MARIS ‘DI NAGPATALBOG KAY SUE

(NI ROSE GARCIA)

IBANG-IBA na talaga si Maris Racal mula nang makilala ito sa PBB house. Though mukhang bata pa rin, ibinalandra ng Kapamilya star ang katawan niya sa suot na two-piece bikini.

Hindi ito nagpatalbog kay Sue Ramirez.

Umani naman ng tagumpay ang pagpost ni Maris ng kaseksihan niya dahil sa rami ng artistang walang dudang nagulat din sa post niya at sa pagpapakita ng ka-daringan.

Si Liza Soberano na napa, “MY GOD ELLENYA L.” Napa-comment din sina Bela Padilla, Iza Calzado. Habang ang dati niyang ka-loveteam na si Manolo Pedrosa ay nag-like sa alindog niya at gayundin sina Marlo Mortel, Jm de Guzman at Derek Ramsay.

Nene pa rin kasi ang tingin talaga kay Maris kaya nakapanggulat siyang talaga nang mag-post ng naka-two piece bikini.

Hindi rin siguro inaasahan ni Maris ang ang overwhelming response sa post niya kaya nag-comment ito na, “Grabe thank you guys!!! Minsan lang to pagbigyan na lang. Thanks for the love.”

Sa isang banda, naalala namin ang mga dating teenstars o young stars na talagang pinipilit, dine-delay-delay pa para mag-pose ng sexy o naka-two piece sa mga men’s magazine.

Doon, kasabay pa ang mga bonggang promotion at publicity. Pero ngayon, kahit sa social media tulad ng Instagram nila “nilo-launch” ang kanilang kaseksihan at tila pagsasabing ready na sila sa mga mature at sexy roles.

SUNSHINE IBINALA

Bukas ang simula ng WAGAS sa GMA-7. Tuwing umaga bago mag-Eat Bulaga ang month-long episode ng Wagas.

Ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon ang ibinala ng network sa pilot month ng Wagas presents: Throwback Pag-ibig.

Ayaw namang magpa-pressure ni Sunshine sa rating since, known ito na rater at nakapagtala nga ng phenomenal ratings sa Ika-6 Na Utos na sila rin ni Mike Tan ang isa sa magkapareha.

Sa totoong buhay, wala pa raw siyang natatandaan na sa mga past relationships niya ay nakapag-throwback pag-ibig na siya o may binalikan siyang ex.

Although, malaki rin naman kasi ang kaibahan dahil boyfriend lang yung mga yun at legal na asawa niya ang ama ng dalawang anak.

When asked about it, sinabi naman niya na, “Personally I can’t talk about my life kasi, magulo pa rin, complicated pa rin.”

Lumalaki na rin ang dalawang anak nila kaya tinanong namin si Sunshine kung wala ba sa mga itong nangahas na magsabi na magbalikan na lang sila ng Daddy ng mga ito.

Sa ngayon, co-parenting naman daw sila sa mga anak.

Sabi ni Sunshine, “Honestly, wala namang mga ganung tanong or mga sinasabi. Ako, naniniwala ako na walang bata na may gustong hindi okay ang family nila.”

Nanggaling din daw siya sa broken family and alam niya na ultimately, may longing.

Pero maayos naman daw ang dalawang bata at inopen niya sa mga ito ang totoong sitwasyon ng pamilya nila.

“Hindi ako old school thinking na ay, ‘wag nating sabihin, baka masaktan. I’d rather be known para pagtanda nila, wala ng tanong.”

 

Please follow and like us:
Read More

YES, NADUROG KO ANG PUSO NI MARIS –IÑIGO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SA mediacon ng I’m Ellenya L. ay natanong si Maris Racal tungkol sa sinabi niya sa Tonight With Boy Abunda last June na nadurog ang puso niya dahil kay Inigo Pascual.

Maris was asked to clarify that statement sa harap mismo ni Inigo na naroroon din sa presscon.

Kaaliw ang sagot ni Maris na kay Inigo niya ipinasa ang tanong.

“Inigo, paki-clarify ‘yun,” natatawang sabi ni Mariz. “Inigo, paki-clarify mo ngayon!” ulit pa niya.

“Kasi ako na lang lagi ang tinatanong. Sabihin mo! No filter! Para hindi na ‘ko matanong in the future,” dagdag pa ni Maris.

Naging gentleman naman si Inigo at sinalo ang tanong.

“Hindi siyempre, we went through a lot together, that’s what I always say, and may mga bagay na hindi naman natin siyempre, makokontrol.

“Things are the way they are and for me, sobra akong grateful na Maris is doing the way she is and we don’t have any bad blood, hindi kami magkagalit sa isa’t isa,” ani Inigo.

Nagbigay din naman ng kanyang paliwanag si Maris. “’Yung sa question na ‘yun sa TWBA, gusto ko lang naman din na tawanan na lang ‘yung mga nangyari. As you can see, habang ini-interview ako ni Tito Boy (Abunda), tinatawanan ko na lang ‘yung mga tanong kasi that happened in the past.

“Yes, siyempre masakit ‘yun, nararamdaman din ‘yun but we’re happy na naka-move-on na kami and we’re still friends. ‘Yun lang naman po,” pahayag ni Maris.

Matatandaang sa nasabing sa TWBA ay inamin din ni Maris na naging more than friends sila ni Inigo pero hindi naman naging officialy “sila.”

Pero napag-usapan daw nila na maghiwalay muna at mag-focus sa kani-kanilang career.

Ang I’m Ellenya L ang first movie together ng MarNigo and since last year pa nila ito sinimulan, noong ginagawa nila ito ay hindi pa sila hiwalay.

Produced by Spring Films and N2 production, the movie is the directorial debut of Boy 2 Quizon showing on Sept. 12 as part of the Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

MARIAN DININIG ANG PRAYER NG  OUR LADY OF LA LECHE

Ipinagdasal pala ni Marian Rivera sa ating Lady of the Milk na bigyan pa siya ng maraming gatas para patuloy na makapagpa-breastfeed sa bunso niyang anak na si Ziggy.

Nag-post si Marian ng larawan hawak ang figurine ng Our Lady of La Leche/Our Lady of the Milk at sa caption, binigyan din niya ng encouragement ang iba pang nanay na huwag mawalan ng pag-asa.

“I prayed to Our Lady of the Milk to help me produce more milk so I can provide for Ziggy. I know that I’m not the only mom whom she has helped and we’re all filled with gratitude.

“Kaya mga nanay, don’t lose hope, miracles do happen. Salamat Mama Mary sa biyaya at pagpapala,” caption ni Marian.

Pinuri ng netizens ang aktres na hindi lang mabait at maganda kungdi relihiyosa pa.

 

Please follow and like us:
Read More