IKA-3 SEA TOUR TITLE  AASINTAHIN NI ORBETA 

(NI DENNIS INIGO)

ASAM ng Pinay darter na si Lovely Mae Orbeta na makuha ang ikatlong titulo sa Southeast Asia Tour 2019 sa Sabah, Malaysia ngayong weekend.

Ang 14-anyos na si Orbeta ang tinuturing na No.1 female darter sa Southeast Asia ngayon makaraang sungkitin ang SEA Tour sa Malaysia noong Abril at Hulyo.

“I’m looking forward to my next  tournament in Malaysia this weekend. Sana manalo po uli,” pahayag ni Orbeta sa kanyang pagdalo sa  35th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros kahapon. Tiwala si Orbeta, Grade 9 student sa Lakandula High School sa Tondo, na muling mapagtatagumpayan ang laban sa kanyang mga katunggali at makuha ang ikatatlong dikit na panalo sa SEA Tour.

“Magagaling din po yung mga kalaban ko doon,  pero puspusan naman ang pagsasanay ko sa tulong ni coach Jeffrey Roxas,” ani Orbeta,  nakatakdang umalis ngayon patungong Malaysia para sa nasabing kompetisyon.
Bagama’t abala sa pagsasanay sa darts, tiniyak ni Orbeta na hindi naman niya napababayaan ang kanyang pag-aaral.

“Tuluy-tuloy naman ang pag-aaral ko kahit naglalaro ako ng darts, yun pa din ang priority ko,” giit ni Orbeta, mas kilala sa tawag na “Bebang” sa darts circuit.

Nagpasalamat din si Orbeta sa kanyang sponsor na si Frida Morelos ng Amber’s Best,  sa patuloy na pagtitiwala sa kanya.

“Kapag walang klase, tuloy lang ang ensayo ko sa Amber sa Makati,  kasama ang iba pang mga darter, ”  sabi pa niya sa weekly session na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR,  Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf.

Please follow and like us:
Read More

5 BIKTIMA NG TRAFFICKING NAPIGIL

arrestwomen12

(NI MINA DIAZ)

HINDI nagawang makalusot ng limang kababaihan sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga matapos matuklasang hindi dokumentadong overseas Filipino workers (OFWs) ang mga ito nang tangkaing umalis ng bansa na nagkunwaring mga turista.

Sinabi ni BI port operations division chief Grifton Medina, ang mga pasahero na pawang kababaihan ay naharang sa dalawang magkahiwalay na insidente noong Mayo 8, ng mga enforcement officer habang pasakay ng kanilang mga flight sa Malaysia at United Arab Emirates.

Nabunyag na ang tatlong babae ay papunta ng Kota Kinabalu kung saan sila ay tinanggap upang magtrabaho bilang mga entertainer sa nightclub habang ang dalawa ay papuntang Lebanon na magtatrabaho bilang kasambahay.

Ayon sa BI, ang tatlo ay naengganyong magtrabaho dahil sa isang job offer na kanilang natanggap sa online, at nakilala ang isang ‘Danilo’ sa isang mall sa Quezon City, kung saan sila ay nagbayad ng P10,000 para sa kanilang recruitment. Inamin nila na inalok silang magtrabaho sa isang pub sa Kota Kinabalu, at ang kanilang mga dokumento ay ibibigay sa kanila sa Hong Kong.

Samantalang ang dalawa ay nagpakita ng mga pekeng visa sa UAE.

Sa ginawang interogasyon inamin nila na inalok silang magtrabaho sa Beirut, at iniutos ng kanilang recruiter na huwag ibunyag ang kanilang tunay na patutunguhan.

“Obviously these women have been victimized by unscrupulous human trafficking syndicates that prey on the poor. We must pursue cases against these illegal recruiters to protect our fellow Filipinos from exploitation in foreign lands,” wika ni Medina.

Sinabi ni Medina na sa panahon ng Inter-Agency meetings, nalaman na ang ilang mga biktima ay humahantong sa prostitusyon, o mas mababang sahod na lihis sa pamantayan ng industriya.

“Illegal recruiters will put their victims in a tight spot. The victims, knowing that they entered through illegal means, would be forced to agree to the unfair work conditions given to them and would even be asked to pay via salary deduction hefty sums for their recruitment,” ibinahagi pa ni Medina.

Dahilan ito upang alertuhin ni BI Commissioner Jaime Morente ang lahat ng kanyang tauhan sa mga daungan sa labas ng Maynila na bantayan ang iba pang mga biktima ng trafficking na maaring magtangkang umalis sa pamamagitan ng parehong pamamaraan.

Naniniwala si Morente na ang “mga sindikato ng trafficking ay maaaring inilipat o ibinaling  ang kanilang operasyon sa iba pang mga international airport dahil sa maraming interception sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport).”

Lahat ng limang pasahero ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at tulong.

Please follow and like us:
Read More