MILF MEMBER ARESTADO SA BARIL

arrested76

(NI FRANCIS SORIANO)

HINDI na nakapalag pa ang isang umano’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos arestuhin ng Station Intelligence Branch (SIB) at Special Weapons and Tactics (SWAT) dahil sa iligal na pag-iingat ng armas sa Phase 12, Brgy 188, Tala, Caloocan City, nitong Sabado.

Ayon sa ulat na nakarating kay PCOL Carlito Gaces, hepe ng Caloocan City Police Station, naaresto ang suspek  na si Gamal Guitum, 41, at residente sa Phase 12, Riverside, Brgy. 188, Tala, Caloocan City, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality campaign against all forms of illegal activity sa nabangit na lugar, sa pangunguna ni PLtCol . Crisanto Lleva noong Sabado dakong ala-1:00 ng hapon.

Narekober sa suspek ang isang (1) cal.45 pistol na Series 80 na may serial no. 111617, isang magazine, 13 piraso nang live  ammunitions at samu’t saring identification cards na kinabibilangan ng MILF id.

 

Please follow and like us:
Read More

AGAWAN NG LUPANG SAKAHAN: 3 PATAY

crime

(NI BONG PAULO)

NASAWI ang tatlo katao makaraang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Islamic Liberation Front (MILF) at mga armadong sekyu ng isang plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong sa Datu Abdullah Sangki (DAS), Maguindanao, Lunesng hapon.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones, nagkasagupa ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong ng naturang bayan, alas-2:30 ng hapon.

Ang mga nasawi sa panig ng MILF ay kinilalang sina Datu Ila Mohammad at Toy Taha, habang ang nasawi sa panig ng mga armadong security na pinamumunuan ni alias Kali ay hindi pa tukoy.

Sugatan naman ang isang Tanto Abdul, isang civilian security volunteer, na dinala sa Isulan Provincial Hospital sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Nabatid na personal na alitan sa pamilya dahil sa pinag-aagawang lupang sakahan at plantasyon ang dahilan ng bakbakan.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig kaya naman daan-daang mga sibilyan ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar.

Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang mga pulis at sundalo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mapayapang negosasyon ng mga lokal na opisyal sa bayan para resolbahin ang gulo ng dalawang grupo.

Please follow and like us:
Read More

2 MILF, 3 PA, HULI SA P1.2-M SHABU

sultan kudarat1

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO –Arestado ang lima katao, kabilang ang dalawang miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isinagawang drug buy-bust operation sa national highway, Barangay Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga natimbog na sina Noraida Sabang, Namraida Sengkong Mama, Aisa Nasser Baldido, Abdul Zainudin at Anwar Kasim na ngayon ay nahaharap sa sa kasong paglabag sa Comprehensive Philippine Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang lima ay mga residente ng Cotabato City, ayon sa ulat ng Police Regional Office-12.

Nahuli ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-12, Isulan Municipal Police Station at ng Provincial Drug Enforcement Unit ang mga suspek matapos maharang ng mga ahente ng PDEA habang sakay ang mga ito sa isang van, dakong alas-5:00 ng umaga.

Nabatid na may mga residente na tumimbre sa mga pulis dahilan para mahuli ang mga ito dala ang ipupuslit nilang P1.2 milyong shabu.

Please follow and like us:
Read More