ALDEN TIME OUT SA KATHRYN FILM SHOOT PARA SA OPENING NG MCDO NIYA

aldenrichards12

(NI GORGY RULA)

KAHIT Holy week pala ay tuluy-tuloy ang trabaho nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Hongkong.

May time naman daw silang magnilay-nilay sa magsimba sa Holy Thursday at Good Friday, pero kailangan daw nilang mag-shooting para matapos sila on time.

Si Alden kasi ay kailangang makabalik ng April 24 para sa opening ng Mcdo outlet niya sa Binan, Laguna.

Iyon daw ang araw ng blessing at sa April 26 naman ang grand opening.

Curious ako kung imbitado ba si Maine Mendoza sa opening ng McDo ni Alden. Alam ko kasi sumuporta rin ang Pambansang Bae sa opening noon ng McDo ni Maine sa Bulacan.

Wala pang sinasagot kasi sa akin mula sa kampo ng dalawa.

Pinapaimbita ko nga ang sarili ko sa opening ng McDo ni Alden, at open naman daw ito sa lahat. Pero ipapaalam pa raw kung puwede na bang interbyuhin si Alden tungkol sa pelikula nila ni Kathryn.

Nakakatuwa lang sa project na ito ng Star Cinema dahil wala kaming naririnig na bulilyaso o kanegahan sa shooting.

Ang problema lang nila roon ay kung paano kontrolin ang mga taong dumadagsa sa kanilang shooting,

Ang kuwento kasi ng ilang OFW doon, nag-request daw sa kanilang amo ang iba para makapunta raw sila sa shooting ng naturang pelikula.

Iniiwasan na rin yata ng Star Cinema na mag-shoot ng Linggo dahil punung-puno talaga ang Hongkong ng mga Pinoy na OFW.

Kaya sa ordinary days nila ginagawa ang shooting,

Pero may ilan ngang listeners namin sa radio program namin sa DZRH na nasa Hongkong, nagti-text sila sa amin para ibalitang nakita raw nila sa shooting ang dalawa.

Yung isang listener naming taga-Hongkong ay kinukuwento sa aming sinusundan daw niya si Kathryn sa shooting niya roon sa Hongkong at nakapag-picture daw siya sa Northpoint, napakabait at napaka-simple raw ng Kapamilya young actress.

Guwapong-guwapo naman sila kay Alden. Kaya ang saya ng mga kababayan natin doon sa Hongkong dahil naging bahagi rin sila sa magandang pelikulang ito nina Kathryn at Alden.

 

Please follow and like us:
Read More