NANAY NANG-UMIT NG HALLOWEEN COSTUME NG ANAK, KULONG

(NI MAC CABREROS) SA kagustuhang sumaya ang anak sa Halloween party, nagawa ng isang ginang na mang-umit ng damit pang-costume sa isang mall sa Marikina City. Arestado at sinampahan ng kasong theft si Mary Ann Azucena, 42, ragmaker, matapos ireklamo ni Bernadette Paano, 25, dalaga, store department head, ng Uno Factory Outlet sa Ayala Mall, Liwasang  Kalayaan, Brgy. Marikina Heights, Marikina City. Base sa reklamo, pumasok sa nasabing tindahan si Azucena alas-10:15 ng umaga ng Linggo nang humingi ng assistance kay Paano hinggil sa pares ng damit pambata na may…

Read More

TUBIG O LASON?

(NI KEVIN COLLANTES) INAALAM pa ng awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng isang ginang na uminom lamang ng tubig sa kanyang tahanan sa Barangay Tumana, Marikina City, nitong Huwebes ng gabi. Batay sa ulat ng Marikina City Police, ang biktimang si Rosalyn Castillo, 47, residente ng Block 48, Vergara Street, Barangay Tumana, ay binawian ng buhay matapos uminom ng tubig sa dakong alas-10:55 ng gabi. Sa salaysay sa pulisya ni Rolando Castillo, 53, asawa ng biktima, bago ang insidente ay naghapunan umano ang kanilang pamilya sa tahanan ng kanilang anak…

Read More

P400-K CASH, CREDIT CARDS, TINANGAY NG ‘BASAG-KOTSE’ 

crime robber12

(NI NICK ECHEVARRIA) NILIMAS ng mga hindi pa nakikilalang miyembro ng “Basag Kotse” ang P400,000 na cash, credit cards at ATM cards mula sa isang  puting Toyota Fortuner (VAN 99) sa Marikina City, na pag-aari ng isang negosyante. Nabatid na bandang alas-8:00 ng gabi nitong Biyernes nang iparada ng negosyanteng si Tony Pangan, 39, ang kanyang kulay puting Toyota Fortuner (VAN 99) sa harap ng Alchemy sa kahabaan ng Lilac St., Brgy. Concepcion Dos, Marikina City, para magkasiyahan kasama ang kanyang mga kaibigan. Bandang ala-1:00 na ng madaling araw nitong…

Read More

13 PASAHERO SUGATAN SA NAGCOUNTER-FLOW NA JEEP

accident135

(NI MAC CABREROS) LABINGTATLONG pasahero ang nasugatan nang bumangga ang sinasakyang jeep na minamaneho ng kaskaserong driver na nagcounter-flow pa sa Marikina City, gabi ng Miyerkoles. Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries laban kay Wawi Gerbacio, 21, driver, na tumakas matapos ang insidente. Sa imbestigasyon ng awtoridad, naganap ang insidente sa Brgy. Parang, Marikina City alas- 11:15 ng gabi. Mabilis ang takbo at tinatahak ng Isuzu passenger jeep na may plakang TWG 497 ang BG Molina Street patungong Silangan nang lumipat sa ibang linya saka magcounter-flow.…

Read More

KASKASERONG DRIVER SUMEMPLANG SA PUNO

accident12

(NI MAC CABREROS) NASAWI ang isang lalaki nang sumemplang ang kanyang motorsiklo na mabilis ang takbo sa Marikina City. Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Lloyd Somido, 29, tricycle driver, sanhi ng matinding pinsala sa katawan lalo sa ulo. Sa imbestigasyon, binabagtas ni Somido sakay ng Suzuki FU150 motorsiklo nito sa BG Molina St., alas-4:30 umaga ng Martes nang mawalan ng kontrol sa manibela at mahagip ang isang puno. Bunsod ng mabilis na takbo, malakas na pagkabangga na nagresulta upang matumba ang sasakyan at magtamo ng matinding pinsala…

Read More

BF SINAKSAK NG UTOL NG GF

stab

(NI MAC CABREROS) HINDI sukat inakala ng isang lalaki na ang pagsundo nito sa bahay ng girlfriend ang maglalagay sa kanya sa kritikal na kondisyon nang saksakin ng kapatid na lalaki ng kanyang syota sa Marikina City. Matamang binabantayan ang kalagayan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng tama ng patalim sa likod si Julius Lovendico, 24, gas attendant, habang nakakulong ang suspek na si Jayson Gonzales, 29, residente ng Angel Santos St., Brgy. Tumana ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ng pulisya, sinundo ni Lovendicio ang kanyang girlfriend sa…

Read More

BABAENG BAKWIT NG MARAWI, 1 PA, HULI SA SHABU

arrested12

(NI MAC CABREROS) ARESTADO ang dalawa katao dahil sa pagtutulak ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P80,000, Lunes ng gabi sa Marikina City. Sa ulat ni Col. Redrico Maranan, hepe ng Marikina City Police kay Eastern Police District Office director, BGen. Christopher Tambungan, nakilala ang mga naarestong sina Idawiya Mithonong, alyas Ipah, 30, may-asawa, tubong Marawi at Saad Dida Agun, alyas Gerry, 29, tubong Cagayan de Oro, at kapwa residente ng Brgy. Tumana, Marikina City. Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad na may nagaganap na bentahan ng shabu…

Read More

2 KARNAPER ARESTADO SA ENTRAPMENT

arrested12

(NI KEVIN COLLANTES) KALABOSO ang dalawang lalaking umano’y karnaper nang maaktuhang nagbebenta ng nakaw na motorsiklo, sa isang entrapment operation sa Marikina Heights, Marikina City. Ang mga suspek na sina Jayson Enotacio, 30, construction worker, ng Barangay Cupang, Antipolo City at Ralph Alvin dela Cruz, 29, sales assistant, ng Barangay Marikina Heights, ay kapwa nakapiit sa Marikina City Police at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1612 (Anti Fencing Law) in relation to Anti-Carnapping Law, paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,  at Batas…

Read More

BATA TINANGKANG KIDNAPIN SA B-DAY PARTY

kidnap12

(NI NICK ECHEVARRIA) ARESTADO ang isang babae sa tangkang pagdukot sa isang bata sa kasagsagan ng birthday party sa Marikina City, Biyernes ng gabi. Sa report na nakarating sa tanggapan ni Marikina City Police Chief P/Col. Redrico  Maranan, naganap ang tangkang pangingidnap bandang alas-8:00 sa  harap ng No. 28 Dama de Noche St., Olandes, Brgy. IVC ng nabanggit na lungsod. Nabatid sa paunang imbestigasyon ng pulisya na napadaan umano ang suspek sa harap ng bahay kung saan may nagaganap na birthday party. Nasa gate noon ang bata na agad nilapitan…

Read More

LALAKI NAGSAKSAK SA SARILI MATAPOS SAKSAKIN ANG PARTNER

crime08

(NI KEVIN COLLANTES) TINARAKAN muna ng isang mister ng dalawang ulit ang kanyang live-in partner bago pinagsasaksak ang sarili, sa kainitan ng kanilang pag-aaway sa Barangay Tumana, Marikina City, Sabado ng gabi. Bigo naman ang mga doktor ng Amang Rodriguez Medical Center na isalba pa ang buhay ni Rogelio Bulalaque, 40, habang sugatan naman at under observation pa sa Quirino Memorial Medical ang kanyang live-in partner na si Christine Servidad, 39. Batay sa ulat ng Marikina City Police, sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nabatid na dakong 10:00 ng…

Read More

AMOK: 1 PATAY; LIVE-IN PARTNER, 3 KAANAK SUGATAN

stab20

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG vendor ang arestado matapos na mag-amok at pagsasaksakin ang kanyang live-in partner at tatlong kaanak nito, sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Malanday, Marikina  City, Miyerkoles ng umaga. Patay ang isa sa mga biktima na si Alvin Siasat, 53; habang sugatan naman ang kanyang mga kaanak na sina Edwin Carlos, 58; Merlina Carlos, 55; at Arianne Kimberly Carlos, 30. Samantala, naaresto naman ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek na si Peter Jovannie  de Leon, 31, live-in partner ni Arianne Kimberly. Batay sa ulat ni Marikina…

Read More

MARUMING KUSINA: 1 KRITIKAL SA PALO 

crime

(NI NICK ECHEVARRIA) NAUWI sa pamamalo ng 2×4 na kahoy na muntik nang ikamatay ng biktima ang mainit na pagtatalo ng dalawang magkapit-bahay  kaugnay sa marumi nilang kusina bandang alas-6:30 Linggo ng gabi sa Marikina City. Naganap ang insidente sa Blk. 55 Pipino St., Bgy. Tumana ng nasabing lungsod na kapwa tinutuluyan ng biktimang si Michael Aviles, 53, at suspek na si Nepthale C. Omelda, 36, kung saan sila nagkaroon ng mainitang diskusyon sa kalinisan ng common kitchen na kanilang ginagamit pero naawat naman sila ng isa pa nilang kapitbahay. Nabatid…

Read More

MAG-INA TULAK NG DROGA

duo

(NI DEREK LIPANA) NABISTO ang isang mag-ina sa pagtutulak ng droga matapos madakip ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Marikina City Biyernes ng gabi ang isang lalaking suspek na kanilang kasabwat. Nakilala ang mag-ina na sina Beverly Bon y Bejerano, 46-anyos at Michael Ordones y Bon, 19, na dawit sa pagbebenta ng shabu ng naarestong suspek na si Mohammar Ganda y Gandaros, alyas Raizen, 25, na pawang mga residente ng Barangay Tumana sa nabanggit na lungsod. Dinakip ang tatlong suspek sa Blk 24, Singkamas St., Bgy. Tumana, ganap na…

Read More

MGA DALIRI LAPNOS SA KWITIS

kwitis

LAPNOS ang daliri ng isang binata matapos maputukan ng kwitis sa Marikina City, Huwebes ng madaling araw. Isa na ang 18-anyos na binata sa listahan ng Department of Health sa mga biktima ng paputok ngayong taon. Isinugod ang lalaki sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Sya rin ang kauna-unahang naitala ng ospital na biktima ng paputok. Ayon kay Dr. Federico Miguel Tagarda, chief resident ng Department of Surgery ng ospital, agad na nag-spark ang kwitis na sinindihan ng binata dahilan upang siya ay magtamo ng paso sa kanyang mga daliri.…

Read More