MAG-AMA GINILITAN

(NI JESSE KABEL)

MISTERYO pa rin sa mga awtoridad ang motibo sa mag-amang ginilitan ng leeg habang natutulog sa loob ng bahay sa Capitol Hills, Brgy. Central, Mati City. Ayon sa Mati City Police Office, hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nanloob sa mag-amang  sina Wenceslao Noval Sr., 74, dating empleyado ng Department of Agrarian Reform at ang anak nito na si Wenceslao Noval Jr., 50.

Sa pagsisiyasat, himbing na natutulog ang mag-ama nang biglang dumating at ang mga hindi nakilalang mga lalaki at agad na ginilitan ang mga biktima.

Tumakas ang mga suspek matapos ang krimen  .

Inaalam naman ng mga otoridad kung may mga nawalang gamit at ari-arian ang mga biktima o anumang bagay na maaaring makatulong para matukoy ang motibo g mga salarin.

Kapwa dinatnan ng mga kapitbahay na wala nang buhay ang dalawang biktima.

Please follow and like us:
Read More