GRADE 10 STUDENT MINARTILYO SA ULO

crime67

(NI JESSE KABEL)

BANGKAY na at butas ang ulo ng isang 21- anyos na Grade 10 pupil sa Sitio Banilad, Barangay Tomonoy, sa bayan ng Moalboal lalawigan ng  Cebu, sa ulat ng pulisya ngayong Biyernes.

Ayon kay Police Corporal Wilfredo Rosal, ng Moalboal Police Station, may hawak ng kaso, natagpuan nitong Huwebes ng umaga ang duguang bangkay ni Harriz Bell Olivo,  Grade 10 student sa Badian National High School.

Base sa inisyal na imbestigasyon ay pinaniniwalaang hinataw ng martilyo sa ulo ang biktima .

Posibleng pinukpok ang biktima dahil sa nakitang sugat sa ulo nito at isang martilyo malapit sa bangkay, ayon sa imbestigador.

Ayon naman sa Moalboal Municipal Police Station, isang residente ang naka diskubre ng bangkay at agad na itinawag  sa kanilang himpilan.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AAMA MINARTILYO NG MANUGANG

crime67

(NI SIGFRED ADSUARA)

PINAG-MAMARTILYO sa ulo ang mag-aama ng kanyang manugang matapos mapikon habang nag-iinuman sa Imus City, Cavite

Inoobserbahan pa sa  Ospital ng Imus  ang magkapatid na sina Jay R, 24, at Jason Lucelo, 23, habang sa Philippine General Hospital naman isinugod ang kanilang ama na si Romeo Lucelo, 53, magsasaka, pawang residente ng Brgy. Bucandala 4, Imus City, Cavite.

Hawak naman na ng pulisya ang suspek na si Rolando Mara, alias Lolong, 28, obrero, kasama rin sa bahay at manugang ng matandang Lucero.

Sa ulat ni PSMSgt Ronaldo Orozco ng Imus City Police Station, dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-aama kung saan sama-samang nag-iinuman ang mga ito.

Sa kalagitnaan ng inuman, nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa mapikon ang suspek kaya kumuha ng martilyo at pinagtulungang martilyuhin sa ulo ang mag-aama.

Isinugod sa osiptal ang tatlo habang naaresto naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More