MURDER SUSPECT NANG-AGAW NG BARIL, PATAY

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

NAPATAY ang  isang 22-anyos na lalaki na inaresto sa bisa ng warrant of arrest  nang mang-agaw ng baril ng isang pulis dahil ayaw makulong sa kasong murder at iligal na droga, Miyerkoles ng madaling araw sa loob ng Manila Police District-Police Station 1, sa Tondo, Maynila.

Nalaman  na ipinu-proseso ang mga dokumento ng suspek na si  Joshua Bajar ,22, ng Building 33 Aroma Compound ,Temporary Housing ,Vitas Tondo, dakong alas 12:30 ng madaling araw nang agawin nito ang baril ni  P/SSG Jayson Emata.

Nakita umano  ni Patrolman June Abanes ang ginawa ng suspek kaya kaagad na pinaputukan at tinamaan sa ulo.

Ayon sa  imbestigasyon ni PMSgt Marlon San Pedro ,ng MPD-homicide section,  unang naaresto ang suspek  dahil may nakabimbin itong warrant of arrest sa kasong murder at iligal na droga  noong Agosto 12.

Nalaman na wala umanong inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Tinitingnan dahilan ng pulisya na posibleng ayaw makulong ng suspek kaya minabuti nitong mang-agaw na ng baril.

Idineklarang patay dakong alas 3:50  ng madaling araw ng mga doktor sa Tondo Medical Center ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWANG OPISYAL NG CPP-NPA ARESTADO SA QC

(NI LILY REYES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

NAARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang mag-asawang  umano’y mataas na opisyal ng CPP-NPA, sa bisa ng dalawang search warrant  na ipinalabas ni Executive Judge  Cecilyn  Burgos – Villabert  .

Kinilala ni QCPD Director, PBrigGen.  Joselito Esquivel,Jr. ang mga naarestong suspek na sina Winona Marie Onate  Birondo, 60, umano’y  Secretary General ng Communist  Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA), National Propaganda  Commission at ang asawa nitong si Alexander Ramonita  Kintanar Birondo, 67, umano’y staff din ng National Education Commission at kapwa ng Block 5 Lot Strauss St., North Olympus Subd. Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Sa press briefing sa Camp Karingal, sinabi ni NCRPO Chief,  P/Major General Guillermo Eleazar, naghain umano ng search warrant ang mga operatiba ng District Special Operations Unit  (DSOU) sa isang  Rolando Caballero,  alyas Jet, na may kasong murder ngunit  hinadlangan umano ng mag-asawang Birondo  kung kaya nakatakas  ang suspek na si Caballero .

At dahil sa pagkakatakas ni Caballero ay  inaresto ng mga pulis ang mag-asawang Birondo  at ng I verify ng mga pulis  ang pagkatao ng dalawa ay  saka lang nalaman na  may partisipasyon pala ang mga ito sa CPP/NPA.

Nakuha ng mga pulis sa pag-iingat ng mag-asawang opisyal ng CPP/NPA ang  1 cal 45 pistol, at mga bala ,1 MK2 hand grenade ,1 rifle  grenade, 40 MM explosive at 1 rolyo ng detonating  cord .

Ang mag-asawang  Birondo ay sinampahan ng mga kasong Direct Assault  at paglabag sa  PD 1829 na mas kilala  bilang penalizing  Obstruction  of Apprehension  and  Prosecution  of Criminal Offenders.

Ayon kay Esquivel, ituturing ng QCPD  na ordinaryong  mga suspek ang mag-asawang opisyal ng CPP/NPA, sa kabila  ng pagiging matataas na opisyal  ng rebeldeng grupo.

Sinabi pa rin ni Esquivel na  posibleng  ihalo pa nila ang mag-asawa sa 200 ordinaryong mga preso ng Masambong Police Station 2 ng QCPD.

Nilinaw  naman ni Eleazar, na ‘by  chance’ at walang kinalaman  sa pagiging  local  terrorist ang Birondo couple ang pag-aresto sa kanila kundi dahil sa kasong obstruction of justice .

Napag-alaman na  halos isang buwan pa lamang nakatira  sa Brgy. Mariblo, San Francisco Del Monte  ang mag-asawang opisyal ng CPP/NPA/NDF.

Sa ngayon ay hindi inaalis ng QCPD-NCRPO  ang posibilidad na may kinalaman  sa mga paghahanda  ng makakaliwang grupo  sa katatapos na SONA  ng Pangulo at posibleng ito rin ang dahilan kung bakit nasa Metro Manila ang mag-asawa.

Napag-alaman din na ang mag asawang Birondo  ay naaresto na noong Marso 4, 2015, kasama ang ilang  CPP/NPA Central Committee member na si Ruben Saluta pero pinalaya rin dahil kasama sila sa mga NDF consultants sa naunsiyaming  peace talks sa Oslo, Norway.

Please follow and like us:
Read More

MATANSERO NA GUMILIT NG KAINUMAN NADAKIP

quezon

(NI JUN V. TRINIDAD)

TAGKAWAYAN, Quezon – Pagkalipas ng dalawang araw na pagtatago, bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang wanted na matansero sa bayang ito araw ng Huwebes.

Sa report ni P/Capt. Milo Tabernilla, Tagkawayan police chief, nasakote ng magkasanib na puwersa ng pulisya at mga barangay tanod si Santiago Desdir, alias “Tiago”, sa pinagtataguan nito sa Barangay Bagong Silang, bandang alas-2:00 ng hapon.

Hindi na nakuhang pumalag ng suspek nang pagsalikupan siya ng mga awtoridad.

Ang mabilis na pagkakadakip sa suspek ay resulta ng masigasig na follow-up operation ng mga operatiba at suporta ng mga mamamayan na nagbigay ng mahahalagang impormasyon sa mga lugar na kinakitaan sa wanted, ang paliwanag ni Tabernilla.

Si Desdir ay nakakulong sa Tagkawayan police jail at nahaharap sa kasong murder.

Noong Martes ng gabi habang nasa gitna ng inuman sa isang birthday party sa Barangay Kinatakutan ay sinaksak at ginilitan sa leeg ng lasing na si Desdir – gamit ang kanyang matalas na itak sa pagkakatay – ang kanyang kainuman na si Joel Geronda hanggang sa matodas ito.

Ayon sa mga imbestigador, nagkaroon ng mainit na argumento ang biktima at suspek habang nagtatagayan.

Please follow and like us:
Read More