2 TOTOY NAGLAKO NG DAMO, ARESTADO

MARIJUANA

CAVITE – Gustong makatikim ng luho ng katawan, luminya sa paglalako ng marijuana ang isang 16-anyos na senior high school student, isa pang menor de edad at dalawang kasamahan nito ngunit minalas na madakip sa isinagawang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Imus City sa lalawigang ito. Hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang menor de edad na sina alyas “James”, 17, out-of-school youth, at alyas “Marcus”, 16, senior high school student, habang nakakulong naman sa Imus City Custodial Center ang kasama nilang sina…

Read More

6 DRUG PERSONALITIES HULI SA SHABU, MARIJUANA

SHABU-MARIJUANA

ANIM katao na sinasabing sangkot sa operasyon ng droga ang inaresto matapos mahulihan ng P320,000 halaga ng ilegal na droga sa magkahiwala na drug operations sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Unang inaresto ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek na sina Anthony Justine Ebio, 18; Reynaldo Galves Jr., 37 at Bernie Grande, 36 sa Barangay 155, Bagong Barrio bandang 12:30 ng umaga. Nabatid na may tumawag na impormante sa pulisya at ipinagbigay alam na may transaksyon ng droga ang tatlong suspek na nakuhanan ng apat na plastic ng…

Read More

RAKET SA SIMBANG GABI; TEENAGER HULI SA MARIJUANA

(NI ALAIN AJERO) ISANG teenager na bukod sa pagtitinda ng ‘ready to wear’ na damit ay nagtutulak din ng marijuana sa gilid ng simbahan ang dinakip at nakuhanan ng P120,000 halaga ng droga sa Caloocan City, Sabado ng gabi. Napipintong sa piitan abutin ng Pasko si Jenard Velasco alyas “Chong Good,” 19, ng  11B, Milegos St., Brgy. 98, Zone 9, Caloocan, City, na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Naganap ang insidente alas- 8:20 ng gabi sa gilid ng Our Lady of Grace Church sa sa…

Read More

‘POT SESSION’ SA PNP PATROL CAR; 8 TIMBOG

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Timbog ang walong kabataan, pito ay pawang menor-de-edad, habang sama-samang humihihit ng marijuana sa loob ng sirang sasakyan ng pulis sa Tayabas City sa lalawigang ito, araw ng Lunes. Sa report ng pulisya, huli sa akto si Jovert de la Peña, 18, at ang pito niyang kasamahan habang nagsasagawa ng ‘pot session’ sa loob ng sirang Mahindra mobile patrol 141 na nakaparada sa loob ng isang talyer  sa Barangay Wakas dakong 1:10  ng madaling araw. Nakumpiska sa mga suspect ang maliit na glass tube…

Read More

P1.8-M KUSH INIPIT SA SLEEPING BAG, NASABAT SA NAIA

(NI KOI HIPOLITO) ARESTADO ng mga operatiba ng PDEA at ng NAIA Inter-Agency Drug Intediction Task Group (NAIA-AIDTG) ang isang suspek na claimant ng hindi bababa sa P1.8 milyon ng mga pinaghihinalaang high grade na marijuana o kush na tinangkang palusutin matapos itong ideklarang “Marvel Comic at Sleeping Bag” nitong Biyernes ng hapon sa Central Mall Exchange Center (CMEC) sa lungsod ng Pasay City. Base sa report ng Customs NAIA frontliners, ang kontrabando ay nakapangalan sa isang indibidwal na nakatira sa Taguig City at nang isailalim sa physical inspection ng…

Read More

GERMAN, 2 PINOY HULI SA COCAINE, MARIJUANA

(NI ROSS CORTEZ) TIMBOG ang tatlong drug suspect na kinabibilangan ng isang German national, Fil Am at isang Pinoy matapos makipagtransaksyon sa poseur buyer na operatiba ng Cavite Provincial Intelligence Branch, sa Barangay Molino 4 lungsod ng Bacoor Cavite, alas-9:00 kaninang umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Andreas Waltney, alyas Andrew, 34, English teacher, ng 1035 Rizal Blvd Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna), Patrick Paredes, 22, ng 459 Sonny Boy St. Brgy Hulo, Mandaluyong City at Alex Joel Tolentino, 44, ng 14L Bldg 9 3rd St Taguig City. Nabatid…

Read More

TANIMAN NG ‘DAMO’ SA BAKURAN NI-RAID

QUEZON – Isang taniman ng marijuana o ‘damo’ ang sinalakay ng puwersa ng pulisya sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito noong Lunes. Sa report ni Quezon police chief Colonel Audie Madrideo, nagsagawa ng raid ang mga anti-illegal drugs operatives sa bahay ng isang Emily Abrera sa Barangay Malabanban Norte noong 5:15 ng hapon. Sa bakuran ni Abrera ay nadiskubre ng mga parak ang 68 puno ng marijuana na pawang bagong ani, siyam na iba pang matataas na puno na nakatanim at mga tuyong dahon na ibinalot sa dalawang peryodiko.…

Read More

CALL CENTER AGENT HULI SA MARIJUANA

(NI KEVIN COLLANTES) BAGSAK sa kulungan ang isang call center agent nang mahulihan ng pake-pakete ng marijuana sa Barangay dela Paz, Pasig City nitong Sabado ng gabi. Sa imbestigasyon ng Pasig City Police, lumilitaw na dakong 11:00 ng gabi nang maaresto ang suspek na si Robert Quijano, 36, sa 14 Edward Street, Christine Village, Barangay Dela Paz. Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek. Kaagad namang nag-aplay ng search warrant sa hukuman ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa…

Read More

P5-M SHABU, MARIJUANA NALAMBAT SA CEBU

(NI JG TUMBADO) TINATAYANG nasa P5 milyon halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam ng pulisya sa magkakahiwalay na anti illegal drugs operations sa Cebu City. Sa bulubundukin at tagong lugar ng Barangay Tagba-o nadiskubre ng mga awtoridad ang nasa 11,200 marijuana stalks nitong araw ng Huwebes. Batay sa report, nasa P4.4 milyong ang halaga ng marijuana na binunot at sinira ng mga tauhan ng City Mobile Force Company sa lugar mismo kung saan natagpuan ang mga ito. Samantala, sa Barangay Labangon ay inilunsad naman ang drug bust operation ng…

Read More

P2.4 MILYON MARIJUANA NASAMSAM SA CAVITE

arested12

(NI ROSS CORTEZ) WALANG  pag-amin sa bahagi ng apat na taong inaresto sa 120 kilo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng halos P2.4 milyon sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Salitran 3, lungsod ng Dasmariñas, Cavite, alas-3:00 ng hapon ng Martes. Arestado ang mga drug suspect na sina Albert Abogadie, Don Ragracias, Maryrose Delapeñas at Raymond Austria, na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Nabatid na target ng buy bust operation ng Dasmariñas Drug Enforcement Unit, ang pangunahing suspek na si Abogadie, gamit ang…

Read More

P1.4-M MARIJUANA SA TORTILLA CHIPS NASABAT SA NAIA

customs naia12

(NI DAVE MEDINA) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang nasa  P1.4 milyon halaga ng pinatuyong marijuana or  kush marijuana na inilagay sa  tortilla chips mula sa Illinois, USA. Habang kini-claim  sa  Post office NAIA Customs ang tumitimbang sa 847.20 grams  na kontrabando ay inaresto ng BOC operatives ang suspect na nakilalang si Ryan Ramos Soriano,  isang call center employee, ng  San Juan City. Nakatakdang sampahan ng pag labag  sa Section 117, 1400 at 1113 ng R.A. 10863 (CMTA) na may…

Read More

P3-M HALAGA NG MARIJUANA NAKUMPISKA SA CAVITE

arrested124

(NI SIGRED ADSUARA) INARESTO  ng Cavite police ang isang dancer  na umano’y  number  1 na tulak sa buong Lungsod ng Bacoor City, Cavite sa isinagawang buy bust operation. Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center ang  suspek na si Daniel Mendoza, binata, isang dancer, ng Blk 10, Lot 19 Sparrow St., Camella Springville East 2, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite. Sa ulat ni PMSgt Christian Rosales ng Bacoor City, Cavite,  nagsagawa ng buy bust operation ang miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor CPS at PDEA Cavite…

Read More

MAHIGIT P20-M ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA

cebu200

(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGIT P20 million halaga ng mga ilegal na droga ang nakumpiska ng pulisya sa Cebu City at Cebu Province sa magkakahiwalay na  anti-drug operations nitong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga. Base sa report, unang nasamsan ng mga tauhan ng Mambaling Police Station at mga elemento ng  Drug Enforcement Unit ng Cebu  City Police Office (CCPO) ang 1.6 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P11,390,000 mula sa naarestong taxi driver na si  Richard Barbosa, alias Butong, sa  Sitio Bayutan, Barangay Duljo-Fatima,  bandang alas-9:00 noong Biyernes ng gabi. Si Barbosa ay kabilang sa mga high-value target ng Mambaling Police Station na isinailalim…

Read More

HRM GRAD TIKLO SA MARIJUANA SA LRT 2

MARIJUANA

(NI TJ DELOS REYES) BUMAGSAK sa kulungan ang isang HRM graduate matapos na mahulihan ito ng marijuana habang pasakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2)  Cubao station sa Quezon City. Sa nakarating ulat kay NCRPO Director Major General Guillermo Lorenzo Eleazar nakilala ang suspek na si Aarol Josh Barreda, 22, binata, nakatira sa No. 819, Roxas St., Brgy. 568, Sampaloc, Maynila. Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang dakpin si Bareda sa South Entrance Gate ng  LRT 2 Gateway Cubao. Ayon sa report, sasakay sana ng LRT-2 ang…

Read More

LALAKI  NAG-MARIJUANA SA LOOB NG MALL, HULI

MARIJUANA

(NI LILY REYES) ARESTADO  ang 22-anyos  na sales representative ng isang mall sa Quezon City makaraang maaktuhang humihitit ng  marijuana sa stock room ng nasabing department store. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PCSUPT.  Joselito  Esquivel Jr. ang suspek na si  Rodel Naranja, ng Roque1 Ext. Brgy. Pasong Tamo. Ayon kay QCPD- Masambong Police Station 2 Commander, PSUPT Rodrigo Soriano,  bandang alas -6:00 Linggo ng gabi  habang  nagsasagawa umano ng roving patrol ang security guard ng Fisher Mall na si  Gilbert Genova, ay naaktuhan nito ang suspek na…

Read More

NA-STRESS, NAG-MARIJUANA SA KALSADA, 2 ARESTADO

mj123

(NI ALAIN AJERO) NATUPAD ang kagustuhang mapahinga muna sa pamamasada ang magkumpareng driver matapos na masakoteng humihithit ng marijuana dahil nai-stress na umano ang mga ito sa kalsada sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi. Mabababad ngayon sa selda sina Michael Pangilinan, 36, ng 82 Gen. Malvar Brgy. 142, at Victorino Bonifacio, 47, ng 86 Interior Mariano Ponce St., Brgy. 132. Alas-10:30 ng gabi, nagpapatrolya ang mga pulis sa kahabaan ng Brgy. 132, Bagong Barrio nang may mag-nguso sa kanila na ‘chumochongke’ ang magkumpare sa sa Gen. Concepcion St. Nang puntahan…

Read More

3 ARESTADO SA HIGIT P500-K MARIJUANA

mj12

(NI ROSS CORTEZ) HUMIGIT kumulang sa 47 kilo na pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga operatiba sa buy bust operation ng Dasmariñas Component Police Station sa Barangay Salitran 3, alas-8:00, Lunes ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Felix Flores , alyas  Alex, 34, Rodel Herrera, 35, at Alberto Mabini, 36. Nasa watchlist ng barangay ang pangunahing suspek habang nakatala naman bilang newly identified drug personality sina Rodel at Albert Bago nadiskubre ang tig-isang kilo ng 47 bloke ng marijuana, nakapagbenta muna ng tatlong pakete nito…

Read More

MARIJUANA DELIVERY: LALAKING SUPPLIER ARESTADO

angkas1

(NI KEVIN COLLANTES) BILANGGUAN ang binagsakan ng isang 23-anyos na lalaki nang maaresto habang aktong tinatanggap ang ipinadeliber na pakete na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana sa isang Angkas driver sa Barangay Rosario, Pasig City Sabado ng madaling araw. Ang suspek na si Mikko Berino, residente ng naturang barangay, ay nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Lumilitaw sa ulat ng Pasig City Police, sa Eastern Police District (EPD), na dakong 5:00 ng madaling araw nang maaresto…

Read More

ESTUDYANTE HULI SA MARIJUANA SA HARAP NG SCHOOL  

mari

(NI SIGFRED ADSUARA) HINDI na nakapalag pa ang isang 18-anyos na estudyante nang kapkapan at mahulihan ng pinatuyong marijuana sa harapan ng eskuwelahan sa Silang, Cavite. Hawak ngayon ng Silang Police Station ang suspek na si Christian John Obsid, alias G-boy, ng Purk 3 Brgy Lumil, Slang, Cavite. Sa ulat ni PO3 Marcelino Fuller ng Silang MPS,  nagsagawa ng foot patrol sina SPO2 Louie Sanches at PO2 Marc Pecundo, kapwa nakatalaga sa Silang MPS  sa harapan ng Lumi National High School sa Bgry Lumi, Silang Cavite dakong  alas-4:30 ng hapon…

Read More

MAGBABARKADA ARESTADO SA TSONGKI

TSONGKI

KULUNGAN ang kinahantungan ng apat na magbabarkada nang matiyempuhan ng mga nagpapatrolyang pulis na humihithit ng marijuana sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Darwin Alano, 20, factory worker; Shan Cristian Sarmiento, 19, service crew; Romnick Ramos, 20, helper; at Raffy Mendoza, 19, service crew, pawang mga naninirahan sa  Brgy. Ugong. Ayon sa mga pulis, nakita nila ang mga suspek na nagpapasahan ng pipa ng marijuana sa Barrios St., Brgy. Ugong ng nabanggit na lungsod. Nasamsam sa mga ito ang isang plastic sachet ng pinatuyong…

Read More

P4.6-M MARIJUANA PLANTS, BINUNOT, SINUNOG

pdeamj1

CEBU CITY – Nahuli ang mga caretakers ngunit hindi ang mga may-ari ng marijuana platation kung saan binunot ang may P4.6 milyong halaga ng marijuana plants sa Brgy. Gaas, sa bayan ng Balamban, sa Cebu. Inaresto sina sina Amado Cañonera Jr. at Bernabe Pardillo, habang nakatakas naman ang mga nagtanim nito na sina Ben Habasa, Jeric Cañonera, at Romnick Ocariza. Sinabi ni SPO2 Rolando Navarro, ng Balamban Police Station, matagal na umanong under surveillance ang lugar matapos makatanggap ng tip na may tanim na marijuana sa lugar. Agad ding sinunog…

Read More

KELOT NA MAY BITBIT NA MARIJUANA SA CONCERT, ARESTADO

MARIJUANA

(SIGFRED ADSUARA) ARESTADO ang isang 19-anyos na lalaki nang tangkaing ipasok ang mga pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng isang sport complex kung saan magaganap ang isang DAMBALASEK concert sa Imus City, Cavite. Hawak ngayon ng Imus City police ang suspek na si Ace Villena, binata, walang trabaho,  ng Block 9 Lot 18 Alfronso Village, Brgy Alapan 1-B, Imus City, Cavite. Ayon kay PO2 Marjorie Pabiton ng Imus City Police Station, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang pinigil nina Brgy. Kagawad Celso Ayo at PO1 Leo James Ojeno, mga …

Read More

‘DEAL’ IKINASA SA AUV; P120K MARIJUANA NASAMSAM

(PHOTO BY AJ GOLEZ) UMAABOT sa  P120,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng pulisya sa buy-bust operation sa loob ng van sa Valenzuela City ng Martes. Bandang ala-1 ng madaling araw, isinagawa ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit of the Valenzuela City Police Station, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa 7th Street, Fortune Village 5, Barangay Parada. Bumili ang undercover officer kay Johnedel Geronimo ng P500 halaga ng marijuana sa kanyang pulang Toyota Innova. Matapos nito ay agad na syang dinampot at nabawi…

Read More

DRUG PAYMENT IDINARAAN SA REMITTANCE CENTERS

remit7

(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Dahil sa sunod-sunod na aresto sa mga nagbebenta ng shabu sa lalawigan ng Quezon, agresibong itinutulak ngayon ng mga drug pushers ang marijuana bilang alternatibong droga sa pamamagitan ng Facebook. Ayon kay Senior Supt. Osmundo de Guman, Quezon police director, ginagamit umano ngayon ng mga drug pushers ang Facebook Messenger upang ibenta ang marijuana o “damo” bilang kapalit ng shabu. “Nagaganap ang paguusap ng pushers at buyers sa Facebook Messenger. Dito rin nagaganap ang transaksyon ng bentahan,” ani De Guzman sa panayam nitong…

Read More