MANO-MANO SA DUMEGUETE

(NI DENNIS INIGO)

MAGKAKASUBUKAN ang pinakamagagaling na mixed martial arts stars mula sa iba’t ibang lugar sa bansa sa paghataw ng “Mano-Mano: Battle of the Strikers” na gaganapin sa Dumaguete City sa Nobyembre 25.

Lalarga ang event kaalinsabay  sa taunang fiesta celebrations sa Dumaguete City.

“We’re bringing exciting muaythai action for the first time in Dumaguete, the “City of Gentle People,” saad ni DTC Events Chairman Ed Dames.

“Mano-Mano; Battle of the Strikers” will be a fitting but long-overdue follow-up to the highly-successful Mano-Mano competition held at the Philsports Arena (formerly ULTRA) in 2004, ” ayon kay Dames.

“Exactly 15 year ago, we’ve organized the first–ever Mano-Mano at the ULTRA, which followed the K-1 rules and featured the best strikers from all over the country, representing boxing, karate, kuntaw,yaw-yan, taekwondo, sikaran, sanda and muaythai.”

“Today, muaythai forms the pillar of the striking discipline in mixed martials arts,” giit ni Dames, siya ring responsable sa ginanap na first-ever professional muaythai competition sa Metrowalk sa Pasig noong Marso 27.

Magtatagpo sa main event sina veteran Janito “Optimum Prime” Blanca ng Leyte at Jason”The Mutant” Vedana ng Cabanatuan City sa prestihiyosong one-day event na inorganisa  ng DTC at PhilThaiboxing Association of the Philippines, sa kooperasyon ng Dumaguete City government at ni Mayor Ipe Remollo.

Isa sa tiyak na aabangan ng mixed martial arts fans ang bakbakan nina John “The Punisher” Vallega Dumaguete at Edyson “Knockout Artist” Serrano ng Zamboanga, isa sa main event sa Mano-Mano na suportado ng Bethel Guest House (official hotel), Tactic (official fight gear), iConcepts at San Miguel Beer.

Masasaksihan din sa event na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB), ang arnis at muay boran performances,  at maging ang entertainment numbers ng mga ipinagmamalaking talento sa Dumaguete at Negros Oriental, ayon kay Dames.

Please follow and like us:
Read More