BABAE SINAKSAK SA HAGDAN NG MRT 3

mrt3

ISANG hindi pa kilalang babae ang nakitang nakahandusay at may saksak sa dibdib sa hagdan ng MRT 3, Lunes ng hapon. Isinugod ito sa ospital ngunit namatay din.

Sa inisyal na report, bandang alas-2:25 ng hapon nang makita ang babae ng roving security guard sa southwing na hagdan ng Boni Station (northbound) na may saksak sa ibabang bahagi ng dibdib.

Nagresponde ang DOTr-MRT3 Safety and Security Unit personnel sa insidente, kasama ang PNP-Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB) upang alamin at makakalap ng saksi para sa imbestigasyon.

Nagtutulung-tulong ang team of Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Mandaluyong PNP para sa initial assessment.

Nabatid sa report ng pulisya na ang ang babae ay regular na nanghihingi ng limos sa lugar at bago ang insidente, nahagip sa cctv na may nakaaway itong isa ring pulubi. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa saksakin ng hindi kilalang lalaki ang biktima.

Hinihinala ng pulisya na awayan sa teritoryo ng panglilimusan ang motibo ng pananaksak.

Please follow and like us:
Read More

MRT-3 BALIK-OPERASYON NA; 500,000 MANANAKAY INAASAHAN

mrt312

MATAPOS magsara ng isang linggo nitong Holy Week para sa regular na maintenance shutdown, balik operasyon na ang MRT-3.

Dahil dito, inaasahan na ang maayos na pagtakbo ng 17 tren gayundin ang mga bahagi ng riles at ang sistema ng MRT-3 sa kabuuan, ayon sa Department of  Transportation.

Halos kalahating milyong mananakay ang inaasahan araw-araw sa tren at umarangkada na ang 17 tren bandang alas-7:00 ng umaga na dumarating kada anim at kalahating minuto.

Bago matapos ang Abril ay nakatakda naman ang rehabilitasyon ng MRT na popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Kapag natapos ang rehabilitasyon ay tatakbo na ito ng 60kph at darating sa bawat istasyon tuwing tatlo at kalahating minuto, ayon kay Kiyo Kawabuchi, JICA Senior Representative for the Philippine Office.

Please follow and like us:
Read More

KAPALIT NG MRT-3; 140 P2P BUS BIBIYAHE SA SEMANA SANTA

pp2

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGPAPABIYAHE ng may 140 Point-to-Point (P2P) buses ang Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ngayong Holy Week.

Batay sa inisyung anunsiyo ng DOTr-MRT3 sa kanilang social media accounts nitong Huwebes ng umaga, ide-deploy nila ang mga naturang P2P buses mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 17, Miyerkoles Santo, at mula Abril 20, Sabado de Gloria, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday).

Ayon sa departamento, layunin ng deployment ng mga naturang behikulo na matulungan ang mga suki nilang pasahero na maaapektuhan ng taunang Holy Week maintenance shutdown ng MRT-3.

Ang mga nasabing bus ay magsasakay at magbababa sa lahat ng istasyon (Northbound man o Southbound) ng MRT-3 mula 5:00 ng madaling araw hanggang 9:00 ng gabi.

Wala namang dapat ikabahala ang mga pasahero dahil nilinaw ng DOTr na ang magiging pasahe nila sa P2P bus ay katulad rin ng pasaheng ibinabayad nila sa MRT-3.

“Sa darating na April 15-17 at April 20-21, may kabuuang bilang na 140 P2P buses ang bibiyahe kada araw upang tulungan ang aming mga suking pasaherong apektado ng taunang Holy Week MRT-3 maintenance shutdown,” bahagi ng anunsiyo ng DOTr-MRT3.

“Nais din naming ipabatid sa inyo na ang pasahe para sa pagsakay sa mga P2P bus ay katulad ng fare matrix na ipinatutupad ng MRT-3,” bahagi ng anunsiyo.

“Hangad po ng pamunuan ng DOTr at ng MRT-3 ang inyong matiwasay na biyahe habang isinasagawa ang kinakailangang pagmimintina at pagkukumpuni sa ating train system,” dagdag pa nito.

Ang Bus Augmentation Program ay inisyatibo ng DOTr, MRT-3, Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), at i-ACT Alpha/Bravo teams.

Matatandaang una nang inianunsiyo ng DOTr-MRT-3 na suspendido ang kanilang operasyon mula Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay upang bigyang-daan ang kanilang taunang maintenance shutdown.

Ang MRT-3, ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City.

 

 

Please follow and like us:
Read More

UNLI-SAKAY SA MGA BETERANO SA MRT 3 MULA APRIL 5-11

MRT-14.jpg

(NI KEVIN COLLANTES)

NAG-ANUNSIYO na rin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na magkakaloob ng   isang linggong libreng sakay para sa mga beterano sa bansa.

Sa paabiso ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, nabatid na ito’y bilang pakikiisa nila sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Abril 9, na deklaradong regular holiday, gayundin sa Philippine Veteran’s Week.

Ayon sa DOTr-MRT-3, ang libreng sakay para sa mga beterano at isang personal na kasama nila, ay maaaring i-avail mula Abril 5 hanggang Abril 11, mula 5:30 ng madaling araw hanggang 10:30 ng gabi.

“GOOD NEWS: The DOTr MRT-3 will give free rides to our Filipino veterans on April 5-11, 2019, from 5:30AM to 10:30PM, in observance of the 2019 Araw ng Kagitingan and Philippine Veterans Week!” nakasaad sa advisory ng DOTr. “One companion of a veteran will also be allowed to ride the MRT-3 for free.”

Matatandaang una nang nag-anunsiyo ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) na may 1-week unlimited free rides sila para sa mga beterano sa nasabi ring petsa, mula 4:30 ng madaling araw hanggang sa huling biyahe ng kanilang mga tren.

Kinakailangan lamang umanong magpakita ng mga beterano ng balidong identification card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) upang maka-avail ng libreng sakay.

Wala pa namang anunsiyo ang LRT-1 kung magpapatupad rin sila ng kahalintulad na free ride para sa mga beterano.

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City, habang ang LRT-2 ay bumibiyahe mula sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila hanggang  Santolan sa Pasig City at vice versa.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MRT-3 WALANG BIYAHE MULA APRIL 15-21

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na sususpendihin nila ng isang linggo ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mahal na Araw.

Ito’y upang bigyang-daan ang kanilang annual general maintenance shutdown.

Batay sa paabiso ng DOTr, itatapat nila ang pagtitigil ng biyahe para sa pagkukumpuni, sa Mahal na Araw, o mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

Layunin anila nito na hindi masyadong maapektuhan ang kanilang mga mananakay, na inaasahang magsisiuwian naman sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitain ang mahalagang relihiyosong aktibidad.

“HEADS UP: MRT-3 will have its annual general maintenance shutdown (Holy Week shutdown) from Holy Monday, April 15, to Easter Sunday, April 21,” nakasaad sa advisory ng DOTr.

“Maintenance works that will be done during the one week suspension of revenue operations include rail grinding, rail cascading, replacement of turnouts, structural testing, and other general maintenance activities on our trains, electrical systems, and other MRT-3 subsystems,” dagdag pa nito.

Inaasahan namang sa Abril 22, Lunes, ay magbabalik sa normal ang operasyon ng mga tren ng MRT-3.

Kaugnay nito, humihingi ng pang-unawa ang DOTr-MRT3 sa publiko dahil  sa pagtitigil nila ng biyahe, na ang layunin anila ay upang higit pang mapaghusay ang ibinibigay nilang serbisyo sa publiko.

Inaasahan namang sa naturang petsa ay magpapatupad rin ng general maintenance shutdown ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) na taun-taon namang nilang isinasagawa, ngunit sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na paabiso ang mga ito para sa kanilang Holy Week schedule.

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MRT-3 UMUSOK; HIGIT 600 PASAHERO PINAGLAKAD SA RILES

lakadmrt

(NI KEVIN COLLANTES)

NAGDULOT ng tensiyon at takot sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pag-usok ng isang tren nito, Lunes ng gabi.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa publiko at ipinaliwanag na ‘short circuit’ sa high voltage wire ng traction motor ang naging dahilan ng pag-usok ng tren.

“Yun traction motor ng ating tren, ‘yung kanyang contactor ay nagdikit.  That cause the high voltage wire to trip,” ani Engr. Mike Capati, director for operations ng DOTR-MRT3.

Ayon kay Capati, na-detect naman kaagad ng driver ang problema ng tren kaya’t inihinto niya ito upang mapababa at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nabatid na dakong 6:02 ng gabi ng Lunes ay umusok ang tren sa intersection ng Araneta-Cubao at Santolan.

Sanhi nito, napilitang bumaba ng tren at maglakad sa riles ang may 645 nilang pasahero, patungo sa istasyon ng tren.

Sinabi naman ni Capati na kung kakayanin ay nais sana nilang sa istasyon ihinto ang nasirang tren upang hindi mahirapan ang kanilang mga pasahero.

Gayunman, kung talagang mapanganib ay wala silang magagawa kundi ihinto ito sa gitna ng riles.

Tiniyak naman niya na aasistihan ang mga pasahero ng kanilang mga personnel upang ligtas na makarating sa istasyon ang mga ito.

Paniniguro pa niya, sinanay o trained ang lahat ng kanilang mga tauhan sa mga ganitong kaganapan.

Mayroon rin naman aniya silang mga fire extinguisher sa loob ng mga tren upang magamit sa panahon ng emergency.

Mahigit kalahating oras, o dakong 6:35 ng gabi na nang maibalik ang traction ng tren at kaagad itong dinala sa pocket track sa Shaw Boulevard station upang kumpunihin at maibalik sa normal ang operasyon ng linya ng MRT-3.

Tiniyak naman ng MRT-3 na nakabili na sila ng mga bagong traction motors na nakatakdang ideliber sa loob ng dalawang buwan.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City at pabalik.

Please follow and like us:
Read More

LADY GUARD HULI SA .9MM PISTOLA SA MRT-3

mrt3

(NI DAVE MEDINA)

SWAK sa selda ang isang lady guard ng Advance  Forced Security and Investigation Services Inc. (AFSISI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos mahuling may dalang baril sa bag bago makasakay ng tren ng Metro Rail Transit Line 3  (MRT-3)  EDSA Rotonda Station sa Pasay City, Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Station Investigation and  Detective Management Branch (SIDMB) Pasay City Police, papasok ng MRT station  ang lady guard na si Emelyn Batocabe Zafra nang mapansin ng guwardiya ng istasyon na si Michael Mendez, sa pamamagitan ng x-ray machine, na may  dalang baril ang suspek dakong alas-7:35 ng umaga.

Nang tanungin ng mga guwardya, makadalawang beses nitong itinanggi na sadya niyang dinala ang baril na 9mm pistol na kanyang gamit sa pagduduty sa NAIA Terminal 3.

Sa imbestigasyon sa SIDMB, nagsabi si Zafra na nag-CR lamang siya upang magpalit ng pang-itaas bago umuwi at inilagay sa kanyang bag ang service pistol.

Nakaligtaan na umano niyang nailagay niya ang service firearm sa kanyang bag dahil sa pagod at puyat ng magdamagang duty sa airport at dahil sa pagmamadaling makapunta ng Quezon Avenue sa Quezon City para sa kanyang sahod. Hindi na umano niya nai-surrender ang baril sa detachment commander.

Kinanlong naman ng kinatawan ng AFSISI security agency si Zafra sa pagpapakita ng kaukulang papeles ng naturang pistola.

Gayunman, walang maipakitang dokumento na exempted sa gunban si Zafra kaya tuloy ang kaso.
Magugunitang nagpatupad ng mahigpit na security check ang management ng MRT 3 dahil sa bomb threat na natanggap nuong unang linggo ng Enero at makadalawang beses nang nakakasabat ng live grenade sa MRT 3 Cubao Station

 

Please follow and like us:
Read More

GRANADA NASABAT SA ‘SUNDALO’ SA MRT

sundalo22

INAALAM pa ng awtoridad ang motibo ng isang lalaking nahulihan ng granada sa MRT Cubao station, Sabado ng gabi.

Patuloy na isinasailalim sa interogasyon sa Cubao Police Station ang suspect na nagsabing dati siyang sundalo.

Nabatid na ang suspect ay pasakay na ng MRT-3 bandang alas-7:10 ng gabi nang makita habang idinadaan sa x-ray machine ang bitbit nitong granada na nasa loob ng kanyang backpack.

Nang tanungin sinabi nito na wala syang balak gamitin sa pampasabog o lumikha ng karahasan dahil dadalhin lamang umano niya ang granada sa kapatid nito na isa ring sundalo.

Please follow and like us:
Read More