NADINE TO FOLLOW THE LEAD OF LIVE-IN BF JAMES

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

TOTOO ba ang tsismis na hinihintay na lang ni Nadine Lustre na matapos ang kanyang kontrata sa Viva at susunod na rin siya sa kanyang boyfriend na si James Reid?

Noong una ay iyan na ang hinala ng marami, pero baka nga napigil din si Nadine out of utang na loob dahil hindi naman maikakaila na discovery siya at nagsimula ang kanyang career sa Viva. Pero may nagsasabi namang sumikat lang siya nang husto nang itambal na nga siya kay James Reid. Nang hindi na rin si James ang kanyang partner, naghilahod na sa takilya ang kanyang mga pelikula.

Kaya ngayon, marami ang naniniwala na ilang panahon na lang, mawawala rin doon si Nadine. Iyon ba ang dahilan kung bakit inalis na rin siya sa festival movie niya?

MGA DAGOK SA LGBTQIA COMMUNITY

Sunud-sunod na dagok yata ang dumating sa LGBT plus-plus nitong mga huling araw, dahil bukod sa ibinasura na ng Korte Suprema ang petisyon ng nagpakilalang baklang si Atty. Jesus Falcis sa isang en back session sa botong 15-0, sinabi rin naman ni Senate Presidente Tito Sotto na imposibleng lumusot sa senado ang SOGIE bill na inilalakad din nila.

Ang dahilan naman ni Sotto, ang panukalang batas ay hindi para sa pangkalahatan kungdi sa isang particular sector lamang ng mga bakla at tomboy. Inamin din niyang maraming senador ang tutol sa panukalang batas.

May comment pa nga si Senator Nancy Binay na noon daw na-discriminate din siya dahil sa kulay niya, at itinatanong niya ay kung kailangan din bang magsampa siya ng panukalang batas para sa mga kagaya niyang maiitim ang complexion?

Sa showbusiness, kung saan sinasabing mas nakararami ang LGBT ay hati rin ang opinion. Marami ang nagsasabing “oo bakla ako pero alam ko kung saan ako dapat lumugar”. Ganoon din ang sinabi ng tomboy na si Jake Zyrus na bagama’t ngayon ay tinutubuan na ng bigote at wala na ring dibdib ay nagsabing “biologically babae pa rin ako”.

Mayroong opinion na mas matindi, kagaya nga ng kay direk William Mayo na nagsabing sana magkaroon din ng batas sa Pilipinas kagaya sa South Africa kung saan ang kabaklaan ay isang krimen, o isang batas kagaya sa Malaysia kung saan krimen din ang “sodomy”, na dinugtungan pa niya ng comment na “ang saya saya”.

Pero bakit nga ba masyadong pinag-aawayan iyang mga bakla at tomboy dito sa Pilipinas?

 

Please follow and like us:
Read More

SUNUD-SUNOD NA BEST ACTRESS TAPOS FLOP ANG PELIKULA

(NI GORGY RULA)

MAHIGIT kalahating bilyon na ang kinita ng Hello, Love, Goodbye na dalawang linggo na sa mga sinehan.

Patuloy pa rin itong nagpapakita ng lakas sa takilya, dahil ang dami palang mga nag-uulit na panoorin.

Domestic gross pa lang iyun, at hindi pa kasali ang mga international screenings talagang dinadagsa pa  rin daw ng mga manonood.

Kaya malaki raw talaga ang posibilidad na maabot nito ang record ng The Hows of Us.

Kasabay nang pananalasa sa takilya ng HLG, meron namang pa-hashtag ngayon ang mga JaDine fans ng #JusticeforIndak.

Ang pagkakaintindi ko lang sa hashtag na iyun ng mga fans ni Nadine ay nawawalan na raw sila ng mga sinehan, dahil ibinibigay na raw sa ibang pelikula na ang karamihan ay ibinalik pa sa HLG.

Obvious naman kung bakit nawawalan na sila ng mga sinehan, dahil mahina talaga at hindi na pumalu-palo nung weekend.

May iilang sinehan pa namang naiwan sa Indak nina Nadine Lustre at Sam Concepcion pero slide na lang ang iba.

Nakalulungkot talaga ng sinapit nito sa takilya na tila hindi naman inalagaan nang husto ng Viva Films.

Ang latest na narinig namin, magbabakasyon daw muna si Nadine.

Hindi lang kinlaro kung saan siya pupunta at kung gaano katagal, pero tama ngang ibakasyon muna niya para ilabas muna lahat na mga kamalasan na tinamo ng mga pelikula.

Sayang kasi, dahil sunud-sunod pa naman siyang nag-Best Actress, tapos flop naman ang mga pelikula niya.

Kaya dapat merong magandang maisip ang Viva para makabawi na si Nadine.

Nakakapanghinayang naman kasi ang galing niyang umarte.

REP. ALFRED, SHAINA & CO. MUNTIK MA-STRANDED SA HK AIRPORT

Nalagpasan ng team ni Cong. Alfred Vargas ang gulo sa Hongkong nang mag-shooting sila roon para sa pelikulang MNL/HK/NY na working title nito.

Kasama ni Alfred na nag-shoot doon si Shaina Magdayao under the direction of Mac Alejandre.

Apat na araw daw silang nag-shoot doon na ilang beses ding naantala dahil sa kabi-kabilang protest rally na ginagawa roon.

Mabuti at cooperative naman daw ang mga kababayan nating OFW na nagtatrabaho roon, kaya nakunan nila ang mga mahahalagang eksenang dapat kunan.

Medyo tensyonado na raw sila nung nakaraang Lunes, August 12 dahil kailangang makabalik na sila ng bansa.

Natatakot na raw silang baka ma-cancel ang mga flights at stranded na sila roon.

Buti na lang daw maaga ang nakuha nilang return flight at nakalipad na sila bago nakansela ang mga flights.

“Pagdating ko ng bahay, nakatulog agad ako sa sobrang pagod,”text sa kin ni Alfred.

Marami pa raw siyang ikukuwento kapag magkita kami.

Susubukan pa naming kapanayamin sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Kasali rin sa pelikula si Iza Calzado, at mabuti na lang daw hindi siya kasali sa  mga eksena sa Hongkong, at kung nagkataon baka doon daw siya sa Hongkong mag-birthday.

Next week na raw siya lilipad patungong New York para ipagpatuloy ang shooting nila roon.

Excited si Cong. Alfred sa project na ito dahil ang ganda raw ng kuwento na sinulat ni Ricky Lee.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE: HINDI NAMAN PWEDE NANGHUHULA LAGI ANG PARTNER MO

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MAINIT pa ring pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng show business ang paghihiwalay bilang magkasintahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia at Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Para kay Nadine Lustre ay malayong humantong sila ng kasintahang si James Reid sa hiwalayan dahil sa ilang mga sikreto. “Communication, trust. Kailangan may tiwala kayo sa isa’t isa, ‘yon lang naman, communication,” bungad ni Nadine.

Matatandaang February, 2016 nang umamin sina James at Nadine na opisyal na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Mula noon ay marami na ring napagdaanang pagsubok ang dalawa pero nananatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. “’Yon ang pinakamahalaga kong natutunan sa relationship ko with James. Kahit ano pa ang nararamdaman ko kahit nakakahiya, kailangan sinasabi mo talaga. Hindi naman pwede nanghuhula lang ang partner mo palagi,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, makakasama namin si Nadine bilang hurado sa pinakabagong reality show ng ABS-CBN na ‘Your Moment.’ Inaasahang ipalalabas sa Kapamilya network ang bagong programa sa pagpasok ng 2020. “I’m super excited. I really love working with Tito Boy. I’m just really honest ‘pag nagja-judge and with our show, parang it’s more of entertainment. Ako, I love being entertained. So kung ano ‘yung nararamdaman ko, sinasabi ko lang naman,” nakangiting pahayag ng aktres.

Nakaranas ng online bashing si James noon mula sa netizens  sa pagiging isa sa mga hurado ng ‘Search for the Idol Philippines’ na nagtapos kamakailan. Umaasa na si Nadine na siya naman ang makararanas ngayon ng mga pinagdaanan ng kasintahan. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE UUNAHIN ANG HEALTH SA PAGGAWA NG MOVIE

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

“PAGOD” ang dahilan ni Nadine Lustre kung bakit nagdesisyon siyang hindi na gawin ang Metro Manila Film Festival entry na Miracle In Cell No. 7” na pagsasamahan sana nila ni Aga Muhlach.

Sa interview ng ABS-CBN sa aktres, sinabi niyang pangatlong movie na raw kasi niya this year if ever ang nasabing MMFF entry and she felt that she needed a break.

“Kasi medyo na bu-burnout na din po ako kasi naka-dalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po na gumawa ng pelikuka kasi other than shooting, meron pang promotions,” she said.

At dahil nga MMFF film pa ang Miracle in Cell No. 7, baka raw mas maging hectic pa ang schedule at baka mas lalong mahirap for her.

Bagama’t nanghihinayang din daw siya dahil napakagandang project nito, ang mas importante raw kasi ay ang health niya. Hindi naman daw siya nagmamadali at may mga darating pa naman daw sigurong magandang project for her in the future.

“Para sa akin, uunahin ko lang ‘yung sarili ko and health ko,” say pa ng aktres.

Naintindihan naman daw ng Viva Films ang kanyang sitwasyon dahil alam din naman daw ng kanyang management na talagang sobrang naging hectic din ang schedule niya for the past few months.

Happy naman daw siya na si Bela Padilla ang pumalit sa kanya dahil magaling daw itong aktres.

KEN AT RITA NAG-TAPING NA NG ONE OF THE BAES

Nag-first taping day na pala sina Ken Chan at Rita Daniela ng bagong soap nila sa GMA-7 na One of the Baes. Makikita nga sa mga post ng aktor sa kanyang Instagram account na new look siya para sa kanyang role sa nasabing serye.

Ginagampanan ni Ken sa bagong soap ang isang environmental blogger na si Grant at talagang nagpa-dye pa siya ng hair para maiba naman ang kanyang looks.

Ayon kay Ken sa isang panayam, si Rita raw ang pumili ng bagong hair color niya na gray na puring-puri naman ng netizens dahil bumagay daw sa kanya.

Gagampanan naman ni Rita ang papel na marine student na si Jowa at tulad ni Ken, new look din siya sa bagong serye.

Para sa bagong serye ay nag-shoot pa ng dance video sina Rita at Ken habang sumasayaw sa gitna ng EDSA. Ilang sandali lang matapos itong i-post sa Facebook ay nag-viral na agad ito at sa ngayon ay umaabot na ng mahigit 1M ang views nito which is a clear proof na talagang malakas ang tambalang RitKen.

Sa September na ang airing ng One of the Baes at kasama rin dito sina Roderick Paulate, Edgar Allan Guzman, Archie Alemania, James Teng, Buboy Villar, Jestoni Alarcon, Tonton Gutierrez at marami pang iba.

 

Please follow and like us:
Read More

TIKOM ANG MGA BIBIG NI GERALD

MAY mga nakalulusot na kuwento sa amin mula sa ilang taong malapit kina Gerald Anderson at Julia Barretto na meron na raw talagang namamagitan sa kanila. Pero hindi raw totoong break na si Gerald kay Bea Alonzo, pero nagkakalabuan lang daw.

Kaya lang, hindi na nakontrol ang mga pangyayari pagkatapos mag-post ni Bea sa kanyang Instagram account at kumalat na rin ang mga kuhang magkasama sina Gerald at Julia.

Ayon sa ilang nagkuwento sa amin, hindi raw talaga magsasalita si Gerald kaugnay sa isyung ito.

Kahit lumalabas na siya na ang masama at hindi naipagtanggol ang sarili, wala raw siyang sasabihin tungkol dito.

Kahit nga si Bea ay hindi rin daw magsasalita, at tama na raw muna iyung mga ipinu-post niya.

Ang dami lang nakisakay ngayon sa isyung ito, lalo na’t pinapansin at pini-pick up ang post nila sa social media.

Isang pinsan ni Bea ang nakisakay pati ang kaibigan nito na inalipusta nang husto si Gerald sa social media pero deadma pa rin ang aktor.

Pati si Gretchen Barretto ay may drama pang nagpadala ng bulaklak kay Bea.

Kanya-kanyang eksena sa mainit na isyung pinag-uusapan.

BELA IPINALIT KAY NADINE NA MAY SAKIT

Sayang at hindi na pala si Nadine Lustre ang makakasama ni Aga Muhlach

sa MMFF entry ng Viva Films na Miracle in Cell No. 7.

Ito ang isa sa kuwentong nasagap sa launching ng Metro Manila Summer Film Festival na ginanap sa MMDA nung nakaraang Huwebes nang hapon.

Mula sa Executive Committee ng MMFF ang nagpahayag na nag-beg off na raw si Nadine sa project na ito.

Ang sabi sa pormal na request na ipinadala ng Viva; “due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.”

Doon na rin nila isinumite ang pangalan ni Bela Padilla bilang kapalit kay Nadine.

Tinanggap naman ng Execom ng MMFF na si Bela na ang kapalit.

Ang sabi nila; “We believe that Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film’s artistry and commercial success.”

Samantala,  pormal na ring inilunsad ang isa pang MMFF na panukala ni Sen. Bong Go.

Ginawa na nilang summer sa taong 2020.

Magsisimula ito sa Black Saturday next year na madalas may malaking Pinoy film na ipinapalabas sa araw na yan.

Kaya ang nakakaloka, Lenten season nagtatrabaho ang mga artistang may pelikulang kalahok at hindi na makapagbakasyon. Hindi na rin makapag-observe ng Holy Week dahil aligaga pa sila sa pagpu-promote niyan.

Magsisimula kasi ang festival sa isang parada na gagawin nilang Palm Sunday, at magsisimula ang showing ng Black Saturday.

Labing-isang araw na mapapanood ang walong pelikulang kalahok sa mga sinehan, at sa pang-limang araw ng festival na tatama sa April 15 ay ang Gabi ng Parangal.

Sana maganda ang kalalabasan nito, kaya excited ang mga producers na sumali sa bagong filmfest na ito.

May isang sikat na aktor na ngang kumausap sa aking interesado siyang sumali.

Matagal na rin siyang hindi nakakagawa ng pelikula, kaya gusto na niyang bumalik.

Ang gusto raw ng namumuno nito, ang MMDA, MMFF Execom at CEAP o Cinema Exhibitors Association of the Philippines, mga pelikulang pampamilya at youth-oriented film ang gusto nilang mga pelikulang mapapanood sa MMSFF o Metro Manila Summer Film Festival.

Kasali pa rin kaya rito ang FDCP ni Chairman Liza Dino na meron namang Pista ng Pelikulang Pilipino na pinasimulan?

 

 

Please follow and like us:
Read More

VIVA: MAS BOX OFFICE STAR SI BELA KESA KAY NADINE 

bela

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MAS lalong tagilid si Nadine Lustre sa ngayon. Hindi na siya matutuloy doon sa pelikulang kasama si Aga Muhlach, kasi nga may sakit daw siya at baka hindi rin magawa nang maayos ang role. Pero may isa pang matinding dahilan na sinabi nila kung bakit pinalitan siya ni Bela Padilla sa nasabing project.

Mas kumita raw ang mga pelikula ni Bela Padilla, ayon mismo sa kanilang producer. Sinabi pa nilang noong itambal si Bela kay Carlo Aquino doon sa Meet me at St.Gallen kumita ang pelikula ng P90 milyon. Noong kay Nadine na itinambal si Carlo doon sa Ulan, at natatandaan namin kasama pa roon si Marco Gumabao, P30 milyon lang daw ang kinita nila. Maliwanag sa ginawang comparison na sapal na sapal si Nadine kay Bela pagdating sa box office.

Nanghihinayang kami kay Nadine. Isipin ninyo, sa taong ito ay naging best actress siya nang tatlong ulit at ang mga awards na nakuha niya ay mula sa mga credible na award giving bodies. Siguro kung may mga pelikula mang mahina si Nadine, baka naman may ibang naging problema. Palagay namin ang isa pang dahilan, masyado kasi siyang naging identified sa love team nila ni James Reid. Kaya nga siguro hindi siya click kung iba na ang leading man.

Ang naging usapan nga noong isang gabi, kung iyong pelikula niyang katambal si Carlo Aquino ay kumita lamang ng 30 milyon, batay sa sinabi ng kanyang mga producers mismo, ano na lang kaya ang kikitain ng pelikula niyang ang leading man ay si Sam Concepcion? Tiyak na mas mababa pa ang kikitain niyan, at ngayong hindi pa naman maipipilit at hindi pa naman pala maipapatupad iyong pagbabawal sa slide screening, at pilit na pagpapalabas ng mga pelikula sa sinehan ng pitong araw, baka tatlong araw ay mag-goodbye na iyan sa mga sinehan.

HIRAP TAPATAN CASTING NG THE KILLER BRIDE: MAJA , JANELLA, GEOFF AT JOSHUA

Ang location mga lumang bahay na parang turn of the century ang dating, tapos isang napakalawak na banana plantation. Doon pa lang sa location matutulala ka na sa ganda. Tapos bibigyan ka pa ng casting na Maja at Janella Salvador, Geoff Eigenmann at Joshua Garcia. Iyong support lang, sina Jobelle Salvador, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Lara Quigaman, Ariella Arrida at marami pang big stars, hindi ka ba mahihilo noon.

Siguro kung pelikula lamang iyang Killer Bride, sasabihin mong isang high-budget super production iyan. Tatalunin niyan kahit na anong pelikula pa ang makasabay. Pero hindi eh, serye siya sa telebisyon. Luluha ng bato ang seryeng makakatapat niyan. Iyong kuwento pa,tungkol sa isang babaing naparusahan nang walang kasalanan, at nagbantang babalik matapos mamatay, aba eh iyan ang hinahanap ng mga Pinoy. Alam naman ninyo ang mga Pinoy, mahilig sa ganyang medyo horror.

Ang hirap nga siguro kung iyang Killer Bride na iyan ang makakasabay mo. Sa casting pa lang tiyak na talo ka na. Sa location at content, hindi mo masasabayan. Baka naman kung ilalabas iyan tapatan na lang nila ng cartoons, after all hindi sila mananalo sa ganyang klase ng serye.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BOX OFFICE-WISE MAS SIKAT SI KATHRYN KAY NADINE

(NI ED DE LEON)

KUNG box-office ang batayan kung sino ang mas sikat na artista, na tama lang naman. Aba eh masasabi nga namin na mas sikat si Kathryn Bernardo kaysa sa sinasabing kalaban niyang si Nadine Lustre. Hindi maikakailang si Kathryn ang leading lady ng pelikulang sinasabing box office record holder of all time. Hindi pa iyan naabot ni Nadine.

Ngayon, iyong pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, tiyak namang mas kikita nang malaki kaysa sa pelikula ni Nadine Lustre na ipalalabas kasunod noon.

Kung sa box office ang usapan, walang contest sa pagitan nina Kathryn at Nadine.

 

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE ON KATHRYN: ‘HINDI NAMAN KAMI NAG-AAWAY!’

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

WALANG problema kay Nadine Lustre kung sakali mang magkasama sila ni Kathryn Bernardo sa isang pelikula.

Para kay Nadine ay may posibilidad na mangyari ito kapag nakatanggap siya ng alok mula sa pamunuan ng Star Cinema.

“Bakit naman po hindi, di ba? Kung mayroon namang magandang material para sa aming dalawa. I mean hindi naman kami (magka-away), okay naman po kami eh.

Hindi naman kami nag-aaway in real life. So I guess, okay naman,” nakangiting pahayag ni Nadine.Matatandaang nakasungkit ng Best Actress awards ang aktres mula sa Famas at Gawad Urian para sa pelikulang ‘Never Not Love You.’ Si Kathryn naman ay nanalo ring Best Actress sa PMPC Star Awards at The Eddy’s kamakailan para sa pelikulang ‘The Hows of Us.’

Madalas na pinagkukumpara ang dalawang aktres kaya may  mga nagsasabing malaki ang pagkakapareho sa kompetisyon nina Nora Aunor at Vilma Santos ilang dekada na ang nakalilipas.Para kay Nadine ay nagkataon lamang daw ang pagkakapanalo nila ng Best Actress ngayong taon at hindi sila dapat palaging pinagbabangga ni Kathryn.

“I guess maybe, it’s my time lang now. I don’t think it’s gonna be forever like that. Like what I said before, iba-iba kami pero baka ngayon lang siguro ‘yung moment ko, next time iba naman,” giit ng dalaga.

Abala si Nadine ngayon para sa promotion ng pelikulang ‘Indak’ na pinagtatambalan nila ni Sam Concepcion. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa August 7. Sa susunod na Miyerkoles, July 31 ay ipalalabas na rin ang ‘Hello, Love, Goodbye’ na pinagbibidahan naman nina Kathryn at Alden Richards.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE KULANG PA SA BOX OFFICE APPEAL  

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MATAPOS sabihin ng ABS-CBN na isang baguhan nilang artista ang finally ay lalabas na Darna, at saka naglabas ng statement si Nadine Lustre na hindi naman daw siya nag-audition, at “hindi ako talagang nag-effort para sa Darna, although I am happy na may nakaisip na kaya ko iyon”.

Actually hindi talaga si Nadine ang nagsimula niyan kungdi si Erik Matti, iyong tinanggal na director ng Darna, matapos na lumabas na hindi na nga rin magagawa iyon ni Liza Soberano dahil nabalian nga ng finger. Nasabi lang naman ng dating director ng pelikula na kung siya ang tatanungin, palagay niya si Nadine ang bagay.

Pero noon pa man, sinabi naman ni Nadine na hindi siya sumali sa auditions noon. Hindi naman daw siya sinabihan ng mga managers niyang sumali, at saka bakit nga naman sasailalim sa audition na ganoon ang isang aktres na kapapanalo lamang ng tatlong mahahalagang acting awards.

Pinag-usapan lang iyan dahil nakumbinsi siyang sumigaw ng Darna doon sa blog ni Donnalyn Bartolome, pero maliwanag din namang sinabi ng sexy singer at blogger na iyon ay dahil lang sa paniwala niyang bagay na Darna si Nadine, mangyari man iyon o hindi.

Kung si Nadine nga ang kanilang kinuha, siguro masasabing malamang sa hindi na kumita ang pelikula dahil may following na rin naman siya on her own, at kapapanalo nga lang ng tatlong importanteng best actress awards.

Sa parte naman ni Nadine, kailangan sana niya ang isang pelikulang gaya nga noong Darna dahil kahit na nanalo siya ng maraming awards, medyo kulang pa siya sa box office. Hindi pa siya nakakagawa ng malaking hit maliban doon sa mga tambalan nila ni James Reid.

‘DI SAKLAW NG POWERS  NI CHAIR LIZA

Hindi na kami makapagbigay ng opinion tungkol sa kasong iniharap ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines laban sa Film Development Council, dahil nga nakasampa na iyon sa korte, sa Quezon City RTC. Hinihiling ng mga may-ari ng sine na pigilin ang pagpapatupad ng isang memorandum na inilabas ni FDCP Chair Liza Dino, na sinasabi nilang tuwirang pakikialam sa kanilang negosyo na hindi naman saklaw ng kapangyarihan ng FDCP batay sa batas na lumikha doon.

Ang giit ng FDCP, nagkaroon naman daw ng agreement. Pero lumalabas na hindi pala, kaya nga mayroon ngayong demanda laban sa kanila.

“NA-SET UP”NA MODEL ACTOR SUSPENDIDO ANG SOCMED ACCOUNT

Matapos na mabalitang hinuli ng PDEA ang model at part time actor na si Aeron Henry Cruz, sinasabing siya ay nakapag-piyansa naman daw, nakalabas na ng kulungan, at sinasabing “na-set up lang siya”. Pero walang statement mula sa part time model-actor mismo. Suspendido ang kanyang social media account. Kung sakali, kaso naman iyan at siguro pagdating sa korte, mapapatunayan naman niya kung ang pagkakahuli sa kanya ay isang set up lamang.

Ang sinasabi naman ng arresting team, nagkaroon sila ng isang linggong pag-iimbestiga bago nila hinuli ang mga suspect, pero iyong kasama niyang babae, umaming nagtutulak talaga siya ng droga “dahil sa matinding pangangailangan”. Si Aeron naman, simula sa una ay nagsasabing wala siyang kinalaman doon at nayaya lang dahil “mayroon daw inuman”.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE,  CAMEO LANG SA KOREAN FILM NILA NI AGA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KUNG ang Korean film na “Miracle in Cell No. 7” nga ang pagsasamahang movie nina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa VIVA Films, parang napakaikli lang ng role ni Nadine dito.

Ang bida talaga sa naturang Korean film na isa sa magandang Korean film na napanood namin at heartwarming talaga ay ang Tatay na mentally impaired na obviously, role ni Aga at anak nito na batang babae.

Ang character ni Nadine, since wala rin kaming makitang iba na magpi-fit sa kanya than of the character portrayed by South Korean actress, Park Shin Hye, e, sa pagkakatanda namin, sa ending na lang lumitaw.

And if MIC7 nga ang gagawin nina Aga at Nadine, they will play as father-daughter at halos wala silang interaction.

Not unless, hindi magiging faithful ang Pinoy adaptation sa original which is, nakakapanghinayang naman. At hindi ba mahigpit ang mga Koreans kung babaguhin ang pagkaka-adapt?

Ang ingay na kasi na MIC7 nga raw ang gagawin ng dalawa, maganda ang materyal for Aga, pero for Nadine, para lang itong nag-cameo.

 

Please follow and like us:
Read More

KATAWAN KO ‘TO, AKO BAHALA SA GUSTO KONG GAWIN – NADINE

(NI ED DE LEON)

HINDI na nakapagpigil si Nadine Lustre at sinagot ang mga fans na namimintas pati sa kanyang make up na sinasabing “over na”. Sabi pa ng fan, “maganda ka na Nadine. Hindi mo na kailangan iyang sobrang make up”.

Sinagot naman iyon ni Nadine, na sa tingin niya hindi naman over ang make up niya, at tinapos niya ang usapan sa pagsasabing “katawan ko ito, kaya ako ang bahala kung ano ang gusto kong gawin”. Pero nagpasalamat naman siya sa mga fans dahil sa kanilang pagsuporta sa kanya.

Minsan iyang mga fans, concerned lang naman sila sa kanilang mga paboritong artista. Kaysa nga naman mapintasan pa iyon ng kanyang mga kritiko o ng fans ng ibang stars na gusto lang siyang siraan, sila na mismong mga fans niya ang magbibigay ng kanilang obserbasyon. Pero siyempre nasa artista pa rin naman iyon kung susundin sila o hindi.

Sa parte naman ni Nadine, hindi naman siya overly made up sa kanyang mga pelikula. Siguro may ilang pagkakataon na nag-modelo siya, medyo high fashion ang dating at kailangan talaga ang medyo mas matinding make up, at baka iyong pictures na iyon ang nakita nila. Ang gumagawa niyan ay ang kanilang mga stylists at make up artists, depende sa okasyon.

Ang mga artista natin ngayon, hindi na kagaya noong araw na kanya-kanya silang diskarte ng kanilang magiging ayos. Ngayon ang mga artista ay may kanya-kanya nang stylist. May sarili na silang hair dressers. May sarili na silang make up artists at ang mga iyan ay kinikilalang kasama sa pinakamagagaling. Napag-aaralan na nila kung ano ang babagay sa isang artista, at babagay din naman sa kanilang pupuntahang okasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

1 AWARD NA LANG GRAND SLAM BEST ACTRESS NA SI NADINE

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NANG manalo bilang best actress sa Urian si Nadine Lustre, ang bilis ng kanyang mga supporters sa pagsasabing iyan na ang ikatlong award na kanyang napanalunan bilang best actress sa taong ito, at sinasabi nilang nanalo siyang best actress mula sa mga award-giving bodies na walang alam na anomalya. Napili siya noong mga kabataang kritiko, na hindi naman natin alam kung sinu-sino, pero hindi naman natin naririnig na nalalagyan.

Siya rin iyong best actress sa FAMAS, na in the past pinagdududahan din, pero iyang sinasabi nilang “reformed FAMAS”, ang namimili ng mananalo ay hindi na ang mga miyembro nila kungdi isang committee na hindi rin natin alam kung sino ang bumubuo, pero ang namumuno ay ang screenwriter na si Ricky Lee.

Iyan namang mga Manunuri, hindi na kagaya noong araw na lahat sila nagsusulat ng review ng mga pelikula sa mga diyaryo, kaya nga “manunuri” eh. Ngayon sinasabi nila manunuri pa rin sila, bagama’t wala na ang mga dating leader niyan kagaya nina Mario Hernando, Gino Dormiendo. Manny Pichel at iba pa. Ganoon pa man pinaniniwalaan pa rin at wala pang usapan ng katiwalian.

Ang huling magbibigay ng awards, at iyan ang final verdict, ay iyong Eddys. Binubuo ng mga editors ng mga diyaryo, sila ang nagre-review at namimili ng mananalo mismo. Wala ring katiwalian kaming naririnig pa sa award na iyan. Kung mapipili nila si Nadine, para na rin siyang naka-grand slam. Lahat ng matitinong awards nakuha na niya.

Aba eh kahit na anong galing mo bilang isang artista o tekniko ng pelikula, kahit na sabihin mong may “K” kang manalo, basta nanalo ka sa awards na pinagdududahan wala ka na. Suwerte si Nadine, doon siya nanalo sa mga awards na walang duda.

          ABS-CBN is here to stay… AS PROGRAM PRODUCER/PROVIDER NG OTHER STATIONS

May isang kaibigan kaming nagsabing noong nakaraang linggo, ang shares ng ABS-CBN ay bumagsak sa pinaka mababang presyo noong 16.80 per share. Talaga naman daw bumababa ang presyo ng stocks ng ABS-CBN noon pa mang nakaraang taon, dahil nga sa duda na baka hindi na makakuha ng prangkisa ang network. Nang hindi lumusot ang prangkisa sa ikalawang pagkakataon, bumaba na nang husto ang presyo ng stocks.

Pero hindi lang naman nakadepende sa prangkisa ang buhay ng ABS-CBN. Maaaring hindi na sila makapag-broadcast pero maaari silang manatili bilang program producers na maibebenta nila sa ibang networks. Maaari ring mai-develope ang ibang media platforms gaya ng internet na sinimulan na nila doon sa I Want at iba pang live streaming. Wala mang prangkisa, makakatuloy pa rin iyan. May film company pa sila. Ang mawawala lang ay iyong on air broadcast kung sakali.

MAY NAGBALAK NA IPRITO SI MALE STAR?

Nakumbida sa isang party ang isang male star, na ginanap sa isang condo sa Makati. Nagkaroon daw ng inuman, nalasing ang male star pero obviously may kaibigan siyang naghatid sa kanya sa condo niya. Nagising siya sa kanyang condo. Hindi niya alam kung sino ang naghatid sa kanya pauwi. Hindi rin niya alam kung bakit nakahubad siya at ang buong katawan niya ay basing-basa ng langis.

Sus Tito Kc, ano sa palagay mo ang nangyari? May nagtangka kayang iprito siya kaya pinaliguan siya ng cooking oil? Bakit kaya ligung-ligo siya sa langis noong magising?

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE, NAKO-CONSCIOUS SA TAWAG NA ‘SEX SYMBOL’

nadine123

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NANINIBAGO si Nadine Lustre kapag may tumatawag sa kanya bilang isang ‘sex symbol.’ Nagsimula ito nang mag-endorse ang aktres para sa summer collection ng isang kilalang international fashion brand.

“When I see the photos, it’s still surreal. When I see the billboards nga and it’s all over the store, minsan nako-conscious pa rin ako. Kasi that was the first time na nag-shoot ako in a swimsuit ever. It makes me, I don’t think the word is comfortable. Siguro mas lalo akong na-inspire to go back to the gym because since then I haven’t been back,” nakangiting pahayag ni Nadine.

Simple lang naman umano ang sikreto ng aktres upang mapanatili ang magandang pangangatawan. “If I had to choose just three, it would be to always be confident, have a regular workout and always do your best, and try to eat healthy,” pagbabahagi ng dalaga.

Hindi aktibo ngayon sa telebisyon si Nadine dahil sa ilang mga proyektong kanyang ginagawa. Tinatapos ng aktres ang pelikulang ‘Indak’ na pinagbibidahan nila ni Sam Concepcion at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring gumawa ni Nadine ng bagong album.

“Medyo marami din kasi ‘yung ginagawa ko eh. Kahit hindi ako visible masyado on TV. I’m working on a lot of projects naman on the side and also I want to focus on my music talaga. That’s where I really want to head now,” pagtatapos niya. -Reports from JCC-

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE SOBRANG PROUD SA BEST ACTRESS AWARD

nadine famas12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SOBRANG  happy and proud ni Nadine Lustre sa kanyang natanggap na Best Actress award mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa pagganap niya bilang Joanne sa pelikulang Never Not Love You.

Sa victory presscon nga niya last Friday na ginanap sa Viva office, dala-dala niya ang kanyang tropeo to show kung gaano siya talaga ka-proud. Sa salas nga raw ng bahay nila ito nakalagay para raw makita agad.

“Kasi, this is the very first time na nanalo po ako ng ganito kalaking award from the FAMAS, so it feels unreal. Parang hindi po siya totoo until now. Kasi medyo fresh pa po siya,eh,” simula ni Nadine.

She emphasized na masaya na siya acting different roles at makapagbigay-buhay sa isang karakter, pero to win an award is another thing.

“Sobrang laking bonus po nito para sa akin na parang mas lalong na-inspire pa ako na parang “oh my God, at least now, may recognition and may nakapansin na po sa aking pag-arte.” That’s the first time nga po kasi, so iba talaga ‘yung pakiramdam.”

During the acceptance speech ay naging emosyonal nga si Nadine habang ikinukuwento ang mga struggles niya bago tanggapin ang NNLY.

At the presscon, she explained na wala raw siyang inihandang speech that time dahil hindi naman niya ine-expect na mananalo siya.

“Ano pa naman po ako, may stage freight ako, ayoko po nun’g nagsasalita sa lahat ng maraming tao. So, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. So, I guess, ang ginawa ko na lang po is, shinare ko na lang po ‘yung experience ko before shooting the film kasi po, malaking challenge po sa akin ‘yung Never Not Love You, kasi nga po, fresh na fresh pa ‘yung sa kapatid ko at that time,” she said.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang pagyao ng kanyang younger brother noong 2017.

“Kinabahan po ako na baka hindi ko siya magawa nang tama. And ‘yun nga po, palagi kong sinasabi kay direk (Antoinette Jadaone) na “direk, parang feeling ko, hindi ko pa kaya.” So I’m really happy na kahit ganun ‘yung nararamdaman ko nu’n and ganu’n po ‘yung situation ko dati na hindi pa ako ready or marami po akong doubts sa sarili ko, and sobrang takot po ako kasi ayoko nga pong maka-dissapoint, so I’m really happy na even at my lowest point, naitawid ko po siya.”

Of course, proud din ang boyfriend niyang si James Reid sa pagkakapanalo niya pero kahit naman daw before the awards night ay sinabi na rin sa kanya nito na positibo itong siya ang mananalo.

“May event po kasi siya nu’n, may gig siya, and then, sinabi ko po sa kanya na a-attend ako ng FAMAS. And then, sinabi niya na “you’re gonna win that.” Sinabi na po niya ‘yun sa akin. So, pag-uwi ko, sabi niya, “I told you, you’re gonna win.” So, I’m really happy kasi, sa lahat ng pinagdaanan namin, siya ‘yung number one na supportive sa akin and siya  po talaga ‘yung nagpu-push sa akin,” sey ni Nadine.

Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ng aktres ang boyfriend at isa sa inalayan ng kanyang award.

Anyway, after Ulan, ang susunod namang mapapanod kay Nadine ay ang pelikulang Indak na musical film naman with Sam Concepcion. Magbabalik din siya sa TV since kapipirma nga lang niya ng kontrata sa ABS-CBN pero wala pa siyang sinasabi kung ano ang kanyang gagawing teleserye.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE SECURITY BLANKET SI JAMES SA ‘PANIC ATTACKS’

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AMINADO si Nadine Lustre na nagkakaroon siya ng “panic attacks” pero itinigil na raw niya ang pagpapa-doktor. Nagluluwag naman daw ang loob niya kung kasama na niya ang boyfriend niyang si James Reid. Mali iyan. Hindi dapat itigil ang pagpapatingin sa doctor. Hindi mo masasabi kung gaano kalakas ang dadating na attack. Hindi ba iyong kapatid nga niya nag-suicide dahil sa depression?

At papaano kung mawala si James Reid? Ano ang mangyayaring kasunod kung ang boyfriend niya ang tanging nagsisilbing security blanket niya? Baka kung itambal si James Reid sa iba atakihin na siya ng nerbiyos eh papaano naman? Mahirap iyan.

Buti hindi nakinig ang Star Cinema kay Erik Matti na gawing Darna iyang si Nadine. Papaano kung sa isang eksena ay bigla siyang kabahan. Mahirap iyon. Alangan namang habang ginagawa niya ang Darna ay nakabantay sa kanya si James Reid.

Hindi biru-biro iyang ganyan. Wala pa ring makakapalit sa professional help ng isang doctor sa kung anumang sakit mayroon tayo. Ok lang kung ano man ang ating paniniwala pero hindi natin dapat iwanan ang medical help na siyang kailangan natin. Sakit iyan eh.

Please follow and like us:
Read More

NADINE AS DARNA MARAMING PABOR AFTER FAMAS

nadine lustre12

(NI GORGY RULA)

MARAMI ang nanghinayang na hindi nakasama si Nadine Lustre sa photo op ng mga winners ng 67th  FAMAS Gabi ng Parangal na ginanap sa Meralco Theater nung nakaraang gabi.

Marami tuloy ang naghuhulaan bakit bigla siyang umalis. Hindi naman siya paghintayin nang matagal at pinapaakyat lang ang ibang winners para magkakasama silang kukunan ng litrato.

Bago pa man nagsimula ang FAMAS, talagang masigasig ang mga JaDine fans na magwagi si Nadine sa Best Actress at si James Reid naman sa Best Supporting Actor.

Pero matunog na si Nadine dahil marami ang na-impress sa performance niya sa Never Not Love You at nagwagi pa ito sa Young Critics Circle.

Nagkaroon pa ng konting intriga dahil hindi isinama sa mga nominees si Kathryn Bernardo na magaling naman sa The How’s of Us.

Hindi alam ni Nadine kung saan siya magsisimula sa kanyang acceptance speech dahil hindi raw niya talaga inakalang makuha niya ang Best Actress trophy.

Napasalamatan naman niya ang lahat na dapat pasalamatan, pero nabanggit niya sa kanyang speech na muntik na niyang di ituloy ang naturang project dahil nasa lowest point daw siya ng buhay niya nang sinimulan nila ito.

“Kahit po nandun po ako sa lowest point ko, naitawid ko po ‘yung pelikula with flying colors,” bahagi ng kanyang acceptance speech.

Pagkatapos niyang tanggapin ang award, lumayas na agad ang Kapamilya aktres, kaya hindi siya napasama sa pictorial ng mga winners.

Hinanap nga doon si Nadine, pero waley na siya!

Naghuhulaan na tuloy sila kung bakit lumayas agad si Nadine.

Dahil sa pagkapanalo ni Nadine, lalong lumakas ang clamor ng mga fans na siya na raw sana ang gaganap na Darna,

Wala pa namang sinasabi ang Star Cinema at ang bagong direktor nitong si direk Jerrold Tarog. Si direk Erik Matti lang naman ang very vocal na bagay daw talaga kay Nadine ang naturang role.

Samantala, doon pa rin sa FAMAS ay naikuwento ni direk Treb Monteras na na madi-delay daw muna ang project ng Viva para kay Nadine at pati na rin kay James.

Si direk Treb ang gagawa ng Pedro Penduko ni James, at gagawin din ni Nadine ang isang pelikula tungkol kay Mariang Makiling.
Madi-delay daw muna dahil may iba pa muna silang gagawin.

“Iyun ang mahirap kasi sa big movies like Pedro Penduko, napakahaba ng preparation bago ka pa makapag-shoot, and maraming dinadaanan,” pakli ni direk Treb.

“Pero si James naman at si Nadine at saka ako, may iba kaming gagawin na mauuna, na medyo mas mabilis dahil na-delay ito,” dagdag niyang pahayag.

Hindi lang daw niya puwedeng sabihin sa ngayon kung ano ang gagawin nila sa Viva. Ang maganda lang daw sa naturang film production, meron naman daw ipinapalit agad kung may madi-delay silang project. Pero sana magawa na rin nila ito  dahil maganda raw ang konsepto at malaking bagay ito sa career ng JaDine.

ANG TAAS NG RATING NG SHOW NINA JAMES

Kahit maantala ang Pedro Penduko ni James abala naman siya ngayon sa

Idol Philippines na maganda ang rating nito tuwing weekend.

Hindi nga lang maganda ang naririnig kong feedback sa guwapitong aktor,

pero nadadala naman siya ng kapwa judge na sina Regine Velasquez at Vice Ganda.

Si Moira dela Torre kasi hindi rin maganda ang naririnig kong obserbasyon pero ang sabi nila, malakas daw ang naturang singer sa social media.

Eye candy naman sa show si James, kaya nababalanse sa nakakaaliw na komento ni Vice Ganda at sa authority ni Regine sa music.

Sa pangalawang linggo ng Idol Philippines ay hataw pa rin ito sa rating.

Ayon sa AGB NUTAM naka-11.8 ang Idol nung nakaraang Sabado at 9.8 percent lang ang Daddy’s Gurl.

Nung nakaraang Linggo naman ay 12.2 percent ang naitalang rating at 7.8 lang ang sa Studio 7.

Pero mataas naman ang ibang programa ng GMA 7 nung nakaraang Linggo, April 28 lalo na ang Kapuso Mo Jessica na nilampaso nang bonggang-bongga ang Rated K.

Sa primetime nito nung nakaarang Linggo ay bumalik ang lakas ng Amazing Earth na naka-6.5 percent at 5.6 lamang ang Goin Bulilit.

Mataas pa rin ang Hiwaga ng Kambal ng ABS-CBN 2 na 8.9 percent at 7 percent lamang ang Daig Kayo ng Lola Ko.

Naka-17.1 percent ang Kapuso Mo Jessica Soho at 7.5 percent lamang ang Rated K at ang PBB Otso ay 4.4 percent.

Umabot lang sa 6 percent ang The Boobay and Tekla Show, at bahagyang natalo ito ng Gandang Gabi Vice na 6.3 percent.

Marami lang ang nanghihinayang sa Daig Kayo ng Lola Ko dahil anniversary episode pa naman nila ito tampok si Alden Richards, Barbie Forteza, Jo Berry at Katrina Halili.

Dapat makabawi na sila sa susunod na Linggo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE KAY LIZA AFTER ‘DARNA’: MAS MARAMI PANG DARATING

nadine lustre123

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

BUKOD kina Angel locsin at Kathryn Bernardo ay nagbigay na rin ng reaksyon si Nadine Lustre tungkol sa pag-atras ni Liza Soberano para gawin ang pelikulang Darna. Malaki ang panghihinayang ni Nadine sa naging desisyon ni Liza.

“We talked about it before, actually no’ng Christmas Special she showed to me nga what happened to her finger. It’s her decision. Of course, everyone respects it. It would have been nice to see her. Kasi she was working on it na, sayang,” bungad ni Nadine.

Umaasa naman ang aktres na mas marami pang magagawang ibang proyekto si Liza kapag umayos na ang daliring nagtamo ng injury noong isang taon. “It’s just mean that it’s really not for her and there’s something else bigger that’s meant for her,” giit ng dalaga.

Isa ang pangalan ni Nadine sa mga lumutang sa social media na posible umanong pumalit kay Liza sa pinakaaabangang proyekto ayon sa netizens. “I super appreciate that. For them to see me as a person who is strong and very empowered. Darna is a strong woman and nakikita nila sa akin ‘yon, it’s good. I want to thank everyone for the support of course but Darna kasi, I am sure, it will be given to someone who is deserving for the role and someone who can really give justice,” nakangiting pahayag ng aktres.

Kailan man ay hindi umano sumagi sa isip ni Nadine na makaganap siya bilang isang superhero sa pelikula o telebisyon. “Not a superhero but I would want to do an action film. Something like may mga fight scenes. Something’s that’s gonna raise my adrenaline up. I am doing ‘Indak’ now but it’s dancing kasi so it’s different. I really want to do it matagal na. It will come, I am not rushing or anything but it will come,” pagtatapos ni Nadine. -Reports from JCC-     

Please follow and like us:
Read More

NADINE, SAM MAGSU-SHOOT SA KOREA

nadine123

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

PALABAS pa rin sa ilang mga sinehan ang pelikulang ‘Ulan’ na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino. Masayang-masaya ang aktres dahil sa magagandang feedback na kanyang naririnig tungkol sa pelikula mula sa mga nakapanood simula nang ipalabas ito tatlong linggo na ang nakararaan.

“I’m just really happy kasi ang importante naman sa akin is happy si direk Irene (Villamor). We talk almost everyday. I keep thanking her kasi it is a big break for me and it is really a good material. I love that even James (Reid) is not in the project, everyone is still very supportive,” nakangiting pahayag ni Nadine.

Samantala, dapat ring pakaabangan ng mga manonood ang pelikulang ‘Indak’ na muling pagbibidahan ng aktres. Si Sam Concepcion ang bagong makakatambal ni Nadine dito. “It’s more on pagsayaw. Maraming production numbers but more on sayaw. Kasi me, I only have one song. Sam has a song. It’s not really a musical. It’s mainly about passion,” pagdedetalye ng aktres.

Para naman kay Sam ay kailangan talagang pakaabangan ang kanilang bagong proyekto dahil ibang-iba ang tema nito sa karaniwang napapanood ng mga tagahanga. “On top of the narrative, we put a lot of work in dance and training as a group. We are supposed to be a dance crew and we have to dance like one. That requires a lot of training and dancing as a group. So we are putting a lot of effort in preparing for those big numbers,” pagbabahagi ni Sam.

Posibleng maihahalintulad kaya ang ‘Indak’ sa Hollywood film na ‘Step Up’? I wouldn’t want to compare it to that or associate it with that because it is its own thing. We have been shooting in Manila. We shot in Cebu. We will be shooting in Korea soon,” nakangiting sagot ng aktor.

-Reports from JCC-    

Please follow and like us:
Read More

RAMDAM NA RAMDAM ANG KRISIS SA INDUSTRY

nadine12

(NI GORGY RULA)

MASAYA na ang mga taga-Viva Films sa box-office result ng pelikulang
Ulan na nagbukas na nung Miyerkoles. Ayon sa aming source, halos 4M ang kinita nito nung first day of showing nito.

Tanggap naman nilang mahina talaga ang mga pelikula ngayon,
at showing pa rin ang Captain Marvel na patuloy pa ring humahataw sa
takilya.

Maganda ang feedback sa pelikulang ito nina Nadine Lustre at Carlo Aquino, at umaasa silang puwede pa itong pumik-ap sa weekend.

Masaya na rin daw si direk Irene Villamor dahil tinanggap ng mga manoood ang kakaibang genre ng pelikula.

Ang nakalulungkot lang, mahina talaga ang iba pang Pinoy film na Kuya Wes ni Ogie Alcasid at Ina Raymundo na hindi man lang daw umabot ng P30,000 ang kinita nito sa unang araw.

May isa pang pelikulang Neomanila na halos P20,000 lang daw ang kinita nito. Kaya inaasahang mapu-pullout na ito sa mga sinehan. Naging entry ang Kuya Wes nung nakaraang Cinemalaya, at hindi rin naman ito gaanong pumalo sa naturang indie film festival.

Kaya, nababahala na rin ang mga taga-movie industry dahil ramdam na raw talaga ang krisis sa movie industry. Parang water crisis na rin daw na hinaing ng sambayanan.
·
“SUSUKA PERO HINDI SUSUKO”

Parang nabunutan ng tinik si Xian Lim na kinuwento sa amin, natapos na raw niya ang shooting ng pelikulang Tabon na entry niya sa darating na  Cinemalaya 2019. Tiyak namang isa ito sa mga pelikulang inaabangan sa sampung entries ng naturang indie film festival.

Sabi ng tsinitong aktor, ngayon lang daw niya na-realize na
mahirap pala ang trabaho ng isang direktor. Mahirap daw talaga, pero kakaibang fulfillment naman daw ang
naramdaman niya, ngayong tinututukan niya na ito sa post production. “Kasi lahat na problema, ah hindi naman problema, siguro obstacles pero yung lahat na maliliit na bagay, yung weather, yung mga maliit na
problema na dapat ayusin.

“Mahirap talaga siya eh. But, definitely maski mahirap, alam kong
gagawin at gagawin ko siya. Dito ko lang nakuha yung term na ‘susuka pero hindi susuko,” nakangiting pahayag ni Xian.

“Para sa akin ang laking achievement na nabigyan ako ng pagkakataong ganito. It’s completely different feeling…gaya nga ng nakuwento ko sa ‘yo I’m so used to be being on cam na being off cam is such na alam mo
yung bagong bago ang lahat.

“It really helps na nabago yung vision ko as the storyteller as the director. Iba yung pakiramdam na parang nasa ibang level yung feeling,” dagdag niyang pahayag. Si Xian din kasi ang nagsulat ng pelikula niya sa tulong ng kaibigan niyang co-writer.

Passion din daw niya kasi ang magsulat ng mga script na namana raw niya ito sa kanyang ina na dating writer pala sa RPN 9. Wish ni Xian na tuluy-tuloy na ang pagdidirek niya. Posibleng mabigyan siya ng break ng Viva Films na magdirek ng iba nilang pelikula. Posible rin kayang idirek niya sa isang pelikula si Kim Chiu?
“Puwede po,” mabilis na sagot ng aktor. Nandiyan naman daw ang suporta ni Kim sa bagong career ni pinasok niya.

“She’s very supportive sa lahat naman na ginagawa ko, I mean up to now we’re working separately but you know…I mean, kami kami lang naman ang magtutulungan eh,” pahayag ni Xian nang nakatsikahan namin sa isang
political rally sa Camarines Sur.

 

Please follow and like us:
Read More

MARCO: HANGGANG BRIEF LANG AKO, AYOKO KO IBIGAY LAHAT

marco1

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

PALABAS na sa mga sinehan ang pelikulang Ulan na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino. Kabilang din si Marco Gumabao sa nasabing proyekto na isa sa mga leading man ni Nadine. “’Yung character ko dito si Andre, you’ll see him sa first part of the movie. Pero ang pinakatumakatak sa akin na scene dito siguro is ‘yung first scene na unang pagkikita ni Maya (karakter ni Nadine) and ni Andrew. And also ‘yung tennis scene medyo nakakatawa kasi ‘yon,” pagbabahagi ni Marco.

Samantala, kapansin-pansin ang magandang pangangatawan ng aktor. Nagpapaseksi na si Marco sa teleseryeng Los Bastardos kaya marami ang nagtatanong sa binata kung tuloy-tuloy na ang kanyang paghuhubad sa mga proyekto. “Hindi po, ayoko pa. Hanggang brief lang ako (sa fashion show). Actually kahit sa mga movies man or sa teleserye, hindi rin naman ako naghuhubad totally. Kasi ayaw ng manager ko, ng Viva na ipakita ko lahat. Which is also nice para may abangan rin naman ‘yung ibang tao sa ‘yo. Kasi if you show everything, wala na, nakita na nila ‘yung buong pagkatao mo,” nakangiting pahayag ng aktor.

“As much as possible, ‘yung pagsusuot ko ng brief, if it’s not good for the project or if it’s not good for you, bakit ka maghuhubad or magpapakita ng skin? It has to come with a nice project, a good concept bago ka mag-isip. Itong Los Bastardos, it’s the best na para magpakita. Pero sa taping namin hindi kami parating nakahubad. Kasi ‘Yon ‘yung iniisip ng tao eh, na sa taping lagi ‘yan nakahubad pero hindi talaga,” natatawang paglalahad ng binata. –Reports from JCC-

 

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE: “I JUST WANTED TO KILL MYSELF…”

nadine lustre1

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NAGING kontrobersyal ang biglaang pagpanaw ng nakababatang kapatid na lalaki ni Nadine Lustre magdadalawang taon na ang nakalilipas. Nagbalik-tanaw ang aktres tungkol sa biglaang pagkawala ni Isaiah noong 2017. “I was completely destroyed when my brother passed away. It was super sudden. I was talking to him the day pa before he passed away. I just felt like as his big sister I was blaming myself. Actually the whole family, we were all blaming ourselves. We could have saved him. We could have done something. Or sana I nagged him a bit more to open up to me,” pagbabahagi ni Nadine.

Natuklasan ng aktres na nakaranas ng depresyon ang kapatid na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito. Para kay Nadine ay importante sa pamilya na palaging  nagkakausap-usap at pinakikinggan ang isa’t isa. “He was really going through a lot based on what he was writing down. But he never opened up to us. I think the most important thing you can do to a person na mayroong depression is to talk to them. Just always let them know that you have their backs. Just talk to them all the time. Be a good friend or family. You have to be a good listener. There was pressure. I was really insecure. I had a lot of issues with myself. I didn’t know who I was. I was so lost,” paglalahad ng aktres.

Maging si Nadine ay aminadong nakaranas din ng depresyon noon bago pa man mawala ang kapatid. “I never said this to anyone. I was also a little bit suicidal before. Parang I can’t take it anymore. I just wanted to kill myself,” pagtatapat niya.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng dalaga sa kasintahang si James Reid dahil malaki ang naitulong ng aktor sa kanyang pagkatao. Mula nang naging magkarelasyon ang dalawa ay maraming mga pananaw ni Nadine ang nagbago. “It’s not just because we were in love, he’s also going through things. I think kaming dalawa nagtulungan kami. He would just enlighten me and say, ‘It’s gonna be okay.’ It’s on a different level talaga. I think that’s why maybe I’m blooming because I stopped thinking about it. I stopped stressing out. Before, little thing lang po I would get really stressed,” nakangiting  pahayag ni Nadine. -Reports from JCC-

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE ORGANIC FOOD LANG ANG KINAKAIN

JAMESNADINE

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAPANSIN-PANSIN ang magandang pangangatawan ni Nadine Lustre. Bukod sa pagwo-workout sa gym at maingat din ang dalaga sa kanyang mga kinakain. “Nagda-diet po ako ng konti now for maintenance. Iba po kasi kapag healthy ka and alam mo kung ano ‘yung kinakain mo. I have my whole day packed meals, ‘yon lang po ang kinakain ko madalas, organic po siya. Pwede naman po akong kumain ng ibang food pero basta kaparehas siya ng meal (plan) ko,” pagbabahagi ni Nadine.

Sa ngayon ay abala ang aktres para sa promo ng pelikulang Ulan na kanyang pinagbibidahan. Ipalalabas na sa mga sinehan sa March 13 ang nasabing proyekto. Matagal-tagal nang hindi nakagagawa ng teleserye ang dalaga at mukhang hindi pa rin makababalik sa telebisyon ngayong taon. “Tingnan po natin. Kasi may plano rin po ang Viva for me na movies.

Mahirap din po na magsabay-sabay, baka hindi maging consistent ‘yung pagtatrabaho ko. Mahirap din naman po ‘yung gano’n,” giit niya.

Samantala, tatlong taon nang magkarelasyon sina Nadine at James Reid. Matatandaang unang umamin ang magkasintahan tungkol sa kanilang relasyon noong 2016. Masayang-masaya raw si Nadine para sa mga kasabayang loveteams na umamin na rin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Matatandaang umamin noong isang taon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang nitong taon lamang inamin nina Liza Soberano at Enrique Gil ang tungkol sa kanilang relasyon. “We’re really good, we are really happy. Kasi feeling ko hindi naman dapat itinatago. If you really love each other, I mean it’s up to them naman kung gusto n’yo itago. Good for them na finally naging open na rin sila about it. Kasi I don’t see any point in hiding it naman kasi,” nakangiting pahayag ni Nadine.

 

-Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

NADINE MARAMING NAGBAGO NANG MAGING BF SI JAMES

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MAY mga naitulong ang kasintahang si James Reid sa pagkatao ni Nadine Lustre.

Ayon sa aktres ay maraming mga nagbago sa kanya mula nang makarelasyon ang binata. “I can say that I changed a lot in the relationship for the better. Before ‘yung mga small things, sobrang nagwo-worry ako palagi. Kasi I’m an over thinker.

Madalas ako nagkakaroon ng anxiety, even until now. But now kasi, I learned how to handle it properly. I’ve learned to let the bad stuff go. I don’t hold grudges anymore, I’m always positive. If something bad happens, hindi na ako ‘yung, ‘Oh my God, ano’ng gagawin ko?’ I think logically. Tapos I strategize kung paano ko lalampasan. I’m very calm now. I learned how to communicate and open up,” pagbabahagi ni Nadine.

Malaki ang pasasalamat ng aktres kay James dahil sa pagmamahal na ibinibigay ng binata sa kanya.

“’Yung naging transition ko from who I was before, to the person I am now is so beautiful na kahit hindi na kami ni James, he will always have a special place in my heart. Kasi talagang nag-grow kami,” giit niya.

Aminado naman si Nadine na ang aktor na ang kanyang gustong makatuluyan at makasama sa habambuhay. “I hope so. Even if he’s not, I’m always going to be thankful for him. I’m really, really thankful that he came into my life. It was so different before. I think he was the biggest instrument for my healing and for just discovering myself and finding myself,” pagtatapos ni Nadine. -Reports from JCC-

 

 

Please follow and like us:
Read More

JAMES MATULAD KAYA KAY LIZA SOBERANO NA ‘DI NAKALIPAD?

JAMESREID22

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI nakalimutan ni James Reid na i-promote din ang pelikula ng kanyang syotang si Nadine Lustre. Sinasabi niyang napanood niya at happy siya sa nakita niyang trailer noong Ulan, at naniniwala siyang susuportahan naman iyon ng kanilang mga fans kahit na wala siya roon.

Iyon naman daw pelikula niyang Pedro Penduko, hindi pa siya nakakapag-shoot, at aminado rin siyang medyo pumayat siya, mukhang hindi na kagaya noong dati ang build ng kanyang katawan, kaya kailangang maibalik muna iyon. May gagawin naman daw siyang pelikulang kasama si Nadine, dahil mukhang magtatagal pa bago masimulan ang kanyang solo movie, at saka buhos ang kanyang isip ngayon sa musika, at sa kanilang nalalapit na concert, iyong The Crew na sa susunod na buwan na.

Tingnan mo nga naman ang galaw ng industriya, Naunang binalak na mag-solo si James. Kaya nga ginawa iyang Ulan para hindi naman masabing naiwan si Nadine. Ngayon ilalabas na ang pelikula ni Nadine, hindi pa nakapagsisimula ng solo movie niya si James at malamang daw na gumawa na naman muna ng isang Jadine movie. Ano nga ba ang talagang dahilan?

Sayang, kasi maaaring baguhin noong Pedro Penduko ang image ni James, na hindi lang siya laging lover boy sa pelikula. Kung matatagalan pa iyan, baka hindi na matuloy iyan. Magkapareho sila ng kapalaran ni Liza Soberano na hindi na nakalipad sa Darna.

Pero may pambawi si Liza Soberano, kumita kasi ang pelikula niya kahit na nga sabihing hindi naman umabot doon sa ambisyon ng iba na lalampasan nila ang kita noong Kathniel. Papaano kung hindi ganoon kalaki ang maging kita ng susunod nilang Jadine project?

Na kay James iyan. Sa ngayon iyong concert niya ang inaasahan niya. Kailangan mapakilig niyang muli ang kanyang mga fans oras na makita siya. Nag-mature ang hitsura ni James. Kailangan mag-magic siya nang husto sa pagpe-perform niya, or else hindi na kakagatin ang pagpapa-cute lang niya.

                              

   MALE STARS NA MUKHANG MGA AVENIDA BOYS

Napahaba yata ng chat namin ni Tito Kc noong isang araw, dahil nabanggit niya sa amin ang isang male starlet na hindi naman daw masyadong pinagkaguluhan sa Panagbenga sa Baguio, pero may fans naman daw. Nakita rin namin minsan iyang male star na iyan na nag-taping yata doon sa isang theme park, na nakilala naman ng mga namamasyal pero hindi rin nga masasabing impressive ang hitsura. Kaya naman siguro hindi napapansin sa mga pelikula niya.

Kagaya rin iyan noong isa pang male star na galing din sa pamilya ng mga showbiz stars, pinilit lang siyang gawing matinee idol, pero hindi naman kinagat ng masa gaya ng tatay niya. Siya, nabigyan na ng breaks pero nananatili pa ring isang starlet.

Simple lang ang dahilan. Iyong mga hitsura nila Tito Kc, kung natatandaan mo, iyan ang tipong sasabihin noong araw ng beteranong movie writer na si Mama Monchang na “mukhang Avenida boys”. Noong araw kasi, maraming mga naka-istambay riyan sa Rizal Avenue na mga boys na alam na ninyo kung ano ang raket. May hitsura pero walang character ang mukha. Maaari mong gawing commercial model ng Posporong Gitara, o endorser ng kamisetang de hilo, matikang Purico o kahit na Liwayway Gawgaw pa, pero hindi bagay na maging artista. Kasi kung maihahanay mo sila doon sa mga talagang matinee idols, magmumukha lang silang sapal.

Siguro nga nasanay lang tayo na ang mga matinee idols kagaya nina Richard Gomez, Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Daniel Padilla at iyong iba pang mga mas nauna, kaya basta nakakakita tayo ng mukhang magtataho na sinasabing matinee idols, hindi natin matanggap. Puwede lang sila sa mga dating roles na ginagawa noong araw ni Boy Alano. Hindi ba Tito Kc?

Please follow and like us:
Read More