2 NPA TODAS SA MILITAR

PATAY

(Ni JG Tumbado)

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa panibagong engkuwentro sa pagitan ng militar sa bulubunduking bahagi ng Barangay sa bayan ng Panganiban sa Catanduanes araw ng Linggo.

Nabatid kay Army Lt. William Hiponia, company commander ng 83rd Infantry Battalion, nagsasagawa umano ng combat operation ang kanyang tauhan katuwang ang Provincial Mobile Force Company ng Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) at Panganiban Municipal police sa Barangay Taopon ng makasagupa ng mga ito ang nasa 7 mga rebeldeng komunista dakong ala-1 ng madaling araw.

Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig at matapos ang sampung minutong bakbakan ay bumulagta ang dalawang hindi pa makilalang rebelde.

Umatras ang kalaban kung saan iniwan na ang napatay nilang kasamahan at maging ang ginamit na AR15 assault rifle at ibat ibang mga bala sa encounter site.

Patuloy pa ang pagtugis ng militar at pulisya sa mga nagsitakas na kalaban na sinasabing patungo sa bundok na sakop na ng katabing bayan.

Please follow and like us:
Read More

GRUPO NG MNLF NASABAT NG MILITAR; ARMAS ISINUKO

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

MAGUINDANAO – Nasabat ang grupo ng Moro National Liberation Front  (MNLF) matapos hanapan ng kaukulang mga dokumento ay bigong makapag-presinta ang mga ito at sa halip ay kanila na lamang isinuko ang mga dalang armas sa Buluan gymnasium sa bayan ng Buluan, Maguindanao, Sabado ng tanghali.

Sa ulat ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army, alas-12:30 ng tanghali ng isinuko ng mga MNLF ang kanilang bitbit na armas ng maharang sila sa nasabing lugar.

Kabilang na rito ang 21-M16, tatlong M14, isang Ultimax, dalawang M4A1 Carbine, Garand – 2, Bar – 1, Cal. 45 – 3, M203 – 1, M79 – 1, Springfield – 1, Carbine – 1 at mga bandoliers maliban pa sa mga magazines na puno ng bala.

Sa ulat ng pinagkakatiwalaang source, magsasagawa umano sana umano ng pagpupulong ang nabanggit na organisasiyon pero wala naman umanong koordinasiyon ang mga ito sa kinauukulan o sa pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao.

Kinuwestiyon din ang pagsuot nila ng damit sundalo at ang pagdadala ng armas gayong nasa ilalim ng martial law ang Mindanao.

 

Please follow and like us:
Read More

SAFEHOUSE NG KFR GROUP SINALAKAY, 1 PATAY

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa pakikipagbarilan ang isa sa mga miyembro ng Kidnap for ransom (KFR) group na isinasangkot din sa pagdukot ng ilang mga opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa kanilang hideout sa Marilao, Bulacan.

Armado ng search warrant, nilusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office 3, PNP-Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police at PNP Anti Kidnapping Group, ang pinagkukutaan ng grupo kung saan napatay ang 41-anyos na KFR member na si Leo Dela Fuente, residente ng Cubao, Quezon City.

Bago tinunton ng pulisya ang hideout ni Dela Fuente nitong gabi ng Miyerkoles sa Marilao, ay ilang serye rin ng pagsalakay ang ikinasa sa iba pang lugar, kabilang sa Caloocan at sa San jose del Monte City sa Bulacan.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, modus ng grupo ang manghingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang kaanak.

Gumagamit pa umano ng uniporme ng PNP ang mga suspek at may mga kasabwat silang mga AWOL na pulis.

Nakumpiska sa loob ng isa sa mga bahay ang 8 iba’t ibang uri ng armas na may mga bala habang sa mga sasakyang nadatnan sa lugar ay may mga nakuha din na mga high powered firearms.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGKAPATID NA REBEL RETURNEE BINUWELTAHAN, PATAY

rebel

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang magkapatid na dating kasapi ng New Peoples Army (NPA) nang tambangan ng mga kasamahang rebelde sa Sitio Ipol, Barangay Paraiso, Alabel, Sarangani Province, Linggo ng hapon.

Sa impormasyong ibinahagi ni Lt. Jerry Maborang, civil military officer ng 73rd Infantry Battalion Philippine Army, nasawi sa ambush sina Rodel Niepes, alyas Dong, 38, residente ng Purok Masagana, Poblacion, Alabel; at nakababatang kapatid nitong si Denver Niepes, 18.

Nabataid na nagpasayang magbalik- loob si Rodel na dating secretary  sa Guerilla Front 71  noong Abril 2018.

Bukod sa mga napaslang nahagip din ng punglo ang isa pa nilang kapatid na si Adonis Niepes, alyas Kokoy, 30, dati ring opisyal ng nasabing rebeldeng grupo.

Ayon kay Lt. Maborang, nakasakay ang mga biktima sa dalawang motorsiklo at galing sa kanilang farm lot pasado ala-1:00 ng hapon, nang tambangan ng nasa 10 hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nagawang makatakbo ni Adonis kaya’t na-rescue ng mga otoridad at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Sinubukan ding isugod sa pagamutan ang dalawa nitong kapatid subalit idineklarang dead on arrival dahil sa multiple gunshot wounds na kanilang natamo. Narekober sa crime scene ang 16 empty shells at buhay na bala na pinaniniwalaang sa AK47, M14 at M16 rifle.

Kasalukuyan pang tinutugis ng mga militar at pulisya ang mga responsable sa pananambang.

Naniniwala ang Philippine Army na pagbuwelta ng mga rebedleng NPA sa magkakapatid ay isang propaganda upang takutin ang mga kasamahang nagnanais na  magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang benepisyong inilaan ng gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Integration Program.

Please follow and like us:
Read More