1 PATAY SA MOTOR VS TRICYCLE

motoraccident12

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang motorcycle rider nang makasalpukan ang isang tricycle sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Hindi umabot nang buhay sa South East Asian Medical Center ang biktimang si Ronnie Arevalo, 32, ng #97 Molino 1, Bacoor City, habang kinilala ang driver ng tricycle na si Ernie Dorol, 44, ng Clover St., De Castro Village, Aniban 1, Bacoor City.

Sa ulat ni Corporal Christian Jovit ng Bacoor City Police Station, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Molino Road, Molino II, Bacoor City.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Rusi 125 habang binabagtas ang naturang lugar at nakatakda sanang mag-U-turn.

Minamaneho naman ng suspek ang kanyang tricycle na may plate number na 3117 VY, patungo sa direksyon ng Zapote nang mabulaga ito sa kasalubong na motorsiklo ng biktima.

Tinangka ng suspek na umiwas ngunit huli na at nagpang-abot ang dalawang sasakyan. (SIGFRED ADSUARA)

Please follow and like us:
Read More

MOTOR, BIKE BAWAL NA SA HIGHWAY

MAHIGPIT nang ipatutupad ng pulisya ang pagbabawal sa mga motorsiklo at biseklita sa highway sa Zambales dahila ang lalawigang ito ang nangunguna sa Region 3 bilang may pinakamaraming naitalang vehicular accidents nitong taong 2019.

Ayon kay Police Lt. Col. Oriano Mina, Deputy Director for Operation ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), halos kalahati ng bilang ay sangkot ang mga motorsiklo.

Sa datos mula Hulyo hanggang Disyembre noong nakaraang taon, pumalo sa 965 ang bilang ng naitalang mga disgrasya.

Dahil dito, nais ng mga awtoridad na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act 4136 na ipinagbabawal sa gitna ng national highway ang mga motorsiklo, tricycle at biseklita.

Nitong Linggo ay mahigpit nang ipatutupad ng pulisya ang nasabing batas sa mga bayan at syudad.

Paalala ni Mina sa mga motorista, sumunod sa kanilang ipinatutupad na batas para  sa kanilang kaligtasan. (JG TUMBADO)

Please follow and like us:
Read More

MOTOR SUMAMPA SA JEEP: 1 PATAY, 1 KRITIKAL 

accident121

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang lalaki makaraan sumampa ang humaharurot nitong motorsiklo sa pampasaherong jeep habang kritikal ang isang babaeng pasahero, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Kinilala ang namatay na si Jojo Dula, 39-anyos, habang kritikal sa ospital ang isang Mary Ann delos Reyes, na pasahero ng pampasaherong jeep.

Habang nilapatan naman ang sugatan driver ng jeep na kinilalang si Zoe Gubito.

Batay sa report, naganap ang insidente sa Zarraga Iloilo City, habang binabaybay ng motorsiklo ang kalsada nang mag-overtake sa jeep dahilan para sumalpok ito.

Sa lakas ng pagkakabangga, nahulog ang jeep sa kanal at nalaglag ang pasaherong si delos Reyes habang agad namatay si Dula sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

TEACHER NAHULOG SA MOTOR, NASAGASAAN NG KASUNOD NA SUV

motoraccident12

(NI JG TUMBADO)

DEDO ang isang 25 taong gulang na guro nang mahulog mula sa pinag-aangkasang motorsiklo sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Nakilala ang biktima na si Julia Jimenez, dead on the spot sa lugar ng aksidente sa kahabaan ng national road sa Barangay Talaan Aplaya.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police, naka-angkas umano ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang kapatid patungong Lucena City pasado alas dose ng tanghali ng Huwebes.

Isang mini tanker umano na nasa kabilang linya ang iniwasan ng motorsiklo habang ito ay mabilis na nagpagewang-gewang sa kalsada at sasalubong sa kanila.

Subalit sa pagpihit ng motorsiklo para maka-iwas sa salpukan sa mini tanker ay biglang nahulog ang biktima sa  pagkaka- angkas nito at napailalim pa ito sa isang SUV na nakasagasa sa kanya.

Mabilis umanong tumakas ang sasakyan na subject ngayon ng pagtugis ng mga awtoridad.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA SA MOTORSIKLO NABANGGA; TATAY PATAY

motoraccident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAKAYAKAP pa ang  ama  sa kanyang  3-anyos na anak nang nalagutan ng hininga na kapwa nakaangkas sa motorisklo nang banggain at kaladkarin ng isang Pick-up sa Dasmarinas City, Cavite.

Namatay noon din si Archie Cataluna, 34,  ng Pasong Kawayan II, Gen Trias City, Cavite habang isinugod sa ospital ang 3-anyos na anak nito na si Ragnar Cataluna at driver ng motorsiklo na si Joel Joven, 38 ng Block 104 Lot 17, Mary Chris Complex, Pascam Gen Trias City, Cavite.

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng Nissan Navara Pick-up na si Maria Victoria Sabino, 48 ng Block 49 Lot 18 P1A, Mero Gate Silang Estate, Silang, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Donato Almenario, ng Dasmarinas City Police Station, kapwa angkas ang mag-amang Cataluna sa minamanehong motorsiklong Yamaha Mio ni Joven habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway patungo sa direksiyon ng Tagaytay City dakong alas-11:15, Martes ng gabi.

Pagsapit sa gasoline station sa Brgy Sampaloc 2, Dasmarinas City, Cavite nang tumbukin ang likurang bahagi ng sinasakyang motorsiklo ng isang Nissan Navara Pick-up na may plakang NCM 8338 na minamaneho ni Sabino na kasunod nito patungo rin sa nasabing direksiyon.

Nang mabangga, nakaladkad pa ng ilang metro ang nasabing motorsiklo kung saan agad na namatay si Archie na nasa likurang bahagi ng motorsiklo.

Masuwerte namang nakaligtas ang anak ng biktima, bagama’t bali umano ang katawan nito, ayon sa imbestigador na si Almenario.

Ayon pa kay Almenario, pawang walang mga suot na helmet ang tatlo nang naganap ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

2 MOTORSIKLO NAGSALPUKAN, 4 DEDBOL

accident23

(NI JG TUMBADO)

DEDBOL ang apat na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo nang magsalpukan ang mga ito sa bayan ng Glan sa Saranggani province, araw ng Huwebes.

Dead on the spot ang dalawang rider habang naisugod naman sa ospital ang kani kanilang angkas subalit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Base sa imbestigasyon ng Glan municipal police, nagkasalubong ang dalawang motorsiklo sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa national highway Barangay Congon, pasado alas 2:00 ng madaling araw.

Nabatid na pawang walang mga suot na helmet ang apat at sinasabing mga nakainom pa ang mga ito nang maganap ang trahedya sa kalsada.

 

Please follow and like us:
Read More

TINEDYER NA NAKAMOTOR, NATUMBA, TODAS SA TRUCK

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN)

KAMATAYAN pa rin ang sinapit ng isang tinedyer  na sa pag-iingat sa pagmomotorsiklo ay sa shoulder na ng highway dumaan subalit aksidente pa rin ang kinasapitan sa Batangas City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Morante, residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa Batangas City police, ang biktima ay nagulungan sa katawan ng isang hindi naplakahan at tumakas na  truck habang nagmomotorsiklo sa national highway, Barangay Sta. Rita Karsada, alas 9:30  ng gabi.

Batay sa report, natumba ang motorsiklo ng biktima habang ito ay tumatakbo sa shoulder ng highway matapos na mawalan ng kontrol dahil sa lubak-lubak at hindi pantay na pagkakasemento.

Sa kasamaang palad, sa gitna ito ng highway bumagsak  kaya nasagasaan ng kasunod na truck.

Nasawi ang biktima habang isinusugod sa St. Pascual De Baylon hospital samantalang pinaghahanap ng mga pulis kung alin ang nakasagasang truck.

 

Please follow and like us:
Read More

3 SAKAY NG MOTORSIKLO PATAY SA BUS

accident121

TOBOSO, Negros Occidental—Patay lahat ang tatlo kataong sakay ng motorsiklo matapos sumalpok sa kasalubong na bus sa Barangay Tabu-ac sa bayang ito, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Junrey Bawaan, Arnel Selma, at isang 15-anyos na lalaki.

Magkakaangkas umano ang tatlong nakamotorsiklo at mabilis ang takbo dahil may hinahabol umanong isang pang motorsiklo.

Nabangga sila ng kasalubong na bus nang makarating sa pakurbadang daan sa naturang barangay.

Dead on the spot si Bawaan, habang sa ospital na binawian ng buhay ang dalawa niyang kasama.

Nakakulong na ngayon sa istasyon ng pulisya ang driver ng bus.

 

Please follow and like us:
Read More

 3 NAGNAKAW NG MOTORSIKLO PATAY

motor22

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang tatlong lalaki na umano ay nagnakaw ng motorsiklo matapos na ang mga ito ay makipagbarilan sa mga pulis habang papatakas sa Malvar, Batangas, Sabado  ng madaling araw. Sa inisyal na report ng Batangs PNP, kinilala ang mga napatay sa mga pangalang ‘Mario’/‘Molino’, isang alias ‘Tito’ at isang alyas ‘Jr’.

Nagsagawa umano ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Malvar police station at Batangas Highway Patrol Group matapos i-report ng isang Maynard Garcia ang pagkawala ng kanyang motorsiklo sa Barangay Luta Norte pasado ala-1:00 ng madaling araw.

Naabutan ng mga pulis ang tatlong suspek na sakay ng dalawang motorsiklo sa Barangay Poblacion dakong alas dos.

Subalit sa halip na sumuko nakipagbarilan ang mga ito na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Narekober sa mga ito ang motorsiklo ng biktima, isang kalibre .45 baril at dalawangg kalibre 38.

Please follow and like us:
Read More