PDUTERTE KINALAMPAG SA PALPAK NA MRT

mrt312

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) na pagtuunan ang pagpapabuti sa serbisyo ng nasabing transportasyon.

Daing ng mga commuter, dapat siyasatin ng Pangulo ang mga nangangasiwa sa MRT upang masiguro na mas magiging epektibo ito at mabawasan kundi man tuluyang mawala ang mga aberyang kakambal na ng operasyon nito.

Sa tindi ng trapiko sa Metro Manila ay ang mga commuter ang pangunahing napiperhuwisyo kapag nagkakaaberya ang opersayon ng MRT na siyang inaasahan dapat ng publiko sa maalwang sistema ng transportasyon.

Subalit, maikling panahon lamang nalasap ng mga commuter ang kumportableng biyahe ng MRT dahil nang mapalitan umano ang nangangasiwa ng service provider ay naging palpak at madalas ang aberya sa mga pagbiyahe nito sa kahabaan ng EDSA.

Nasa 500,000 katao ang dating naisasakay ng MRT subalit nang magpalit ng maintenance company ay nasa 250,000 na lamang kada-araw ang naisasakay kaya mistulang sardinas ang mga pasahero sa pagsisiksikan.

“Panay ang papogi nila sa media tulad sa ginawa nilang “terrorist bomber drill” sa Cubao station nitong nagdaang araw.., okey ako run kasi for safety ng lahat, pero ang dapat nilang unahin e yung kalidad ng train para hindi pasira-sira, imbes na maging on-time ang lahat sa work o school e perhuwisyo ang dinaranas ng mga commuter,” pahayag ng isa sa mga suki ng MRT na si Edwin Reas, 45.

“Sa ngayon, magmula nang ibalik sa kumpanyang Hapones na Sumitomo ang maintenance operation ng MRT3, kahit painut-inot ay nagkakaroon ng pagbabago sa serbisyo nito. Yun lang, kailangan pa rin nating maghintay ng mga 2 hanggang 3 taon pa bago tuluyang mabalik ‘yung dating bilang na 22 train na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, ” pahayag naman ng isa pang commuter na si Roland. (TJ DELOS REYES)

Please follow and like us:
Read More

MARINO MAY LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT2

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY kaloob na libreng sakay para sa mga Pilipinong marino ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong Martes, Hunyo 25.

Nabatid na ito ay bilang pakikiisa ng Department of Transportation (DOTr), na siyang namamahala sa MRT-3, at ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na siya namang nangangasiwa sa LRT-2, sa pagdiriwang ng ‘Day of the Filipino Seafarer 2019’.

“Magandang balita! May libreng sakay ngayon, ika-25 ng Hunyo 2019, sa MRT-3 at LRT-2 para sa mga Pilipinong marino!” anunsiyo ng DOTr.

“Bilang pakikiisa ito ng DOTr MRT-3 at LRTA sa taunang pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer,” dagdag pa nito.

Nabatid na ang libreng sakay sa mga Filipino seafarers ng MRT-3 ay nai-avail ng mga ito mula 5:30 ng madaling araw hanggang 10:30 ng gabi, habang ang free ride naman sa LRT-2 ay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Kinailangan lamang ng mga Pilipinong marino na magprisinta ng kanilang Seafarer’s Identification at Record Book (SIRB) o MARINA ID sa mga ticket seller o Security Personnel sa istasyon kung saan sila sasakya upang maka-avail ng free rides.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe mula North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Pasay City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), at pabalik, habang ang LRT-2 naman ang siyang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan sa Pasig City.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BIYAHE NG LRT, MRT SUSPENDIDO DAHIL SA LINDOL

mrtlrt1

(NI KEVIN COLLANTES)

SUSPENDIDO muna ang mga biyahe ang mga tren ng Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) at 2 (LRT-2), gayundin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon, partikular Metro Manila, Lunes ng hapon.

Layunin ng tigil-biyahe na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ng tatlong mass railway system.

Naunang nakapagdeklara ng stop operation ang LRT 2 at MRT 3 pagkatapos ng lindol na naganap dakong 5:11 ng hapon habang pasado 6:00 ng gabi naman nang magtigil operasyon ang LRT 1

“LRT2 suspends train operation at around 5:18pm, all stations are closed for passenger entry, pending inspection and assessments of all facilities and systems due to strong earthquake,” anunsiyo ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT Authority (LRTA),  na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, sa kanyang Twitter account.

Ayon naman kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, nagpasya silang suspendihin ang mga biyahe ng kanilang mga tren para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Magsasagawa muna aniya sila ng inspeksiyon sa mga riles at iba pang pasilidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito bago tuluyang pabiyahihing muli ang kanilang mga tren.

“Stop operations po muna ang MRT, ” ani Capati. “We’re still checking the tracks and the facilities kung apektado ng earthquake. For the meantime stop operation muna, until further notice.”

Sa panig naman ng LRT 1, una silang nagpatupad ng 3-minute slow down sa biyahe ang LRT-1 at nang matapos ang lindol ay back to normal ang operations nito.

Alas-6:10 ng gabi ay nagpasya na rin ang LRT-1 na magsuspinde ng biyahe.

Ayon kay Rochelle Gamboa ng LRT-1, nais nilang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kaya aalamin muna nila kung may pinsalang nalikha ang lindol sa kanilang mga riles at iba pang pasilidad bago muling ipagpatuloy ang kanilang biyahe.

Iaanunsiyo na lamang umano ng mga opisyal ng mga mass railway systems kung kailan muling bibiyahe ang kanilang mga tren.

Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Roosevelt Avenue sa Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque City, habang ang LRT-2 naman ang nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan, Pasig.

Ang MRT-3 naman na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nagdudugtong sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City.

 

Please follow and like us:
Read More

REHABILITASYON NG MRT-3 MAHABA-HABANG TIISIN

MRT-14.jpg

(Ni FRANCIS ATALIA)

MAHABA-HABANG tiisin ang nakaambang pasanin ng halos 300,000 pasahero ng MRT-3 dahil sa tatlong taong rehabilitasyon nito simula ngayong Enero.

Ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit, limitado lamang sa 15 tren ang bibiyahe araw-araw dahil nasa 72 light rail vehicles ng MRT-3 ang io-overhaul.

Popondohan ng  ¥38.1 billion ( P18.76 billion o $362 million) na pautang ng Japan International Coope­ration Agency o  JICA ang rehablitasyon.

Kabilang sa mga isasaayos ay ang coaches, mga sira-sira nang ele­vator at escalator sa 13 estasyon ng tren, riles, power supply, signalling system, public address system at ang CCTV sa mga estasyon.

“Tiis muna. Matapos ang rehabilitasyon ay malaking ginhawa naman ang mararanasan ng ating mga mananakay,” anang kompanya.

Itataon namang holiday ang suspensiyon ng operasyon kung kinakailangan upang makaiwas sa abala sa nakararaming pasahero.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na hindi sila magtataas ng pasahe matapos ang rehabilitasyon.

Please follow and like us:
Read More