PAANO NAGSIMULA ANG MOTHER’S DAY?

MOTHERS DAY-3

SA mga Pilipino, mahalaga ang pagbibigay pugay sa “Araw ng mga Ina” dahil isa itong paraan ng pagpapakita ng respeto at pagkilala sa kanilang kadakilaang nagawa upang mailuwal ng maayos, mapalaki, mapag-aral, mabihisan at maalagaan ang kanilang mga anak.

Mahirap o mayaman ay kapwa nagdiriwang ng “Mot¬her’s Day bilang pagbibigay halaga sa ating mga ina na gagawin ang lahat upang mabigyang buhay ang kanilang mga anak.

Siglo na ang inabot nang masimulang ipagdiwang ang araw para sa mga ina, na u¬nang inakala ng marami na sa Estados Unidos nagsimula. Noon pa mang panahon ng mga Griyego, ipinagdiriwang na ang “Mother’s Day” kung saan kinikilala si Rhea, ang Ina ng mga Diyos. Maging sa mga Kristiyano, noong 1600 ay inirerespeto na at kinikilala si Maria, ang ina ni Jesus. Dahil na rin sa pagkilala ng marami kay Maria, kinilala na rin ito ng Simbahang Katolika at lumaganap kung kaya’t ipinagdiwang ang nasabing okasyon.

Maging ang Reyna ng Englatera ay nagsimulang palaganapin ang pagkilala sa mga Inang nagsakrispisyo hindi lang para sa kanilang mga anak subalit sa kanilang buong pamilya.

Noong panahong iyon sa Inglatera, ang mahihirap na tao ay nagsisilbi para sa mga mayayaman kung kaya’t iniiwan nila ang kanilang pamilya upang maghanapbuhay at tumitira sila sa bahay ng kanilang mga nagiging amo.

Subalit kapag dumara¬ting ang ika-apat na Linggo ng buwan, ang mga  namamasukan bilang tagapagsilbi ay pinapauwi sa kanilang tahanan upang makapiling ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang ina. Kinilala ang pagdiriwang na “Mothering Sunday.  Isang espesyal na kakanin ang kanilang inihahanda na kilala sa tawag na “Mothe¬ring Cake.”  Sumisimbulo ang cake na ito sa mayabong na pagmamahal.

Kasabay nang paglaga¬nap ng Kristiyanismo, sa buong Europa, ang pagdiriwang ay lumaki at napalitan ng pagdiriwang sa pagkilala ng “Inang Simbahan” kaugnay na rin sa paniniwalang ang kapangyarihan ng ispiritu ay nagbibigay sa ina na handing magbigay buhay at proteksyson mula sa kapahamakan.

Sa paglipas ng panahon, ang  masaya at magarbong pagdiriwang ay nagkahalo-halo na at nalagyan pa ng ibang kasayahan kung kaya’t  nauwi sa pagdiriwang at pagkilala sa “MOTHER’S DAY.”

Ang mga tao ay nagsimula na magdiwang ng “Araw ng mga Ina” kasabay nang pagkilala at paggunita sa “Mo¬thering Sunday.”

Subalit dumating ang panahon na  unti-unti humupa at halos walang ningning  ang pagdiriwang dahil sa pagda¬ting ng mga mananakop na nagpatigil ng “Mothering Sunday” dahil na sa kakulangan ng oras.

Ngunit noong 1870, ang social activist na si Julia Ward Howe ay nagsimulang buha¬yin ang sigla ng pagdiriwang ng araw ng mga nanay. Bagaman mag-isa, sinimulan ni Howe ang krusada at  apila sa mga kababaihana na magkaisa upang tumulong sa pagpa¬panatili ng kapayapaan.

Noong 1872, nagtungo sa London si Howe upang palaganapin ang kaisipan sa “Mother’s Day for Peace”  na unang ipinagdiwang noong June 2 na matagumpay na ipinagdiriwang sa loob ng 10 taon.

Nagpatuloy ang paggunita ng araw para sa mga ina na walang inisip kung hindi ang kabutihan at magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak.

Sa paglipas ng panahon, naging modern na ang pagdiriwang ng “Mother’s Day” kung kaya’t maliban sa pag-ihip ng kandila na nakatusok sa magandang cake, maraming paraan na ang pagdiriwang at paggunita sa sakripisyo ng mga ina. Kabilang ang pagkain sa mga restaurant, pano¬nood ng sine, pagpunata sa mga parks at mall at marami pang iba.

Sa mga mayayaman, ang araw ng mga ina ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay ng pumpon ng rosas, mamahaling regalo at pagkain sa mga mamahaling restaurant.

Kinasanayan na rin ng mayayamang pamilya na ang pagdiriwang ng Mother’s Day ay gawin sa ibang bansa kung saan makakapamasyal sila nang sama-sama.

Naging masaya na para sa mga mahihirap at pangkaraniwang pamilyang Filipino na ang araw ng dakilang ina ay ipinagdiriwang ng sama sama sa pamamagitan ng pagsisimba.

Kahit paanong paraan ipagdiwang ang “Mother’s Day” wala dapat maging problema basta ang mahalaga ay maalala at mabati ang taong lubos na nagpakahirap at naglaan ng panahon para sa kanyang mga anak. HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG NANAY, INAY, MAMA. MOMMY, MOMSHIE, MA, NAY at kung ano pa mang tawag.

Please follow and like us:
Read More