NINANG KO SI KRIS, DON’T COMPARE US – MARIAN

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

Mabilis na kinontra ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pagkukumpara sa kanila ni Kris Aquino.

Kung dati raw kasi, si Kris ang Endorsement Queen, mukhang naagaw na niya ang korona dahil halos buwan-buwan yata, may bago siyang endorsement na nilo-launch. Kung hindi man, renewal of contract.

Eh, sa isang endorser, ang isa sa pinakamasasabing effective ka, ‘yong nirerenew ang kontrata dahil ibig sabihin, happy ang brand o kompanya.

Sa naging renewal of contract ni Marian sa Reverie by Beautedérm Home ay nag-react si Marian sa comparison sa kanila ni Kris.

 

Ikinumpara si Marian kay Kris na diumano’y naungusan na niya ito sa pagiging most-in-demand endorser.

Sey niya, “Hindi, huwag ganoon. Ang hirap mag-compare ng isang tao sa ibang tao so walang comparison. Ayoko ng comparison at Ninang ko ‘yan, nirerespeto ko ‘yan.”

Si Kris ay isa sa mga ninang nina Marian at Dingdong Dantes sa kasal.

Sabi pa ni Marian, may kanya-kanya sila.

“Iba ang sa kanya at iba ang bigay sa akin ng Panginoon. Very thankful ako dahil dati kasi noong single ako, wow, may endorsement, ipon ako. Ngayon, kapag nanay ka, iba. Salamat Lord at nakakaipon ako para sa magandang future sa mga anak ko.”

Sa isang banda, mismong ang may ari ng Beautederm na si Ms. Rei Tan ang nagpatunay na simula raw nang kuhanin nila si Marian bilang endorser, isang buwan pa lang, tumaas na ang sales ng three times.

Please follow and like us:
Read More

RITZ ‘DI NA ‘NO BOYFRIEND SINCE BIRTH’

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

FOR a change, hindi na “NBSB” o no boyfriend since birth ang Kapamilya star na si Ritz Azul. Twenty six na si Ritz, may mga na-link na rin sa kanya, including a director na ngayon ay married ng muli, pero consistent si Ritz sa pagsasabing never pa talaga siyang nagkakaroon ng boyfriend.

Pero ngayon, “dating” na ang statement niya at label niya sa non-showbiz guy na isang businessman. Kaibigan daw ito ni Paulo Avelino na naging dahilan kung bakit niya nakilala.

Sey niya, “Matagal na kaming magkakilala. Actually, sinasabi ko na ngayong dine-date kasi dati, magkabarkada lang. Kapag lumalabas kami, barkada.”

Hindi naman daw niya ito itinatago dahil ipino-post pa nga raw niya ito sa Instagram account niya. Two years older lang sa kanya ang ka-dating na si

Hindi pa rin daw niya masabing “in a relationship” talaga dahil para sa kanya, committed na committed na yun. Pero safe naman daw sila sa bawat isa at alam nila na sa ngayon, career ang priorities nila.

Dumating na rin sa point na kilala na sila ng mga magulang nila at aprub din daw ito sa parents niya. Eh, sabi nga ni Ritz, isa yun talaga sa gusto niya, kung magkaka-boyfriend siya, yung okay sa mga magulang.

“Sa ngayon, yun ang kaya kong sabihin sa lahat, na dating kami para hindi mahirapang intindihin. Hindi ko pa masasabi ang future.”

Natawa si Ritz at inamin na dahil ini-isyu na nga raw siyang baka lesbian siya, napatanong na rin daw siya sarili kung lesbian nga siya.

“Pero hindi e, well, nothing wrong naman, eh, ano naman kung lesbian ako. Kaso sa totoo lang, hindi e. Lalaki pa rin, Ha ha ha!”

Nakausap namin si Ritz sa story conferencd ng bago niyang pelikula, ang “The Closure” ng MABP Productions at sa direksiyon ni Paul Singh Cudail. Makakasama niya rin sa movie sina Mica Javier at Vin Abrenica at isa pang actor mula sa Kapuso network naman.

“MAHAL KITA MULA NOON, HANGGANG NGAYON”

Napakaraming natuwa sa pagkakabati ng talent manager na si Popoy Caritativo at ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Mga kapwa manager ni Popoy, mga Kapuso executives, mga kapwa artista ni Marian ay nagsisipag-like at comments sa post nina Popoy at Marian na nagkaayos na nga sila.

2013 pa nang umalis si Marian sa poder ni Popoy at lumipat ito sa pangangalaga ng Triple A. For six years, alam namin talagang hindi nagkakausap o nagkaka-ayos ang dalawa.

Hindi pa namin alam paano ang nangyari sa pagkakasundo nilang muli. Tinanong namin si Marian sa pamamagitan ng viber messaging pero, bukod sa smile emoticon at heart ay hindi pa ito nagkukuwento.

Masaya rin kami sa dalawa na finally, okay na. Nakita na rin ni Popoy ang kung tutuusin, “apo” na rin niya na sina Zia at Ziggy.

Sa post nga ni Popoy sa picture nila ni Marian, nag-quote pa ito ng bible verse sa Isaiah 60:22 na, “When the time is right, I, the Lord, will make it happen.”

Si Marian naman, ang caption niya sa picture nila, “Happy to see you, my momsie. Mahal kita mula noon, hanggang ngayon.”

 

Please follow and like us:
Read More

REGINE, MARIAN PATULOY NA BINA-BASH NG NETIZENS

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KUNG ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay nabash-bash dahil sa nasabi niya sa kanyang Youtube channel tungkol sa Payatas, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera naman ay naba-bash din dahil sa traffic.

Nakakaloka rin naman talaga kasi ang netizens. May ma-mema lang. Lahat na lang, mali sa kanila.
Nandoon kami sa press launch ni Marian bilang very first endorser of Waltermart at tinanong ito kapag nata-traffic, ano ang ginagawa. Sobrang wala kaming makitang mali o masama o anumang kanegahan sa naging sagot ni Marian.

Aba, e, hindi naman niya minura ang traffic. Hindi naman siya nag-comment ng masama sa gobyerno dahil sa hindi masolusyunang problema sa traffic.

May pagka-disimulado nga kasi ang headline na lumabas sa isang online site na ginamit ang interview ni Marian.

Pero yun lang, na-edit na rin pati ang tanong. At the same time, nilagyan ng title na “super rich.”

Nakausap namin si Marian noong Linggo nang magbalik na ito sa sunday show niya na Sunday PinaSaya. At the same time, may special segment din ng ine-endorso niyang Kopiko coffee.

Hindi pinalampas ni Marian ang pambabash sa kanya ng ilang netizens. Nag-post na ito sa kanyang Instagram account.

Sey niya, “Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip— ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin— at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted…

“Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag…

“Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philippine Star sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context…

“Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang— hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami…

“Alam ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay— wala pong may gusto nito. “Peace everyone . At sabi pa ni Marian na hindi raw siya super rich, “may kaya” lang.

“PS. Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Phil Star. Maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun.”
Dahil sa post na yun ni Marian, pinuri ito maging ng mga kapwa niya artista at halos iisa ang kinomento na “very well said.”

ALICE AGA BALIK-BIDA

Muling magbibida sa pelikula si Aga Muhlach after ng isa sa well-praised at box-office movie niya na Seven Sundays noong 2017.

Ang movie ay ang “Nuuk” kung saan, kapareha niya ang aktres na si Alice Dixson at under the direction of Veronica Velasco.

Ang Nuuk ay produced ng VIVA Films at mapapanood na sa November 6.
Nag-presscon na ang movie at nakatutuwa sina Alice at Aga dahil alam mong napaka-kumportable nila sa isa’t-isa. Kuwento pa ni Alice, napasayaw niya raw ang leading man ng mga moves nito noong 80’s.

Isa si Aga sa mahusay na dancer talaga. At mapapanood yun sa You Tube channel ng actress.

Excited naman na kaming mapanood ang movie na sa unang pagkakataon ay mapapasilip ang Greenland kung saan matatagpuan ang Nuuk.

Twenty one days sila nag-shooting sa Nuuk at dalawang araw lang sa Pilipinas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SI JENNYLYN, HINDI SI MARIAN, ANG LEADING LADY NI DINGDONG

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

AYAN ha? Nagsisimula nang mag-taping si Jennylyn Mercado para sa Descendants of the Sun.

Tapos na yung haka-haka na si Marian Rivera ang makaka-partner ni Dingdong Dantes na noon pa man ay sinasabi naman ni Marian na hindi pa niya kayang mag-taping.

Bagay naman kay Jennylyn ang gumanap sa role ni Dr. Maxine Kang eh, na ginawa na nilang si Dr. Maxine dela Cruz.

Abangan natin yan, kung okay ang tandem nila pagkatapos naman nilang magsama bilang host sa Starstruck.

Sa ngayon ay malabo pa raw talagang mag-soap si Marian.

Malalaman daw next year kung ano ang nakaplano sa kanya ng GMA 7, pero okay na muna siya sa ngayon sa Sunday Pinasaya at sa Tadhana.

Mas maganda nga ang aura ngayon ni Marian dahil wala siyang pressure sa trabaho eh.

Napi-pressure lang siya kung may gatas pa ba siyang mapapadedede kay Ziggy. Kasi mas naka-focus na lang siya ngayon sa pagiging ina at housewife. Kaya naman swak na swak siya sa mga endorsements na pang-nanay.

Napakaganda niyang nanay na nag-i-endorse ng produktong pambahay gaya ng Tough Mama na Kitchen appliances, Wilkins, may Beautederm pa siya na mga home scents, at meron pa siyang latest ngayon ang Waltermart Supermarket.

Bagay na bagay naman sa kanya talaga dahil si Marian  talaga ang namamalengke at siya ang nagluluto, Misis na misis kasi talaga yan, kaya sobrang happy ni Dingdong na pag-uwi niya, may masarap siyang nakakain na luto ng asawa niya.

Napakamadasalin pa niya na lahat na ipinagdasal niya ay talagang binigay ng Diyos. Kaya ang bongga bongga  ni Mrs. Dantes na nakikita naman kung gaano sila kasaya ni Dingdong sa kanilang pagsasama.

LEKSIYON NA NAIWAN SA PAGYAO NI AMALIA

Kahapon na inihatid sa huling hantungan si Amalia Fuentes, sa may Loyola Memorial Park sa Marikina.

Base sa kuwento sa akin ng mga bading na naglalagare sa mga dead (kasabay din ng burol ni Tony Mabesa), ang nakikita raw nilang sobrang apektado ay ang paborito niyang apong si Alfonso Martinez.

Hindi na raw ito gaanong nakapagsalita sa eulogy dahil iyak na lang daw siya nang iyak.

Siya naman kasi ang talagang personal na nag-aasikaso sa Lola Nena niya hanggang sa pumanaw ito.

Kaya nga ang pinag-uusapan daw doon sa burol ay tiyak na kay Alfonso daw mapupunta ang karamihang  kayamanan ni Amalia.

Ang sabi raw nila doon ang dami talagang mga properties na ipamamana ni Amalia at siguro naayos naman niya iyun nung nakaratay pa siya.

Naalala ko pa nga na meron siyang adopted son na maaring magmana ng ilang kayamanan, pero nagulat ako sa kuwento nilang namatay na rin pala iyon two years ago pa. Nauna pa siya sa Mama Nena niya. Nakakaloka!

Ang narinig ko lang sa ibang kuwento, naibenta na raw ang ibang properties ni Amalia. Ang ayaw na ayaw daw niya talagang ipabenta ay ang mansion niya sa may New Manila.

Talagang pinaghirapan daw niya kasi ang bahay na iyun, kaya kabilin-bilinan daw niyang huwag na huwag itong ibenta.

Doon sila nakatira ni Alfonso, kaya siguro na kay Alfonso na iyun, di ba?

Napakahalaga raw kasi ng bahay na iyon sabi nila na talagang personal na inayos daw iyon ni Amalia, na sabi nga nila ultimo pako ay bilang na bilang niya.

Eh kahit noong malakas pa si Amalia, grabe talaga siya sa pagkatipid at pagkakuripot, kaya nakita nyo naman ang mga naiwan niyang properties.

Magandang leksyon ito sa ating lahat, pero maganda rin yung habang kaya pa, dapat magbiyahe nang magbiyahe. Magandang experience talaga ang  mag-travel lalo na kung kasundo mo ang mga makakasama mo di ba?

INGGIT AKO KAY GORGY NA MAGIGING SENIOR CITIZEN NG MAKATI

Gusto ko nga pala palakpakan si Makati Mayor Abby Binay, ha?

Ang ganda ng mga benefits na binigay niya sa mga senior citizens ng

Makati noong ipinagdiwang nila ang Elderly Filipino Week noong nakaraang linggo, mula October 1 hanggang 7.

Doon ko nalamang bukod sa libreng sine  sa Makati, ‘yong cake na ipinapadala tuwing birthday, libre pa ang mga gamot, may annual cash gift, primary  healthcare, lahat na kailangan sa kalusugan ay bahala na ang Makati City hall sa kanila.

Kaya  okay talaga ‘pag doon ka na sa Makati tumanda.

Kunsabagay, ang tatay naman niyang dating VP Jejomar Binay ang nagpasimula nito, at itinutuloy-tuloy lang ni Mayor Abby.

Kaya nga inggit ako kay Gorgy na gustung-gusto  na talaga sa Makati.

Ang dami nga raw nilang privileges doon at hindi sila napapabayaan.

Ang galing lang talaga nila.

 

Please follow and like us:
Read More

YES, NADUROG KO ANG PUSO NI MARIS –IÑIGO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SA mediacon ng I’m Ellenya L. ay natanong si Maris Racal tungkol sa sinabi niya sa Tonight With Boy Abunda last June na nadurog ang puso niya dahil kay Inigo Pascual.

Maris was asked to clarify that statement sa harap mismo ni Inigo na naroroon din sa presscon.

Kaaliw ang sagot ni Maris na kay Inigo niya ipinasa ang tanong.

“Inigo, paki-clarify ‘yun,” natatawang sabi ni Mariz. “Inigo, paki-clarify mo ngayon!” ulit pa niya.

“Kasi ako na lang lagi ang tinatanong. Sabihin mo! No filter! Para hindi na ‘ko matanong in the future,” dagdag pa ni Maris.

Naging gentleman naman si Inigo at sinalo ang tanong.

“Hindi siyempre, we went through a lot together, that’s what I always say, and may mga bagay na hindi naman natin siyempre, makokontrol.

“Things are the way they are and for me, sobra akong grateful na Maris is doing the way she is and we don’t have any bad blood, hindi kami magkagalit sa isa’t isa,” ani Inigo.

Nagbigay din naman ng kanyang paliwanag si Maris. “’Yung sa question na ‘yun sa TWBA, gusto ko lang naman din na tawanan na lang ‘yung mga nangyari. As you can see, habang ini-interview ako ni Tito Boy (Abunda), tinatawanan ko na lang ‘yung mga tanong kasi that happened in the past.

“Yes, siyempre masakit ‘yun, nararamdaman din ‘yun but we’re happy na naka-move-on na kami and we’re still friends. ‘Yun lang naman po,” pahayag ni Maris.

Matatandaang sa nasabing sa TWBA ay inamin din ni Maris na naging more than friends sila ni Inigo pero hindi naman naging officialy “sila.”

Pero napag-usapan daw nila na maghiwalay muna at mag-focus sa kani-kanilang career.

Ang I’m Ellenya L ang first movie together ng MarNigo and since last year pa nila ito sinimulan, noong ginagawa nila ito ay hindi pa sila hiwalay.

Produced by Spring Films and N2 production, the movie is the directorial debut of Boy 2 Quizon showing on Sept. 12 as part of the Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

MARIAN DININIG ANG PRAYER NG  OUR LADY OF LA LECHE

Ipinagdasal pala ni Marian Rivera sa ating Lady of the Milk na bigyan pa siya ng maraming gatas para patuloy na makapagpa-breastfeed sa bunso niyang anak na si Ziggy.

Nag-post si Marian ng larawan hawak ang figurine ng Our Lady of La Leche/Our Lady of the Milk at sa caption, binigyan din niya ng encouragement ang iba pang nanay na huwag mawalan ng pag-asa.

“I prayed to Our Lady of the Milk to help me produce more milk so I can provide for Ziggy. I know that I’m not the only mom whom she has helped and we’re all filled with gratitude.

“Kaya mga nanay, don’t lose hope, miracles do happen. Salamat Mama Mary sa biyaya at pagpapala,” caption ni Marian.

Pinuri ng netizens ang aktres na hindi lang mabait at maganda kungdi relihiyosa pa.

 

Please follow and like us:
Read More

MATTEO GRADUATE NA NG SCOUT RANGER COURSE

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NAKA-graduate na ang Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli ng kanyang 30-day Scout Ranger Orientation and Leadership Development Course kasama ang PMA class of 2021 sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.

Bukod sa pagdalaw ng girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo sa kalagitnaan ng training niya, dumating din ito sa mismong graduation ni Matteo kahapon, June 27 kasama pa rin ang mga magulang at kapatid ng actor.

Nakatanggap ng special awards si Matteo tulad ng medalya dahil sa ginawa niyang pagbo-volunteer sa clean-up drive sa ilang eskuwelahan sa San Miguel, Bulacan at sa pagiging magandang inspirasyon daw nito sa mga kabataan.

Bukod sa special recognition, nakatanggap din siya ng letter of commendation at scout ranger replica dahil sa pagiging outstanding student niya.

Obviously, proud girlfriend naman si Sarah sa mga achievements na ito ng boyfriend. Na ang sinasabing rason ni Matteo kaya siya nag-join bilang Army Reserved Command ay dahil daw sa pagmamahal niya sa bansang Pilipinas.

MARIAN MAY SEPARATION ANXIETY KINA ZIA AT ZIGGY

Mas mabilis daw na unti-unting bumabalik na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa mga showbiz commitments niya after niyang manganak sa ikalawang baby nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy.

Kumpara raw nang ipanganak niya si Zia, ngayon daw kasi after a month, nag-shoot na agad siya for an endorsement, after two months naman, humarap na siya sa ilang entertainment press para naman sa renewal of contract niya as ambasadress of Kultura.

Natuto na rin daw siya kasi noong pinanganak niya si Zia, talagang nahirapan siyang iwan ito, nagkakaroon siya ng separation anxiety at talagang ang focused niya lang, puro Zia. Although, aminado si Marian na may ganun pa rin siya sa baby boy nila.

Halatang hirap si Marian na magdesisyong bumalik agad sa mga shows niya kahit na nandoon na ang clamor na mapanood siyang muli. Natatawang kuwento ni Marian, nakatanggap na raw siya ng letter mula sa Tadhana kaya baka ito raw ang una niyang balikan this July, saka pa lang ang Sunday comedyo show niyang Sunday PinaSaya.

“Sabi ko nga, nagi-guilty naman ako. Sige, I’ll try baka this end of July,” natawang sabi niya.

Sa teleserye, it took more than two years bago muling gumawa si Marian. Eh, heto’t bakante pa ang leading lady ni Dingdong sa Descendants of the Sun. Halos siya rin ang mababasa na nire-request ng mga fan at netizens na gumanap bilang si Dra. Kang.

Siya kaya ang sinasabi ni Dingdong na “may hinihintay pa” when asked kung sino na na talaga ang magiging leading lady nito since almost all the cast was announced na.

“Sabi ko nga, sa puntong ito eh, hindi talaga pero, malay niyo naman, kapag nilapitan ang location… umuwi ako ng maaga,” natatawang sabi niya.

Sabay sabi rin nang, “Uy, ano ha, baka may napili na silang leading lady, bakit ako ang sinasabi ko, hindi naman ako.”

Nagpapasalamat naman si Marian sa mga fans na siya talaga ang nire-request na gumanap sa character na ginampanan ng Korean actress na si Song Hye Kyo.

Sa ngayon daw talaga, mahirap pa dahil may newborn siya, bukod pa sa may toddler pa siya na hinatid-sundo rin daw niya sa school.

As much as possible, kung si Marian ang masusunod, since two months pa nga lang naman nang mangangak siya, mas gusto niya muna ang ginagawang more on endorsements muna siya.

Masaya nga ito dahil siya pa rin ang first and only celebrity ambasadress ng Kultura through Kultura X Marian. Nag-renew nga si Marian ng kontrata at kasabay nito ang launching ng mga bagong shirts ng Kultura inspired by her.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DINGDONG IIWAN SI MARIAN SA PAGPUNTA SA GERMANY

mariandon12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA ngayon ay wala pa raw balak bumalik sa trabaho si Marian Rivera. Matatandaang ipinanganak ng aktres ang pangalawang supling nila ni Dingdong Dantes noon lamang April 16. Ayon sa aktor ay talagang ini-enjoy ngayon ni Marian ang pagiging ina kay Jose Sixto kaya hindi pa masabi kung kailan posibleng bumalik ang aktres sa trabaho.

“Hindi pa sa July. Hindi ko pa masabi kung kailan. Siguro, ini-enjoy pa niya ‘yung early stages ni Sixto. Kung may choice rin naman ako, ako rin eh. Hindi rin ako aalis ng bahay. Pero sabi ko, ‘Ako na munang bahalang magtrabaho para sa atin, relax ka lang diyan,” nakangiting pahayag ni Dingdong.

Samantala, pinaghahandaan na ng aktor ngayon pa lamang ang pagsali sa Berlin Marathon na gaganapin sa Berlin, Germany sa September. Para kay Dingdong ay mabuti na nang maging aktibo sa sports upang mapanatiling maayos ang lagay ng kalusugan. “Parang naging panata ko siya sa sarili ko saka sa pamilya ko. Lalo na nang ipanganak si Sixto. Sabi ko gusto kong i-renew ‘yung commitment ko sa kalusugan. Kasi dati naging active ako no’ng si Zia (panganay nina Marian at Dingdong) ipinanganak. Eh sabi ko, gusto kong ibalik ‘yon. So nag-commit ako na sumali sa isang marathon. Kasi siyempre parang reflection ‘yon na talagang committed ka di ba, na pagandahin lalo ‘yung health mo. so kung pumayat ka, resulta na lang ‘yon,” pagbabahagi ng aktor.

Nakasuporta rin umano si Marian para sa paglahok ni Dingdong sa nasabing marathon event. “Very supportive naman ‘yon sa lahat ng gusto kong gawin. Kaya nga lang, hindi siya makakasama dahil mag-aalaga siya kay Sixto,” pagtatapos niya.   -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More