‘PINAS BINIGO NI EMMA TIGLAO SA MISS INERCONTINENTAL

(NI RONNIE CARRASCO III)

SORRY mga vaklesh…ang inaasam-asam n’yo (at nating) back-to-back victory sa nagdaang Miss Intercontinental (December 20 sa Cairo, Egypt)  ay natin napasakamay sa katauhan ni Emma Mary Tiglao.

In fairness, pumasok naman sa Top 20 ang ating kinatawan who we all hoped na kokoronahan ni Karen Gallman as her successor. But Emma was just as good as Miss Personality.

Kinabog siya ni Miss Thailand mula sa Asia na idineklarang second runner-up. Crowned was Miss Hungary gayong “hungry” tayo sa korona in international beauty pageants this year.

The outgoing year, as far as beauty pageants all over the world are concerned, ay hindi natin taon. Wala mang itulak-kabigin sa ating mga kinatawan, as in every contest ay may mga nagwawagi as there are losers.

Ang Miss Intercontinental bale ang nagsilbing huling international beauty pageant para sa taong ito. If it’s any consolation to Emma at sa mga kapwa niya ipinadala to compete internatonally yet “nganga” nang umuwi, they all tried their darnest best.

‘Yun nga lang, it wasn’t good enough.

“I WILL TAKE A BULLET FOR A FRIEND”

In a democratic society such as ours ay malaya tayong magpahayag ng ating mga saloobin. ‘Yun nga lang, this freedom is no absolute.

May kaakibat din kasi itong pananagutan, more so sa mga posibleng consequences ng kalayaang ito to expression.

Nitong mga nagdaang araw, “ginalit” ni Janine Gutirrez si Lolit Solis sa ipinost nitong komento sa kanyang social media account patungkol sa pagbabalik ni Senator Bong Revilla via a show on GMA.

Ang simpleng “Oh, my God…hindi ko kaya, besh” na binitawan ni Janine didn’t sit well with Lolit na manager ni Bong.

Bilang retaliation, pinaalala ni Lolit ang kuneksiyon ni Bong sa kanyang tumatayong lolo, si Christopher de Leon (also her artist na adoptive father ng nanay niyang si Lotlot).

Iba nga naman ang dating coming from Janine, that Lolit would not have minded if it came from other celebrity na walang kaugnayan somehow kay Bong.

Bale ba, Janine is with GMA, ang tahanang muling babalikan ni Bong after more than four years. Kung sa ABS-CBN pa sana inofferan ng TV project si Bong, kahit magkikiyaw-kiyaw pa si Janine ay puwede pang palampasin ni Lolit.

Understandable kung bakit ganoon na lang depensahan ng manager ang mambabatas. Not only do they have a business relationship, pamilya na rin ang turingan nila sa isa’t isa.

Naalala namin ang minsang sinabi ni Lolit which to this day ay hindi lang namumutawi sa kanyang bibig, kundi she continues to live by it: “I will take a bullet for a friend.”

Regardless ito ng kung anupaman ang kasalanan o atraso ng taong ‘yon, Basta kaibigan niya, kaibigan niya.

Sa isang banda, nauunawaan din namin si Janine. She just spoke her mind as anybody should. Nagkataon lang that she missed the point na posibleng sa mga darating na araw ay magkukrus ang landas nilang dalawa ni Bong, even work together in a GMA project in the near future.

Hayan tuloy, ang kurot na ibinigay niya sa alaga ni Lolit ay mag-asawang sampal tuloy mula kay Lolita ng ibinalik sa kanya

 

Please follow and like us:
Read More