NANAY SUGATAN SA SCREWDRIVER ATTACK NG MANUGANG 

(NI JG TUMBADO)

ISANG 52-anyos na ginang ang sugatan makaraang pagsasaksakin ng lasing na lalaking umanoy kinakasama ng kanyang anak sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Patuloy na inoobserbahan sa Municipal District Hospital ang biktima na si Lucy Maga-ngo nang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspek na si Carl Fabiculana, gamit ang screwdriver.

Nabatid sa imbestigasyon, madaling araw ng Lunes nang pasukin sa bahay sa Barangay Dapawan-Poblacion ng lasing na si Fabiculana ang biktima at maka ilang beses na inundayan ng saksak ng screwdriver.

Tumakas ang suspek subalit nadakip din kalaunan sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad sa kanyang bahay.

Hindi pa batid sa report ng pulisya kung ano ang motibo sa tangkang pagpatay sa biktima ng suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Please follow and like us:
Read More

‘DI MATANGGAP PARA SA ANAK; MANUGANG BINANLIAN

crime143

(NI ANNIE PINEDA)

MINSAN pang napatunayan na bihira lamang may nagkasusundong biyenan, matapos sabuyan ng kumukulong tubig ng biyenan ang kanyang manugang na kontra sa pagsasama ng anak sa Iligan City.

Kinilala ang biktimang si Ailenne Tejada, habang ang suspek ay kinilalang si Esperanza Bulahan Ruiz, kapwa residente Zone Greenhills Bgy. Suarez, Iligan City.

Batay sa report ng Iligan City PNP, bago pa man ikasal noong Setyembre 14 ang biktima at anak ng suspek ay galit na galit na ang biyenan kaya gumawa ito ng paraan na hindi matuloy ang kasal.

Bisperas pa lamang ng kasal ay nagpakulo ng tubig ang suspek saka walang awang isinaboy kay Tejada.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima at nilapatan ang mga tinamong sugat matapos malapnos ang dalawang kamay nito at iba pang parte ng katawan.

Sa kabila ng pangyayari, hindi naging hadlang ang galit ng suspek at natuloy pa rin ang kasal ng kanyang anak sa biktima.

Samantala, hustisya naman ang hiling ng ina ng biktima.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-AAMA MINARTILYO NG MANUGANG

crime67

(NI SIGFRED ADSUARA)

PINAG-MAMARTILYO sa ulo ang mag-aama ng kanyang manugang matapos mapikon habang nag-iinuman sa Imus City, Cavite

Inoobserbahan pa sa  Ospital ng Imus  ang magkapatid na sina Jay R, 24, at Jason Lucelo, 23, habang sa Philippine General Hospital naman isinugod ang kanilang ama na si Romeo Lucelo, 53, magsasaka, pawang residente ng Brgy. Bucandala 4, Imus City, Cavite.

Hawak naman na ng pulisya ang suspek na si Rolando Mara, alias Lolong, 28, obrero, kasama rin sa bahay at manugang ng matandang Lucero.

Sa ulat ni PSMSgt Ronaldo Orozco ng Imus City Police Station, dakong alas-3:15 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-aama kung saan sama-samang nag-iinuman ang mga ito.

Sa kalagitnaan ng inuman, nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa mapikon ang suspek kaya kumuha ng martilyo at pinagtulungang martilyuhin sa ulo ang mag-aama.

Isinugod sa osiptal ang tatlo habang naaresto naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More