P34-M SHABU NASAMSAM SA MALAYSIAN, 2 PA, SA TAWI TAWI

(NI KOI HIPOLITO)

AABOT sa hindi bababa sa P34 milyon ng mga pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek, kabilang ang isang Malaysian national, ng mga elemento ng mga pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office IX, PDEA-BARMM, MBLT-9, MID-2 MIU PMC, PSO-TT NICA9, BONGAO MPS, PDEU-TTPO at ng RIU9 PNP-IG, sa isinagawang buy bust operation, Martes ng umaga sa 2nd Flr., Barter Trade Center, Public Market, Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa report ni PDEA 9 acting Regional Director Edgar T. Jubay kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga suspek ay sina Haberson Jaafar, 26, Elmer Jamadin, 31, at si Adzfar Asali, 44, residente ng Taman Miluk, Kota Kinabalu, Malaysia.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakipagtransaksyon ang isang PDEA agent na nagpanggap na buyer sa tatlong suspek at nang magpositibo ang bentahan ng droga ay agad nang inaresto ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang ginamit na isang bundle ng P1,000 marked money, cellular phones, paper bag, assorted cellophane plastic bags, kabilang ang limang piraso ng “Guanyinwang” plastics, at ang limang kilo ng mga pinaghihinalaang shabu.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa violation of Sec.26 in relation to Sec.5 and Sec.11 ng RA 9165 Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

MALAYSIAN DELEGATE: BAKUNA SA POLIO MUNA BAGO LARO

(NI LOUIS AQUINO)

NAPAGKASUNDUAN ng Malaysian players at organizers na magpabakuna muna bago mag-compete sa 2019 Southeast Asian Games.

Ito ay bilang proteksyon umano nila laban sa pinangangambahang polio outbreak sa Pilipinas.
Umaabot sa 1,000 ang nagpabakuna kontra polio, kabilang na rito ang 774 atleta at 340 opisyales ng Malaysia.

Ayon sa Philippines SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) nangangamba ang delegasyon ng Malaysia para sa kanilang mga manlalaro kaya nagdesisyon silang magpabakuna nang lahat.

“They must get vaccinated before leaving for the Games,” giit ni Olympic Council of Malaysia (OCM) deputy president Datuk Seri Azim Zabidi.

Gaganapin ang SEA Game simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, bagama’t may ilang sports nang nagsimula kahapon (Linggo) bago pa ang opening ceremony sa katapusan ng Nob. sa Philippine Sports Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tinatayang 10,000 atleta mula iba’t ibang bansa ang magpapaligsahan sa 56 sports sa ika-30 edisyon ng SEA Games.

Please follow and like us:
Read More

SHABU SESSION SA HOTEL; 2 MALAYSIAN TIKLO

(NI KOI HIPOLITO)

HIMAS-REHAS at mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang Malaysian national na inaresto sa tinuluyang hotel, Sabado ng hapon sa Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Hong Choag Chia, 26, at si Moh Jing Hua, 28.

Base sa report ng Pasay City Station Drug Enforcement Unit kay Pasay City acting-chief of police PCol. Bernard R. Yang, isang tawag sa telepono galing sa general manager na si  Dam Parcon, ng nabanggit na hotel ang kanilang natanggap tungkol sa nasabing insidente.

Ayon kina Rodolfo Quintal Jr., 42, security guard at Julius Rhee Roylo, 30, empleyado, nadiskubre umano nila ang mga nakakalat na drug paraphernalias na hinihinalang ginamit ng mga suspek nang mag-check out ang mga ito kaya’t agad nilang  pinigilan ang mga banyaga at tinawag ang kanilang manager para ireport ang kanilang nakita na agad naman tumawag sa mga otoridad.

Please follow and like us:
Read More

3 CHINESE NATIONAL ARESTADO SA KIDNAP NG MALAYSIAN

(NI AMIHAN SABILLO)

TATLONG Chinese national na nasa bansa bilang mga turista ang inaresto ng PNP-Anti kidnapping group dahil sa pagkidnap sa isang Malaysian national na narekober ng mga pulis sa room 1939 ng Okada sa Paranaque noong Miyerkoles.

Ayon kay PNP-AKG Spokesperson PLtCol Elmer Cereno, ang mga suspek ay kinilalang sina Yuyun Gao, 43; Xin Fan, 21; at Wei Guo Li, 46, pawang pansamantalang naninirahan sa  1939 ng Hotel Okada.

Sinabi pa ni Cereno na ang  biktima na si Lim Raymond ay iniwan ng kanyang kasamang si Ah Hui na isa ring Malaysian national sa mga suspek noong nakalipas na Sept 2, matapos na maipatalo nito sa sugal ang P500,000 na ipinautang ng mga suspek sa kanya.

Pagkatapos noon ay hindi na makontak si Ah Hui, at ang biktima na ang sinisingil ng mga suspek sa pagkakautang ng kanyang kasama.

Dahil dito, kinontak naman ng biktima ang kanyang kapatid sa Malaysia na nagpadala umano ng 70,000 RMB sa pamamagitan ng wire transfer, pero sinisingil pa umano ng mga suspek  ng karagdagang 70,000 RMB ang biktima bilang interes.

Nagawa naman ng biktima na makahingi ng tulong sa pamamgitan ng pagpapadala ng email sa management ng Okada, na siya namang nagsumbong sa PNP na nagresulta sa pagkakadakip sa 3 suspek.

Please follow and like us:
Read More

TAWI-TAWI, SULU, BANTAY SARADO SA DINUKOT NG 10 MALAYSIAN

tawitawi12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NANINIWALA ang militar na nasa  Sabah, Malaysia pa rin ang mga bandidong dumukot sa 10 Malaysian nationals na naunang napaulat na mga Filipino na mangingisda na lulan ng dalawang fishing boats.

Ito ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., kasunod ang utos sa militar na mahigpit na bantayan ang Tawi-Tawi at Sulu.

Sa intelligence report ng AFP,  inilipat umano ng Malaysian kidnappers ang 10 bihag sa mga bandidong Abu Sayyaf, kaya posibleng sa Tawi-Tawi o Sulu dalhin ang mga ito dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad ng bansang Malaysia sa kanilang mga boarders.

Sa kasalukuyan, patuloy ang mahigpit na  koordinasyon ng AFP sa Malaysian authorities simula pa nang mapaulat ang kidnapping sa karagatang sakop ng Lahad Datu, Sabah nitong Martes.

 

 

Please follow and like us:
Read More