PROMDI HULI SA ARMAS

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang notoryus na lalaking promdi na umiiwas sa batas sa Mindoro dahil sa pag-iingat ng mga iligal na baril at armas habang palakad-lakad sa mataong lugar sa Makati City Miyerkoles ng hapon.

Dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes ay ipinatupad ang Search Warrant sa suspek na si Jose Gozar Samala, residente ng 2551 Cabanillas St., La Paz, Makati City , base sa ipinalabas na  kautusan ni Judge Rosario Ester B. Orda Caise ng Makati Branch 234 RTC para sa paglabag sa RA 10591.

Inabutan pa ng task force samala na kinabibilangan nina SIDMBS Chief  (Team Leader)  PMaj Gideon Ines, PMaj Cosme Tante, PCpl Christofren Ubina, PCpl Marlyn Wacdesen, PCMS Cielo, PSSgt Labasan, PCpl. Dichoso, at PCpl Abanes ang suspek na si Samala na patayu-tayo sa labas ng kanyang bahay. Pagkakitang-pagkakita ng grupo ni PMaj Ines kay Samala ay agad inihain sa kanya ang search warrant at nakakita sa bahay niya ng mga ilegal na baril kaya agad siyang inaresto.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Glock 9mm na may  Serial Number: AADV874, 1 380 Bersa na may  SN C42169, 1 cal 9mm Beretta with SN: G72236Z,  kalibre 22 na riple na walang Serial Number, pitong piraso ng  short magazine para sa Glock na may 105 live ammos 9mm, 3 piraso ng  long magazine para glock na may  66 live ammo para sa  9mm,  10 magazine para sa cal .380 na may 70 live ammo para sa cal .380, 3 magazine para sa beretta cal 9mm na mayroong  45 live ammo para sa 9mm, 1 piraso ng beretta suppresor , 4 na magazine pouch, 3 holster, 154 piraso ng  live ammunition ng cal .380, at 50 piraso ng live ammunition para sa cal .45.

Nauna sa raid ay isinuplong si Samala ng kanyang kapatid na babae dahil nagtatago umano ng mga baril na walang lisensya.

Umamin kay Makati City Police Chief PCol. Rogelio Simon ang kapatid na babae ni Samala na nagsampa na siya ng kaso kay Jose ng Grave Threat, physical injury at paglabag sa R.A. 10591 sa Calapan, Mindoro, RTC.

 

Please follow and like us:
Read More

BGY. TREASURER PATAY SA RIDING IN TANDEM

crime55

PATAY ang municipal treasurer ng Occidental Mindoro sa riding in tandem sa bayan ng Sta. Cruz, Sabado ng gabi.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Reydante Bernardo De Lara, 53, ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro, nang pagbabarilin ng mga suspect na lulan din ng motorsiklo bandang alas-6:30 ng gabi.

Namatay noon din ang biktima.

Nabatid na pagdating sa national road ng Barangay Mulawin ay biglang niratrat ang biktima ng mga suspect na naka-bonet.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagtugis sa mga gunman.

 

Please follow and like us:
Read More

KURSUNADA KO PO. PATAWAD — LA SALLE COED RAPE SLAY SUSPECT

rape slay 12

(NI NILOU DEL CARMEN)

MATAPOS maaresto sa Victoria, Oriental Mindoro, inamin ng suspek na si Jorge Benedicto   ang ginawang krimen na pagpatay at panghahalay sa 21-anyos na  De La Salle Lipa  graduating student na si Fidex Therese Maranan.

Sa isinagawang press conference Huwebes ng umaga sa Camp General Miguel Malvar sa Batangas City, humingi rin ng tawad ang suspek sa pamilya ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Lipa City police na sa loob ng dalawang buwan na  pagkaka-assign ng suspek bilang security guard sa Miracle Heights Subdivision na pinangyarihan ng krimen, nagkainteres na agad ito sa dalaga lalo na ng malaman nito na nag-iisang nakatira ang biktima sa kanyang bahay.

At isinagawa nito umano ang karumal-dumal na krimen sa pagitan ng Miyerkules ng alas 11:20 ng gabi, May 15, hanggang 1:15 ng madaling araw ng  Huwebes kung saan nakuhanan pa ito ng CCTV na nakatayo sa harap ng barracks ng mga guwardiya at naglakad patungo sa direksyon ng bahay ng biktima at makalipas ang dalawang oras ay bumalik din sa pamamagitan ng  pag-akyat sa bakod ng subdivision pabalik sa barracks.

Nadiskubre ang  wala ng buhay na katawan ng  biktima sa loob ng kaniyang bahay  noong Biyernes na ng hapon.

Ayon kay Police LCol Ramon Balauag, hepe ng Lipa City police, sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nagkaroon na sila ng duda sa suspek matapos na ito ay hindi na makita at hindi na rin magreport sa trabaho mula noong umaga ng May 16.

Natunton ng mga awtoridad ang inuupahang apartment ng suspek sa Brgy. Sabang, Lipa City kung saan ayon sa live-in partner nito na si Angelica Ponce Roco ay umalis patungong Victoria, Mindoro ang suspek matapos na ito ay mag-impake ng kanyang mga personal na gamit noong gabi ng May 17.

Ayon naman sa testimonya ng isang testigo na si Marvin Opeña, kasamahang guwardiya, niyaya pa  umano siya ng suspek na sumama ito sa gagawing panghahalay nito  sa biktima habang  sila ay nag-iinom noong alas 9:00 ng gabi ilang oras bago nangyari ang krimen.

Tumanggi umano si Opeña at kinagalitan ang suspek subalit itinuloy pa rin nito ang balak.

Ayon pa kay Balauag, nakapasok ang suspek sa likurang pintuan ng apartment ng biktima na hindi nakakandado.

Napag-alaman na ang 24-anyos na suspek  ay may nauna na ring kaso ng pambabastos sa isang  babaeng Koreana na nakatira sa nasabi ring subdibisyon.

May kaso rin umano ito ng pagnanakaw ng kalabaw sa kanyang hometown sa San Mariano, sa Roxas, Oriental Mindoro.

Ayon pa sa live-in ng suspek, gumagamit din ng iligal na droga ang suspek at malimit umano ay binubogbog siya nito kapag nalalasing.

 

Please follow and like us:
Read More

NABALIW SA GUTOM; 2 PASLIT PINUGUTAN NG NANAY

mindoro12

(NI JG TUMBADO)

DEPRESYON at nararanasang gutom ang nakikitang dahilan sa brutal na pagpatay ng isang 30- anyos na ina sa kanyang dalawang batang anak sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Hawak na ngayon ng pulisya ang ina na hindi pinangalanan habang ang isang anak nitong menor de edad na babae na nakaligtas sa tangkang pagpatay nito ay nasa pangangalaga na rin ng Municipal Social Welfare and Development.

Ayon kay Police Major Librado Manalang, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nangyari ang karumal-dumal na krimen sa mismong bahay ng pamilya na nasa malayong kabihasnan sa Sitio Landing, Barangay Pinagturilan ganap na alas 7:00 ng umaga ng Sabado.

Ang mga biktima ay 8-anyos na babae at 1-taong gulang na lalaki. Habang ang naka ligtas sa tiyak na kamatayan ay nasa edad 10-taon gulang.

Nabatid sa imbestigasyon, na hinintay lamang umano na makaalis ng bahay ang mister para mangahoy at manguha ng kanilang makakain na kamote.

Gamit ng suspek ang isang gulok na pangtabas nito ng mga halaman at pananim sa labas ng kanilang bahay, ay walang habas na pinagtataga ang kanyang mga anak bago pinutulan pa ng ulo ang mga Ito.

Sinasabing dumaranas umano ng mental illnes ang suspek na miyembro ng Alangan Mangyan Tribe gayundin ang buong pamilya.

Nakatakda namang sampahan ang suspek ng double parricide at attempted homicide kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

EROPLANO NAGLAHO;  ESTUDYANTE, PILOTO NAWAWALA

baron12

(NI DAVE MEDINA)

PATULOY na pinaghahanap ngayon ang piloto at estudyanteng Arabyano na  sakay ng Beechcraft Baron 55 (BE55) trainer aircraft na iniulat na nawawala matapos ang takeoff nito, Linggo ng umaga sa San Jose Airport, sa Mindoro.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang Beechcraft Baron ay ino-operate ng Orient Aviation Corporation na may registry number RP-C9078 at sakay ang Filipino pilot-in-command at isang estudyanteng  Saudi Arabian national.

Makaraan umano ang take off ng maliit na eroplano ay hindi na nakarinig ng ulat mula sa piloto simula sa departure nito sa San Jose Airport bandang  alas-8:13 ng umaga.

Huling lokasyon ng eroplano na naitala ng radar ay  16 Nautical Miles timog ng  San Jose Airport.

Kasama sa aktibong paghahanap sa posibleng lokasyon sa mga nawawala ang apat na grupo ng Philippine Air Force (PAF) gamit ang kanilang Angel 922 Helicopter,  ang Philippine Navy sa kanilang 310 Islander aircraft, isang  King Air private jet, at ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsuyod sa karagatan.

 

Please follow and like us:
Read More

SHIP ENGINEER  NAHULOG SA BARKO 

batangas port12

(NI NILOU DEL CARMEN )

MAKARAANG ang dalawang araw na pagkawala, natagpuan ang bangkay ng isang 2nd engineer na nahulog sa sinasakyang barko habang patungo sa Batangas port mula sa Mindoro.

Ayon sa report ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas 11:15 ng umaga ng Martes nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard – Catagan Batangas  substation ang katawan ni  Ricky Llalen Paciente sa  may bahagi ng Calavite passage sakop ng territorial water ng Barangay Poblacion 4, Calatagan.

Batay sa ulat, ang 50-anyos na biktima na 2nd engineer ng Starlite Ferries Incorporated at  residente ng San Enrique,  Iloilo ay nahulog mula sa pinagtatrabahuhang barko noong dakong alas 2:00 ng madaling araw ng Lunes  sa karagatang sakop ng Mindoro ilang minuto makaraang umalis ang barko sa Calapan port patungong Batangas City.

Hindi pa naman malinaw sa pulisya ang dahilan kung bakit nahulog ang biktima.

Ayon sa PCG Calatagan, nakasuot lamang ng short at t-shirt na gray nang matagpuan ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

2 ‘AMASONA’ NG CPP-NPA, HULI SA EXTORTION

amasona12

(NI AIYO GAYETA)

ORIENTAL MINDORO — Natimbog ng mga tauhan ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar ang dalawang  umano’y amasona na miyembro ng Communist Terrorists Group (CTGs) CPP-NPA na huli sa aktong nangigikil gamit ang electronic money system sa mga pulitiko at negosyante sa bayan ng Naujan, lalawigang ito kamakalawa.

Ayon sa ulat na ipinalabas ng tanggapan ng Oriental Mindoro Provincial Police Office sa pamumuno ni Police Sr. Supt. Thomas R. Frias, sa pamamagitan ni Police Supt. Joseph Talento, Chief of Police ng Naujan MPS, nagsagawa ng isang entrapment operation at natiklo ng pinagsanib ng puwersa ng Naujan PNP, Victoria PNP, Provincial Intelligence Branch of Oriental Mindoro Police Provincial Office at 203rd Brigade, Phillipine Army, ang mga  miyembro ng CPP/NPA sa ilalim ng pamumuno ng Ka Lucio De Guzman Command dahil sa  talamak na pangingikil ng pera sa lalawigang ito.

Dinakip ang dalawang amasona dakong alas-8:30 ng umaga Huwebes ng umaga na kinilalang sina Hilda Alma Capitle, 32, may asawa, residente sa Brgy. Bambanin, Victoria at Mel Rodriguez, 21,residente ng Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro. Sila ay may alyas Ka Miumi/Ka Tanya at Ka Merly/Ka Ryan na nakatoka umanong mangikil gamit ang mga sulat na nakumpiska.

Ayon kay Pol. Supt Talento, isang complainant ang humingi ng tulong sa kanilang tanggapan na may magaganap na pangingikil sa hindi pinangalanang biktimang nagpadala ng P10,000 sa remittance centers bilang revolutionary tax o progressive tax para sa mga teroristang rebelde.

Ikinasa ang entrapment operation matapos pindutin ng kahera sa electronic system at kubrahin ng mga amasona ang perang kinikil sa isang hindi pinangalanang negosyante. Sinamsam ng mga miyembro ng pulisya at militar ang mga gamit at armas ng mga teroristang rebelde gaya ng hand grenade, cal. .38 na may bala, laptop, 10 celfones, USB, iba’t ibang IDs, subersibong dokumento, mga pangalan ng mga personalidad na planong kotongan ng rebeldeng grupo kabilang ang mga pangalan ng pulis sa lalawigan.

Samantala, dinala ang mga gamit sa 4th Intelligence Security Unit, Army Intelligent Regiment upang gamiting ebidensya sa mga teroristang grupo at isinurender sa Calapan City Police Station ang  dalawang amasona upang sampahan ng kasong rebelyon laban sa pamahalaan.

Please follow and like us:
Read More

MGA BAYAN SA MINDORO SINASALAKAY NG REBELDENG TERORISTA

cppnpa

(NI AIYO GAYETA)

ORIENTAL MINDORO— Tatlong magkakasunod na pag-atake ng Communist Terrorists Groups (CTGs) ang naitala ng Oriental Mindoro (ORMIN PPO) at Occidental Mindoro Provincial Police Office (OCCMIN PPO) simula noong buwan ng Pebrero kung saan tatlong pulis ang napatay sa engkuwentro.

Sa isinumiteng ulat ng Gloria Municipal Police kahapon naganap ang engkuwentro ng mga rebelde at pulisya sa Sitio Layang, Brgy. Malamig, Gloria sa lalawigang ito.

Nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga pulis sa PMI Construction nang makasagupa ang maraming bilang ng mga rebelde. Nagpalitan ng mga putok ang magkabilang panig na tumagal ng mahigit 30 minuto. Napatay sa engkuwento si PO3 Edwin Encarnacion at sugatan si PO3 John John Morente.

Isang guro ang na-trap sa gymnassium ng Malamig National High School noong gabi habang kasagsagan ang palitan ng putok ng magkabilang panig at nakauwing ligtas sa kanyang tirahan kasama ang mga pinsan na nag-aayos ng gymnasium para sa nakatakdang ganapin kutilyon ng mga high school students.

Ayon sa ulat ng Occidental Mindoro Provincial Police Office, unang sinalakay ng mga rebeldeng grupo noong February 24, 2019 ang Brgy. Mapaya, San Jose, Occidental Mindoro at napaslang ang dalawang pulis na sina SPO2 Raymond A. Robles at SPO1 Bonifacio A. Tacuyo mga miyembro ng San Jose Municipal Police Station sa Occidental Mindoro.

Nakumpiska rin ng mga miyembro ng pulisya sa pag-atake ng mga teroristang rebelde ang 20 fired cartridge ng M16 rifle; Cartridged ng M203 granade launcher; M14 live ammunition; pares ng mga sapatos, M16 magazine na may laman 5 buhay na mga bala, at mga gamut na inisyu ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Sa ulat na isinumite ng pulisya, Pebrero 25, 2019 nang sunugin ng may 30 rebeldeng NPA at nagpakilalang miyembro ng Philippine Army at armasan ang guwardiya at sunugin ang 12 heavy equipment,  warehouse at safety office house sa ginagawang 8-mega-watts Catuiran Hydro Power Plant na pagmamay-ari ng Sta. Clara International Incorporation sa Brgy. Malvar, Naujan, Oriental Mindoro dakong 8:30 ng umaga.

Sa panayam kay Elizalde Magpulong, OIC sa planta, kinumpiska ng mga rebelde ang ginagamit na handheld radios, celfone at pinalabas ang mga empleyado. Doon binuhusan ng gasoline kinuha sa engineering office ng planta.

Mayor Mark N. Marcos, Municipal Mayor ng Naujan na isang alyas “Ka Madaay”  ang nagpadala ng mensahe sa alkalde at inako ang pagkakasunog sa planta at miyembro ng Ka Lucio De Guzman Command.

Isang malawakang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga miyembro ng ORMIN at OCCMIN Provincial Police upang tugisin ang mga teroristang rebelde.

Sinabi ng mga rebelde ang dahilan ng pagsunog sa hydro plant ay ang reklamong isinampa ng mga katutubong Mangyan na sinira ang mga kabuhayan sa pinagtayuan ng planta.

Ayon kay

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More