OPISYAL NG PNP BINOGA SA ULO

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos barilin sa ulo ng makailang ulit ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Batuan, Masbate, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima ng pamamaril na si P/SMsgt Oscar Alegada, 43, nakatalaga sa Batuan Municipal Police Station (MPS) at nakatira sa Poblacion ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Masbate Police Provincial Office na ipinarating sa Camp Crame, nangyari ang pananambang sa napatay na police personnel bandang alas-7:10 ng gabi habang nakikipag-usap  kay Mylene Olarita, ng NUP, sa gilid ng kalsada sa Brgy. Canvanez, Batuan sa nabanggit na lalawigan.

Naisugod pa sa ospital sa San Fernando, Masbate ang biktima subalit hindi na ito umabot nang buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo mula sa tumakas na suspek.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang salarin at inatasan na rin ang mga kalapit na police stations sa lugar na maglatag ng checkpoint para sa posibleng pagkakakadakip nito.

 

Please follow and like us:
Read More