2 PUTOL NA PAA ITINAPON SA MARIKINA RIVER

DALAWANG putol na paa ng tao na nakasilid sa itim na plastic garbage bag ang itinapon sa gilid ng Marikina river sa Marikina City.

Ayon sa Marikina City Police Station (CPS), ipinagbigay-alam umano ng isang concerned citizen sa mga tanod ng Brgy. Industrial Valley Complex (IVC) ang nakitang kulay itim na garbabe bag na may nakalabas na buto at may bahid ng dugo sa gilid ng nasabing ilog bandang alas-7:30 ng umaga nitong Huwebes.

Mabilis namang tinungo ng mga tanod ang lugar para beripikahin ang sumbong ng concerned citizen at nang buksan nila ang itinurong plastic bag ng basura ay tumambad ang dalawang putol na paa ng tao kaya agad nilang itinawag sa pulisya.

Nagresponde naman ang mga tauhan ng Marikina SOCO para iproseso ang lugar ng insidente habang dinala  sa Eastern Police District (EPD) Crime Laboratory Office ang natagpuang mga putol na paa para sa isailalim sa DNA examination at kaukulang disposisyon. (NICK ECHEVARRIA)

Please follow and like us:
Read More

16 PATAY NA BABOY INANOD SA MARIKINA RIVER

pig12

(NI KEVIN COLLANTES)

ILANG patay na baboy ang nadiskubreng itinapon at ipinaanod sa Marikina River sa Marikina City, Miyerkoles ng hapon sa kasagsagan pa ng kumpirmasyon na nakapasok na sa bansa ang African Swine Flu (ASF).

Sa ulat mula sa Marikina Veterinary Office, nabatid na hanggang alas-2:00 ng hapon nitong Huwebes ay kabuuang 16 na patay na baboy ang nakita sa ilog sa bahagi ng Bayabas Street, Barangay Nangka.

Dakong alas-8:00 ng umaga umano nang makita ang isang baboy malapit sa estatwa ng ‘Marikit’ habang lima sa mga ito ang na-trapped naman sa mga basura sa ilog, at ang iba pa ay patuloy na inaanod ng malakas na agos ng tubig.

Dalawa umano sa mga baboy ay naiahon malapit sa area ng Kalumpang Chapel at nailibing na ng mga residente.

Kagad namang hiniling ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro sa Department of Agriculture (DA) na maimbestigahan kung saan nagmula ang mga naturang patay na baboy na naanod sa kanilang lugar, at kung ano ang ikinamatay ng mga ito, sa pangambang tinamaan sila ng ASF.

Ayon kay Teodoro, walang slaughterhouse at wala ring mga piggery sa kanilang lungsod kaya’t posible aniyang mula ito sa bahagi ng Rizal at naanod lamang sa kanilang lugar.

“There is no slaughterhouse or piggery in Marikina. The dead pigs could have been from the upstream of Rizal,” anang alkalde.

Matatandaang sa area ng Rizal unang inilibing ang libu-libong baboy na hinihinalang tinamaan ng ASF.

Kinumpirma na rin ng DA na tinamaan ng ASF ang ilang baboy na sinuri nila kamakailan.

 

Please follow and like us:
Read More