NABALIW SA GUTOM; 2 PASLIT PINUGUTAN NG NANAY

mindoro12

(NI JG TUMBADO)

DEPRESYON at nararanasang gutom ang nakikitang dahilan sa brutal na pagpatay ng isang 30- anyos na ina sa kanyang dalawang batang anak sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Hawak na ngayon ng pulisya ang ina na hindi pinangalanan habang ang isang anak nitong menor de edad na babae na nakaligtas sa tangkang pagpatay nito ay nasa pangangalaga na rin ng Municipal Social Welfare and Development.

Ayon kay Police Major Librado Manalang, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nangyari ang karumal-dumal na krimen sa mismong bahay ng pamilya na nasa malayong kabihasnan sa Sitio Landing, Barangay Pinagturilan ganap na alas 7:00 ng umaga ng Sabado.

Ang mga biktima ay 8-anyos na babae at 1-taong gulang na lalaki. Habang ang naka ligtas sa tiyak na kamatayan ay nasa edad 10-taon gulang.

Nabatid sa imbestigasyon, na hinintay lamang umano na makaalis ng bahay ang mister para mangahoy at manguha ng kanilang makakain na kamote.

Gamit ng suspek ang isang gulok na pangtabas nito ng mga halaman at pananim sa labas ng kanilang bahay, ay walang habas na pinagtataga ang kanyang mga anak bago pinutulan pa ng ulo ang mga Ito.

Sinasabing dumaranas umano ng mental illnes ang suspek na miyembro ng Alangan Mangyan Tribe gayundin ang buong pamilya.

Nakatakda namang sampahan ang suspek ng double parricide at attempted homicide kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More