“KINITA NG MMFF 2019 SHORT NG 4.5%”– CHAIRMAN DANNY LIM

MMDA-MMFF

Sinabi kahapon ni MMDA Chairman Danilo Lim na naging maganda ang resulta  ng MMFF 2019.

Sa official announcement na ginanap kahapon ng hapon sa main office ng MMDA,  umabot nga ng P955Million pesos ang kinita ng MMFF 2019 in its 14 days of duration.

Na-short ng 4.5% sa target na One Billion Pesos.

“Nasabi kong maganda ang resulta dahil kahit nagka-lindol sa Mindanao na umabot sa 6.9 Richter scale. ( Noong Dec. 28, 2019 lang lumabasxng Philippine Area of Responsiblity  at nagsara ang mga sinehan dahil sa bagyong Ursula). Hindi pa rin lumayo sa P1.06 Billion na kinita ng 2018 MMFF.

Ang mga pelikulang mga kasali sa top 4 Best Performer sa takilya ay:

Miracle in Cell #7,  Mission Unstapabol: The Don Identity, M& M: The Mall The Merrier at 3POL TROBOL: Huli Ka Balbon!

Dahil sa success ng MMFF 2019, tuloy na tuloy ang METRO MANILA SUMMER  FILM FESTIVAL 2020  na gaganapin sa April 11 to April 21, 2020.

Ayon pa sa mga MMDA officials na katsikahannnamin kahapon ay extended toFebruary 15, 2020 ang submission ng entry for MMSFF 2020.

May early bird discountvpa na P30 thousand ang magsa-submit sa Jan. 31, 2010.

May panawagan din sa mga estudyante na gustong lumahod sa MMSFF 2020. Hanggang Februart 28, 2020 ang deadline ng submission of entries na ang theme ay “Pinoy Pride.”

Please follow and like us:
Read More

PINAKAMAHIRAP NA PELIKULANG GINAWA NI COCO

(NI LEO BUKAS)

AMINADO ang TV King na si Coco Martin na ang pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya bilang aktor.

Imagine, sa pelikulang ito ay ibinalik niya ang karakter ni Paloma at nagsuot pa siya ng T-back, huh!

“Ang hirap magbihis-babae, talagang in-effort-an ko. Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung palit-makeup lang. Lahat palit — contact lens, kuko, palit,” natatawang kuwento ng aktor sa presscon ng kanyang pelikula.

Patuloy pa niya, “Ako ‘yung dumarating na pinakamaaga sa set. Kasi nga, one and a half hours akong minemeykapan. Tapos bibihisan ako na kung anu-anong nilalagay sa akin para maging sexy.”

Ang karakter ni Paloma ay nagsimula sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Pero kakaibang Paloma raw ang mapapanood ng tao sa kanyang pelikula dahil ni-level-up daw niya ito nang times five.

“Ibang-iba yung Paloma rito. Talagang sinagad ko na siya,” pagmamalaki pa ng aktor.

“Actually, isa sa pinaka-highlight ng pelikula ‘yung nilalandi ko si Sam (Milby), na sumasayaw ako sa harapan niya, ganyan. Tapos, ‘yung magki-kiss kami. Iba, ibang ano. Kasi, sabi ko nga, gagawa ka na rin lang ng comedy, sagarin mo na. Wala nang tipiran.

“Lahat ng maiisip mo, lahat ng mga hindi ine-expect ng mga tao gawin mo na. Sabi ko nga, sana lang after nito, lahat ng nanonood ng Probinsyano bumalik pa rin ‘yung pagtingin nila kay Cardo. ‘Yung respeto sana, nandu’n pa rin,” sabay halakhak ng aktor.

Natatawa ring inamin ni Coco na napasubo siya kay Jennylyn Mercado habang pini-present niya ang concept ng pelikula lalo na do’n sa part na kailangan niyang mag-T-back.

Kuwento niya, “Actually, napasubo ako rito. Nu’ng pinresent ko kay Jennylyn ‘yung concept, sabi ko, ‘Jen, ganito ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo, naka-swimsuit ka, tapos, ako rin naka-swimsuit, tapos naka-T-back”

“Eh, siyempre, nu’ng pinresent ko kay Jen, para pumayag siya, ine-excite ko siya. Eh, nu’ng gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan? Kasi nga, kailangan kong magpakita ng puwet. Eh, siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya (Jen) pag hindi ko ginawa. Ginawa na namin sa pelikula.”

Samantala, bukod kay Jennylyn ay kasama rin sa pelikula si Ai-Ai delas Alas na gumaganap naman bilang nanay ni Coco, Sam Milby, Edu  Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Jojit Lorenzo at marami pang iba.

Si Coco rin ang prodyuser (CCM Productions) at director (for his real name Rodel Nacianceno) ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

 

Please follow and like us:
Read More

VIVA ARTIST PA RIN ANG SEXY ULI NA SI ANDI

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

SEXY na agad si Andi Eigenmann nang makita namin na very hands-on sa kanyang second baby. Nagkataong kasama ni Gabby Eigenmamn ang kapatid na si Andi sa opisina ng PPL Entertainment, Inc.

Kasama ni Andi ang bunsong anak na si Lilo.

Four and half months na si Lilo at ang ganda-gandang baby. Mas kamukha ito ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose at ni Andi mismo. Mukhang happy baby rin.

Nasa Manila raw sila ngayon hanggang Christmas na. Sa New Year ay sa Siargao naman sila. Sabi ni Andi, Manila pa rin daw ang home niya pero gusto raw niyang talaga sa Siargao kunsaan, nagpapatayo sila ng bahay ni Philmar Alipayo at air bnb.

Masaya rin si Andi sa kung ano siya ngayon. In fact, she found peace of mind and simple life raw. Wala ngang yaya si Andi sa ikalawang anak na personal choice nila ng partner.

Sey niya, “Hindi ko kasi nagawa to kay Ellie noon, my family was always there plus may yaya. Ngayon, gusto ko siyang ma-experience.”

Nag-alok pa raw ang mommy niya na si Jaclyn kung gusto, ito na ang magbabayad ng yaya ng apo, thinking siguro na baka nagtitipid lang sila kaya ayaw niyang mag-yaya sa ikalawang anak. Pero, talagang gusto lang daw niya na ma-experience na siya naman this time ang nakatutok sa anak niya. At sabi nga ni Andi, mas mahirap pero masarap daw talaga sa pakiramdam.

Bukod pa sa full breastfeeding din siya.

Career-wise, VIVA artist pa rin daw siya though she has no any network affiliation. Kaya kahit saan, pwede naman siyang gumawa. Though, if ever, movie raw muna sana ang gusto niyang gawin dahil mas gusto pa rin niya ng mas maraming oras kasama ang dalawang anak.

***

AGA MOVIE HIGHLY RECOMENDED NAMIN FOR MMFF

Isa sa puwede naming i-recommend talaga na sana ay panoorin ng buong pamilya sa 2019 Metro Manila Film Festival sa Kapaskuhan ay ang VIVA Films entry na “ Miracle in Cell No. 7.”

Ilang beses naming napanood ang Korean version nito dati pa at umiyak, tumawa but definitely, hindi puwedeng hindi maantig ang puso ng bawat pamilya sa kuwentong ito na ngayon ay ginawan ng Pinoy adaptation ng VIVA with Aga Muhlach and Xia Vigor as the lead.

Tinanong nga namin si Aga kung ramdam na ba niya ang posibleng Best Actor sa portrayal niya bilang mentally-ill father, inosente pero inakusahan ng sexually assaulting at murdering ng batang babae na anak ng isang high-ranking official.

Sabi ni Aga, “Hindi naman ako magde-deny na masarap pa rin tumanggap ng maraming ganyan. Pero, simula’t-sapul, mas mahal ko ang paggawa ng pelikula kesa sa tropeyo. Basta masaya akong gumawa ng pelikula.

“Usually, sa araw na yun, high na high ka, napansin ang performance. But more than anything, ang pinapangarap ko palagi, sana, mapanood nila palagi ang pelikulang ginagawa ko.

“It’s always about that. But most importantly for me right now, I’m very grateful and blessed that we are included in Metro Manila Film Festival and I can guarantee that it’s a very beautiful movie.”

Very proud nga raw si Aga sa nagawa nilang pelikula. At nabanggit din nito na kahit ang orihinal na Korean actor na gumanap dito, si Ryu Seung-Ryung ay nakaka-text niya at masaya rin ito sa ginawa nilang adaptation.

Nag-offer pa raw na ipu-promote rin sila kaya biro ni Aga, how he wished na maipalabas din daw sila sa South Korea.

 

Please follow and like us:
Read More

4 SCRIPT NAPILI NA PARA SA MMFF 2019

(NI GORGY RULA)

INI-ANNOUNCE na ngayong Miyerkoles ang apat na script na napili ng Screening Committee ng Metro Manila Film Festival.

Isang script bawat genre ang pinili nila kaya iyun ang sagot kung bakit hindi napili ang ilang entries na pinagbidahan ng mga kilalang artistang laging namamayagpag tuwing MMFF.

Sa fantasy, pasok ang Momalland nina Vice Ganda at Anne Curtis. Sa Drama naman ay ang Pinoy adaptation ng Viva Films na Miracle in Cell #7 nina Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Ang Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa comedy, at ang (K)Ampon ng Quantum Films nina Kris Aquino at Derek Ramsay naman ang sa horror.

Iyun pa rin ang choices ng screening committee na sinasabi nilang ibinase pa rin nila sa script na malaki raw ang bahagi ng commercial viability at Filipino Cultural Sensibility.

Bago pa ang announcement, nagsimula nang mag-shooting sina Vice Ganda para sa kanilang Momalland.

Kahit nga ang pelikula ni Coco Martin ay nasa pre-production at maaring magsisimula na silang mag-shoot.

Sana makapasok ang pelikula niya sa finished films.

Marami pa ang inaasahang magagandang material tampok ang mga kilalang artista, gaya ng Mindanaw ni Judy Ann Santos, ang Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor, ang The Heiress ni Maricel Soriano, ang It It ni Robin Padilla at marami pa.

     ***

Nakatutuwa ang suporta ni Dingdong Dantes sa ginagawa ngayon ni  Marian Rivera na pag-donate ng sobrang gatas sa ibang nanay na hindi gaanong makapag-produce ng maraming gatas para sa kanilang sanggol.

Ipinost ng isang close sa kanila na aligaga si Dingdong sa pag-pack ng mga gatas ni Marian.

Maraming naipon ang Kapuso Primetime Queen at si Dingdong din mismo ang nag-enganyo sa asawa niya na i-donate ito sa mga batang di makapag-breastfeed sa kanilang nanay.

“Sobrang dami eh. Alam kong marami ang nangangailangan, at hindi lahat na mga mommy makapag-produce ng ganito kadami. Kaya gustung-gusto kong i-share ang milk ko sa mga nangangailangan,” pahayag ni Marian sa isang kaibigang nag-post ng video na iyun sa Instagram.

Katulong pa si Zia sa paglagay sa ice chest na nilalagyan nila ng maraming ice para hindi ito masira.

Nakikita roon sa video na proud na proud si Dingdong na sinasabing galing lahat iyun kay Marian.

Ipinagmamalaki niyang ipinost sa kanyang Instagram account na proud siya para sa kanyang asawa.

Sabi niya; “There are many things I admire about my wife, but one of them that really makes her a superwoman in my eyes is her dedication to breastfeeding.

“Being a witness to what she went through with Zia, and with what she is providing for Sixto, I know that producing that precious milk is not easy. And because she is blessed with this, I salute her for choosing to donate her  excess  expressed milk to those who need  it most.”

Noon pa man ay isa itong advocacy ni Marian, na nakapag-donate din siya noon nung nagpapa-breastfeed siya kay Zia.

Samantala, panibagong achievement na naman itong kay Dingdong na kinuha siyang brand ambassador ng Caltex sa kanilang National Geographic Record Rides event na ginanap sa Blue Leaf Filipinas Belle Avenue sa Paranaque noong nakaraang Miyerkoles, July 10.

Nababagay daw sa Kapuso Primetime King ang tagline na ‘Enjoy the Journey’.

Sabi sa kanilang press release, nababagay si Dingdong ang bagong campaign nila dahil napaka-positive, friendly, genuine at adventurous na nai-encourage ang mga tao na i-enjoy at i-experience nang husto ang lahat na mga gusto nilang gawin.

Pero ang pagiging adventurous ay talagang na-enjoy nang husto ni Dingdong lalo na’t nakakapag-ikot siya sa mga pinupuntahan nila para sa programa niyang Amazing Earth.

“Yung mga pinupuntahan kasi namin hindi siya yung normal na tourist spots na nababalitaan natin.

“Halimbawa, kung sabihin mo Rizal, nandiyan ang Hinulugang Taktak, mga ganun. Yung mga pinupuntahan namin mostly yung mga protected areas, yung mga kasuluk-sulukan na hindi natin akalaing nandun pero napakaganda.

“Yung mga discoveries na ganun linggu-linggo parang nakakatuwa dahil kahit na may iba akong ginagawa sa TV, pero naba-value ko ito kasi educational siya at the same time, nai-enjoy parang nagbababakasyon ako every week di ba?” nakangiting pahayag ng Kapuso actor.

 

Please follow and like us:
Read More

BOYKOT KAY VICE BIGO; FANTASTICA NO. 1 SA TAKILYA

26vice

(Ni KC Guerrero)

HINDI nga nagtagumpay ang masigasig na social media campaign ng mga dilawang trolls.

Bigo ang boykot campaign laban kay Vice Ganda.

Hindi natinag ang Unkabogable beauty niya sa takilya.

As of 1:30 ng hapon kahapon sold-out na sa mga sinehan nationwide ang Fantastica.

Nagdagdag pa ng screenings sa ibang mga sinehan para ma-accommodate ang demand.

As of presstime on target ang #goal ng Star Cinema at Viva movie para kumita ng PONE Billion in its entire run.

Ayaw rin patalbog ang Cinema Evaluation Board Rated A movie na Jack Em Popoy nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza. Sold out din ang ticket sales nila.

Siguradong, aangal ang nasa bottom 3 sa takilya kapag na-pull out sila ngayong araw para dagdagan ang mga sinehan ng Fantastica at Jack Em Popoy.

Please follow and like us:
Read More