APLIKANTE MINOLESTIYA NG POLYGRAPH EXAMINER

MINOLESTIYA

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o acts of lasciviousness ang isang 54-anyos na polygraph examiner makaraang isuplong sa Manila Police District (MPD) ng isang 20-anyos na aplikante na umano’y pinaghahalikan at niyapos nang isalang ang biktima sa lie detector test sa Ermita, Manila, noong Martes.

Kinilala ang suspek na si Marcus Antonious y Gella, may asawa at residente ng 49-A Lorraine St., Park Way Village, Barangay Apolonio Samson, Quezon City.

Base sa ulat ni P/Staff Sergeant Emmalyn Munoz, ng Women and Children Protection Unit ng Manila Police District-Headquarters, bandang 1:15 ng hapon nitong Enero 21 nang mangyari ang pang-aabusong sekswal sa biktimang kinilalang si alyas “Hanna” ng Valenzuela City, sa loob ng polygraph room ng Simon Agriventures Corporation sa Romualdez St., sa Ermita.

Kabilang umano ang biktima sa mga aplikante sa nasabing kompanya at kasama sa requirements ang pagdaan sa lie detector test kaya silang dalawa lang ng suspek sa isang silid para sa nasabing eksaminasyon.

Habang pinaliliwanagan ang biktima sa resulta ng polygraph test ay ibinigay umano ng suspek  ang kanyang mobile phone number at hiningi rin ang number ng dalaga.

Pinipilit umano ng suspek na maging magkarelasyon sila at  nang hindi nakatiis sa panggigigil ay agad hinalikan sa pisngi at niyapos ang biktima.

Nagpumiglas ang biktima hanggang sa makawala at  humingi ng tulong sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng MPD.

Bandang 4:15 ng hapon ng araw ding iyon ay inaresto ang suspek sa nasabing tanggapan sa pakikipag-ugnayan sa HR Recruitment Officer na si Diana Mondero.

Isa umanong freelance polygraph examiner ang suspek na kinuha lang ng kompanya ang serbisyo para sa mga aplikante. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA MINOLESTIYA, DRIVER SWAK SA SELDA

MINOLESTIYA

SWAK sa kulungan ang isang umano’y manyakis na driver na lango sa alak makaraang dakmain ang dibdib ng isang dalagita sa harap ng mga nakababatang kapatid sa Valenzuela City, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Edgardo Barasi, 59, driver ng pampasaherong jeep, residente ng San Dieto St., Lingahan, Malanday, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at unjust vexation.

Ayon sa ulat ng biktima, naglalakad pauwi ang biktimang itinago sa pangalang “Klaudia,” 18,  kasama ang mga kapatid dakong alas-7:00 ng gabi sa kahabaan ng A. Marcelo St., Dalandanan, nang salubungin sila nang sumusuray na suspek.

Nagulat na lamang umano ang dalagita nang biglang dakmain ng suspek ang kanyang dibdib.

Bunsod nito, nagkukumahog na inilayo ni Klaudia ang mga kapatid at nang siya ay lumingon ay nakita niya ang nakangising si Barasi kaya napatakbo ang biktima at nagsumbong sa kanilang mga magulang.

Makaraang magsumbong sa mga tanod ay hinuli ng mga awtoridad ang suspek at binitbit patungo sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 6.

Nang isalilalim sa medical examination sa Valenzuela Emergency Hospital si Barasi ay nagpositibo siya sa pag-inom ng alak.

Pagkaraan ay dinala ang suspek sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa headquartres ng Valenzuela City Police. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

NENE NILASING BAGO SINIMSIM

RAPE-4

MULI na namang napatunayan na kapag may alak, may balak nang lasingin muna ng isang 28-anyos na lalaki ang isang dalagita saka minolestiya sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi.

Swak sa selda ang suspek na si Jeffrey Borromeo dahil sa kahalayang ginawa sa 14-anyos na biktimang na itinago sa pangalang “Maine”.  

Napag-alaman, inimbita ni Borromeo si Maine at apat pang kaibigan sa isang inuman sa kanilang bahay sa 133 C. Guansing St., Brgy. Polo.

Alas-7:00 ng gabi nang mahilo na si Maine matapos silang makaubos ng ilang bote ng alak kaya’t hinayaan muna siya ng mga kainuman na pansamantalang magpahinga.

Nang umuwi na ang apat na kainuman ay pinasok umano ng suspek sa kuwarto ang biktima at minolestiya.

Ngunit nang maramdaman ng biktima ang ginagawa ng suspek ay agad itong bumalikwas at umalis.

Pagdating sa kanilang bahay ng biktima ay agad siyang nagsumbong sa ina na mabilis na humingi ng tulong sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sinampahan ang suspek ng kasong acts of lasciviousness na may kaugnayan sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

ANAK MINOLESTIYA; TATAY KALABOSO

arrested124

(NI FRANCIS SORIANO)

HIMAS-REHAS ngayon ang isang 50-anyos na tatay matapos arestuhin kaugnay sa reklamo ng sariling anak makaraan nitong molestiyahin, Biyernes ng hatinggabi sa Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela City  Police-Women and Children’s Protection Desk (WCPD), kasong acts of lasciviousness at paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang haharapin ng suspek na itinago sa pangalang ‘Mang Roger’.

Base sa ulat ng WCPD, naganap ang pangmomolestiya ng suspek sa anak dakong alas-12 ng gabi habang mahimbing na natutulog sa loob ng kanyang silid sa Brgy. Marulas.

Mabilis naman nakapagsumbong ang biktima sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3  na agad dinakip ang suspek.

Nang kapkapan ay nakuhanan pa umano ng dalawang sachet ng shabu ang suspect.

Please follow and like us:
Read More