2-ANYOS, SUNDALO, CAFGU PATAY SA AMBUSH

shooting incident123

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang tatlo katao na kinabibilangan ng paslit, kasapi ng Philippine Army (PA) at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos tambangan at pagbabarilin ng mga pinaniniwalaan kasapi ng Abu Sayyaf Group, nitong Lunes, kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Adha ng mga Muslim sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joie Halasan, ng 2nd Special Forces Battalion; Aldazier Hassan ng CAFGU, at Abdukalim Sahisa, 2-anyos habang ginagamot naman sa ospital ang isang 11-anyos na bata.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Kagay, Patikul-Talipao, Sulu.

Lumabas sa pagsisiyasat, sakay ng motorsiklo sina Halasan at Hassan habang binabagtas ang kahabaan ng Patikul-Talipao nang bigla na lamang silang hinarang ng armadong teroristang grupo at pinaulanan ng bala mula sa matataas na kalibre na armas.

Agad namatay ang sundalo at cafgu habang nadamay naman ang dalawang bata na mabilis isinugod sa ospital pero nalagutan din ng hininga ang paslit habang patuloy na inoobserbahan ang 11 anyos.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang operasyon ng mga otoridad laban sa teroristang grupo.

Please follow and like us:
Read More

2 BATA BIKTIMA NG GIYERA SA SULU; 6 ASG PATAY DIN

patikul sulu12

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY ang dalawang bata makaraang maipit sa giyera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu,  Sabado ng hapon.

Ayon sa impormasyong ipinarating ng Joint Task Force Sulu, nagsasagawa ng community support program activities sa Barangay Igasan ang mga miyembro ng 6th Special Forces Battalion dakong alas-5:00 ng hapon nang umatake umano ang tinatayang 30 miyembro ng bandidong grupo.

Namatay sa kalahating oras na bakbakan ang mga biktimang may edad isa at 12 habang nasugatan naman ang dalawa pang sibilyan at limang sundalo.

Anim naman ang nasawi at pito ang nasugatan sa panig ng ASG.

Naniniwala si Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., commander ng Joint Task Force Sulu, na desperado ang ASG na takutin ang mga residente na pinaghihinalaan umano ng grupo na nakikipagtulungan sa militar.

“The death of the 2 innocent children and the wounding of 3 other civilians are indicative of the ASG’s desperate actions of sowing fear among the local populace,” ani Pabayo.

Please follow and like us:
Read More

SEXY ACTRESS PABORITO NG MGA BIGTIME SA GOBYERNO, MILITAR

silhouette actress12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NAPAKA-SEXY naman kasi talaga ni aktres, at magaling siyang magtago ng kanyang nakaraan, pero may isang nasa “introduction service” na nagsasabing “iyang babaing iyan ay matagal na naging private escort, pero high class dahil malaki talaga ang bayad”. Kabilang daw sa mga naging client ng ngayon ay aktres ay malalaking businessmen, mga opisyal ng gobyerno at opisyal din ng militar.

Aba talaga palang big time siya noong araw pa. Tapos nagkaroon nga ng connection sa isang network, naging artista at sumikat din naman kahit na papaano.

Pero tingnan mo nga naman, kahit na anong tago mo sumisingaw pa rin.

Please follow and like us:
Read More

POLICE STATION SINALAKAY; 3 NPA PATAY, 2 PULIS SUGATAN

militarynpa123

(NI NICK ECHEVARRIA)

TATLONG rebelde ang patay at isa ang arestado habang dalawa naman ang sugatan sa hanay ng pulisya sa nabigong pagsalakay ng humigit kumulang 50 mga  miyembro ng Communist Terrorist Group sa isang Municipal Police Station (MPS) sa Samar, Huwebes ng madaling araw.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Brigadier Dionardo Carlos sinalakay ng mga armadong rebeldeng NPA ang Victoria MPS sa Northern Samar ganap na alas-3:30.

Matagumpay namang naipagtanggol ng 15 police personnel na naka-duty ang kanilang himpilan na pinangunahan ni P/Lt. Eladio G. Alo, ang Chief of Police ng nabanggit na Police Station, hanggang sa magsitakas ang mga sumalakay na rebelde.

Bagaman dehado sa bilang, nakuhang dumipensa ng mga alertong pulis ng Victoria MPS laban sa mga lumusob na NPA lulan ng isang forward truck na nakasuot ng military fatigues at may dilaw na head band  sa kanilang mga ulo.

Matapos ang bakbakan, iniwan ng mga sumalakay na rebelde ang bangkay ng tatlo nilang kasamahan habang naaresto ang isa pa na hindi pa batid ang mga pangalan samantalang sugatan naman sina P/Msg Arturo Gordo Jr. na tinamaan ng shrapnel sa kanyang ilong at mata habang sa mukha naman nahagip ng mga tumilansik na shrapnel si P/Msg Arnold Cabacang, masuwerte namang kapwa minor injury lamang ang tinamo ng dalawang pulis.

Narekober naman ng mga awtoridad ang (1) cal. 60, (1) M14 rifle, at ang mga bangkay ng nasawing mga rebelde na nakaposisyon ang isa sa harapan ng police station habang dalawa naman sa likurang bahagi.

Agad namang pinapurihan ng mataas na liderato ng PNP ang mga myembro ng Victoria Municipal Police Station sa ipinakitang katapangan at kahandaan laban sa mga sumalakay na rebeldeng NPA na ang ilan ay napansin na mga kababaihan.

 

Please follow and like us:
Read More

3 ABU SAYYAF TODAS SA 10-MINUTONG BAKBAKAN

abu12

(NI JG TUMBADO)

TATLONG miyembro ng ISIS-inspired terror group na Abu Sayyaf ang iniulat na napatay ng militar sa sagupaan sa bulubunduking bahagi ng Simisa Island, Barangay Banguigui, Sulu Linggo ng umaga.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Gerry Besana, ng Western Mindanao Command (Wesmincom), nakabakbakan ng Marine Battalion Landing Team 3 ang nasa 20 armadong terorista sa  nabanggit na lugar dakong alas 7:58 ng umaga.

Tumagal umano ng may 10 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong tauhan ni ASG sub leader Najir Arik.

Wala naman umanong nasugatan o napatay sa panig ng mga sundalo na nangunguna rin sa pagtugis sa mga tumakas na teroristang grupo.

Nagsasagawa pa umano ng clearing operations ang militar sa lugar ng engkuwentro.

Please follow and like us:
Read More

4 BIFF UTAS SA ENGKWENTRO

biff

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Nasawi ang apat na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o (BIFF) matapos maka-engkwentro ang mga sundalo sa Barangay Inaladan sa bayan ng Saidona Mustapha, Maguindanao madaling araw nitong Martes.

Batay sa ulat, nagsimula ang engkwentro matapos na magpaputok ng armas ang mga BIFF sa mga tropa ng Army’s 40th Infantry Battalion nang magpatrulya ang mga sundalo sa nasabing lugar.

Bagama’t kaunti lamang ang tropa ng pamahalaan ay nagawang makaligtas ang mga ito at nakapaputok pa sa mga kalaban at apat ang napatay.

Kinilala ang mga nasawing BIFF na sina Akmad Sindi, Raguiab Bansao, Ameruddin Bunao at Gamino Orai.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga armas na ginamit ng mga suspek ang tatlong mga 7.62 caliber M14 rifles at 5.56 caliber AR18 rifle.

Dalawa sa mga BIFF ang nasugatan na kinilala lang sa pangalang Gadoh at Tasil.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ang mga nagsitakas pa na mga BIFF.

Please follow and like us:
Read More

RESCUE OPS HANDA NA VS DINUKOT NA SUNDALO, CAFGU

rescue ops

MATAPOS matunton ng government troops ang kinaroroonan ng  12 Civilian Auxiliary Forces Geographical Unit (Cafgu) at dalawang sundalong bihag ng New People’s Army (NPA) nasa na ang rescue operations para bawiin ang mga ito.

Gayunman, handa umano ang rebeldeng NPA sa operasyon sa New Tubigon, Sibagat, Agusan del Sur.

Sinabi ni NPA spokesperson Ka Malem Mabini, handa sila anumang oras sa bakbakan laban sa military matapos sabihin ni 4th ID, Philippine Army commanding officer Major Gen. Ronald Villanueva na alam na nila ang kinaroroonan ng mga bihag.

Handa rin umano sila sakaling mapagkasunduang gawin ang negosasyon ng third-party facilitator.

Ang Cafgu members at mga sundalo ay natutulog umano nang salakayin ng mga rebeldeng NPA ang detachment kung saan nakakuha ng 23 armas, mga bala at iba pang gamit.

Please follow and like us:
Read More