DALAGITA, KALABOSO SA PANANAKSAK NG 13-ANYOS

(NI CHERK BALAGTAS) KALABOSO ang isang 16-anyos na dalagita matapos saksakin ang 13-anyos na lalaki sa loob ng internet shop sa Malabon City, Linggo ng gabi. Sa ulat ni Malabon City Police Chief P/Col. Jessie Tamayo, ganap umanong alas – 11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang Piso net sa Block 9 Hiwas Street, Barangay Longos. Base sa imbestigasyon Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) P/SSgt. Romirosa Mallari, naglalaro sa nasabing establisimyento ang biktimang itinago sa pangalang Boy, nang dumating ang suspek na itinago rin sa pangalang Angie,…

Read More

POT SESSION SA RESTOBAR, 6 TIKLO

(NI FRANCIS SORIANO) KALABOSO ang anim katao, kabilang na ang dalawang menor-de-edad, matapos maaresto at matiklo sa kanilang pot session sa loob ng restobar sa Maria’s Backyard Restobar Brgy. Baritan, Malabon City, nitong Linggo. Kinilala ni PCOL Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City PNP ang mga suspek na sina Arvi Villamar y Blancada, 21, ng B3-L28, Site 8, Phase 2, Area 3, Brgy. NBBS, Christian Jimenez y Masotes, 21, ng B1-L22, Phase 2, Area 2, NBBS, Apollo Dormiendo, 21, ng B2,- L26, Phase 2, Area 2. Ang tatlong menor-de-edad ay…

Read More

ESTUDYANTE EDAD 15, 13, BINARIL NG KAKLASE

crime43

Ni FRANCIS SORIANO KASALUKUYAN pa ring ginagamot sa Jose Reyes Medical Center ang 15-anyos at 13-anyos na estudyante sanhi ng tama ng bala sa katawan matapos itong pagbabarilin ng kanyang kaklase sa Malabon City, Biyernes ng gabi. Kinilala ng awtoridad ang biktima na si alyas JR, 15, at alyas Jojo,13, habang nasa pangangalaga na ng City of Social Welfare Development (CSWD) ang suspek na si alyas Mark, 16, pawang mga estudyante ng Tinajeros National High School. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:40 ng gabi habang nakatambay ang mga biktima…

Read More

14-ANYOS TINANGAY; RAPIST KULONG

huli

(Ni FRANCIS SORIANO) REHAS naman na bakal ang hinihimas ngayon ng isang 33-anyos na cook,  matapos maaresto sa follow-up operation ng Malabon City Police ang umano’y tumangay at nanghalay sa 14-anyos na Grade 8 student, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Col. Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City Police Station, ang suspek na si Kenneth Odie Gabriel, ng 52 D. Crispin St., Brgy. Tinajeros na naaresto sa Gov. Pascual Avenue, sa harap ng Robinson’s Town Mall bandang ala-1:45, Miyerkoles ng ng madaling araw. Ayon kay Tamayao, naganap ang insidente noong nakaraang buwan…

Read More

NGITNGIT NG TINOROTOT

crime85

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ISANG lalaki na nang-agaw umano ng kalive-in ng iba ang binaril at nasugatan sa Malabon City, Linggo ng gabi. Mapalad ang biktimang si Rudy Roquero at hindi asintado ang nakuhang tirador ng kanyang karibal na si Ronnie Eleuterio, 52, kaya’t pinauwi rin siya matapos magamot ang tama sa kaliwang braso at kanang palad sa Tondo Medical Center. Samantala, ikinulong si Eleuterio matapos masakote ng mga rumespondeng pulis at makatakas ang ni-recruit nitong birador na nakilala lang sa alyas ‘MacMac.’ Sakay ang biktima ng isang pampasaherong jeep sa…

Read More

NAPIKON SA SELOS NG BF; BEBOT NANAKSAK

crime85

(NI ALAIN AJERO) SAKSAK ang isinukli ng isang lasing na bebot sa bintang ng kanyang lasing ding kinakasama  na nakikipag-sex siya sa ibang lalaki, sa Malabon City Linggo ng hapon. Nananatiling nakaratay sa Ospital ng Malabon sanhi ng  saksak sa likod si Jonathan Gamba, 43, habang dinampot naman ang suspek na nakilalang si Marissa Parawan, 37. Alas-2:24 pa lamang ng hapon ay matutulog na sana ang dalawa dala ng kalasingan sa loob ng kanilang bahay sa 129 Sitio, Sto. Niño, Brgy. Concepcion. Mula sa kawalan ay kinompronta ni Gamba si…

Read More

BEAUTICIAN NA DADALAW SA BF NA PRESO BINARIL

crimeshooting12

(NI ALAIN AJERO) HIMALANG nabuhay ang isang beautician matapos barilin sa ulo ng isa sa dalawang maskaradong lalaki habang dadalaw sa nakakulong na kinakasama, sa Malabon City, nitong Biyernes. Agaw-buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Sheryl Pineda, 48, ng Block 1, Lot 10 Sitio 6, Brgy. Catmon sanhi ng tama ng bala sa ulo habang nakatakas naman ang mga hindi nakilalang maskaradong suspek Paalis ang biktima kasama ang pamangkin na si Jian Ronquillo sakay ng isang tricycle ala-1:40  ng hapon para dalawin ang kinakasama ni Pineda na nakapiit…

Read More

MAKE-UP ARTIST, PATAY SA 2 NAKIPAG-SELFIE

stab100

(NI CHERK BALAGTAS) HINAHANTING ng pulisya ang dalawang kalalakihang nakipag-selfie muna sa isang make-up artist bago pinagsasaksak na ikinasawi nito sa Lungsod ng Malabon, Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Christian Pontanes, alyas Heart, ng VMN Compound, Barangay Potrero, ng nasabing lungsod. Namatay si Pontanes habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) hospital dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa ulat ni Malabon City Police chief P/Col. Jessie Tamayo, umaga pa lang umano bago magtanghalian nang dumating sa inuupahang bahay ng biktima ang mga suspek…

Read More

KANDILA NG ADIK LUMIKHA NG SUNOG

fire123

(NI GUILLERMO OCTAVIO) TINATAYANG 100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw na nag-ugat umano sa kandilang ginagamit ng mga adik na tanglaw sa kanilang pagbatak. Napag-alamang nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Herrera St., Barangay Ibaba dakong alas- 3:30. Wala umaong kuryente ang nasabing bahay kaya’t pinamumugaran umano ng mga adik at sa isang nakasinding kandila umano ng mga bumabatak nag-ugat ang nasabing sunog. Walang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog na umabo sa ari-arian at idineklarang…

Read More

TRIKE DRIVER NAGLALAKO NG SHABU PANG-‘BOUNDARY’ ARESTADO

drugs

(NI GUILLLERMO OCTAVIO) ARESTADO ang isang tricycle driver na hindi lamang pasahero kundi pati shabu ang ibinibyahe para umano makapag-boundary sa kanyang operator. Tatlong iba pa ang inaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Malabon City. Alas alas-9:30 ng gabi nitong Biyernes kamakalawa nang isagawa ang  isang buy-bust operation sa Tiwala St. Brgy. Tonsuya na nagresulta sa pagkakaaresto sa tricycle driver at tulak na si Rizaldy La Fuente alyas “Cogan”, 28, ng Brgy. Longos at suki nito sa shabu na si Luisito Garganta,  alyas “Luis”, 40, ng Sito Balut,…

Read More

SPECIAL ASST NG ANG NARS PARTYLIST HULI SA PINEKENG TSEKE

arrested

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ARESTADO ang  special assistant ng pangulo ng isang partylist matapos tangkaing ipalit ng pera ang tsekeng ninakaw sa kanyang amo, Miyerkoles ng hapon sa Malabon City. Dinakip ng mga pulis dakong ala-1 ng hapon si Kristine Joy Legaspi, ng 11 Alumino St., Brgy. Tugatog,  matapos magsumbong si Ang Nars Partylist president at pangulo ng United Health Care Organization of the Philippines (UHOP) na si Leah Samaco-Paquiz na sumikwat umano si Legaspi sa kanyang bahay na nagsisilbi ring opisina sa 67 Bronze St., Brgy. Tugatog, ng dalawang tseke.…

Read More

GRAB DRIVER LAGLAG SA BOGA

arrested134

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ARESTADO ang isang Grab driver na sisitahin lamang sana dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo nang nakahubad ngunit nahulihan ng baril nang tangkaing takasan ang mga pulis sa Malabon City. Kinilala ang nadakip na si Arnel Vincente, 27 ng No. 81 Espiritu St. Brgy. Tinajeros. Ala-1:50 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCP-4 na sina PCpl Ramon Dalo, PCpl Khen Brent Visca at PCpl Alex Jhaynard Chico, sa kahabaan ng Aracity St., Brgy. Tinajeros nang mapansin ang suspek na nakahubad. Nang mapansin ng suspek ang mga…

Read More

2 GAMER NAGKAPIKUNAN, 1 SINAKSAK SA MUKHA

crime9

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AGAW-BUHAY ang isang gamer nang araruhin ng saksak sa leeg at mukha ng umanoý  ‘’loser” at “walang binatbat” na madalas nitong talunin sa computer games sa Malabon City, Martes ng umaga. Sira ang gandang lalaki at patuloy na nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak si Gerald Agana, 21, ng No. 872 Gulayan, Brgy. Catmon, habang nasa loob ng computer shop na pinaglalaruan nito. Tinutugis naman ng mga alagad ng batas ang suspek na nakilalang si John Paul Lopez alyas “Popong”, 24, residente rin ng…

Read More

PROBLEMADO SA BF; BABAE LUMAGOK NG SILVER CLEANER

crime123

(NI ALAIN AJERO) WINAKASAN ng isang 23-anyos na bebot ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner matapos makipag-away sa text sa kanyang kinakasama, Huwebes ng hapon sa Malabon City. Alas-5:20, bangkay na si Hazel Grace Abarquez nang matagpuan ng pinsang si Ken Alamo sa roofdeck ng kanilang bahay sa 38 Malian St., Brgy. San Agustin, ng lungsod. Ayon kay Alamo dakong alas 2:00 ng hapon ay nanghiram ng silver cleaner si Abarquez at nang hindi niya ito pahiramin ay lumayas at sinabing bibili na lang siya ng…

Read More

ESTUDYANTE BINOGA SA BARANGAY HALL

crimebaril1

(NI GUILLERMO OCTAVIO) KRITIKAL ang isang 19-anyos na estudyante matapos barilin ng isang construction worker na tinotoo ang bantang babarilin niya ang unang lalabas sa barangay hall kung saan dinala ang dalawang kelot na humipo sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang kinakasama sa Malabon City, Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang nananatiling nasa maselang kalagayan sa Tondo Medical Center matapos na ilipat rito mulas sa Ospital ng Malabon na si Jimboy Nobleza, ng  113 Adante St. Brgy. Tañong habang nakatakas naman ang suspek na si Jessie Boy Cordero alyas…

Read More

PULIS UMAWAT SA AWAY MAG-SYOTA GINULPI

pnp

(CHERK BALAGTAS) ARESTADO ang limang kalalakihan matapos pagtulungang gulpihin ang isang pulis na tumugon lang sa tawag ng tungkulin sa Lungsod ng Malabon Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina John Jay Bungco, 27 anyos, security guard; Ian Ajoc, 24 anyos; Vicente Jay Carillo, 21 anyos; Benjiel Carillo, 25 anyos at Gilbert Polo, 30, pawang mga residente ng Barangay Tinajeros ng nasabing lungsod. Sa ulat ng Malabon City Police, ganap umanong alas 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sisa Street, Goldendale, Barangay Tinajeros…

Read More

1 BATA BAWAT BUWAN IBINUBUWIS SA RESORT

lunod18

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ISANG walong taong gulang na totoy ang nalunod sa isang resort sa Malabon City Lunes ng umaga nang imbitahan sa swimming ng boyfriend ng ina, isang buwan matapos isang nene ang malunod din sa nasabing resort na inimbita naman ng tiyuhin sa kaarawan ng girlfriend nito. Kinilala ang biktima na si Nigelmin Berinio, estudyante, ng 402 Pacheco St., Brgy. 67, Tondo, Manila. Alas 11:30 ng umaga nang maganap ang trahedya sa M&A Resort sa 356 M. H. Del Pilar St,. Brgy. Maysilo. Inimbitahan ang biktima, kasama ang…

Read More

MAG-AMIGA KALOBOSO SA SHABU

amiga1

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ARESTADO ang isang bebot na pinagugulong ang kinikita sa pagpapa-5-6 sa pagtutulak ng shabu at ang kanyang amiga sa isang buy-bust operation sa Malabon City Miyerkoles ng madaling-araw. Kinilala ang mga dinakip na sina Ruby Mateo, 39, na sangkot din patubuang pautang, at Racquel Serano, 49, kapwa ng 95 5th St. Brgy. 11. Nasakote ang dalawa dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa Prelaya St., Brgy. Tugatog. Idinaos ang operasyon laban sa mag-amiga matapos ang dalawang linggong pagmamanman ng mga pulis. Nang makaiskor sa kanila ang mga parak ng…

Read More

‘HIRED KILLER’ ARESTADO SA EXTORTION

kotong

ARESTADO sa entrapment operation sa Malabon City ang hinihinalang hitman at kasama nito dahil sa umano’y pangongotong sa isang negosyante. Sinabi ng negosyate na humihingi ang mga suspect ng P150,000 kapalit ng hindi pagpatay sa kanya. Nakatanggap umano ang negosyante ng sulat noong December 17 na nagsasabing gusto siyang ipatumba ng kalabang grupo. Idinagdag pa ng hitman na sya ang pumatay sa pamangkin ng negosyante noong 2018 at nagbanta na siya na ang kasunod kung hindi niya papantayan ang perang iniaalok ng kalabang grupo ng negosyante. “Para manatili raw akong…

Read More