TANOD NA HUMABOL SA SUSPEK INATAKE SA PUSO

(NI MAC CABREROS) ISANG barangay tanod ang nasawi nang atakihin sa puso habang hinahabol ang lalaking umihi sa poste sa Marikina City. Nalagutan ng hininga sa Amang Rodriguez Medical Center ang barangay tanod na kinilalang si Ricky Cruz. Nakakulong naman ngayon ang isang lalaki nang mahulihan ng patalim makaraang maaresto ng awtoridad at pinaghahanap ang kasamahan nito dahil sa pagiging asal-aso na umihi kung saan-saan. Kinasuhan ng Alarm and Scandal, Unjust Vexation, Grave Threat, Resistance and Disobedience at paglabag sa B.P 6 si Rustom Padilla, 23, binata, habang pinaghahanap si…

Read More

P200,000 PABUYA VS INFO SA NAGTAPON NG PATAY NA BABOY

AFRICAN SWINE FEVER-4

(NI KEVIN COLLANTES) MAGBIBIGAY ng dagdag-pabuya na P200,000 ang Marikina City government para sa sinumang makagbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga taong nasa likod ng pagtatapon ng may 58 patay na baboy, na pinaniniwalaang dinapuan ng African Swine Fever (ASF), sa Marikina River, kamakailan. Bagama’t may lead na, mga larawan at impormasyon, ang lokal na pamahalaan hinggil sa insidente, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na wala pa umano silang mga testigo na makapagbibigay ng detalyadong impormasyon kung sino ang may kagagawan ng pagtatapon ng mga patay na baboy sa…

Read More

NAGPAANOD NG PATAY NA BABOY SA ILOG, MANANAGOT

(NI KEVIN COLLANTES) TINIYAK ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na pananagutin na ang mga taong responsable sa pagtatapon at pagpapaanod ng mga patay na baboy na pinaniniwalaang tinamaan ng African Swine Fever (ASF) sa Marikina River. Batay sa ulat ng Marikina Veterinary Office, mula Huwebes ng umaga hanggang nitong Biyernes, ay umaabot na sa 55 mga patay na baboy ang kanilang narekober na palutang-lutang sa kanilang ilog. Kaagad naman nilang inililibing ang mga nakukuhang patay na baboy upang hindi na makahawa pa ng anumang sakit base na rin…

Read More

MARIKINA BALIK NUTRIBUN SA PAARALAN

NUTRIBUN

(Ni Mac Cabreros) LAYON na mapaganda ang kalusugan ng mga batang estudyante upang maisaayos ang pag-aaral ng mga ito at magkaroon ng de-kalidad na edukasyon, ibinalik ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang pamamahagi ng masustansiyang tinapay na sumikat at nakilala noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Para kaalaman ng mga bagong sibol, ang pamamahagi ng nutribun sa paaralan ay isa sa magagandang programa ni Marcos para maagapan ang malnutrisyon noong 1971 sa ilalim ng Food for Peace program ng United States. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy”…

Read More

MARIKINA NAKATUTOK SA PAGSUGPO SA DENGUE

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY ITOH SON) PINATUTUTUKAN ni Marikina Mayor Marcelino  “Marcy” Teodoro ang nakamamatay na dengue sa kanilang lungsod. Sa pagbisita ni Mayor Teodoro sa Amang Rodriquez Memorial Medical Center, hiniling nito kay Director, Dr. Imelda Mateo, na ipagkaloob ang lahat na medical attention sa mga pasyente dito kung saan nailista na sa 26. “I told the director of the hospital to accommodate all dengue patients, even they are not residents of Marikina City,” pahayag Mayor Teodoro. “Also, I told the hospital administrators to take good care of the…

Read More

PULIS NALUNOD SA BASIC SWIMMING COURSE SA NCRPO

lunod2

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isang police corporal matapos malunod habang sumasailalim sa Basic Swimming Course, Sabado ng tanghaling tapat. Nakilala ang biktima na si P/Cpl. Adonis Serrano, 28, at nakatalaga sa Police Community Precinct 9 ng Marikina City Police Station. Nangyari ang insidente sa isang swimming pool sa loob ng compound ng Natioanal Capital Region Police Office (NCRPO) sa Taguig City, bandang alas-12:00, habang sumasailalim ang mga participants sa nabanggit na basic swimming course. Wala namang nakapansin na nalunod na ang biktima at natuklasan lamang nang magsagawa ng accounting…

Read More

P100-K MEDICAL ASSISTANCE SA MARIKINA RESIDENTS

(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita para sa mga residente ng Marikina City dahil inianunsiyo na ni Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na handa silang magkaloob ng maximum na P100,000 medical assistance sa bawat residente nito na mangangailangan ng tulong. Ayon kay Teodoro, naaawa siya sa mga taong nangangailangan kaya’t nagpasyang lakihan ang ibibigay na tulong para sa medical assistance na kakailanganin ng mga ito. “Naawa ako sa mga taong nangangailangan. If sa ibang LGU mababa ang binibigay nila, dito sa Marikina ay hindi ganoon. Hanggang sa P100, 000 ang tulong na…

Read More

MESSAGE SA FB BINULATLAT; GF BUGBOG SA SELOSONG BF

huli

(NI MAC CABREROS) KALABOSO ang isang binatang estudyante na nambugbog sa kanyang 16-anyos na kasintahan sa Marikina City. Desidido ang pamilya ng biktimang sinadyang itinago sa pangalang ‘Dmet’ na sampahan ng kaso laban kay Kyle Gabriel Coronado,18. Sa imbestigasyon ng pulisya, pinuntahan ng lalaki ang bahay ng kasintahan sa Tuazon Ville, Brgy. Tanong, ng nasabing lungsod alas-10:00 ng umaga ng Martes at kinompronta hinggil sa mga mensaheng nababasa sa messenger account. Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa hanggang sa hilahin ng lalaki,  na noo’y sinukluban ng matinding galit, ang…

Read More

MAG-UTOL ARESTADO SA RAPE

arrested12

(NI KEVIN COLLANTES) KAPWA naghihimas na ng rehas na bakal ang dalawang lalaking magkapatid na kapwa arestado dahil sa pagiging wanted sa kasong panggagahasa sa magkahiwalay na lugar sa Marikina City at Mandaluyong City, nitong Sabado. Batay sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na magkasunod na naaresto ang mga suspek na nakilalang sina Ronnie Ric Paz, 27, parking boy at Ricky Ryan Paz, 38, sa kani-kanilang tahanan. Lumilitaw na dakong alas-12:50 ng hapon nang unang maaresto  ng mga tauhan ng Intelligence Branch si Ronnie Ric sa Saint Mary Street, Provident Village,…

Read More