PEKENG PULIS BUKING SA ‘CODING SCHEME’

arrested12

(NI KIKO CUETO)

ARESTADO ang lalaki na nagpanggap na pulis nang sitahin dahil sa paglabag sa number coding scheme.

Sa imbestigasyon, nagde-deliver ng aircon si Samuel Sy nang sitahin ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) dahil sa paglabag ng number coding scheme.

Dito na ipinakita ng suspek ang ID na nagsasabing miyembro siya ng Philippine National Police (PNP).

Pero mabilis na napag-alaman na peke ang ID nito.

Sinabi naman ni Police Lt. Ed Alombro ng Manila police, malaki ang pagkakaiba ng tunay sa pekeng ID.

“Sa texture pa lang, malayo ang itsura sa printing, fake siya. T’saka tingnan mo ‘yung logo, computerized. Tapos batch number kasi kung 0 ay officer so dapat ‘yan o dash number e sa kanya 0 dire diretso,” aniya.

Inalam ng PNP kung kasamahan ba talaga nila si Sy pero hindi lumabas ang pangalan nito sa database.

Napag-alaman din na may warrant of arrest si Sy sa Quezon City noong 2018 para sa usurpation of authority.

Inamin ni Sy na peke ang kanyang ID at ginawa niya ito dahil kailangan umano niyang magtrabaho para sa asawang dina-dialysis.

“Gumamit po ako ng ID na peke… Para iwas huli,” aniya.

 

Please follow and like us:
Read More

DORMITORYO SA MAYNILA IINSPEKSIYUNIN

(NI JULIE DUIGAN)

MISMONG si  Manila City Mayor Isko Moreno ang nag-utos na inspeksiyonin ang lahat ng dormitoryo sa lungsod upang mabatid kung sumusunod sa patakaran ang mga ito.

Ngayong Miyerkoles ay nilagdaan ng alkalde ang Executive Order No. 25 na nag-aatas sa paglikha ng komite na mag-iinspeksiyon sa lahat ng dormitoryo sa lungsod upang matukoy kung tumatalima ang mga ito sa itinatakdang panuntunan at regulasyon para sa kanilang operasyon at maintenance.Itinalaga ni Moreno,  si Manila City Administrator Felixberto Espiritu bilang chairman ng komite at si City Legal Officer Atty. Emeterio “Jun” Moreno bilang vice chairman.

“The committee shall ensure that dormitories, boarding houses, rooms for rent and such allied businesses in the City of Manila are complying with regulatory requirements governing busniess operations and safety building standards, including that of the Building Code, the Fire Code and Ordinance No. 4765,”  anang executive order.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang komite na bumuo ng composite teams na kinabibilangan ng mga inspektor sa Department of Engineering and Public Works (DEPW), Manila Health Department (MHD), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang departmento, tanggapan at kawanihan sa lungsod.

“The composite team shall conduct actual inspections under the supervision of the executive director or his representatives,” anang kautusan.“The committee, based on the evaluation report of the composite team, shall make recommendations to the Honorable Mayor, on the approval/disapproval of licenses of these establishments,” dagdag pa ng alkalde.

Please follow and like us:
Read More

ROAD RAGE: 40-TAON KULONG SA ARMY RESERVIST

cell

(NI HARVEY PEREZ)

BUBUNUIN ng isang army reservist na nakapatay ng isang siklista sa isang road rage  noong 2016 ,sa Quiapo, Maynila, ang parusang  Reclusion Perpetua o  40-taon pagkabilanggo matapos mapatunayang guilty sa kasong murder .

Ayon sa desisyon na ipinalabas  ni Judge Albert Tenorio, ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 14 , napatunayang nagkasala nang walang pag-aalinlangan si Vhon Martin Tanto, reservist ng Philippine Army, sa pagpatay sa biktimang si Mark Vincent Garalde.

Nalaman na inatasan din ng korte  si Tanto na bayaran ang pamilya ni Garalde ng P1.048 milyon bilang actual damages; P100,000 bilang civil indemnity; P100,000 bilang moral damages, at panibagong P100,000 bilang exemplary damages.

“All damages awarded shall be subject to the rate of six percent per annum from finality of this decision until its full satisfaction in line,” base sa desisyon.

Ayon sa record ng  hukuman, naganap ang insidente dakong alas-9:36 ng gabi, noong Hulyo 25, 2016 sa P. Casal Street sa Quiapo.

Nasagi umamo ng kotse ni Tanto ang bisikleta ni Garadel hanggang  mauwi sa pagtatalo ang dalawa at binaril ni Tanto si Garalde ng apat na beses habang ito ay paalis na.

Sa naturang insidente, nadamay sa pamamaril ni Tanto si Rocel Bondoc, 18,  estudyante ng Unibersidad de Manila, na tinamaan ng ligaw na bala, habang nagtatapon ng basura   sa P. Casal Street.

Please follow and like us:
Read More

PUMATAY NG PAMANGKIN NA PASLIT, TODAS SA PRESINTO

crime

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na sinikatan ng araw ang isang  lalaking pumatay sa kanyang apat na anyos pamangkin nang mang-agaw ng baril sa isang pulis-Maynila sa loob ng Manila Police District-Police Station 2, habang iniimbestigahan, Lunes ng gabi sa Moriones,Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital ang suspek na si Edmundo Perucho, 51, pedicab driver at ng Gate 10 Parola Compound,Tondo, Maynila dahil sa  tama  ng bala sa kanang bahagi ng ulo mula sa service firearm ni PSSG Luigi Tan.

Ayon kay PCpl Rodel Benitez, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas  8:28 n gabi sa loob ng MPD-Police Station 2, kung saan iniimbestigahan ang suspek sa pagpatay sa biktimang si  Larz Genesis Dela Cruz, 4 na binurdahan nito ng saksak dakong ala- 1:15 ng hapon.

Nagpaalam umanong iihi ang suspect na sinamahan  ni PSSG Alfred  Luigi Tan, gayunman, pagdating sa comfort room at tinanggalan ng posas, kaagad nitong inagaw ang baril ng pulis.

Sa puntong ito, nag-agawan umano ang dalawa sa baril  habang nagsasalita ang suspek ng “Wala ng kwenta tong buhay ko. Damay-damay na tayo,” nang  pumutok ang baril at duguang bumagsak ang suspek.

Nalaman  na pinagbalingan umano ng galit ng suspek  ang paslit matapos nitong makipagsuntukan sa ama ng bata na si Gener  habang nag-iinuman sila.

Nagdududa  umano ang suspek na may kalaguyo ang kanyang asawa na kapatid ng ama ng bata at kinukunsinti ito ng mga kaanak ng kanyang misis.

Base sa kuha ng CCTV camera sa lugar, lumilitaw na dakong 1 ng hapon ay makikita pa ang biktima na naglalaro sa kalsada sa labas lamang ng eskinita na papasok sa kanilang tahanan, ngunit pagsapit ng 1:12 ng hapon ay nakita umano itong pumasok na sa eskinita, matapos na tawagin ng suspek upang utusang bumili ng yelo sa tindahan pero sa halip na  pabilhin ng yelo ay isinagawa na ng suspek ang pagpatay sa biktima.

Sa testimonya ng testigo na si Jennifer Matibag, dakong 1:40 ng hapon nang makita niyang nag-aamok ang suspek, at nagsisigaw habang palabas ng eskinita at sinasabing dapat na siyang patayin dahil pumatay siya ng bata.

“Patayin nyo na ako! Pumatay ako ng bata!” sigaw pa umano nito, habang iwinawasiwas ang dalang duguang kutsilyo, na may habang 15 pulgada.

Naisugod pa sa ospital ang bata ngunit namatay din.

Please follow and like us:
Read More

BINATILYO DINUKOT SA MAYNILA

crime kidnapping12

(NI HARVEY PEREZ)

SAPILITANG isinakay sa isang pick-up na Ford Ranger ang  isang binatilyo na naglalakad sa gilid ng kalsada, Martes ng umaga, malapit sa kanto ng Padre Faura, Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Ayon sa inisyal  na ulat ng  Manila Police District(MPD), nangyari  ang pagdukot alas 9:30 ng umaga sa naturang lugar.

Naglalakad lamang umano ang binatilyo  sa northbound ng Taft Avenue nang  hintuan ito ng isang itim na Ford Ranger at sapilitang isinakay ng suspek sa sasakyan.

Nagpaputok pa umano ng baril ang suspek bago  tuluyang humarurot ang sasakyan patungong northbound ng Taft Avenue para tumakas.

Samantala, nagsagawa naman ng dragnet operation at checkpoints ang mga pulis sa pagbabaka-sakaling matiyempuhan ang behikulo at maaresto ang mga salarin at masagip ang binatilyong dinukot.

Patuloy naman inaalam naman ang pagkakilanlan ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAYOR ISKO NAKATANGGAP NG DEATH THREATS

(NI HARVEY PEREZ)

NAKATATANGGAP na umano ng mga pagbabanta sa kanyang buhay si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kabila ng pagsusumikap na maisaayos ang Lungsod ng Maynila.

Ito ang ibinulgar n Councilor Manuel ‘Letlet’ Zarcal, ng ikatlong Distrito at malapit na kaibigan ni Moreno na ang mga pagbabanta ay nanggagaling umano sa iba’t ibang sources na malamang na nasagasaan ni Moreno sa isinasagawa niyang pagsasaayos ng Maynila.

Si Moreno ay may dalawang linggo pa lamang nanunungkulan bilang alkalde ng Maynila.

Sinabi ni Zarcal na hindi naman pinapansin ni Moreno ang death threat dahil alam nito na bahagi iyon ng mangyayari sa kanya dahil sa desisyon niya na ibalik sa publiko ang kalsada ng Maynila.

“Sabi ni mayor, hazards of the job daw ‘yun and only meant to derail his efforts to rid the city of illegal vendors and syndicated, ‘organized’ vending schemes,” ayon kay Zarcal.

Magugunita na sinabi ni Moreno na inaalok siya ng P5 milyon kada araw para lamang payagan ang pananatili ng mga vendors sa kalsada.

Nabatid na ang mga inalis na vendor ay patuloy na lumalapit kay Moreno sa pamamagitan ng kanilang mga koneksiyon na umaasang magbabago pa ang isip nito.

Gayunman, nanindigan si Moreno sa kanyang desisyon na alisin ang mga vendor sa kalsada ng Divisoria, Recto, Ylaya , Juan Luna , Soler, Carmen Planas ,Tabora, Asuncion, Villalobos, Carriedo, C. Palanca , Ronquillo , Raon at Evangelista laban sa mga vendors.

Hindi naman idinetalye ni Zarcal ang posibleng pinanggagalingan ng mga death threat kay Moreno.

Please follow and like us:
Read More

BRGY EX-O BINOGA SA ULO

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Barangay Executive Officer (Ex-O) nang barilin  sa ulo habang nakaupo sa harapan ng kanyang motorcycle repair shop, Martes ng hapon sa Binondo, Maynila.

Patay na nang dumating sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, ang biktimang si Dario Habal, 45, negosyante, Barangay Ex-O ng Barangay 275, Zone 25, at nagmamay-ari ng motorcycle repair shop sa 018 Gate 47 Area-B sa Parola Compound sakop ng Binondo.

Nakatakas naman ang hindi  nakilalang suspek na inilarawan na nasa edad 37 -39,  may taas  5’7″, nakasuot ng kulay puting t-shirt, naka-maong na pantalon at dark gray na bullcap.

Ayon sa imbestigasyon ng  Manila Police District –Homicide Section, alas 4:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa harap mismo ng repair shop ng biktima.

Lumapit umano ang suspek sa biktima na noon ay  kumakain ng ice candy  at saka ito binaril   gamit ang isang kalibre .9MM pistola.

Dinala  naman ng mga bystander sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito  umabot nang buhay.

Samantala, inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang negosyo o sa kanyang trabaho sa barangay, ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

75 VIDEO KARERA MINASO SA MAYNILA

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

WINASAK ,sa pangunguna ni  Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso  at Manila Police District (MPD) Director P/BGen Vicente Danao Jr., ang may 75 video karera at fruit game machine  bilang bahagi nang mas pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal na sugal sa Maynila.

Dakong alas 8:00 ng umaga nang isagawa ang pagmaso sa  mga video karera at fruit games  machines  sa Manila City Hall quadrangle.

Ang mga telebisyon naman ay ipamamahagi sa mga  paaralan, batay na rin sa rekomedasyon ng mga pulis sa alkalde.

Nalaman  na ang mga naturang video karera machines ay nakumpiska ng mga tauhan ng MPD sa  dalawang araw na operasyon na isinagawa , na nagresulta rin sa pagkaaresto sa ilang naglalarong teenagers na matapos pangaralan ay pinauwi rin ng mga pulis.

Nakatanggap ng napakaraming reklamo  si Moreno mula sa mga magulang dahil sa pagkalulong ng kanilang anak sa video karera at fruit games na nagreresulta ng pagliban sa klase at pagkaubos ng baon.

Binalaan din ng alkalde ang mga pulis na protektor ng ilegal na sugal na tumigil na sa kanilang masamang gawain, dahil ang susunod aniya nilang gagawin ay imbestigahan at panagutin ang mga pulis na sangkot o nasa likod ng mga ito.

Una nang sinabi ni Moreno bago pa man siya maihalal na  tututukan niyang sugpuin ang ilegal na sugal sa lungsod.

Please follow and like us:
Read More

INMATE VS INMATES: 3 KAKASUHAN NG MURDER

cell

(NI JULIE DUIGAN)

INIREKOMENDA ng Manila Police District na kasong murder ang dapat kaharapin ng apat na inmate na itinuro ng apat na testigo na kapwa rin detainee, makaraang pagtulungang gulpihin at mapatay ang isang 35-anyos na kapwa nila inmate sa MPD-Sampaloc Police Station 4, Linggo ng umaga.

Dahil dito, mula sa PS 4 , inilipat sa kustodiya ng MPD-Homicide Section, sina Rolando Rayel, 31; Anthony Dominguez, 40,  at  Darwel Kasin, 23, kapwa residente ng Sampaloc.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Det. Mark De Guzman, may hawak ng kaso, itinuro ng apat na testigo ang tatlong inmate na nambugbog at nakapatay sa biktimang si Billy James Jardiel, may asawa, ng 1331 Quintos St., Sampaloc.

Nagwawala umano noon si Jardiel at nang hindi umano ito maawat, iginapos ang
dalawang kamay , saka pinagsusuntok ng mga suspek .

Natigil lamang ang pambubugbog nang mawalan na ito ng malay , kaya  mabilis itong isinugod sa Ospital ng Maynila subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Una na umanong natimbog si Jardiel, kasama ang isa pa, ng mga tauhan ni P/Lt,Col. Robert Domingo nitong nakaraang Biyernes ng umaga,  sa panulukan  ng Simoun at Algeciras Sts., sa Sampaloc na may kinalaman sa droga.

 

Please follow and like us:
Read More

CARETAKER NG MTPB KULONG SA KOTONG

arrested12

(NI KOI HIPOLITO)

KULUNGAN ang bagsak ng isang caretaker ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na masakote sa isang entrapment operation na inilatag ng Regional Special Operations Unit (RSOU-NCRPO) nang ipagharap ito ng reklamo ng pangingikil dakong alas-8:15 ng gabi nitong Sabado sa Quezon Boulevard Central Market, Zone 31, Brgy.311, ng Sta. Cruz Manila.

Nakilala ang suspek na si Rolando Toquero, alyas “Roy”, 39, tubong Iligan City, stay-in sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Office at ang sinasabing may ari ng RWM Towing Services na nakilala lamang sa pangalang Romy Maniquez na kasabwat umano ng suspek.

Ayon sa report ni RSOU Chief P/Lt. Col. Rogarth Campo kay NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar, nag ugat ang pagkakaresto sa suspek nang ipagharap ito ng reklamo ni Teodorico Gervacio, may-ari ng isang Isuzu ten wheeler truck na sinita at hinuli ng isang traffic enforcer ng MTPB.

Lumabas sa ginawang imbestigasyon na noong June 14, habang lulan ng nasabing truck ang driver na si Jhuren Galvez ay sinita ito ng Traffic Enforcer na si T/E Maloy dahil sa paglabag umano nito sa traffic violation na “passing through the red light and driving without license” kaya’t isang Ordinance Violation Receipt (OVR) na inisyu ng Bacoor Cavite Traffic Management Department na may petsang June 11, 2019 ang kanyang iprinisinta.

Subalit tinuluyan pa rin itong hinuli at hindi inisyuhan ng panibagong OVR o tiket saka dinala sa RWM Towing Services na isang impounding area ang sasakyan at  itinurn-over ang driver sa suspek na si alyas “Roy” bago inutusan na maghanda ng halagang P10,000 para ma-release umano ang minamanehong trak.

Agad naman tinawagan ni Galvez ang kanyang amo na si Gervacio na nakipagnegosasyon sa suspek para maibigay ang halagang hinihingi nito dahil sa takot na hindi mabawi ang kanyang sasakyan ngunit nagpadagdag pa umano ng halagang P200.00 para sa storage fee kada araw na itinagal ng sasakyan ang suspek hanggang sa napakiusapan na ibaba ang hinihinging halaga sa P8,500.00 subalit lingid sa kaalaman ng suspek ay nagsumbong na pala sa tanggapan ng RSOU-NCRPO  ang biktima at nang maiabot ang napagkasunduang halaga ay inaresto na ang suspek ng mga nagpakilalang mga pulis.

Mahaharap ngayon sa mga kasong Robbery (Extortion) with intimidation at RA 6539 as amended by RA 10883 (New Anti-Carnapping Act.of 2016) sa City of Manila Prosecutors Office ang suspek kabilang ang may-ari ng towing services at ang traffic enforcer na nakipagsabwatan umano sa modus operandi ng suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

INMATE NAGWALA, BINUGBOG, PATAY SA SELDA

cell

(NI HARVEY PEREZ)

PATAY sa bugbog ng kanyang mga kasamahang preso ang isang 35-anyos na inmate nang magwala sa loob ng detention cell ng Manila Police District-Police Station 4, Linggo ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Alas 8:22 ng umaga nang ideklarang patay ng Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Billy James Jardiel, ng 1331 Quintos St., Sampaloc.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang mga inmate na sangkot sa pambubugbog na  hindi muna binanggit ang mga pangalan.

Samantalang apat na inmate naman ang nagpahayag ng kahandaan na tumestigo sa naganap na insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni PSgt. Mark De Guzman , ng  MPD-homicide section, dakong alas-6 ng umaga, nang  magwala si Jardiel sa loob ng selda.

Inawat naman ito ng  kapwa inmates, pero naging  marahas ang ikinilos ng biktima, kaya binugbog  ito ng mga kasama sa selda.

Sa record ng pulisya si Jardiel ay naaresto, kasama ang isa pa, sa panulukan  ng Simoun at Algeciras Sts., sa Sampaloc , nitong nakaraang Biyernes dahil sa kasong iligal na  droga, at sinampahan na ng   kasong Sec.11 ng R.A 9165 kilala bilang Comprehesive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

HOLDAPER NABARIL, PATAY SA PRESINTO

crime55

(NI JULIE DUIGAN)

PATAY ang isang holdaper  na nang-agaw ng baril sa presinto  habang iniimbestigahan kaugnay sa babaeng pasahero ng dyip na kanyang itinulak noong Mayo 26, sa Dimasalang St., Sta Cruz, Manila.

Ang suspect na si Enrique Lugtu ay binawian ng buhay alas 4:18 Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni P/Captain Kherwin Evangelista ng Manila Police District-Station 3, habang isinasagawa ang booking procedure  ni P/Corporal Analyn Sanvictores ay inagawan ito ng baril ni Lugtu kaya’t nang makita ni P/Corp. Krisnel Vidanes ay nakipambuno hanggang sa maputukan siya ng tatlong beses.

Isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Lugtu subalit binawian din ng buhay .

Nabatid na matapos maaresto Biyernes ng madaling araw si Lugtu ay isinalang sa imbestigasyon bandang alas 4:00 ng hapon para sa isasampang kaso.

Noong Mayo 26 pa nang maganap ang panghoholdap ng suspek na si Lugtu sa pampasaherong dyip sa Dimasalang St., Sta Cruz, nang itulak niya mula sa loob ng dyip ang isang Emelita Legnes.

Nabagok ang ulo ni  Legnes kaya naospital ito subalit namatay din Biyernes ng gabi.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang MPD-Homicide Section sa dalawang insidente ng pagkamatay ng suspek na si Lugtu at ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK NG BGY CAPTAIN HULI SA DRUGS

arrested12

(NI KOI HIPOLITO)

KALABOSO ang anak ng barangay chair na nagtutulak ng iligal na droga at itinuturing na high value target nang magsagawa ng isang search operation ang mga pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO), SWAT at ng Manila Police District (MPD-PS7), nitong Biyernes ng umaga sa No. 21, Brgy. 228 Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si Benidict Cortez, alyas “Jon-jon”, anak ni Ricardo Cortez na kasalukuyang barangay chair sa nasabing lugar. Si Cortez ang sinasabing isa sa malalaking personalidad sa droga na nag-o-operate ng kanyang iligal na aktibidades sa Tondo, Manila.

Base sa report na ipinadala ni RDEU Chief Ferdinand Mendoza kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, naaresto ang suspek sa bisa ng inihain na search warrant sa bahay ni alyas “Jon-jon” na inisyu ni Hon. Judge Carolina I. Sison ng Branch 18, Manila Regional Trial Court.

Nasamsam sa paghahalughog sa bahay ng suspek ang apat na piraso ng plastic sachets ng mga hinihinalang shabu na may 50 gramo at street market value na P340,000.00., isang 12 gauge shotgun rifle, 48 bala para sa cal.40 at mga drug paraphernalias.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa opisina ng RDEU office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at mahaharap sa patong-patong na kaso ng paglabag sa violation of Sec.5 at 11 of RA 9165 (Comprehensive Laws on Illegal Drugs Act.of 2002) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms).

 

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVERS NABULAGA SA OPLAN HARABAS NG PDEA

drug test12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

MAGKAKASUNOD na isinagawa ang sorpresang drug test sa mga truck drivers ng mga container van  sa Port Area at sa Tondo, Manila.

Ito ang napag-alaman kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Director General Aaron Aquino, makaraang ipatupad ang  panibagong “Oplan: Harabas”   sa pakikipag-uganayan ng ilang ahensya ng gobyerno upang maibaba ang demand ng  illegal na droga ,pagtataguyod ng mga lugar ng trabaho na walang droga.
“We are also doing this to keep track of long haul drivers under the influence  of illegal drugs” , ayon kay Aquino.

Sa pagsasagawa ng  drug test sa mga truck drivers sa dalawang malalaking daungan, ang Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Tondo at Port of Manila sa  South Harbor , Port Area, Manila, ang  Land Transportation Office  (LTO), Land Transportation Franchising  and Regulatory  Board (LTFRB) , Philippine  National Police  (PNP), Bureau of Customs (BOC) ,  Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG),  Manila International Container Port(MICP),  International  Container  Service Terminal Inc., (ICSTI), Asian Terminal Inc., (ATI), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Manila  Tricycle  Regulatory Office (MTRO) .

Nabatid pa sa PDEA, na may  mga kaugalian ang ilang mga driver na gumamit ng droga upang manatiling gising sa kanilang biyahe kaya  isinailalim sila sa drug screening  dahil nag-ooperate sila ng malalaking sasakyan o heavy duty vehicles at bumabiyahe ng malalayo.

Dahil dito ,ang sinumang truck driver na tumangging  sumailalim sa mandatory drug test  ay irereport sa LTO at ang mga mapapatunayang positibo  sa illegal na droga ay matatanggalan ng lisensya.

Dumating din ang PDEA’s Preventive Education  and Community  Involvement  Service (PECIS) upang magsagawa naman ng on-site counseling  at tutulong  sa pagpapa-rehab sa mga driver na mapapatunayang nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga  sa pakikipag-ugnayan na rin sa  Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs).

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAYNILA IPINAUBAYA NA NI ERAP KAY ISKO

erap100

(NI HARVEY PEREZ)

IBINIGAY na ni outgoing Manila Mayor Joseph Estrada ang Lungsod ng Maynila sa kanyang katunggali na si incoming Manila.Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at nagwagi sa natapos na national and local elections.

Sa opisyal na pahayag ni Estrada, sinabi nito na nagdesisyon na ang mga mamamayan ng Maynila at mayroon nang bagong liderato na papasok at inihahanda na niya ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa isang maayos na turn-over.

“By June 30, my 50 years in politics and public service will come to an end with sterling colors of honesty and genuine concerns for the poor,”ani Estrada.

Gayundin, pinasalamatan  ni Estrada ang lahat ng nakasama niya at sumuporta sa loob ng limang dekada niya sa pulitika.

Isang panibagong buhay umano ang kanyang haharapin pagkatapos ng kanyang karera sa politika.

“I congratulate the new mayor and I wish him all the best for the good of the people of Manila,” ayon pa kay Estrada.

Hinimok rin ni si Estrada ang kanyang mga supporters na suportahan ang bagong liderato ng Lungsod ng Maynila.

Hangad umano ni Estrada ang tagumpay ng bagong liderato para sa kabutihan ng nakararami.

Idinagdag pa ni Estrada na dahil sa masinop niyang pamamahala, iiwanan umano niya ang Lunsod ng Maynila ng P14 bilyon pondo.

Please follow and like us:
Read More

2 BABAE BINISTAY NG BALA

bebot12

(NI JULIE DUIGAN)

TADTAD ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang dalawang babae, Huwebes ng madaling-araw sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Nakilala ang mga biktima na sina  Almira Patata at isang ‘Reynalyn’, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Tumakas ang suspect matapos itumba ang dalawa.

Hinala ng pulisya, may kinalaman sa droga ang pagpatay sa mga biktima.

Base sa ulat ni Det. Marlon San Pedro, kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang alas-4:00 ng madaling araw , nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa isang bahay sa Blk.15 Baseco, Compound, Port Area na pag-aari ni Patata.

Isang barangay tanod na nakilalang  si Mariel Ramirez, ang unang nakakita sa dalawang babae na umano’y kararating pa lamang ng mga ito  nang maganap ang pamamaril.

Sa report ng pulisya, bisita umano ni Patata ang isang napatay na babae, kaya masusing inaalam ang pagkakakilanlan dito.

Please follow and like us:
Read More

MPD SA PAMUMUNO NI DANAO NANGANGAMOTE SA ILLEGAL GAMBLING

jueteng 12

(NI NELSON S. BADILLA)

EKSKLUSIBO

ILANG araw nang nangangamote ang Manila Police District (MPD) sa paghuli sa illegal gambling operators at mananaya sa Maynila.

Batay sa ulat ng MPD, palaging “zero” ang iskor ng lahat ng istasyon ng pulisya nito.

Ang MPD ay pinamumunuan ni Brig. Gen. Vicente Danao Jr. simula noong Nobyembre ng kasalukuyang taon.

Nabatid ng DIARYO BOMBA na naglipa na ang jueteng gamit ang small town lottery (STL) sa Maynila.

Ito ang dahilan kung bakit napakababa ng naiintrega ng STL operators sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Talamak din ang bookies ng karera sa kung saan-saang panig sa lungsod, video karera (VK) operation at iba pa.

Ilan sa bookies ng karera at VK operation ay nakatimbre sa mga pulis tulad ng nakalatag na mga makina ng VK sa Baseco Compound.

Ayon sa impormasyong nakalap ng DIARYO BOMBA, magdamagan ang mga manlalaro ng VK, dahilan upang pagdudahang sa mga nagpapatakbo ng VK bumibili ng shabu ang mga maglalaro nito.

Ngunit, walang nahuhuling durugista at tulak ng shabu sa mga puwesto ng VK sa lungod, ayon pa rin sa ulat ng MPD.

Please follow and like us:
Read More

MARAMI PA RING PASAWAY SA CAMPAIGN MATERIALS — COMELEC

manila poster12

(NI DAHLIA S. ANIN)

ILANG lugar sa Maynila ang nakitaan ng Commission on Elections (Comelec) ng mga campaign materials na nakalagay sa mga maling lugar.

Ayon kay Sarah Jane Asis, Information Officer ng COMELEC, 2×3 feet lamang ang pinapayagan nilang sukat sa mga campaign materials at ipinagbabawal ang paglalagay nito sa mga pampublikong lugar gaya ng poste ng ilaw at kuryente, pati ang mga puno.

Naobserbahan din nila na ang ilang kalsada sa Maynila ay tila fiesta dahil ginawang banderitas ang mga poster ng kandidato. May mga nakasabit at nakadikit din sa mga pader mga pampampublikong lugar

Sa panayam kay Manila City Administrator Ericson Alcovendaz, patuloy na pinaaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato at inutusan na nila ang engineering department na manguna sa pagbabaklas ng mga ito. Hindi rin umano nila mapigilan ang mga supporters ng kandidato sa paglalagay ng mga posters nito.

Hinihikayat ng Comelec ang publiko na ipadala sa kanila ang mga litrato at detalye ng mga campaign posters sa maling lugar dahil maari itong baklasin o ipabaklas sa kandidato.

Maaari ring magsampa ng petetion for disqualification ang mga ordinaryong mamayan laban sa mga lumalabag na politiko

Please follow and like us:
Read More

BADING NATAGPUANG  PATAY

sta12

(NI JULIE DUIGAN)

WALANG saplot nang matagpuang patay ang isang bading na pinaniniwalaang na heat stroke, Lunes ng umaga sa Sta.Cruz,Manila.

Nakilala ang  biktimang si Nell Dawn Sanchez, nasa 55 hanggang 60 anyos , sinasabing miyembro ng  LGBT,hair dresser sa Chams Salon and SPA at nangungupahan sa Rm 403 NDR Building  sa 2207 Oroqueta St. Sta.Cruz,Manila.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas- 6:30 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima ng isang  kasambahay at naninirahan sa roof top ng gusali.

Huling nakitang buhay ang bading noong Abril 5 sa loob ng parlor.

Gayunman, malaki ang hinalang na heat stroke ang biktima dahil wala naman anumang sugat na nakita sa katawan nito.

Nabatid kay Jimmy Torres, sekyu ng gusali , nakaamoy umano siya ng masangsang sa tinutuluyang silid ng bading  , kaya  agad nitong ipinagbigay alam sa  may ari ng salon  dahilan para atasan nito ang kasambahay na si Roman na tingnan ang kuwarto ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

LIDER NG DRUG SYNDICATE, BGY TANOD, LAGLAG SA P3-M SHABU

SHABU SAMPALOC12

(NI KOI HIPOLITO/PHOTO BY JACOB REYES)

MAHAHARAP sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng RA 9165 ang itinuturong lider ng Pementera Criminal Gang at dalawa pang mga kasama nito, kabilang ang isang barangay tanod, nang kumagat sa inilatag na drug buy bust operation ng mga pinagsanib na elemento ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO), MPD Police Station (PSP-4) at ng PDEA NCR Regional Office, madaling araw ng Lunes sa isang apartment sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang sinasabing lider ng grupo na si Porferio Pementera at ang dalawang iba pa na sina Joseph Dela Cruz, barangay tanod, at si Orlando Naguinlin.

Ayon sa report ni RDEU Chief P/Major Ferdinand Mendoza kay NCRPO Chief P/Maj.General Guillermo Eleazar, nasakote ang tatlong suspek matapos bentahan ng droga ang isang poseur buyer. Narekober sa mga ito ang 82 plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 516 grams o kalahating kilo at may street market value na P3,508.800,  isang cal.22 revolver, isang handheld radio at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Eleazar ang mga naarestong suspek ay nag-o-operate sa area ng Maynila at Quezon City. Konektado rin umano ang mga ito sa ilang local narcopoliticians kabilang si barangay kagawad Ronnie Labongray na napatay sa isang engkuwentro noong March 28 at mga high value target (HVT) na mga ‘Ninja cops’ na sangkot sa pagpapakalat ng iligal na droga.

Please follow and like us:
Read More

KELOT PATAY SA BUMAGSAK NA BAKAL NG COVERED COURT

crime

(NI JULIE DUIGAN)

HINDI na umabot nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang mabagsakan ng bakal sa ginagawang covered court sa pampublikong eskuwelahan , Martes ng umaga sa Tondo,Manila.

Inilarawan sa edad 40 hanggang 45 anyos ang biktima ; nakasuot ng kulay puting t-shirt, asul na pantalon at may kalakihan ang pangangatawan.

Batay sa ulat ni Det. Roderick Magpale, na isinumiti kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang alas-10:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa ginagawang covered court sa Felipe Calderon High School sa Hermosa St., sa Tondo.

Sa report ng pulisya , habang ikinakabit ang bakal na paglalagyan ng bubong ng court nang bumigay ito at tamaan sa ulo ang naglalakad na biktima.

Nagtulung-tulong naman ang ilang construction worker na isugod ang biktima sa ospital ng Tondo subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Please follow and like us:
Read More

HABANG NAGSE-SEX,KELOT NATIGOK SA LOOB NG HOTEL

manila 1

(NI JULIE DUIGAN)

NASA climax ng pagniniig ang isang 58- anyos na lalaki sa kandungan ng kanyang  lover nang atakehin sa puso sa isang hotel sa Sta.Cruz,Manila , iniulat ng pulisya.

Nagawa pang maisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center, subalit hindi  na umabot ng buhay ang biktimang si Mang Francis, may asawa , driver operator ng SUV at residente ng Molino IV, sa Bacoor ,Cavite.

Base sa ulat ni Det.Mark Daniel de Guzman kay P/Sr.Insp. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang 2:00 nang hapon , nang atakehin sa puso ang biktima sa loob ng silid ng isang hotel sa Sta.Cruz.

Sa salaysay ng lover ng biktima na itinago sa pangalang “Amor”, 32 anyos, habang nagtatalik sila, biglang huminto at sapu-sapo ng biktima ang kanyang dibdib.

Mabilis na nagbihis si Amor, upang humingi ng tulong sa ilang staff na naroroon, at agad namang isinugod  sa pagamutan ang biktima, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Please follow and like us:
Read More

4 ‘CARNAPPERS’ PATAY SA HPG COPS

carnap1

PATAY ang apat na hinihinalang carnappers matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, Biyernes ng umaga.

Lumutang na rin ang sinasabing biktima ng carnapping.

Tatlo sa apat ang namatay noon din habang ang isa ay naisugod pa sa ospital ngunit namatay din.

Sinabi ni Police Brigadier General Roberto Fajardo, director ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), na nagpalabas siya ng grupo matapos ang insidente ng dalawang carnapping incident Huwebes ng gabi, sa Taguig at Maynila.

Naispatan umano ang sasakyan kung saan lulan ang mga suspect at nang pinapara ng mga pulis ay agad nagpaputok ang mga ito. Nagkaroon ng habulan hanggang sa masukol ang mga nasawi.

Isa sa mga namatay ang nakasuot ng t-shirt ng PNP ngunit inaalam pa ang pagkakakilanlan nito. Gayunman, agad itinanggi ni Fajardo na miyembro ito ng PNP.

Ilang police uniform pa ang nadiskubre sa sasakyan ng mga suspect.

Please follow and like us:
Read More

19-TAON ANG NAKALIPAS, PULIS ARESTADO SA TORTURE NG PRESO

torture1

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

NAKAMIT din sa wakas ang hustisya — matapos ang 19 taon  paghihintay – nang madakip ang isang pulis na sangkot sa pagtorture sa bilanggo ng Police Community Precinct sa Tondo, Maynila.

Inaresto si PO1 Nonito Binayug, sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila nang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Unang naaresto ang kapatid nitong si dating Sr.Insp. Joselito Binayug na noon ay Block Commander ng  Manila Police District -Asuncion PCP, na sakop ng Station 2. Kasalukuyan itong nakatalaga sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Nabunyag ang pagpapahirap na ginawa ng mga ito nang lumabas sa telebisyon ang sinasabing pagtorture sa isang bilanggo.

Base sa ulat ni Atty. Emeterio Dongalo, hepe ng  NBI -Special Action Unit (NBI-SAU) noong 2010 pa naganap ang pagtortyur kay Darius Evangelista.

Dahil dito, nahaharap  ang mag-utol sa  paglabag sa Republic Act 9745 o Anti-torture Act.

Matatandaang kumalat ang  video ng torture kay Evangelista kung saan makikita ,  habang nasa loob ng PCP sa Tondo ,  inilalabas ang ari nito at hinila ng ilang ulit gamit ang tali.

Please follow and like us:
Read More