“KINITA NG MMFF 2019 SHORT NG 4.5%”–CHAIRMAN DANNY LIM

(Photo caption: Chairman Danny Lim and top officials of MMDA posed with the media people.)

(Ni KC Guerrero)

Sinabi kahapon ni MMDA Chairman Danilo Lim na naging maganda ang resulta  ng MMFF 2019.

Sa official announcement na ginanap kahapon ng hapon sa main office ng MMDA,  umabot nga ng P955Million pesos ang kinita ng MMFF 2019 in its 14 days of duration. Na-short ng 4.5% sa target na One Billion Pesos.

“Nasabi kong maganda ang resulta dahil kahit nagka-lindol sa Mindanao na umabot sa 6.9 Richter scale. ( Noong Dec. 28, 2019 lang lumabasxng Philippine Area of Responsiblity  at nagsara ang mga sinehan dahil sa bagyong Ursula). Hindi pa rin lumayo sa P1.06 Billion na kinita ng 2018 MMFF.

Ang mga pelikulang mga kasali sa top 4 Best Performer sa takilya ay:

Miracle in Cell #7,  Mission Unstapabol: The Don Identity, M& M: The Mall The Merrier at 3POL TROBOL: Huli Ka Balbon!

Dahil sa success ng MMFF 2019, tuloy na tuloy ang METRO MANILA SUMMER  FILM FESTIVAL 2020  na gaganapin sa April 11 to April 21, 2020.

Ayon pa sa mga MMDA officials na katsikahannnamin kahapon ay extended toFebruary 15, 2020 ang submission ng entry for MMSFF 2020.

May early bird discountvpa na P30 thousand ang magsa-submit sa Jan. 31, 2010.

May panawagan din sa mga estudyante na gustong lumahod sa MMSFF 2020. Hanggang Februart 28, 2020 ang deadline ng submission of entries na ang theme ay “Pinoy Pride.”

Please follow and like us:
Read More

MMDA TRAFFIC ENFORCER SINAKSAK NG HINABOL NA SNATCHER

(NI KOI HIPOLITO)

KRITIKAL ngayon sa pagamutan ang isang MMDA Traffic Constable matapos saksakin ng hinahabol na snatcher sa tapat ng Hobbies of Asia, Macapagal Blvd., Pasay City.

Nakilala ang biktima na si MMDA Constable 3 Randy Domong-as, 46,  tubong Maluan-luan, Pola Oriental Mindoro.

Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang biktima nang saksakin ng snatcher nang agawan ng bag si Renato Alzona, 42, residente ng F.Cruz St., Malibay Pasay.

Kinilala ang suspek na si Rolando Reank, 41, residente ng P. Villanueva St., Brgy.88 ng Pasay City.

Ayon sa ipinadalang report ni CCP Complex Station PCP Commander PCapt. Wendell Siarez, bandang alas-12:30 ng tanghali ngayong Huwebes nang dalhin ni Security Officer in Charge (OIC) Willy Inopequis, 49, ng Hobbies of Asia ang suspek para iturn over sa mga otoridad. at napag-alaman na sinaksak ng suspek ng isang balisong si Domong-as.

Mabilis naman naaresto ng mga nagrespondeng guwardiya sa lugar ang suspek at nakuha mula dito ang ginamit na patalim at bag ng isa pang biktima.

Please follow and like us:
Read More

NUMBER CODING SCHEME SUSPENDIDO NGAYON –MMDA

mmda

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ngayon araw ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o Number Coding Scheme, sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Base sa traffic advisory ng MMDA, sinuspinde ang pagpapatupad ng UVVRP bilang paggunita ng ika -36 na kamatayan ni dating senador Benigno Aquino Sr.

Ibig sabihin nito ang pagsuspinde ng number coding scheme ay malayang makabibiyahe ang mga sasakyan anuman ang nasa hulihang digit ng kanilang plaka sa lahat ng pangunahin lasangan sa Metro Manila.

Bukod sa anunsiyo ng MMDA, nag-abiso rin ang pamahalaang lokal ng Makati na walang number coding sa kanilang lungsod ngayon araw (Agosto 21).

Sa pahayag naman ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas, tuwing holiday ay hindi rin ipinatutupad ang number coding sa lungsod.

Sa gitna ng matinding traffic sa EDSA at iba pang lansangan, payo naman ng MMDA sa mga motorista, planuhin ang mga lakad at kung wala naman itong mahalagang pupuntahan ay huwag nang makisiksik sa daloy ng trapiko.

 

Please follow and like us:
Read More

60-ARAW SA METRO MAYORS VS ‘BARADONG’ KALSADA  

(NI ROSE PULGAR)

BINIGYAN ng 60 araw ang mga alkalde sa Metro Manila, ang agarang hakbang para maaksiyunan ang problema sa trapiko kasunod ng mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) kahapon sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Guadalupe Makati City, hiniling ni Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III sa mga alkalde ng Metro Manila na magkaroon ng imbentaryo ng lahat ng pampublikong lansangan sa kanilang nasasakupan.

Ang paglilinis sa mga sagabal sa lansangan na nagdudulot ng trapik ang tugon ni Duterte sa kautusan sa DILG na suspendihin ang sinumang mayor na hindi sumunod at malilinis ang kanyang lungsod laban sa mga sagabal sa lansangan tulad ng illegal terminal ng sasakyan, illegal parking, illegal vendor at iba pang nakakasagabal sa daanan ng mga tao.

“Ang imbentaryo ng road network ay maaaring i-audit para matukoy kung anong kalsada ang may problema dahil sa dami ng mga obstructions sa bangketa,” ani Densing.

Inihayag din ni Densing sa mga alkalde na atasan ang kanilang konseho na rebyuhin ang mga traffic management ordinances na pumapayag na maglagay ng mga istruktura sa bangketa at amyendahan ito para tuluyan nang ipagbawal ang mga obstructions.

Dumalo sa nasabing pulong na sina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso; Quezon City Mayor Joy Belmonte; Pasig City Mayor Ma. Victor “Vico” Sotto; Navotas City Mayor Tobias ‘Toby’ Tiangco; Pasay City Mayor Imelda“Emi” G. Calixto-Rubiano; San Juan City Mayor Francis Zamora; Muntinlupa City Jaime Fresnedi; Makati City Mayor  Abigail Binay; Mandaluyong City Mayor Carmelita“Menchie” Abalos; Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro; Malabon City Mayor Antolin“Lenlen” Oreta III; Caloocan City Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan; Parañaque City Mayor Edwin Olivarez; Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, at Pateros Mayor Miguel Ponce III.

Sinabi ni Densing, maglalabas ng memorandum circular si DILG Secretary Eduardo Año para sa mga punong lungsod na siyang gagawing basis of compliance sa direktiba ng Pangulo sa nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Please follow and like us:
Read More

MMDA: WALANG CARMAGEDDON PERO MATINDING TRAFFIC ASAHAN

traffic edsa12

NAGBABALA ang Metro Manila Development Authority ng mas mabigat na daloy ng trapiko ngayong Biyernes, ang simula ng huling weekend bago ang eleksiyon sa Lunes.

Sa kanyang Facebook post, ibinigay na dahilan ni Bong Nebrija ang limang dahilan ng posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan o maging sa mga secondary roads.

Una umano ang pagsuspinde ng coding sa mga provincial bus sa Edsa at ang pagdaga ng pasahero sa 47 terminal sa Edsa sa Pasay at Quezon City. Marami umano ang uuwi sa kani-kanilang probinsiya para bumoto.

Ikalawa umano ang pagkakaroon ng motorcade sa ilang bahagi ng Edsa at iba pang pangunahing lugar mula umaga hanggang gabi.

Ikatlo ang pagkakaroon ng political rallies at huling buga na rin ng kampanya sa buong Metro Manila kung saan apektado ang inner road na posibleng makarating sa pangunahing lansangan o maging sa Edsa.

Ikaapat ang 60% tsansa ng pag-ulan sa hapon base na rin umano sa kanyang iPhone Weather at ang ikalima ay dahil sa simpleng araw ng Biyernes

“Meron bang Carmageddon? Wala!!!” sabi ni Nebrija sa kanyang post. “God bless us all!,” pagtatapos nito.

Please follow and like us:
Read More

PAGPAPASARA NG MARCOS BRIDGE INILIBAN MULI

marcos123

(NI ROSE PULGAR)

INIANUNSIYO, Huwebes ng umaga, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling ipinagpaliban ang closure o pagsasara ng Marcos Bridge.

Dahil dito, ang closure at rehabilitation ng eastbound portion ng Marcos Bridge sa Marikina City ay hindi pa tiyak kung kailan masisimulan.

Ayon sa MMDA, bigo ang private contractors ng Marcos Bridge rehabilitation project na makapaglagay ng signages at makapaghanda ng mapagkakasunduang traffic rerouting plan sa oras na magsimula ang proyekto.

Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, makikipagpulong sila sa private contractors ng proyekto para talakayin ang update at preparasyon at magpasya kung kailan na sisimulan ang repair ng tulay.

Ang eastbound portion ng Marcos Bridge ay dapat na isasara simula sa Mayo 11 para sa rehabilitasyon na tatagal ng apat na buwan.

Nauna nang ipinagpaliban ng MMDA ang pagsisimula ng proyekto, na naka-iskedyul talaga noon pang Mayo 4.

Ayon pa sa MMDA, nasa 3,000 motorista ang inaashaang maapektuhan ng closure ng Marcos Bridge.

 

Please follow and like us:
Read More

 ‘HEAT STROKE BREAK’ SA ENFORCERS, SWEEPERS IPATUTUPAD

heat121

(NI ROSE PULGAR)

BIBIGYAN ng karagdagang 30- minutong “heat stroke break” araw-araw ang mga traffic enforcers at street sweepers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Lunes ng umaga ay nilagdaan ni MMDA chair Danilo Lim ang isang memorandum na muling nagpapatupad sa “heat stroke break” policy para sa mga on-duty traffic enforcers at street sweepers.

Ito ay para maiwasan ang mga posibleng epekto ng matinding init gaya ng heat exhaustion, heat stroke, at heat cramps.

Ayon sa MMDA, sa mga traffic enforcers na naka-duty ng alas-5:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon ang kanilang heat stroke break ay mula alas-10:00 hanggang alas- 10:30  ng umaga o alas- 10:30 hanggang alas- 11:00 ng umaga ang mga naka-duty , habang ala-1:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi ay maaaring mag-break ng alas-2:30 hanggang alas-3:00 hanggang alas- 3:30 ng hapon at ang mga naka-duty ng alas- 2:00 hanggang 10pm ay may “heat stroke break” mula 3:00 ng hanggang alas-3:30 ng hapon  o kaya alas- 3:30 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa mga street sweepers naman na naka-duty ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, ang “heat stroke break” nila ay mula alas-11 hanggang alas- 11:30 ng umaga o alas-11:30 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali; para sa mga alas-7:00 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon maaaring mag-break ng alas-12:00 ng tanghali hanggang ala-1:00 ng hapon o ang kanilang regular break time; habang ang mga naka-duty naman ng alas-11:00 ng hanggang alas-7:00 ng gabi ay maaaring mag-break ng alas-2:30 ng hapon hanggang alas- 3:30 ng hapon.

Sa ilalim ng polisiya, maaaring umalis ng kanilang pwesto at mag-break ang mga naka-duty na field personnel para makapagpahinga.

“Palitan at hindi sabay-sabay ang gagawing ‘heat stroke break’ ng ating mga field personnel para mapanatili ang visibility ng mga traffic enforcers at street sweepers at para na rin matiyak na hindi maaapektuhan ang field operations,” paliwanag ni Lim.

May karagdagan ding 15-minutong break time para sa mga MMDA field personnel sakaling umabot sa 40 degrees Celsius o mas mataas pa ang heat index sa Metro Manila.

Sinabi pa ng MMDA, nag-umpisa ang heat stoke break nitong buwan ng Abril at magtatapos ito sa Mayo 31.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

COLOR CODING SUSPENDIDO HANGGANG APRIL 22

mmda12

(NI ROSE PULGAR)

SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila bunsod ng paggunita ng Semana Santa.

Sa abiso nitong Lunes ng MMDA, simula sa Miyerkoles Santo (Abril 17) hanggang sa Lunes (Abril 22) ay suspendido ang UVVRP o number coding.

Ayon sa MMDA, ang suspension ng number coding ay upang tiyakin na may sapat na public utility vehicles na makakapagserbisyo sa maraming mananakay na magtutungo sa kanilang mga probinsiya.

Balik uli ang pagpapatupad ng number coding sa Martes, Abril 23.

 

Please follow and like us:
Read More

‘WINDOW HOURS POLICY’ INALIS NA NG MMDA

MMDA ILLEGAL PARKING-2

(NI ROSE PULGAR)

TINANGGAL na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang “window hours policy” para sa Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding para sa lahat ng  major roads  at Mabuhay Lane routes.

Sa isinagawang pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA, ilan sa mga napagkasuduan na alising tuluyan ang “window hours policy”  sa buong Metro Manila.

Ibig sabihin ay buong araw nang hindi magagamit ang sasakyan kung coding ito.

“We have agreed to standardize the “no window hours” scheme on national roads and roads listed as Mabuhay Lane,”  pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Ayon kay Garcia, maghihigpit din sila sa speed limit na itinakdang bilis na 60kph sa mga sasakyan na tumatahak sa mga kalsada at mga main road tulad ng Commonwealth, EDSA, lalo na kung gabi at madaling araw.

Idinagdag pa ni Garcia, maging ang Las Piñas, Makati, Navotas, Malabon, Pateros at Pasay ay sumabay na sa itinakdang ordinansa ng MMC kaugnay para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko, lalo na kung rush hour.

Epektibo simula kahapon, na mula alas-7:00 hanggang alas- 8:00 ng gabi ay wala ng “window hours policy” sa buong Kalakhang Manila at mahigpit na ipatutupad ng ahensiya at LGUs ang UVVRP o number coding.

Aabot naman sa 15 araw ang magiging dryrun ng pagpapatupad ng programa upang matiyak na magiging matagumpay ito.

Please follow and like us:
Read More

MMDA NAG-ABISO SA MATINDING TRAFFIC NGAYONG WEEKEND

MMDA ILLEGAL PARKING-2

(NI ROSE PULGAR)

INABISUHAN Biyernes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na makakaranas ng masikip na daloy na trapiko ngayong weekend dahil isasara ang ilang kalye bunsod ng muling road re-blocking na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Simula alas-11:00 ng Biyernes, isasara ang  Southbound lane ng C-5 Road pagkatapos ng Lanuza Avenue, bago  mag Bagong Ilog flyover, C-5 Road (SB and NB) harapan ng SM Aura, EDSA Ermin Garcia – New York (2nd lane from sidewalk).

Maging ang Northbound lane ng  EDSA Magallanes MRT  hanggang KM 29 (outer lane), Fairview Avenue,  Atherton  hanggang  Regalado Avenue, North (2nd lane from center island).

Ang nabanggit na mga kalye ay isasailalim sa road repair ng DPWH at alas-5:00 ng umaga sa Lunes (Marso 11) ay muli itong bubuksan at  magiging passable sa mga motorista.

Please follow and like us:
Read More

3 ARESTADO SA EXTORTION SA MMDA IMPOUNDING AREA

tow

(NI KEVIN COLLANTES)

NADAKIP ng mga pulis ang tatlong tauhan ng isang towing company na inaakusahang nangingikil umano ng pera mula sa mga motorista, kapalit nang hindi paghila ng kanilang sasakyan, sa loob mismo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) impounding area sa Pasig City, Biyernes ng hapon.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Brig. General Bernabe Balba, kabilang sa mga naarestong suspek sina Mario Ped, 46, umano’y ranked no. 9 sa wanted personalities ng San Juan City Police dahil sa kasong pagnanakaw at residente ng Talipapa, Mindanao Avenue; Roberto Berberio, 46, ng Holy Cross Street, Mindanao Avenue at Michaeal Tambo-Ong, 37, ng Carreon Village, San Bartolome, Novaliches; pawang sa Quezon City.

Ang mga suspek ay naaresto ng San Juan City Police na pinamumunuan ni P/Col. Ariel Fulo, dakong 3:30 ng hapon ng Biyernes sa isang operasyon sa MMDA Impounding Area sa Dona Julia Vargas Avenue, Pasig City.

Armado ng warrant of arrest sa kasong robbery na inisyu laban sa kanila ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 160 Judge Frank Lobrigo, ang tracker teams ng Station Intelligence Unit ng San Juan police, na pinamumunuan ni P/Capt. Jerry Napagal, nang isagawa ang pagdakip.

Batay sa rekord, noong Nobyembre 3, 2017 ay sinasabing nangikil umano ng P1,500 ang mga suspek laban sa isang Rafael Gandionco, matapos na illegal na i-tow at i-impound ng mga ito ang kanyang motorsiklo.

Nagpakilala umano ang mga suspek na towing officers ng Fighter Towing Company, isang pribadong towing company na nag-o-operate sa Metro Manila.

Ani Fulo, modus operandi ng mga suspek na lapitan ang motoristang target biktimahin at magpakilalang towing officer ng MMDA at sabihan itong may nagawang parking violation.

Dito na umano hihingian ng mga suspek ng P1,500 ang bawat biktima, kapalit nang hindi pag-tow ng kanilang sasakyan sa MMDA office.

Pansamantala nang nakadetine ang mga suspek sa San Juan City Police Custodial Facility.

 

 

Please follow and like us:
Read More

FAMILY BONDING NAUWI SA TRAHEDYA

real1

(NI JUN V. TRINIDAD)

REAL, Quezon – Isang malagim na trahedya ang naging katapusan ng isang masayang piknik ng pamilya ng isang tauhan ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang malunod sa bahagi ng Pacific Ocean sa bayang ito araw ng Sabado.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Manuel Nepomuceno Jr., 43, empleyado ng MMDA at residente ng Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang pamilya at mga kaibigan na masayang lumalangoy sa isang bahagi ng karagatan sa Barangay Tignoan bandang alas-6:00 ng gabi.

Subalit biglang sinakmal ng higanteng alon at mga nagngangalit na agos ang biktima at nadala siya patungo sa malalim na parte ng karagatan.

Anumang pagsisikap ng mga kasamahan na iligtas siya sa panganib ay nawalan ng saysay.

Nang dumating ang mga rescuers ay dagling dinala ang biktima sa Claro M. Recto District Hospital sa karatig na bayan ng Infanta subalit nalagutan na ito ng hininga habang patungo sa nasabing pagamutan.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

TANDANG SORA INTERSECTION ISASARA NA SA PEB. 23

tandang16

(NI KEVIN COLLANTES)

SIMULA sa Sabado, Pebrero 23, isasarado na ng Department of Transportation (DOTr) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa daloy ng trapiko ang Tandang Sora Intersection sa Quezon City.

Batay sa MRT-7 traffic advisory, na ipinaskil ng DOTr sa kanilang social media account, layunin ng closure na bigyang-daan ang demolisyon ng Tandang Sora Flyover, para naman sa isinasagawang konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Magiging epektibo ang pagsasara ng Tandang Sora Intersection ganap na 11:00 ng gabi ng Pebrero 23 at magtatagal hanggang sa tuluyan nang matapos ang konstruksiyon ng MRT-7 Tandang Sora Station, sa huling bahagi ng taong 2020.

Bilang resulta, hindi na muna maaaring daanan ang westbound at eastbound lane ng Tandang Sora Flyover at hindi na rin makakatawid pa sa naturang intersection ang mga sasakyang mula sa Tandang Sora Avenue patungong Katipunan Avenue at pabalik.

“The MMDA and the DOTr MRT-7 Project Traffic Management Task Force would like to inform the public of the closure of the Tandang Sora Intersection effective 11:00 PM, February 23, 2019, to give way to the demolition of the Tandang Sora Flyover for the construction of the DOTr MRT Line 7. Tandang Sora Flyover both westbound and eastbound will no longer be passable as the MRT 7 contractor prepares for its demolition,” nakasaad sa naturang paabiso.

Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng DOTr ang mga maaapektuhang motorista na patungong Katipunan mula Tandang Sora, na kumanan sa Commonwealth Avenue at mag- U-turn patungong eastbound sa harapan ng Microtel patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga patungo naman ng Tandang Sora mula Katipunan ay maaaring kumanan sa Luzon Avenue at mag- U-turn patungong westbound sa harapan ng Home Depot hanggang sa kanilang patutunguhan.

Inaasahan na rin ang pagkakaroon ng traffic slowdown sa kahabaan ng proyekto, lalo na tuwing peak hours dahil sa konstruksiyon ng MRT-7 Stations, kaya’t umaapela ang DOTr at MMDA sa mga motorista ng full cooperation, pang-unawa, at mas mahabang pasensiya sa pamamagitan nang pag-obserba sa traffic rules at regulations.

Mas makabubuti rin naman umanong umiwas na lamang sa lugar at humanap ng alternatibong ruta ang mga motorista upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

TONELADANG BASURA NAHAKOT SA PASAY

bfp16

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY KIER CRUZ)

TINATAYANG aabot sa 200 bumbero mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang lumahok sa Manila Bay Clean-up Linggo ng umaga .

Tone-toneladang basura ang nakuha sa naturang clean-up sa Manila Bay sa likod na bahagi ng Film Center of the Philippines (FCP) sa  Pasay City  malapit sa Senate of the Philippines na nagsimula bandang alas-6:00 ng umaga.

Maliban sa paglilinis ng aplaya ng Manila Bay, ang mga bumbero ay naglinis din sa mga imburnal sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga takip at pagkuha ng mga basura kagaya ng mga plastic at styrofoam.

Sa panayam kay National Capital Regional (NCR) Fire Director Senior Superintendent Wilberto Kwan Tiu, sinabi niyang ang paglilinis ng kanyang mga bumbero sa dakong iyon ng Manila Bay ay bahagi ng  “rehabilitation and cultural preservation program” ng BFP.

Ang kanilang pagsisikhay aniya ay suporta sa patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sila ay kabahagi.

Maliban sa paglilinis ng BFP kahapon ay may regular na sariling clean-up naman ang Metro Manila Development Authity (MMDA) linggo-linggo na naaayon sa kanilang mandato.

Please follow and like us:
Read More

50 TONELADANG BASURA NAHAKOT SA MANILA BAY

basura

(PHOTO BY RAFAEL TABOY)

HALOS 50 toneladang basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang isinagawang clean up drive ng halos 5,000 kataong lumahok sa panimula ng Manila Bay rehabilitation Linggo ng umaga.

Ang rehabilitasyon ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat , Interior Secretary Eduardo Año at Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar.

Suportado rin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pangunguna ni Atty. Dominic C.M. Solis ang hakbang na naglalayong linisin ang patay nang Manila Bay dahil sa naging tapunan na ito ng dumi ng malalaking kompanya sa paligid at karatig lugar ng Metro Manila.

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC ENFORCER DINIBDIBAN NG SINITANG DRIVER

mmda

(NI ROSE PULGAR)

ISANG traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dumanas ng pananakit mula sa isang bus driver nang sitahin ng biktima ang huli dahil sa paglabag sa batas trapiko kahapon ng umaga sa EDSA.

Kinilala ang biktima na si MMDA Traffic Constable Jonathan Baingan at ang driver naman ng Ismael Bus Line ay si Ronald Gonzaga na kapwa nasa hustong gulang.

Ayon sa report na natanggap ni MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, naganap ang insidente sa EDSA Southbound lane sa Boni Avenue, na nasasakupan ng Mandaluyong City.

Nabatid, na sinita  umano ni Baingan ang minamanehong bus ni Gonzaga  dahil nagpasakay at nagpababa umano ito  sa hindi itinalagang loading at unloading area sa naturang lugar.

Tangkang tatakas sana si Gonzaga nang akma nitong paaandarin ang minamanehong bus, dahilan upang tapikin ang likuran ng bus ng nabanggit na traffic enforcer.

Kung kaya’t bumaba ang driver  at dinibdiban umano nito ang nasabing traffic enforcer bagay na nakaagaw ng atensiyon ng grupo ni Nebrija.

Dahil dito, dinala ng grupo ni Nebrija sa Manadaluyong City Police Traffic Sector ang driver dahil sa pananakit, ngunit hindi umano kinatigan ng pulisya ang reklamo dahil sa

“technicality”.

Dahil dito inihahanda na ng MMDA ang isasampang kaso laban sa driver na si Gonzaga.

Please follow and like us:
Read More

MMDA TRAFFIC AIDE HULI SA KOTONG

mmda

ARESTADO at sinampahan ng kasong robbery-extortion ang isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) constable sa Pasig City.

Kinilala ang suspect na si MMDA Traffic Constable II Diosdado dela Cruz, 33.

Ayon sa pulisya, pinara ng suspect ang truck driver na si Francis Leo Lucero, 30 sa kahabaan ng Marcos Highway. Hiningi umano sa biktima ang mga dokumento at sinabing colorum ang truck na minamaneho nito.

Humingi umano si Dela Cruz ng P20,000 subalit naibaba ito sa P18,000 para hindi ma-impound ang truck. Nagbigay naman ng hinihinging pera ang biktima ngunit nang may makitang mga police na nakatayo malapit sa Marcos Highway ay agad itong humingi ng tulong.

Naaresto si Dela Cruz at nabawi ang P9,000. Sinabi nito na pinagpartehan na nila ang pera sa lima nyang kasabwat na nakatakas. Nakakulong si Dela Cruz sa Pasig City detention cell.

Please follow and like us:
Read More