DRIVER SINILABAN NANG BUHAY NI MISIS

SUNOG-7

(NI FRANCIS SORIANO) ANIMO’Y isang eksena sa pelikula ang sinapit ng isang 22-anyos na public utility driver matapos magtamo ng second degree burns sa leeg at katawan matapos buhusan ng gasolina ng kanyang live-in partner saka sinindihan makaraan ang kanilang mainitan pagtatalo sa Navotas City nitong Biyernes. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang biktima  na si Joselito Macabantad, habang ang suspek ay si Rose Marie Lazaro, 27, live-in partner at kapwa residente sa 308 Chungkang St. Brgy. Tangos South, naturang lungsod. Ayon kay Balasabas, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa loob…

Read More

GINANG PATAY SA KIDLAT

(NI JESSE KABEL) NANGINGSAY na bumagsak at agad na binawian nang buhay ang isang 55-anyos na ginang matapos hagupitin ng kidlat habang nagwawalis sa kanilang bakuran sa Barangay Canlampay, Carigara, Leyte. Sa ulat ng Carigara PNP, dead on the spot ang biktimang si Alberta Anagat, 55, residente ng nasabing barangay. Ayon kay Pol. S/Sgt. Federico Caduca Jr., duty investigator ng Carigara Municipal Police Station, naglilinis ng kanilang bakuran ang biktima nang biglang  gumuhit ang matalim na kidlat at tumama  sa ulo ng babae. Nabatid na tumama rin ang kidlat sa…

Read More

MISIS ITINUMBA PAGBABA NG PAMPASAHERONG VAN 

crime43

(NI ANNIE PINEDA) DUGUAN na bumulagta ang isang misis nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek pagkababa mismo sa sinakyan nitong pampasaherong van, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Surigao del Sur. Kinilala ang biktimang si Analyn Surita Dahunog, 36, ng P-7, Brgy. Quirino, Madrid, Surigao del Sur. Batay sa report ng Madrid Municipal Police Station, naganap ang insidente malapit lamang sa bahay ng biktima sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, galing Tandag City ang biktima at sumakay ito ng pampasaherong van pauwi at pagkababa nito agad siyang nilapitan ng…

Read More

GINANG NILOOBAN, NIRATRAT NG 4 NAKA-HELMET

crimeshooting

(NI ANNIE PINEDA) PATAY  ang isang ginang matapos itong pasukin sa loob ng kanyang bahay ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot ng helmet, sa Agusan del Norte. Kinilala ang biktimang si Lilian Catingog, 44, residente ng Sitio Macasihi, Brgy. Camagong Nasipit, Agusan del Norte. Batay sa report ng Nasipit Police Station, dakong alas 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima. Bigla na lamang pumasok ang apat na suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na agad…

Read More

BRITISH NATIONAL, MISIS NA PINAY NA DINUKOT NG ASG NASAGIP NG MILITAR

(NI AMIHAN SABILLO) MATAPOS ang halos dalawang  buwan na pagkakabihag sa mag asawang British at Pinay sa Parang, Sulu, ay nasagip ang mga ito ng mga tauhan ng Armed forces of the Philippines (AFP), Lunes ng umaga. Ayon kay Lt Gen Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, Oktubre 4 nang dukutin ng anim na armadong lalaking pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf (ASG) ang mga biktima sa Tukuran. Ang mag asawa ay may-ari ng resort at Hyron College sa Zamboanga del Sur. WALANG RANSOM Iginiit naman ni Lt. Commander…

Read More

RESBAK NG MGA MISIS: 21 MISTER PINAHULI SA TUPADA 

sabong20

(NI KIKO CUETO) TIMBOG ang 21 lalaki sa ginawang operasyon ng pulis laban sa iligal na sabungan. Ang nagbigay ng tip – ang mga misis ng mga naaresto. “Nagrereklamo na nga to’ng mga asa-asawa nila dahil nga kung minsan imbis na ibigay sa kanila yung pera, ginagamit lang sa sugal,” sinabi ni Police Colonel Jun Alamo ng Imus Philippine National Police (PNP) Agad namang nagpunta ang mga nakasibilyang pulis ang sabungan na nasa Barangay Pasong Buaya, na nasa isang bakanteng lote na malayo sa sentro ng komunidad. Nagtangka pang tumakas…

Read More

MISIS, KUMPARE HULING NAGSE-SEX NI MISTER

(NI ANNIE PINEDA) HIMAS rehas ngayon ang misis at kumpare nito matapos mahuli sa aktong nagtatalik ng kanyang mister sa loob mismo ng kanilang silid, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Isabela. Binitbit ng mga awtoridad at dinala sa himpilan ng Echague-PNP ang magkalaguyo matapos silang isuplong ng mister ng ginang na pawang mga hindi pinangalanan at parehong mga residente ng ng nasabing bayan. Sa reklamo ng mister, umalis siya ng kanilang bahay at iniwan nito ang misis, subalit may nakalimutan siyang dalhin kaya bumalik siya ng bahay ay hindi…

Read More

AWAY SA LUPA: MISIS BINOGA NI MISTER, PATAY 

gensan12

(NI ANNIE PINEDA) PARA makuha ang mas malaking parte ng lupa, binaril at napatay ng isang mister ang kanyang misis nang hindi ito pagbigyan ng huli na makuha ang malaking parte ng lupa na kanilang pag-aari, iniulat kaninang umaga sa probinsiya ng General Santos City. Kinilala ang biktimang si Faith Tiwado, 56, habang tugis ang suspek at asawa nitong si Edi Tiwado, at kapwa residente ng sa Sitio Cawayan, Brgy. Lower Mainit, Malungon, Sarangani Province. Batay sa report ng Malungon Police Station, natagpuan na lamang ang biktima sa kanilang bahay…

Read More

MISIS NALASING, NI-RAPE NG MAGPINSAN 

(NI ANNIE PINEDA) INARESTO ang magpinsan matapos umanong pagsalit-salitan gahasain ang isang misis na kanilang kalugar nang yayain ng inuman, sa Isabela. Kinilala lamang ang mga suspek sa alyas Berto, 35, at Epoy, 28, kapwa residente ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela. Batay sa report ng pulisya, dumulog sa kanilang himpilan ang 29-anyos na misis kasama ang kanyang mister para pormal na magsampa ng kasong panggagahasa laban sa magpinsan. Kuwento ng biktima, pauwi na siya sa kanilang bahay nang madaanan niya ang mga kalugar na nag-iinuman kasama ang mga…

Read More

MISIS BINARIL NG ASAWANG PARAK; SUSPEK NAGBARIL SA SARILI

crimeshoot

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang misis makaraang barilin ng kanyang asawa na kasapi ng Philippinr National Police (PNP) saka nagbaril sa sarili ang huli, matapos umano ang pagtatalo kaninang umaga sa Palawan. Kinilala ang namatay na si Karen Amparo Cacho, 24, habang kritikal naman sa ospital ang suspek at asawa nitong si Raymond Cariaga Cacho, miyembro ng Regional Mobile Force Battalion at kapwa residente ng San Miguel, Puerto Princesa, Palawan City. Batay sa report ng Palawan Police Station 2 , dakong alas 10:00 ng umaga nang maganap ang insidente…

Read More

MISIS NAPUNDI; BABAERONG MISTER PINATAY

crime

(NI ANNIE PINEDA) PINUTOL na ng isang misis ang umano’y pagiging babaero ng kanyang mister dahilan para ataduhin niya ito ng saksak matapos ang pagtatalo, Linggo ng gabi sa Cauayan City. Kinilala ang biktimang si Rolly Bautista, 42, habang kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at misis nitong si Lea Bautista, 42, at kapwa residente ng Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela. Batay sa report ng Isabela-PNP, dakong alas 6:00 ng gabi ng Linggo nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa matapos ang pagtatalo. Dito, kumuha…

Read More

MISIS KINATAY NI MISTER SA SELOS

(NI ANNIE PINEDA) MINSAN pang napatunayam na walang mabuting dulot ang matinding selos makaraan pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang isang misis ng kanyang mister, sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang biktimang si Jen Banaag Palin, 29, habang ang nadakip na suspek ay kinilalang si Ryan Palin, 30, kapwa residente ng Sitio Kilaa, Barangay Alga, Catarman, Camiguin. Batay sa report ng pulisya, Linggo ng umaga nang madiskubre ng mga kaanak ang biktima sa bahay nito sa naliligo sariling dugo at tadtad ng saksak sa katawan habang tumakas ang mister. Dinala…

Read More

MISTER PINATAY SA SAKAL ANG MISIS BAGO LUMAKLAK NG LASON

(NI ANNIE PINEDA) MINSAN pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos, matapos mapatay ng isang mister ang kanyang misis sa sakal matapos umanong magtalo dahil sa selos, saka naman napagkamatay ang suspek sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, sa Tacloban City. Kinilala ang mga namatay na sina Rhea Mae Azucena, 28, at Jeffrey Azucena, 30, kapwa residente ng Barangay 109-A V&G Subdivision, Tacloban City. Batay sa report ng San Jose Police Station 1 ng Tacloban City, madaling araw ay narinig ng mga kapitbahay ng mag-asawa na nagtatalo sa…

Read More

MISTER SINAGASAAN, SINAKSAK; LOVER NI MISIS KALABOSO

(NI FRANCIS SORIANO) NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang 37-anyos na mister matapos sagasaan at saksakin ng kalaguyo ng misis sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col Carlito Gaces, ang biktima na si Jonathan Dela Cruz, 37, messenger at residente ng 351 Tangke St. Malinta, habang ang suspek naman ay nakilalang si Jamil Jesse Caro Tobias, 20, ng 356 GSIS Road, Brgy Gitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal. Ayon kay Gaces, naglalakad sa kahabaan ng Mac Arthur Highway si Dela Cruz dakong alas-12:15 ng madaling araw…

Read More

MISIS DUMALAW SA PIITAN, NATAGPUANG PATAY

(NI ANNIE PINEDA) HINDI inakala ng isang ginang na ang pagdalaw nito sa piitan ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan, nang matagpuan ang bangkay nito sa pinyahan na tadtad ng tama ng baril sa katawan, sa Soutn Cotabato. Kinilala ang biktimang si Bonifacia Dela Calzada, 41, at residente ng Barangay Calumpang, General Santos City. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:00 ng hapon ng Lunes nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gitna ng plantasyon ng pinya sa Field 304-A-1, Purok 2, Barangay Langkaliaf, Polomolok, South Cotabato. Lumabas sa…

Read More

MISIS KINATAY NG ‘DEMONYO’

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG hubo’t hubad na 42-anyos na babae ang natagpuang wala nang buhay at tadtad pa ng saksak sa iba’t – ibang bahagi katawan sa Lungsod ng Caloocan, Lunes ng gabi. Sa ulat ni Caloocan City Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ng kanyang amang si Benjamin De Villion ang wala nang buhay na biktimang si Florinda De Villion, sa loob ng bahay nito sa Laon Laan Street, Barangay 31, ng nasabing lungsod. Ihahatid na sana noon ng ama ng biktima sa kanyang ina ang…

Read More

MISIS KRITIKAL SA SAKSAK NI MISTER

(NI ANNIE PINEDA) KRITIKAL sa ospital ang isang misis makaraan pagsasaksakin ito ng kanyang mister nang mahuling may naghahatid sa kanya ng naka-motorsiklo pag-uwi galing sa trabaho, iniulat kaninang umaga sa Roxas City. Kinilala ang bikima sa pangalan Jenny, service crew, habang nadakip naman ang suspek na 43-anyos, electrician, at kapwa residente ng Barangay Bago, Roxas City. Batay sa report ng pulisya, dakong ala 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita ng suspek ang biktima pag-uwi ng…

Read More

MISIS, ‘BOY TOY’, IPINAKULONG NI MISTER

arrested12

(NIDONDON DINOY) DAVAO CITY—Ipinakulong ng isang mister ang kanyang misis at batang nobyo na umano’y ipinalit nito sa mister matapos maaktuhang nagse-sex sa boarding house sa Compotela Valley, Sabado ng gabi. Sinabi ng mister, 37, laborer, na matagal na siyang nagdududa sa kakaibang ikinikilos ng kanyang misis, 33, isang estudyante.  Hinala niya na may ibang lalaki ito hanggang sa sundan ang bawat kilos ng misis. Bandang alas-10:30 ng gabi nang umalis ang misis at umano’y may pupuntahan lamang. Sinundan ito ng mister at nakitang pumasok sa sinasabing boarding house ng…

Read More

ULO NG MISIS BINIYAK

(NI ANNIE PINEDA) HALOS mabiyak ang ulo ng isang ginang matapos pagtatagin ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng bahay nito, sa lalawigan ng Laoag. Kinilala ang biktimang si Sheryl Garcia, 39, ng Barangay Nagsurot sa bayan ng Burgos, Laoag City. Batay sa report ng Burgos Municipal Police Station, natagpuan ang biktima sa loob ng bahay nito na tadtad sa batok at itaas na bahagi ng tainga na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hiwalay sa asawa si Garcia at ganun din sa…

Read More

MISTER NALIPASAN NG GUTOM; BAHAY SINUNOG, MISIS BINUGBOG 

arested12

(NI ANNIE PINEDA) NANDILIM ang paningin ng isang pedicab driver matapos malipasan ng gutom dahilan para sunugin nito ang sariling bahay at pedicab saka binugbog ang asawa nang walang pagkain nadatnan sa kanilang bahay, iniulat kaninang umaga sa Davao City. Kinilala ang suspek na si Rofel Baguioro, 29 anyos at residente ng Los Amigos, Tugbok District , Davao City. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, umaga pa lamang ay namasada ang suspek ng kanyang pedicab at kinahapunan ay umuwi ito sa kanilang bahay para kumain. Subalit, wala siyang…

Read More

GINANG AKSIDENTENG NABARIL ANG SARILI, PATAY

(NI KIKO CUETO) CALAMBA CITY, Laguna — Patay ang isang ginang nang aksidenteng mabaril ang sarili sa loob ng isang bahay sa Sampaguita St., Leureola Subd., Brgy. San Jose, Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktima na si Belinda Garcia Terrones, 49. Nagsisilbi ang biktima na Admin Officer ng Calamba Upland Barangay Association at dating kagawad sa kanilang lugar sa Brgy. Kay-Anlog, Calambay City. Sa report, nagawa pa na maisugod sa pagamutan ang biktima, pero namatay din dahil sa pinsala ng isang tama ng bala sa itaas ng kanang dibdib niya.…

Read More

‘MISTER’ SINUNDO SA INUMAN; ‘MISIS’ GINAWANG PUNCHING BAG

rape

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG babae ang natamo ng mga pinsala sa ulo at katawan matapos gawing punching bag ng kanyang kinakasamang na-badtrip matapos sunduin niya ito sa inuman sa Lungsod ng Navotas, Martes ng gabi. Sa ulat ng Navotas City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktimang itinago sa pangalang Joan, 22, sa kahabaan ng Abiola Street, Barangay Tangos South ng nasabing lungsod. Bago ang insidente ay nakikipaginuman umano ang suspek na kinilalang si Jervi James…

Read More

MISIS PATAY SA TAGA NG MISTER

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isang ginang matapos pagtatagain ng kanyang sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa Poblacion District 2, Mobo, Masbate. Sa report na ipinarating ni P/ Major Alwin L. Magayanes, acting chief ng Mobo Municipal Police Station (MPS), sa Police Regional Office (PRO) 5, nakilala ang biktima na si Venus Cardino, 47. Nabatid sa naantalang ulat na pinagtataga ang biktima ng kanyang mister na si Fernando Cardino, 58, barangay tanod, makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay na nauwi sa pananaga…

Read More

MISTER NABURYONG SA NAGGER NA MISIS, NAGBIGTI

(NI HARVEY PEREZ) WALA nang buhay nang madiskubre ng kanyang misis  ang isang 37-anyos na lalaki matapos pagbintangan na may ibang ‘babae’ , Martes ng umaga sa Tondo,Maynila. Kinilala ni PSSg Niño Baladjay, ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na  si  Christopher Pincas , ng Gate 14 Area –B Parola Compound. Alas 7:45 ng umaga nang makita ni Analyn, misis ng biktima, ang mister na nakabigti sa kanilang bahay, gamit ang  isang nylon cord . Alas 12:00 umano ng madaling araw nang huling makita ang biktima matapos nitong makipagkwentuhan…

Read More