PHOENIX, MERALCO PWERSADONG MANALO

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

KAPWA puwersado ang Phoenix Pulse Fuelmasters at Meralco Bolts na ipanalo ang kanilang magkahiwalay na laban ngayong gabi sa Cuneta Astrodome upang manatiling buhay ang tsansa na makapasok sa susunod na round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Pilit babangon ang Fuelmasters sa nalasap na  kabiguan sa pagsagupa nito sa napatalsik nang NLEX Road Warriors sa ganap na alas-4:30 ng hapon bago sundan ng pagsasalpukan ng Bolts at nasa ikalawang puwesto na North Port Batang Pier sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Nalasap ng Fuelmasters ang masaklap na 108-128 kabiguan kontra San Miguel Beer kung saan hindi man lamang ito nakatikim ng kalamangan at nahulog pa sa ikawalong puwesto sa 4-6 panalo-talong kartada.

At kahit out of contention na ang Road Warriors ay ayaw pa ring magrelaks ng Fuelmasters.

“Hindi puwede na magkumpiyansa sa NLEX,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas. “Gusto din nila na makapagbaon ng panalo bago makumpleto ang lahat ng laro nila kaya kailangan na nasa 100% pa rin ang laro namin.”

Mas mabigat naman ang hamon na haharapin ng Bolts na makakasagupa ang matagal nakapagpahinga at nasa ikalawang puwesto sa team standings na Batang Pier.

Huling nabigo ang Bolts kontra Magnolia Hotshots, 88-99, sa out-of-town na larong ginanap sa MVA Gym sa Zamboanga upang mahulog sa ika-10 puwesto bitbit ang 3-6 kartada.

Matatag naman sa ikalawang puwesto at may twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals ang Batang Pier na may 8-2 kartada matapos nitong huling biguin ang Columbian Dyip, 110-108.

Please follow and like us:
Read More

ILANG LUGAR SA MM MAWAWALAN NG KURYENTE

meralco12

(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY CHRISTIAN HERAMIS)

SIMULA ngayong araw ay asahan nang makakaranas ng mga power interruptions ang ilang tahanang sineserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco) sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan dahil sa nakatakdang maintenance works na isasagawa nila sa loob ng walong araw.

Sa inilabas na schedule ng Meralco nitong Biyernes ng gabi, nabatid na ang maintenance works ay isasagawa simula ngayong Linggo, Hunyo 16, hanggang sa susunod na Linggo, Hunyo 23.

Sakop nito ang ilang lugar sa Metro Manila, kabilang ang mga barangay East Rembo, Rizal, Poblacion at Valenzuela sa Makati City; Sta. Cruz sa Maynila; Industrial Valley sa Marikina City; Sto. Niño sa Parañaque City; Pasay City; Barangay Ligid-Tipas sa Taguig City; at Canumay West sa Valenzuela City.

Maaapektuhan din ang Sto. Tomas, Batangas; Silang sa Cavite at San Pedro sa Laguna.

Ayon sa Meralco, kabilang sa kanilang kailangang isagawa ay line reconstruction at reconductoring works, pagpapalit ng mga sira at nabubulok na poste, at paglilipat ng mga pasilidad.

Humihingi naman ng paumanhin ang Meralco dahil sa perwisyong maaaring idulot ng pansamantalang power interruptions at ipinaliwanag na ang kanilang ginagawa ay para rin naman sa pagpapahusay ng kanilang serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Please follow and like us:
Read More

BAWAS-SINGIL NG MERALCO SA HUNYO IPATUTUPAD

meralco231

(NI KEVIN COLLANTES)

MAKAAASA ang mga consumer ng bawas sa kanilang bayarin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Ito’y dahil inianunsiyo na ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng 19-sentimo kada kilowatt hour (kwh) na bawas sa kanilang singil para sa June billing.

Sa paabiso ng Meralco, nabatid na ang naturang P0.19/kwh ay bunsod na rin nang pagbaba ng P0.135/kwh sa generation charge at mas mababang presyo ng presyo ng spot market.

Kung isasama umano ang bawas-singil noong nakaraang buwan ay aabot na sa 50-sentimo kada kwh ang kabuuang bawas sa singil ng kuryente sa nakalipas na dalawang buwan.

Sinabi ng Meralco na mas malaki pa sana ang ibababa ng kanilang singil kung hindi lamang sana manipis ang suplay ng kuryente sa Luzon grid.

Ayon sa Meralco, ang naturang bawas-singil sa June billing ay katumbas ng P38 na matitipid ng mga household na nakakakonsumo ng 200kwh at P57 na bawas sa mga nakakagamit ng 300kwh bawat buwan.

Ang mga kumukonsumo naman ng 400kwh ay makakatipid ng P76 kada buwan at P95 naman ang mababawas mula sa mga nakakagamit ng 500kwh kada buwan.

 

Please follow and like us:
Read More

MERALCO RATES MABABA NGAYONG MAYO

meralco

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGANDANG balita dahil mababawasan ng mahigit 27 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang bayarin ng mga consumers ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Mayo.

Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng kanilang singil ng kabuuang P0.2728/kwh ay dulot nang malaking bawas sa singil sa generation charge, suplay ng mga kakontratang planta, transmission charge at iba pang mga buwis.

Ipinaliwanag pa ng Meralco na bagamat P3.53/kwh ang itinaas ng presyo sa spot market ay na-offset naman ito nang mas mababang rate ng Independent Power Producers (IPPs) at Power Supply Agreement (PSA).

Ayon sa Meralco, ang bawas-singil ay nangangahulugan ng P55 na bawas sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200kWh kada buwan; P82 naman ang matitipid ng mga nakakagamit ng 300kwh kada buwan; bawas na P110 sa bayarin ng mga tahanang nakakakonsumo ng 400kwh kada buwan at P136 namang tipid sa mga consumer na gumagamit ng 500kwh kada buwan.

Bunsod naman ng naturang pagbaba sa singil, nabatid na umaabot na lamang sa P10.2866/kwh ang overall electricity rates ngayong buwan, kumpara sa P10.5594/kwh noong nakaraang buwan.

 

Please follow and like us:
Read More

MAWAWALAN NG KURYENTE

MERALCO1234

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGKAKAROON ng power interruptions ang iba’t ibang panig ng Luzon matapos magpaabisong muli ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong linggong sa mga lugar kung saan nakatakda  silang magsagawa ng maintenance works.

Batay sa paabiso ng Meralco, kabilang sa mga apektado o makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente simula Abril 28 hanggang Mayo 4, ay ilang lugar sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal province.

Nabatid na sa Metro Manila, apektado ang Sampaloc sa Maynila; Sto. Nino sa Paranaque City; Old Balara at Mariblo, sa Quezon City; Western Bicutan sa Taguig City; Valenzuela City at Pasay City.

Samantala, apektado rin ang Sto. Tomas sa Batangas; Calamba, Los Baños, Liliw, Nagcarlan, Rizal, Magdalena at Majayjay sa Laguna; Plaridel at San Jose del Monte City sa Bulacan; Carmona, General Mariano Alvarez, Cavite; at Antipolo City sa Rizal.

Ayon sa Meralco, kabilang sa mga maintenance works na gagawin ay line conversion works, line reconductoring works, instalasyon ng karagdagang lightning protection devices, line repair works, pagpalit ng mga sirang poste, line maintenance works, reconductoring ng mga pangunahing linya, paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng road widening projects at iba pa.

Humingi naman ng paumanhin ang Meralco sa mga consumers nilang maaapektuhan ng maintenance works at power interruptions.

 

 

Please follow and like us:
Read More

1-2 ORAS ROTATING BROWNOUT MARARANASAN SA LUZON

MERALCO1234

MAKARARANAS na ng rotating brownout sa ilang bahagi ng Luzon sa dalawang magkasunod na araw dahil umano sa kawalan ng sapat na power reserves, ayon sa Meralco.

Isa hanggang dalawang oras mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa bawat area ang posibleng mangyari sa mga consumuers. Ilalathala din umano sa social media pages ang mga lugar na apektado.

Inaasahang ngayong Huwebes ang peak demand sa Luzon sa 10,607 megawatts sa available capacity na 10,761 MW at reserve na 154 MW.

Nanawagan naman ang ahensiya sa publiko na magtipid sa kuryente upang makatulong upang huwag nang mabawasan ang pagnipis ng supply ng kuryente.

Please follow and like us:
Read More

ROTATIONAL BROWNOUT NG MERALCO UMPISA NA NAMAN

meralco231

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) na muli silang magpapatupad ng rotational brownout sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, dahil na rin sa panibagong serye ng maintenance works.

Batay sa paabiso ng Meralco,  sinimulan ang maintenance works at rotational brownout nitong Lunes, Abril 8, at magtatagal hanggang sa Abril 14, Linggo.

Kabilang umano sa mga lugar na apektado ng rotational brownout ay ang Quiapo, Sampaloc at Sta. Cruz sa Maynila; Baclaran sa Parañaque City; Loyola Heights sa Quezon City; at Canumay West, Arkong Bato at Palasan sa Valenzuela City, gayundin ang Obando, San Ildefonso, San Miguel, Norzagaray, San Jose del Monte City at Meycauayan, sa Bulacan; Candaba, Pampanga; Dasmariñas City at General Trias sa Cavite; Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz sa Laguna.

Nabatid na kabilang sa mga nakahanay na tatrabahuhin ng Meralco ay line reconductoring works, line conversion works, paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng pagtatayo ng LRT extension,  pagpapalit ng mga pangunahing linya ng kuryente, pag-upgrade ng mga pasilidad, preventive maintenance at testing works sa loob ng NGCP – San Rafael substation, maintenance at repair works sa loob ng ilang Meralco substation at pagpapalit at pag-install ng mga poste; at line maintenance works.

Kaugnay nito, muli namang humingi ng paumanhin ang Meralco dahil sa naturang rotational brownouts.

Tiniyak naman nito na ang maintenance works ay isinasagawa nila upang higit pang mapagbuti ang serbisyong ipinagkakaloob nila sa kanilang consumers.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SINGIL SA KURYENTE TATAAS NGAYONG ABRIL

MERALCO1234

(NI KEVIN COLLANTES)

MULI na namang magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Abril.

Batay sa abiso ng Meralco, nabatid na aabot ng P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang madaragdag sa April bill ng mga consumers.

Katumbas ito ng P12.60 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan at P18.90 para sa mga consumers na nakakagamit ng 300 kwh.

Nasa P25.20 naman ang madadagdag sa bayarin sa kuryente ng mga tahanang nakakagamit ng 400 kwh at P31.50 naman sa mga nakakakonsumo ng 500 kwh kada buwan.

Ayon sa Meralco, ang taas-singil ngayong buwan ay dulot ng pagmahal ng kuryente sa spot market, paghina ng palitan ng piso kontra dolyar at pagtaas ng generation charge ng P0.035/kwh.

Matatandaang noong Marso ay nagtaas rin ng siyam na sentimong singil sa kuryente ang Meralco.

Patuloy namang pinapayuhan ng Meralco ang mga consumers na magtipid ng kuryente dahil sa inaasahang lalo pang tataas ang konsumo ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.

 

Please follow and like us:
Read More

KONSEHAL, 20-TAON NAGNAKAW NG TUBIG, KURYENTE, HULI!

manila

(NI CESAR BARQUILLA)

TATLONG araw nagtago ang isang aktibong konsehal ng bayan matapos nitong mabalitaan sa kanyang mga supporters na lumabas ang isang warrant of arrest laban rito at pinaghahanap ng pulisya.

Tangan ng Cainta PNP ang kopya ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ma. Consejo-Gengos Tonalaga ng Antipolo Rtc branch 100 para isilbi sa akusadong si Municipal Councilor Gilbert Igteben, ng Blk 2 Lot 22 Midland Homes Brgy San Juan Cainta Rizal.

Nag-ugat ang pag-aresto kay Igteben nang isang Danny Cruz ang nagbigay impormasyon sa Sangguniang Bayan hinggil sa paggamit ng akusado sa tubig at kuryente nang libre sa loob ng 20 taon na ang pinagkukunan ay ang Cainta Clinic Center na nasa panulukan ng Estrella St. ng nasabing brgy na umanoy malapit sa kanyang tahanan.

Mabilis na nagpasya ang Sangguniang Bayan member na sampahan ng kaso ang kanilang kasamahang konsehal ng pagnanakaw sa pag-aari ng gobyerno kung saan ay mabilis na na-iproseso ng Atipolo RTC ang kaso kasabay ng paglabas ng warrant of arrest.

Kaugnay nito, sa halip na magpahuli sa mga pulis ay mas minabuti ni Igteben na personal na magtungo sa Antipolo RTC branch 100 para ayusin ang kinakaharap nitong kasong qualified theft  kung saan pinayagan itong makapaglagak ng piyansa ng halagang P40,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Samantala, hindi man matagumpay na naaresto ng Cainta PNP ang wanted na konsehal ng bayan ay nagawa namang makuhanan ito ng larawan sa loob ng police headquarters.

Sinubukang hingan ng pahayag ang naturang konsehal subalit tumanggi itong makapanayam.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

MABABANG SINGIL SA KURYENTE NGAYONG ENERO

meralco

ASAHAN umano ang pagbaba ng singil sa kuryente dahil sa mababang generation charges, ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Sinabi ni Zaldarriaga na umaasa sila sa pagbaba ng singil subalit wala pa umanong eksaktong rate na inilalabas ang kanyang ahensiya.  “Hindi pa namin alam ang rate pero tyak na mararamdaman ito ng consumers,” sabi pa ni Zaldarriaga.

Ang power rates ay kadalasan umanong mababa tuwing Enero dahil nagagamit pa umano ang outage allowance noong nakaraang taon.

Nakatakda namang ianunsiyo ng Meralco ang aktuwal na rate ngayong linggo.

Please follow and like us:
Read More