang mga pelikula. Iyon ngang isang pelikula ni Nadine, mayroon pang tikbalang na ang hitsura mukhang nakakatawa.

Hindi naman sa kinakampihan namin si Nadine, pero sa palagay naman namin sa naging sitwasyon nilang dalawa, walang point of comparison. Halimbawang si Nadine ang itinambal kay Daniel Padilla at Alden Richards, ano kaya ang aabutin ni Kathryn kung siya ang katambal ni Sam Concepcion?

Nakita naman ninyo maski na sa promo, habang inaangkin na ng handlers ni Kathryn ang Asian superstardom, iyong mga handlers ni Nadine inilabas pang ang pelikula niya ay kumita lamang ng thirty million. Ano nga ba ang gagawin mo?

COMEBACK NI JIM PAREDES

Sa edad na 68, kung kailan karamihan ng mga tao ay nagre-retire na lalo na ang mga artista. Sa panahong hindi na rin niya kasama sina Boboy Garovillo at Danny Javier. Matapos na makipagtungayawan siya sa mga rallyista sa EDSA at may lumalabas pang sex video scandal. Ngayon ay nakahanda na raw bumalik ulit sa limelight si Jim Paredes.

Ano sa palagay mo Tito KC?

Aywan kung anong kumpanya ang hahawak sa kanyang comeback, pero napakalaking sugal niyan. Parang lumipas na kasi ang panahon nila eh. Hindi ba noong araw, doon sa kanilang daily noontime show natabunan na sila ni Willie Revillame, kaya nang lumaon nawala na sila at si Willie na lang ang naiwan, at take note mas tumaas pa ang ratings.

Aywan kung ano ang mangyayari, pero sa tingin namin tagilid na iyan.

 Upstaged nga ang “Reyna ng Vicks”…

DINAIG ANG RAINFALL NG LPA SA LUHA SI DIREK 

Parang contestant sa programang “Reyna ng Vicks” si direk, habang ikinukuwento niya sa amin ang nakilala niyang boylet na male star some twenty years ago. Nagkaroon sila ng relasyon na tumagal ng apat na taon, hanggang sa mag-asawa na nga ang boylet.

Matapos ang 12 taon, nahiwalay iyon sa unang asawa ay nagkita na naman silang muli. Pero hindi rin nagtagal dahil ayaw na ni boylet. Naalala lang ni direk kasi noon daw pala ang kanilang anniversary, at wala na raw silang contact ng boylet na pinagsanlaan niya ng puso at pitaka. Pwede talaga si direk sa ‘Reyna ng Vicks’.

 

Please follow and like us:
Read More

FANS NI KATHRYN NAGPUPUYOS ANG GALIT SA VIVA ENT

 (NI GORGY RULA)

NAGPUPUYOS sa galit ang fans ni Kathryn Bernardo, pati ang mga KathNiel supporters sa Twitter post ng Viva Entertainment na kuha sa event na Ponds na dinaluhan ng mga endorsers na sina Heart Evangelista, Kahtryn Bernardo, Nadine Lustre, Gabbi Garcia at Ylona Garcia.

Sa post na iyun ng Viva na group picture ng mga nabanggit na endorser, may inilagay pa silang malaking mukha ni Nadine at natakpan si Kathryn.

Tanging si Kathryn lang talaga ang hindi nakita, na mabuti pa nga medyo napasilip pa si Ylona na katabi nito.

Malaking isyu ito sa mga fans ni Kathryn dahil may malisya ito sa kanila.

Kung anu-ano na ang sinasabi nila laban sa Viva, pero si Nadine ang naapektuhan nang husto dahil sa kanya ibinunton ang galit ng mga fans.

Kinumpara pa nila  sa post ng Star Magic Philippines dahil naka-crop si Nadine.

Para sa mga fans, mas naintindihan daw nila kung naka-crop. Pambabastos daw iyung takpan ang mukha mo ng pagkalaki-laking litrato ni Nadine.

Kaya halos iisa ang sinasabi nila na obvious daw na insecure o threatened daw talaga sila sa kasikatan ni Kathryn.

Hindi raw ba nila matanggap na ang mga pelikula ni Kathryn ay kumikita ng milyun-milyon, samantalang sobrang semplang naman daw ang peikula ni Nadine?

Nang tiningnan namin kahapon sa Twitter account ng Viva Entertainment, na-delete na ang post na yun.

Sa ngayon ay nasa bakasyon daw muna si Nadine.

Wala pa kaming nasagap kung ano ang plano nila ngayong wala na sa poder nila ang ka-loveteam nitong si James Reid.

MAGSISIMULA NA ANG TATAOB KAY COCO

Mamayang gabi na magsisimula ang bagong action serye ng GMA 7 na

Beautiful Justice pagkatapos ng 24 Oras.

Isa sa magpapakitang-gilas dito ng nalalaman niya sa martial arts ay si Bea Binene na isa sa mga bida kasama sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia.

Matagal ding nagwu-Wushu si Bea at dahil sa marami silang mga action scenes, magagamit dito ni Bea ang alam niya sa Wushu.

Yung sword nga na gamit ni Bea sa teaser nito ay iyun ang ginagamit niya kapag nasa training siya ng Wushu.

Nanghihinayang nga si Bea dahil matagal na raw siyang hindi nakapag-training dahil sa wala na siyang oras.

Mabuti at nabalik dito sa Beautiiful Justice ang training niya sa Wushu, pero pang-screen na lang talaga, dahil medyo mahina na raw siya ngayon sa naturang martials arts.

“Dito naman po kasi sa Wushu, wala kaming black belt o ano. Sa routines kasi kami….mahirap siyang i-explain eh. Kasi, hindi siya sparring…more in visuals siya eh.

“Ang sparring namin pang-MMA, wrestling. Eh hindi naman ako dun.

“Dun ako sa parang dance, as in visual para mag-perform ka.

“Tapos dun nyo po makikita yung ranking.

“Sa competition kasi, age group, lalaki babae…saka sa routine na parang pataas nang pataas. Pahaba nang pahaba yung routine, pahirap nang pahirap.

“Kahit flexible  ka dun eh. Pag nagku-compete ka kailangan mo talaga training kasi yung flexibility mo yung stamina mo ganun,” paliwanag ni Bea tungkol dito sa Wushu.

Hindi pa raw niya gaanong naipapakita dito ang alam niya sa Wushu, pero nasa story naman daw na trained siya sa naturang martial arts kaya eventually, maipapakita rin niya ito.

Gusto na nga sanang balikan ni Bea ang araw-araw na training sa Wushu, pero nahirapan daw siya sa training.

Bukod sa mga trabaho niya sa TV, may mga negosyo rin siyang personal niyang inaasikaso. Kaya nung sinundot namin ang tanong kung saan na niya naisisingit ang lovelife, ngiti lang ang sagot niya,

Kahit anong pilit naming itanong ang tungkol sa non-showbiz boyfriend, “Basta!” lang ang sagot niya at iniiba na niya ang usapan.

Talagang iniiwasan na ni Bea na ipubliko ang lovelife niya. Mas gusto niyang tahimik na lang, kaya wala talaga siyang sagot tungkol dito.

CONGRATULATIONS SA FINAL FOUR NG STARSTRUCK: KIM, SHAYNE, ALLEN AT LEXI

In-announce na kagabi ang Final Four sa StarStruck na sina Kim de Leon,

Shayne Sava, Allen Ansay at Lexi Gonzales.

Natanggal sina Abdul Raman at Pamela Prinster kagabi dahil sila ang nakakuhang mababang score sa huling artista test na ginawa nila.

Matinding drama ang ginawa na lumalabas, dapat magaling ka talagang umarte at dito sila nalagpasan ng mga kapwa finalists.

Nung Biyernes kinunan ang tanggalan na kagabi lang napanood.

Pero kahit natanggal, sumali pa rin sila sa mall show na ginanap sa Fishermall.

Napaka-professional nga ni Pamela na kahit pumanaw na ang lola niya kahapon ng umaga, dumalo pa rin siya sa mall show nila.

Hindi lang daw siya sure kung makakasama pa siya sa finale nito, dahil kailangan na raw niyang umuwi ng Aklan para sa burol ng lola niya.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE: ‘MAS IMPORTANTE ‘YUNG SARILI KO!’

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay ginulat ni Nadine Lustre ang lahat sa kanyang ginawang pag-atras na gawin ang pelikulang ‘Miracle In Cell. No. 7’ na pagbibidahan dapat nila ni Aga Muhlach. Ayon sa aktres ay kinakailangan niya ring magpahinga muna kaya tinanggihan ang nasabing Filipino adaption ng Korean drama. “Ako naman, I mean, changes do happen.

Sa akin po kasi I feel like this time, pang-3rd movie ko na po kasi ito if ever. I really felt that I really needed a break. Kasi this point medyo nabu-burn out na rin po ako. Nakadalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po kasi gumawa ng pelikula. More than the shoot dates and promotion, since it’s an MMFF film, parang naisip ko na masyadong magiging hectic ‘yung schedule. Mahihirapan din po ako at the end of the day. Ayaw ko naman po na parang umayaw dahil pagod ako, dahil burned out ako,” paliwanag ni Nadine.

Para sa aktres ay maganda talaga ang bagong pelikula at malaking karangalan din na makakalahok ito sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. “It is a good project, it’s a good material. Kaya lang po para sa akin, mas importante po para sa akin ‘yung sarili ko. Kasi I’m not rushing naman po eh. Hindi naman po ako nagmamadali. I mean, yes, it’s a good project, but just to say na walang darating na magandang project in the future. Para sa akin po, mas uunahin ko ‘yung sarili ko,” giit ng dalaga.

Nagpapasalamat si Nadine sa pamunuan ng Viva dahil naunawaan siya sa ginawang desisyon. “They completely understand. Parang sabi ko, ‘Gusto ko po magpahinga.’ Kasi sobrang exhausting naman po talaga ng dalawang magkasunod na movies and promo pa also. Naintindihan naman po nila and they understand kung gaano naging ka-hectic ‘yung schedules ko these past few months. I mean, ever since na nag-start ‘yung year, sunud-sunod na po ako. They felt that I needed a break, too,” pagbabahagi niya.

Kumpirmadong si Bela Padilla ang pumalit sa aktres upang magbida sa nasabing proyekto. Masaya umano si Nadine dahil si Bela ang napiling pumalit sa kanya.  “I’m happy because Bela is a good actress, also a good writer. She takes what she does seriously and she loves it. Okay lang naman po, I’m happy that it’s Bela,” pagtatapos ni Nadine -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN, NADINE IN A FILM PROJECT TOGETHER

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

LUMALAKAS ngayon ang request ng mga fans na pagsamahin sa isang proyekto sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo since sila ngayon ang parang pinagtatapat na parang Nora Aunor at Vilma Santos daw noon.

Nauna nang nabigay ng pahayag si Nadine tungkol dito nang matanong siya sa presscon ng Indak. Aniya ay willing naman siyang makasama si Kathryn basta’t maganda ang materyal.

Kasunod nito ay si Kathryn naman ang nakunan ng reaksyon in her recent interview at sey niya, wala rin naman daw siyang problema sa possible collaboration with Nadine in the near future. Basta ba bagay daw sa kanilang dalawa ang project ay okay sa kanya.

“Game ako, basta may magandang materyal, okay sa VIVA Artist, okay sa Star Magic. Kasi may mga proseso yan, hindi naman porke’t gusto natin pwede na agad,” sey ni Kahryn sa naturang panayam.

“Pero kung ako personally, basta may magandang materyal, Yes! Kasi ito ngang kay Alden nagawan naman natin ng paraaan, what more ito na pareho kaming nasa ABS-CBN, sabi ko nga ‘hello to opportunity this year’ so yeah I’m open naman,” dagdag pa ng aktres.

Syempre natuwa naman ang kanilang mga fans at wish nila na magkatotoo ito.

JENNYLYN REMAINS AS KAPUSO

Last July 26 ay nag-renew na nga ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ng kanyang exclusive contract sa GMA network.

Present during the contract signing were GMA Network Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon; Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong; Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable; Vice President for Drama Productions Redgie A. Magno; Vice President for Business Development and Department III Darling de Jesus-Bodegon; Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara; Assistant Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; Senior Program Managers Ali Nokom Dedicatoria, Cathy Ochoa Perez, and Charles Koo; and Jennylyn’s manager Katrina Aguila.

“Iba magmahal ‘yung GMA. Parang pamilya, nararamdaman ko ‘yung pagmamahal nila at suporta nila. Sa loob ng 16 years na ‘yun, ang dami kong ups and downs, pero talagang nandiyan sila at hindi nila ako pinabayaaan. Pakiramdam ko hindi ko masusuklian ‘yung pagmamahal at suporta nila sa akin,” Jennylyn shared.

The prime Kapuso actress is extremely grateful to everyone who has been supporting her for many years.

“Hindi ko ma-explain, kakaiba ‘yung pakiramdam pag nakikita mo sina Mr. Gozon, Ms. Lilybeth, at Mr. Yalong. Parang magulang talaga. Iba ‘yung yakap. Parang na-miss ko ‘yung nanay at tatay ko, ganoon ‘yung pakiramdam. Pag nandiyan sila, nararamdaman ko ‘yung pagmamahal nila. Ibang klase ‘yung warmth. Matagal ko na silang kasama and hanggang ngayon hindi pa rin sila nagbabago.”

Jennylyn, who is a living paragon of StarStruck’s success, embodies what a true homegrown Kapuso is. The multitalented and award-winning actress shows no signs of stopping as she is also known to be a charming host, in demand commercial model and entrepreneur, and an effective influencer up to this day.

Mula sa pagiging teenage superhero in Super Twins to her bida-kontrabida character as a woman with multiple personalities in Rhodora X, to her comical portrayal of Steffi in the Pinoy remake of My Love from the Star – pinatunayan ni Jennylyn ang kanyang versatility as an actress in the entertainment industry.

At present, she plays the role of Raffy in GMA’s hit primetime series, Love You Two and is also the host of the seventh season of GMA’s original reality-based artista search,StarStruck.

During the contract signing, Atty. Gozon expressed his utmost appreciation over Jennylyn’s unwavering loyalty towards the Kapuso Network.

“We are so proud that as the first winner in our StarStruck program, you have reached the pinnacle of success in your craft as a Kapuso. Your passion and dedication are admirable, that is why you are now known as the Ultimate Female Survivor. We are grateful that you have chosen to remain as a Kapuso,” pahayag ni Atty. Gozon.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE HAPPY FOR JANE

(NI ROSE GARCIA)

ANG Star Magic artist na si Jane de Leon ang inianunsiyo na bagong Darna, pero kasunod ng pagti-trending ni Jane, nag-trending din si Nadine Lustre dahil marami pa rin sa netizens at fans ang umaasa pala na si Nadine ang mapipili bilang bagong Darna.

Masaya naman si Nadine na sa ganung aspeto talaga siya tinitingnan ng netizens, pero sey niya, never naman daw siyang nag-expect talaga at masaya siya para kay Jane.

“It’s nice po na ako ang nakikita nila. In the very beginning naman po, like what I said, I was never expecting and I didn’t auditioned naman po.

“It’s nice na si Jane (de Leon) ang nakuha. I see her a couple of times, common friends. It’s nice na siya po ang bagong nakuha,” positibo ngang sagot niya.

Nakausap namin si Nadine sa mediacon ng bago niyang movie under VIVA Films, ang “Indak” na ipalalabas na sa August 7.

Ang leading man ni Nadine sa movie ay si Sam Concepcion and from the title itself, mukhang sinigurado naman ng director na si Paul Alexei Basinillo na mapapa-indak talaga ang manonood.

Yun nga lang, coming from winning two Best Actress award from Urian at Eddys, may pressure na dapat sustain pa rin ang husay na maipapakita sa Indak.

“Well, honestly, kung lalagyan ko po ng pressure, ako lang ang mahihirapan. Kasi, at the back of my head po, iisipin ko lang na kailangan kong gawin ang ganito, kailangan kong higitan o mapantayan ang mga projects, siyempre, mahirap din po para sa akin.

“As much as possible, tulad po ng Indak, kasi ito yung project after ng i-announce yung mga awards, enjoy lang.

“Ang importante, as long as you love what you’re doing and hindi mo dina-doubt yung worth mo, yun lang naman po ang importante.”

Aminado naman si Nadine na may awkwardness sa kanila ni Sam noong umpisa lalo na kung medyo intimate ang scene dahil sa tagal na nilang sobrang close na magkaibigan pero nawala rin daw yun agad at bilang mga actors, inisip na lang nila ang character na ginagampanan.

RURU EMO RECORDING ARTIST

Naging emosyunal daw si Ruru Madrid habang nire-record niya ang mga kanta niya para sa magiging album. Although, tulad ng uso na ngayon na maglalabas muna siya ng dalawang digital single, ang “Nawawala” at “Maghihintay.”

Pumirma si Ruru sa GMA Records noong July 10 at looking forward na nga raw ito sa pagsisimula ng kanyang singing career.

Dumalo sa contract signing sina GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Artist Center Senior Talent Manager Vic del Rosario, GMA Music Managing Director Rene Salta, at GMA Music A&R Manager Kedy Sanchez.

Bukod sa pag-arte, hilig din ni Ruru ang musika. Ibinahagi ng aktor na malaki ang naging impluwensya ng kaniyang pamilya sa interes niyang ito dahil karamihan sa kanila ay mga musikero.

“I am very happy. Ever since I started in show business, naging pangarap ko talaga magkaroon ng kanta. This is my first love and nakakataba ng puso na ngayon, magkakaroon na ako ng sariling mga kanta.”

Please follow and like us:
Read More

MAINE VS NADINE VS KATHRYN VS JENNYLYN…  AS  DARNA

DARNA12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ANG pagba-back-out  ni Liza Soberano sa pelikulang Darna ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz. Inanunsyo ng aktres ang kanyang withdrawal sa nasabing proyekto sa panayam niya kay MJ Felipe na umere sa TV Patrol last Thursday night.

Ang injury na tinamo ni Liza sa finger last year habang ginagawa ang Bagani ang naging dahilan ng kanyang pag-atras na matagal na raw na tini-treat pero up to now ay hindi pa rin ito maayos and she’s still undergoing therapy bukod pa sa dalawang beses na raw siyang inoperahan.

Nagbigay na rin ng official statement ang ABS-CBN and Star Cinema regarding this stating na naiintindihan at nirerespeto nila ang kundisyon at desisyon ng aktres.

Dahil dito ay open nang muli ngayon ang Darna role para sa mga aktres nating nangangarap na makaganap ng iconic character na likha ng yumaong magaling na nobelistang si Mars Ravelo.

Ang dami na namang lumilitaw na pangalan ngayon kung sino ang pwede sa role. Nag-trending pa kahapon sa Twitter Phillipines ang hashtag na #BagongDarna at kanya-kanyang suggestions ang netizens.

Nagpa-survey din si Eric John Salut ng ABS-CBN kung sino ang best choice ng netizens para maging bagong Darna.

Ang daming sumagot ng Maine Mendoza, Nadine Lustre, Kathryn Bernardo and Jennylyn Mercado. May mga nagbanggit din ng names nina Maja Salvador, Julia Montez, Pia Wurtzbach, Catriona Grey, Yassi Pressman, Loisa Andallo at Maymay Entrata. Ang iba ay sinasabi namang ibalik na lang daw kay Angel Locsin ang Darna.

Bukod kay Jen at Maine, may nagru-root din kina Sanya Lopez at  Andrea Torres na mga Kapuso actresses din.

Ang nakakatuwa, nilalagyan na nila ng costume ni Darna ang kani-kanilang bet para ipakitang bagay ang mga choices nila for the role.

Kung kami ang tatanungin, eversince ay dalawa ang gusto naming aktres for the role. Magkaibang star for Darna and Narda para mas bongga. Pwedeng si Nadine for Darna at Kathryn for Narda or vice versa. Kailangan lang ay equal ang exposure gayundin ang mabibigat na scenes or pwedeng at one point ay gawan ng paraan na pareho silang magsuot ng costume para walang lamangan.

Pero sinuman ang mapili, iisa lang ang sure na naman, magtatagal na naman ang proyekto bago mag-materialize again dahil fresh start na naman ito for the production at kinakailangang sumailalim na naman sa matagalang rigid training ang mapipili.

Ito yata ang Darna movie na nakita naming talagang nagkaroon ng maraming problema at napaka-kontrobersyal since from the start. Just when everybody thought na okay na, bigla na namang magkakaroon ng panibagong aberya.

                                 GARY ‘DI PABOR NA IBROADCAST ANG MGA ADIK SA SHOWBIZ

Hindi pabor si Gary Valenciano na i-broadcast pa ang pangalan ng mga artistang nasa narco-list or drug watch list and instead, mas gusto niyang mabigyan muna ng tulong ang mga ito mula sa gobyerno.

“Right now, I think there’s a whole list of people, more than artist na hindi rin alam ng ibang tao,” pahayag ni Gary V. nang makausap namin last Wednesday sa presscon niya with Jona and Katrina Velarde para sa kanyang US concert tour ngayong Abril.

“So, I think that in this case, if I were the government, I would exhaust all efforts to either help, rehab anyone that in involved in it, but they personally need to know your name, alam na ng government, because the government is also doing efforts to lessen the use of it.

“It’s important na rin siguro for people who are on the list to know that they are on the list but it doesn’t have to be (broadcasted). Because again, that doesn’t change anything, eh, it doesn’t change the practice, eh. Mas lalo pang itatago siguro,” patuloy ni Gary.

Naniniwala rin siya sa pagbibigay ng another chance sa mga taong ito at kailangan lang talagang mag-reach out ang gobyerno para mabigyan ang mga ito ng tulong.

Samantala, matapos ang kanyang dalawang operasyon sa puso at sa kidney last year, Gary V. is back at the international scene. He’s having his US concert tour this April titled “He’s Back: Gary V US Tour.”

Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at susundan ito ng mga shows sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; sa Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; sa Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos ito sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.

Kasama ni Mr. Pure Energy sa concert tour ang award-winning na musikerong si Mon Faustino bilang musical director at at kanyang mga espesyal na panauhin na sina Fearless Diva Jona at Suklay Diva Katrina Velarde.

 

Please follow and like us:
Read More

NANINIWALA BA SINA NADINE, CARLO AT MARCO SA TIKBALANG?

ulan

(NI ISAH V. RED)

SA mediacon ng Ulan nung nakaraang linggo, tinanong ng ilang mga writer at blogger kung naniniwala si Nadine Lustre, Carlo Aquino, at Marco Gumabao sa mga kwento ng mga nakatatandang tao tungkol sa tikbalang?

Hindi kataka-taka kung ang sagot ng tatlo ay “ naniniwala po akong hindi lang po tao ang nakatira sa mundo,” pero hindi tahasang sinabi kung kabilang na ang mga tikbalang dito.

Matapos ilabas ng VIVA Films ang railer ng Ulan noong ika-8 ng Pebrero, bumuhos agad ang suporta mula sa mga netizens.  Naging #1 sa trending topics ang #UlanTrailer.  Nag-trend din sina Maya, Nadine Lustre, Carlo Aquino, at Direk Ayrin – mga pangunahing personalidad nitong much-awaited movie ngayong summer.

Isang romantic drama, ang Ulan ay tungkol kay Maya na lumaki sa piling ng kanyang lola.  Unang namulat si Maya sa mga tikbalang noong siya’y bata nang biglang umulan habang sumisikat ang araw.  Ayon sa kanyang lola, ito ay dahil may kinakasal na tikbalanag at tutol ang langit sa kanilang pag-iibigan.

Lumaki si Maya na hopeless romantic.  Nagtatrabaho siya sa isang publishing company bilang  editorial assistant.  Dalawang beses na siyang na-in love at nasaktan.  Makikilala niya si Peter, mabait, matulungin, thoughtful at boyfriend material.   Ngunit tuwing may magandang nangyayari kay Maya, biglang bumubuhos ang ulan.  Ito ba ay isang masamang pangitain?  Pahiwatig ba ito ng langit na kapalaran niya’y magiging mapait?

Si Maya ay ginagampanan ng Multimedia Princess na si Nadine Lustre.  Ayon kay writer-direktor  Irene Emma Villamor personal choice niya si Nadine dahil ito ay “modern Filipina and really has that depth to understand concepts like this.  And brave enough to plunge in to a role of Maya.”

Simula pa lamang, pinakita na ni Nadine ang dedikasyong pag-aralan ang kanyang papel at magkaroon ng koneksyon sa kanyang director.  Kwento ni Direk Irene, “Nadine and I sat on the first day of shoot and we talked for almost an hour, naka-costume na siya nun, ready for blocking na. But I had to pause and we just sat away from the crowd and talked about the bigger things in life. About what this movie means to me and to her. About our nervousness.  And I said to her this is going to be our journey together, because Maya has been there with me since I was young.”

Taong 1999 noon, sa isang Film class nang binuo ni direk ang isang 5-minute narrative tungkol sa batang nagngangalang Maya. “Her dream was to climb a tree in their backyard,”  ayon kay direk, “but her mother would always catch her and reprimand her.”  Dumating ang araw na naakyat niya rin ang puno at bumungad ang napakagandang view.   “Roofs of different corrugated, rusty metals, top of other trees, some birds. And she was wishing her mother could also see it,” ang pagsasalarawan ni direk.

“That was really the germ of the character Maya, and she never left me since,”  pagdiriin ni Direk Irene na siyang gumawa ng blockbuster movies na  “Camp Sawi”, “Meet Me in St. Gallen”, at “Sid & Aya: Not a Love Story.”

“She evolved into a short story when I was already a script continuity supervisor under        Direk Joyce (2004-2005).  By this time, I was reading Gabriel Garcia Marquez and Allende stories – all those fantastic stories with magic realism elements.  So I wrote about Maya seeing tikbalangs, and the mother became the Lola.  And I love the rain so nagsama-sama na siya sa utak ko.”

“Direk Joyce caught me writing and read what I wrote and said to turn it into a screenplay so I did,” pagtatapos niya sa kanyang kwento.   Ang Ulan ang kanyang unang screenplay.  Samantala, si Bb. Joyce Bernal ang Creative Producer ng pelikulang ito.

Ang pagkuha kay Carlo Aquino para gumanap bilang Peter ay naging madali lamang.  “We had breakfast just to talk about the role, and he said nakwento ko na sa kanya dati yung concept so of course he’ll do it.  Wala nang pitch pitch,” sabi ni Direk Irene.

Pinuri niya ang award-winning actor dahil sa husay nitong unawain at maging connected sa kanyang karakter.  Dagdag pa ni direk, “He makes my job so much easier because I don’t explain a lot when I talk to him. There’s a click that happens and there he is, right there being Peter.”

Sina Marco Gumabao at AJ Muhlach ang gumaganap bilang mga dating nakarelasyon ni Maya.

Ang batang Maya ay ginagampanan ni Ella Ilano.  Si Ms. Perla Bautista naman bilang lola.

Ang paggawa ng rain effect at ng magiging itsura ng tikbalang ang naging malaking hamon para sa production team.  “Our tikbalang took 3 (look) tests just to decide on what is best,” lahad ni direk.

Ito ang kanilang naging konsiderasyon –  “Sino ba ang nakakita na ng tunay na tikbalang? Di ba si batang Maya? So ano itsura no’n?”   Sa huli, nakahanap sila ng inspirayon sa mga artisano na gumagawa ng paper mache sa Pila, Laguna kung saan sila nag-shoot ng pelikula.  “We decided on that look and acknowledge the crudeness and the innocence of it all,” sabi ni direk.

Grateful and proud si Direk Irene na maipalabas ang ganitong klaseng pelikula sa mainstream.  Ayon sa kanya, “Hindi biro ang sugal ng VIVA (for producing) and N2 (for line producing)…We were doing something different… I have all these people in the production na ka-kapit kamay at laging susubok at hindi takot magkamali – my staff and cast.”

Ang Ulan ay produkto ng labis na pagmamahal at pagsisikap sa trabaho. Kasama sa team ang award-winning cinematographer na si Neil Daza.

Ang ‘90s classic song ng Rivermaya na “Ulan” ay ni-revive ni OST Princess, Janine Teñoso bilang official theme song ng pelikula.  Kasama rin sa soundtrack ang “Heto na Naman” ni Rice Lucido.

Para kay Nadine Lustre, na tumanggap ng maraming papuri dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang “Never Not Love You”, ito ay bagong pagkakataon na magningning sa labas ng kanyang love team.  Sabi niya sa isang panayam, “I’m really, really excited kasi maganda talaga ‘yung story; it’s more about self-love.”

Kung paano linangin ni Maya ang pagmamahal sa sarili habang nilalahad ang kanyang buong kwento ay talaga ngang kaabang-abang.

‘Wag palalampasin ang Ulan sa mga sinehan sa buong bansa simula March 13, 2019.

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More