3 AGNAS NA BANGKAY NG MINDANAO QUAKE NADISKUBRE

(NI DONDON DINOY) PADADA, Davao del Sur—Tatlong agnas na bangkay ng babae ang natagpuan sa gumuhong Southern Trade grocery store dito sa bayan noong Biyernes. Matapos ang magnitude 6.9 na lindol noong Linggo, Disyembre 15, sinabi ni Mark Anthony Bayod, 32, resident eng lugar, nakaamoy siya ng parang amoy patay mula sa loob ng gusali. Ito rin ang naamoy ni Lisa Dacanay, 25, isa pang residente sa lugar. Ngunit, ayon kay Police Major Arnold Absin, hepe ng Padada Police Station, na layunin ng clearing operation ang pag-demolish sa buong building…

Read More

CHECKPOINTS SA MINDANAO MANANATILI KAHIT WALA NANG ML

(NI AMIHAN SABILLO) MANANATILI at walang pagbabago sa pagpapatupad ng checkpoints sa Mindanao ang Armed forces of the Philippines (AFP) kahit wala nang martial law. Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Bgen. Edgard Arevalo kaugnay ng mga inaasahang pagbabago sa Security protocols sa Mindanao matapos magdesisyon ang Pangulo na wag nang palawigin ang martial law pagkatapos ng December 31. Sinabi pa ni Arevalo, dati na rin namang may mga checkpoints sa Mindanao at ang “frequency” lang naman ng checkpoints ang nadagdagan sa pagpapairal ng martial law. Magkakaroon lamang umano ng konting…

Read More

PLANONG PAG-ATAKE NG TERORISTA NAUNSYAMI

NPA

(NI JG TUMBADO) NAUNSYAMI ang planong paghahasik ng terorismo ng ISIS terror linked na Dawla Islamiyah (DI) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilang mahahalagang pasilidad sa Central Mindanao makaraang madiskubre at masabat ang malalakas na uri ng pampasabog ng militar. Narekober ng mga sundalo ang nasa labing dalawang ibat ibang home made explosive devices sa kalagitnaan ng surgical operations laban sa nabanggit na teroristang grupo sa bulubunduking bahagi ng Shariff Saydona Mustafa. Ayon kay Major Gen. Diosdado Carreon, commander ng 6th Infantry Division at pinuno ng Joint Task…

Read More

M’DANAO QUAKE: GURO ITINAYA ANG BUHAY SA MGA ESTUDYANTE

(NI DONDON DINOY) MAKILALA, North Cotabato-Viral ngayon sa social media ang isang guro ng day care matapos itaya ang buhay masagip lang ang mga bata mula sa mga gumuhong pader dahil sa malakas na lindol noong Martes. Kinilala ang guro na si Erlinda Ajero, residente sa lugar, na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan at ulo matapos tamaan ng mga hollow blocks. Agad dinala sa ospital ang ginang at nasa maayos na ang kalagayan. Sinabi ng anak nito na si Mark, guro rin sa Kidapawan City, nabigla na lamang…

Read More

MINDANAO NIYANIG NG 6.6 LINDOL

lindol12

NIYANIG ng magnitude 6.6 earthquake ang ilang bahagi ng Mindanao kanila, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ang epicenter ay naitala sa Tulunan town sa Cotabato province, kung saan nilindol din nitong buwan na pumatay sa tatlo katao. Naitala ang lakas ng lindol sa:  Intensity VII – Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani Intensity VI – Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City Intensity V – Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani Intensity IV – General Santos City; Kalilangan, Bukidnon Intensity III…

Read More

BABAENG NPA LEADER SA MINDANAO, TIMBOG

npa12

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Ikinagalak ng mga otoridad sa Davao Region ang pagkaaresto ng ikinokonsiderang “top 1 wanted terrorist” sa Mindanao matapos isailalim sa manhunt operation, alas 4:45 ng hapon sa San Francisco Public Market sa Agusan del Sur. Ayon sa Police Regional Office-11, nahuli ang notoryus na kumander ng New People’s Army (NPA) na si Rachel Cortez Daguman, alyas Kumander Jasmin, 44-anyos, itinuturing secretary ng Front Committee 51 ng rebeldeng komunista. Kinilala rin ang naaresto na pinuno ng Regional Peasant Bureau at residente sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao…

Read More

‘INENG’ PAALIS, BAGONG LPA NAMATAAN SA M’DANAO

bagyo1

HABANG paalis ng bansa ang bagyong ‘Ineng’, namataan naman ang isang bagong low pressure area sa Mindanao at minomonitor na ngayon ng Pagasa. Sinabi ni weather specialist Gener Quitlong na ang LPA ay namataan sa 1,900 kilometers east ng Mindanao at kasalukuyang wala pang direktang epekto sa bansa. Nagpapatuloy naman si ‘Ineng’ patungong Batanes at namataan sa 105 kilometers east-northeast ng Basco town. May bitbit itong lakas na 100 kilometer per hour (kph) at pinakamalakas na hangin ng hanggang 125 kph. Nakataas pa rin sa signal number 2 ang Batanes…

Read More

MAHIGIT P23-M NAKUHA SA INVESTMENT FIRM; STAFF NAKATAKAS 

(NI AMIHAN SABILLO) SINALAKAY  ng mga kawani ng Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine national Police (PNP), Philippine Army (PA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang investment firm sa Brgy. Cubi-cubi, Nasipit, Agusan Del Norte na nasasangkot umano sa scam dahil sa paglabag sa securities and regulations code. Ayon kay CIDG Spokesperson Lt. Col. Mary Grace Madayag, alas-8 Miyerkoles ng gabi nang magsagawa ng operasyon laban sa FRX Rice Trading, makaraang makatanggap ng ulat mula sa isang confidential informant na mayroong pay out nitong…

Read More

SANGGOL NALUNOD SA BALDE NG TUBIG; 1 NA-HOSTAGE

baby feet12

(NI JESSE KABEL) PATAY na nang iahon ang isang anim na buwang gulang na sanggol matapos umanong malunod sa balde ng tubig, Lunes ng umaga sa lungsod ng Bacolod. Lumitaw sa pagsisiyasat na hindi namalayan ng mag-asawang Liana Mae Aloro na nagising ang kanilang anak at sa paglalaro nito ay nakarating sa kanilang kusina at  gumapang patungong balde na puno ng tubig. Nagawa pang dalhin sa hospital ang sanggol subalit idineklarang dead on arrival na ito. Samantala nalagay naman sa bingit ng kamatayan ang isang pitong buwang gulang na sanggol nang tangayin ito…

Read More

MGA PULIS SA INVESTMENT SCAM SA REGION 7, SISIBAKIN

central visayas12

(NI NICK ECHEVARRIA) SISIBAKIN sa puwesto at kasamang kukumpiskahin ang service firearms ng sinumang pulis na mapatutunayang naglagak ng investment sa Kapa-Community Ministry International Inc., isang independent religious corporation. Ito ang mahigpit na babala ni P/BGen. Dobold Sinas, Director ng Police regional Office (PRO) 7. Ginawa ni Sinas ang babala makaraang mabatid ang mabilis na pagdami ng mga recruits na nag-invest sa ‘Kapa’ na umabot na sa 10,000 sa loob lamang ng tatlong linggong operasyon nito sa Cebu. Pangunahing target umano ng ‘Kapa’ na ma-recruit ang mga police, mga miyembro ng…

Read More

DINAMITA SUMABOG SA DAGAT; MAG-TIYUHIN MALUBHA

dynamite12

(NI NICK ECHEVARRIA) SUGATAN ang mag-tiyuhin makaraang masabugan ng dinamita na gamit sa pangingisda sa Cotabato City, Biyernes ng umaga. Kinilala ni Abdul Marudin, lider ng isang sitio sa Coastal Village ng Kalanganan, ang dalawang biktima na malubhang nasugatan  na sina Datu Matabalao at ang kanyang tiyuhin na si Mahdi na kapwa nakatira sa nasabing lugar. Sa salaysay ni Marudin nangingisda ang mag-tiyuhin sa bukana ng Rio Grande de Mindanao nang bigla na lamang sumabog ang tatlong improvised dynamites na nakatago sa loob ng kanilang bangka bandang alas-11:00 ng umaga.…

Read More

BAGYONG ‘CHEDENG’ INAASAHANG PAPASOK SA BANSA

chedeng

NAGING bagyo na ang low pressure area (LPA) na nasa labas pa lamang ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Huling namataan ang tropical depression sa layong 1,595 kilometro silangan ng Mindanao. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong 60 kilometro kada oras. Kumikilos ang bagyo sa direksiyong kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras. Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang bagyo sa ano mang bahagi ng bansa ngunit inaasahan na itong papasok Sabado ng gabi o…

Read More

El NIñO RAMDAM NA SA MINDANAO

el1

KORONADAL CITY – Nararamdaman na umano sa ilang bahagi ng Mindanao ang nakapainit na panahong banta ng El Nino, ayon sa pagmomonitor ng Philippine Atmospheric Geographical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sinabi ni PAGASA forecaster Benrio Beñon, nasa estado aniya sila ng El Niño watch lalo na sa Region 12 na isa sa mga maaapektuhan ng dry spell. Sa pagtatapos ng Pebrero inaasahang papasok ang El Nino at posibleng tumagal ng limang buwan. Posibleng tamaan ang mga probinsya ng South Cotabato, Sarangani, North Cotabato, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Lanao…

Read More

NPA TARGET NG OPENSIBA SA MINDANAO

npa1

ZAMBOANGA CITY – Walang humpay ang opensiba ng militar kontra New People’s Army matapos lusubin ng mga sundalo at makubkob ang isang kampo ng rebedeng grupo sa Agusan del Sur sa Mindanao. Dalawang rebelde ang napatay ng mga tropa kamakalawa sa naturang operasyon sa bayan ng San Luis na kung saan ay natunton ng mga ito ang taguan ng NPA sa Barangay Binicalan. Nabawi ng mga sundalo ang mga bangkay at dalawang armas, ngunit nakasibat naman ang maraming iba sa nasabing labanan. Walang inulat na nasawi sa panig ng militar…

Read More