DALAGITA, 9 PA, NASAKOTE SA MAKATI BUY BUST

arrested

(NI DAVE MEDINA)

NASAKOTE at naaresto ang 10 katao, kabilang ang isang menor de edad, sa pagsalakay na isinagawa ng mga operatiba makaraan ang buy bust operation ng pulisya sa Camia St., Bgy. Pembo, Makati City, Martes ng umaga.

Ayon kay Makati City Police Chief PCol. Rogelio Simon, lima sa mga naaresto ay mga babae at isa ang menor de edad.

Target aniya ng buy bust operation ang isang alyas Jayson pero naaktuhan sa lugar ang siyam pang suspek kaya matapos makabili ng droga ang poseur buyer ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Nakuha sa mga suspect ang 81 sachet ng shabu, dalawang ecstasy tablet, 2 kalibre .45, 18 piraso ng mga bala ng kalibre .45 pistola , 15 piraso ng bala ng kalibre .22 na baril , timbangan, toother, tactical bag, holster, 2 pouch at isang Toyota Avanza na may plate # NAV 5327.

Ayon sa pulisya, nagkakahalaga ng P350,000 ang nakuhang shabu at P3,000 halaga ng ecstasy tablet sa mga suspek.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Niro Rabina alyas Niro, Allan Conception, alyas Allan, Raymond Manlapat, alyas Mon, Venzen Valeros, alyas Jeboy, Jayson Ongmanchi, alyas  Inchik, Beatrice Donioza, Rosa Donioza, Jennelyn Flores at Maria Ronela Evangelista,  alyas Myka ; at ang menor de edad na alyas Ann Nazario na nasa pangangalaga ng Women’s Desk sa City Social Welfare and Development Office.

Nakadetine ngayon ang siyam na suspek  sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang isasampang kasong paglabag sa RA 9165 sa mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

RELATIONSHIP: IT’S COMPLICATED; BABAE NAGLASLAS

suicide

(NI ROSE PULGAR)

DAHIL sa umano’y kumplikadong pakikipagrelasyon, nagtangkang magpakamatay ang isang 42-anyos na babae sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso nito, Huwebes ng umaga sa Makati City.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Nimfa Entio, empleyada, ng Pedro St., Makati City.

Lumalabas sa report ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong  alas-11:20 ng umaga sa Barangay Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagtangkang magpakamatay ang biktima  matapos nitong kunin ang isang blade at laslasin nito ang kanyang pulso.

Kaagad namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Nagawa umano ng biktima ang tangkang pagpapakamatay dahil sa kumplikadong pakikipagrelasyon nito, subalit   hindi na idinitalye ng mga imbestigador matapos makiusap ang pamilya ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy na iniimebstigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

Please follow and like us:
Read More

ROOKIE COP PUMAILALIM SA TRAK, PATAY

accident12

(NI ROSE PULGAR)

BINAWIAN ng buhay  ang isang pulis na nakatalaga sa Makati City Police Station nang magulungan ng isang rumaragasang  trak na nakabundol sa kanya, Miyerkoles ng umaga sa lungsod.

Kinilala ang nasawi na si  Patrolman Francis Ecalner, 25, at nakatalaga sa Makati City Police Community Precinct (PCP) 4.

Si Ecalner ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinasawi nito.

Agad naman sumuko sa mga awtoridad ang tsuper ng cargo truck na si John Paul Lansang, 24.

Sa isinumiteng report  ni Police Col. Rogelio Simon hepe ng Makati City Police, dakong alas-7:58 ng umaga nang maganap ang insidente sa Northbound lane ng Osmeña Highway, sa Barangay Magallanes, ng naturang lungsod.

Binabagtas ng biktima ang naturang highway sakay ng kanyang motorsiklo para pumasok sa kanyang duty nang biglang masagi ng trak.

Pumailalim ang biktima at nagulungan siya ng trak dahilan ng kanyang pagkasawi.

Ayon kay Duty Desk PMSgt. Aries Alcantara, tinawagan niya ang mobile number ni Ecalner dahil sa hindi pa dumadating sa trabaho ngunit ang tauhan ng  Skyway ang sumagot na nagsabing naaksidente ito at isinugod sa Taguig-Pateros Hospital.

Nagpadala sila ng tauhan sa naturang pagamutan at nakumpirma ang pagpanaw ng kanilang kabaro na dead-on-arrival sa nasabing  pagamutan.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang tsuper sa Makati City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

PROMDI HULI SA ARMAS

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang notoryus na lalaking promdi na umiiwas sa batas sa Mindoro dahil sa pag-iingat ng mga iligal na baril at armas habang palakad-lakad sa mataong lugar sa Makati City Miyerkoles ng hapon.

Dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes ay ipinatupad ang Search Warrant sa suspek na si Jose Gozar Samala, residente ng 2551 Cabanillas St., La Paz, Makati City , base sa ipinalabas na  kautusan ni Judge Rosario Ester B. Orda Caise ng Makati Branch 234 RTC para sa paglabag sa RA 10591.

Inabutan pa ng task force samala na kinabibilangan nina SIDMBS Chief  (Team Leader)  PMaj Gideon Ines, PMaj Cosme Tante, PCpl Christofren Ubina, PCpl Marlyn Wacdesen, PCMS Cielo, PSSgt Labasan, PCpl. Dichoso, at PCpl Abanes ang suspek na si Samala na patayu-tayo sa labas ng kanyang bahay. Pagkakitang-pagkakita ng grupo ni PMaj Ines kay Samala ay agad inihain sa kanya ang search warrant at nakakita sa bahay niya ng mga ilegal na baril kaya agad siyang inaresto.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang Glock 9mm na may  Serial Number: AADV874, 1 380 Bersa na may  SN C42169, 1 cal 9mm Beretta with SN: G72236Z,  kalibre 22 na riple na walang Serial Number, pitong piraso ng  short magazine para sa Glock na may 105 live ammos 9mm, 3 piraso ng  long magazine para glock na may  66 live ammo para sa  9mm,  10 magazine para sa cal .380 na may 70 live ammo para sa cal .380, 3 magazine para sa beretta cal 9mm na mayroong  45 live ammo para sa 9mm, 1 piraso ng beretta suppresor , 4 na magazine pouch, 3 holster, 154 piraso ng  live ammunition ng cal .380, at 50 piraso ng live ammunition para sa cal .45.

Nauna sa raid ay isinuplong si Samala ng kanyang kapatid na babae dahil nagtatago umano ng mga baril na walang lisensya.

Umamin kay Makati City Police Chief PCol. Rogelio Simon ang kapatid na babae ni Samala na nagsampa na siya ng kaso kay Jose ng Grave Threat, physical injury at paglabag sa R.A. 10591 sa Calapan, Mindoro, RTC.

 

Please follow and like us:
Read More

4 MAG-AAMA HULI SA DROGA

arrested88

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang apat na mag-aama sa drug  buy bust operation sa  Molave St. Brgy. Cembo Makati na isinagawa ng City Operatives ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU ), Miyerkoles ng gabi.

Target ng drug buy bust ang ama ng pamilya na si Gomerciando De Vera Camarador, alyas Omer, 67, ngunit inabutan din ang tatlong anak niya na pawang kakatapos sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Kasamang inaresto ng mga pulis sina Gomerciando Moncada Camarador Jr alyas  Gomer, 30, at Homer Camarador, 38, at kapatid na si Jomar Camarador, 29, tattoo artist, dahil sa paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Sa naturang operasyon ay nakakumpiska ang pinagsanib na mga operatiba ng  SDEU na pinamumunuan ni  PLT Jeson Vigilla,  at SWAT/SRU ni PLT Fernandez, ng 60 piraso ng plastic ng hinihinalang shabu, P300 buy bust money, mga bala at iba pang paraphernalia.

Tinitingnan na rin ng mga pulis ang record ng apat na suspek kung nasasangkot sa gunrunning o panghoholdap dahil sa nakumpiskang mga bala sa kanilang pag-iingat, habang inihahanda na ng Makati City Police ang kasong isasampa laban sa apat na mga suspek na paglabag sa Art.Ii Section 5, 13 ng RA 9165, at paglabag sa RA 10591 o illlegal possession of ammunition sa City Prosecutors’ Office.

Please follow and like us:
Read More

GINANG PATAY SA LIPOSUCTION

(NI KOI HIPOLITO)

NAMATAY ang isang ginang matapos sumalang sa isang liposuction surgery sa Contours Advanced Face and Body Sculpting sa 2nd Floor ng South Park Plaza, Paseo De Magallanes sa Makati, na isinagawa noong Miyerkoles.

Kinilala ni Station and Investigation and Detective Management Section (SIDMS) Chief P/Maj. Gideon T. Ines Jr., ng Makati City Police Station,  ang biktima na si Nory Bobadilla, 43, may limang anak at isang negosyante, residente ng Villa Santa Maria Subdivision, Binalbagan, Negros Occidental, habang nakilala naman ang dalawang doktor na suspek na nagsagawa ng operasyon sa biktima na sina Dra. Claudine S. Roura at ang anesthaesiologist na si Dra. Katrina S. Bulseco.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tumigil ang pintig ng pulso at paghinga ng biktima sa kalagitnaan ng liposuction surgery dito.

Sinubukan naman umanong lapatan ng first aid ng mga doktor ang biktima subalit hindi na ito humihinga kaya’t nagdesisyon ang mga ito na dalhin ang biktima sa Paranaque Doctor’s Hospital at inilagay sa Intensive Care Unit (ICU) kung saan ay naka-comatose condition ito hanggang sa binawian ng buhay noong Sabado, ng July 6.

Dahil sa pagkamatay ng biktima nagsampa ng demanda ang mga kamag-anakan nito kina Dra. Roura at Dra. Bulseco, na mahaharap ngayon sa Reckles Imprudence Resulting in Homecide sa Makati City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

2 ARESTADO SA P700-K DROGA SA MAKATI HOTEL

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos salakayin ang hotel na tinutuluyan ng mga ito at masamsaman ng droga na nagkakahalaga ng mahigit sa P700,000, sa Makati City.

Hindi na nakapalag sina  Warrick Lemuel Tan Ngo at John Ivan Breva nang masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA).

Nakuha sa mga ito ang hinihinalaang shabu na ibinebenta sa mga yuppies at party goers sa mga high-end bars sa Makati at Taguig.

Nahuli na umano si Tan Ngo noong 2014 sa katulad na kaso gayundin si Breva na nakulong noong 2011 at nakalaya taong 2014 at muling nasangkot sa droga.

Sinabi ni PDEA Special Enforcement Service chief Gregorio Pimentel na matagal nang minamanmanan ang dalawa.

Nabatid pa na sa mga brown envelope itinatago ng mga suspect ang droga dahilan para hindi ma-detect ang shabu sa kanilang pagpasok sa hotel.

Please follow and like us:
Read More

PEÑA BROTHERS SA MAKATI, 1 BEBOT TIMBOG SA DROGA

arrested88

(NI DAVE MEDINA)

PINAGDADAMPOT ng mga pulis-Makati City ang tatlong notorious na magkakapatid na lalaki at isang babae sa isinagawang drug buy bust operation Lunes ng alas 5:25 ng hapon sa Gabaldon St., Bgy. Poblacion, Makati City.

Ayon kay Makati City Police Col. Rogelio Simon, dati nang nakulong dahil sa ipinagbabawal na droga  ang Peña brothers na sina Sundy Frilles, 47; at Alfredo, empleyado sa Barangay; at Wilfredo, 50, pero nakalaya at nagbalik-operasyon sa droga.
Kasama ring dinakip ng mga pulis ang babaeng suspek na si Cinderela Hipolito Togere makaraang magpositibo sa pagbebenta ng shabu sa halagang P300 ang apat  sa police poseur buyer.

Umaabot sa 35 sachet ng shabu at paraphernalia ang nakumpiska mula sa grupo.

Ang lahat ng nakumpiskang droga ay tinatayang may street value na P5,000.

Ang mga suspek ay pawang nasa drug watchlist dahil sa kasong kinakaharap na paglabag sa RA 9165.

Panibagong kaso ng paglabag sa Section 5, 13, 14 at 26 ng RA 9165 ang kakaharapin ng apat na suspek sa Makati City Prosecutors’ Office makaraang maisaayos ang kaukulang dokumento laban sa kanila ni PCpl. Tingpee Merdeguia.

Please follow and like us:
Read More

GOWN DESIGNER BINARIL SA HARAP NG ANAK

crime85

(NI ROSE PULGAR)

BINARIL sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang 39-anyos  na ginang sa harap mismo ng kanyang 17-anyos na anak na babae at kapatid na lalaki sa loob ng kanilang bahay Huwebes ng gabi sa Makati City.

Naisugod pa sa Ospital ng Makati ang biktimang si Cristina Polong, 39, gown supplier at designer subalit hindi na umabot nang buhay sanhi ng isang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang salarin na nakasuot ng itim na jacket patungo sa hindi batid na direksiyon makaraang barilin ang biktima.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P/CMSgt. Rico Caramay, ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City Police , dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan biglang pumasok sa loob ng bahay ng biktima sa no. 251-1 Block 133 Lot 3 Jacinto St. Barangay Rizal ang salarin at binaril ng malapitan sa ulo ang ginang sa harap ng anak at kapatid nito.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspect.

Agad naman isinugod ng anak ang biktima subalit dead on arrival (DOA) na ito.

Ayon kay MSgt. Caramat, maraming pautang na hindi masingil ang biktima sa sinusuplayan niyang mga gown kaya’t isa sa sinisilip nilang motibo sa pagpaslang ay ang  malaking halaga na sinisingil na pautang ng nasawi.

Sa pagsisiyasat naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) sa pinangyarihan ng insidente, nakarekober ng isang basyo ng bala ng .9mm na ginamit ng suspect sa pagpaslang sa biktima.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up operation ang kapulisan.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL KRITIKAL SA RUMBLE

crime43

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NASA malubhang kondisyon ang isang jeepney driver pati na ang kapatid nitong VIP security nang pagbabarilin ng isa sa dalawang jeepney dispatcher na nakasuntukan sa Makati City.

Kinilala ang mga biktima na sina Danilo Givero, 66, jeepney driver, ng Sampaguita St., Barangay Pembo Makati City at kapatid nitong si John, 45, at kasalukuyan naninrahan sa 10 Jacaranda St., Forbes Park, Makati City.

Kapwa isinugod ang magkapatid sa Ospital ng Makati matapos magtamo ng tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na nakilalang sina Raymundo Alcala alyas “Popsie” at Raymund Embrador, alyas “Utoy” na pawang nakatira sa no. 179-S 24th Avenue East Rembo na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sa mga biktima.

Batay sa isinumiteng report ni Police Colonel Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, dakong alas-12:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng JP Rizal sa harap ng Macda Compound, Barangay Cembo.

Lumalabas sa imbestigasyon, na sinita ni Alcala si Danilo matapos hindi pumila sa jeepney terminal sa harap ng Macda Compound at sa halip ay kumuha ng pasahero na dapat ay sasakay na sa mga nakapilang jeep.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Alcala at Danilo at sa takot ng huli na makuyog ng mga galit na dispatcher ay tinawagan niya ang nakababatang kapatid na si John na kaagad nakarating sa lugar sakay ng motorsiklo at bitbit ang kanyang sling bag na naglalaman ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Kaagad kinompronta ni John si Alcala kaya’t hinamon siya ng huli ng suntukan na tinanggap naman ng una sabay abot ng kanyang bag na naglalaman ng baril sa nakatatanda niyang kapatid.

Nakisali naman sa suntukan si Embrador na nagresulta sa labo-labo hanggang makuha ng huli ang baril sa bag na hawak ni Danilo at kaagad na pinaputukan ng sunud-sunod ang magkapatid.

Ayon kay Simon dati na umanong may alitan si Danilo at mga dispatcher sa naturang jeepney terminal sa kadahilanan na hindi pumipila ang biktima at sa halip ay inaagaw ang pasahero ng mga nakapila sa terminal.

 

Please follow and like us:
Read More

14-ANYOS ‘CARNAPPER’ ARESTADO

arrested12

(NI MAC CABREROS)
LALONG tumindi ang kahilingan na ibaba ang minimum age of criminal liability ng menor de edad.

Ito’y matapos maaresto ng awtoridad ang 14-anyos na itinago sa pangalang ‘CP’ na nangarnap ng isang motorsiklo sa Pasig City.

Narekober naman ang motorsiklo ni Dariush Maneses, 40, ng 15 M B Tanangco St. Brgy. Buting, nasabing lungsod.

Alas-2:45 ng madaling araw ng Linggo nang maaresto si ‘CP’ sa Brgy. Buting at umaming siya ang nagnakaw sa motor ni Meneses at dinala sa J.P. Rizal, Makati.

 

Please follow and like us:
Read More

2 ARESTADO SA BIGONG HOLDAP SA KTV BAR 

armed robbery12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

ARESTADO ang dalawang lalaki na nagtangkang holdapin ang isang malaking KTV Bar sa isinagawang hot pursuit operation, Lunes ng umaga sa Makati City.

Kinilala ni Makati City police chief Police Colonel Rogelio Simon ang mga nadakip na sina Jhonatan Romero, 42, residente ng 39 Tagaytay St. Caloocan City at Jordan Nabonga, 39, tubong San Roque, Zambales at pansamantalang naninirahan sa loob ng Manila North Cemetery.

Base sa report na isinumite ni Simon sa Southern Police District (SPD), nasakote ang mga suspect sa isang hot pursuit operation matapos mabigo ang mga ito na looban ang Mariko KTV Bar sa 826 Arnaiz Avenue , Barangay San Lorenzo , Makati City, dakong alas-8:30 ng umaga.

Bago maganap ang tangkang panghoholdap ng mga suspect, napag-alaman na nagpanggap ang mga ito na mga kawani ng Maynilad Water Services upang makapasok sa loob ng nasabing KTV Bar.

Nang papasukin ng guwardiya ng naturang establismento na nakilalang si Rolly Vien Charian ang mga suspect ay agad na nagsuot ang mga ito ng itim na maskara at tinutukan ng baril ang guwardiya bago nagdeklara ng holdap. Agad din itong pinosasan.

Lingid sa kaalaman ng mga suspect, nakita ng kasamahang guwardiya ni Charian ang pangyayari na nakatakbo palabas ng nasabing bar kung saan humingi ito ng tulong sa mga barangay tanod at pulis.

Mabilis namang rumesponde ang kapulisan na pinangunahan ni Simon samantalang nakatunog naman ang dalawang suspect at nagawa pang makatakas palabas ng naturang bar ngunit nasundan ang mga ito sa loob ng San Lorenzo Village kung saan nasakote ang mga holdaper.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Simon na may teorya silang malaki ang posibilidad na inside job ang nabigong panghoholdap dahil alam ng mga suspect na tuwing Lunes ng umaga lamang idinedeposito ng kahera ang kanilang buong linggong kita ng KTV bar.

Patuloy pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon ang Makati City police upang malaman kung may kasabwat na empleyado ng bar ang mga suspect na nabigong mabuksan ang vault kung saan nakatago ang perang kinita ng naturang bar.

 

Please follow and like us:
Read More

34 CHINESE DINAKIP SA ONLINE GAMBLING

online gambling12

(NI HARVEY PEREZ)

ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cybercrime division, ang 34 na Chinese na dawit sa operasyon ng illegal online gambling nitong Biyernes sa Makati City.

Sinabi ni NBI Senior Agent Francis Señora na narekober sa isinagawang raid ang mga computer, 37 laptop, cellphone na  ginagamit sa online  betting at online lottery gamit ang mobile apps sa isinagawang raid.

Kinumpirma ni  Señora na ang kanilang operasyon ay isang online  casino operations na walang kaukulang permits.

Gayundin, mahigit na sa isang taon ang operasyon ng illegal online gambling at karamihan ng mga naarestong Chinese national ay pawang may hawak lamang na tourist visa.

Nalaman kay  Señora na ang mga naaresto ay nahahati sa mga sub stations kung saan may nakatalaga sa accounting, betting, marketing ng website at may nagmi-maintain din ng website.

Tikom ang bibig ng mga Chinese national matapos sampahan ng kasong illegal gambling in relation to the cybercrime prevention act.

 

Please follow and like us:
Read More

MAKATI COUNCILOR SUGATAN SA CAR CRASH

yabut12

(NI ROSE PULGAR)

SUGATAN ang isang konsehal ng Makati City makaraang araruhin ng kanyang minamanehong kotseng Mercedez Benz ang isang nakaparadang pick-up , Biyernes ng madaling araw sa Makati City.

Agad na naisugod sa Makati Medical Center si Councilor Nemesio Yabut, Jr. makaraang dumaing ng pananakit ng balikat sanhi ng malakas ng pagbangga sa Nissan Frontier pick up na may plakang ZGY-724 na pag-aari ng ABS-CBN television network na nakaparada sa harap ng headquarters ng Makati City Police  sa Barangay San Antonio.

Lumalabas sa imbestigasyon, mabilis na tinatahak ni Yabut ang kahabaan ng Ayala Avenue sakay ng minamanehong mamahaling sasakyan na may plakang VFP-939 patungo sa Yakal St. mula sa Kamagong St, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang mawalan ng kontrol at bumangga sa nakaparadang sasakyan.

Base sa pahayag ni Makati City Police Public Information Office (PIO) head Maj. Gideon Ines, galing umano sa isang pagtitipon si Yabut at umano’y nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.

Matatandaan na tumakbo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng lungsod ng Makati si Yabut subalit nabigo makaraang talunin ni Congressman Luis Campos na asawa ni Makati Mayor Abby Binay.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at paglabag sa Republic Act10586 o ang Anti Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Patuloy naman nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Makati City Traffic Bureau ang naganap na insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

MAKATI POLICE: BANGKAY SA PLASTIK ‘BIGTIME’ TULAK NG DROGA

salvage12

(TEKSTO/PHOTO BY KOI HIPOLITO)

KINILALA na ang bangkay na hinihinalang biktima ng ‘salvage’ o summary execution na natagpuan sa Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo corner Edsa Highway sa lungsod ng Makati noong Miyerkoles ng umaga matapos itong personal na kilalanin ng kanyang lola sa mga imbestigador ng Makati City Police Station Police Community Precint (PCP-8).

Ang bangkay ay nakilalang si Norman Manite, 28, residente ng 1764 Escuela St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng Makati City na sinasabing Number 1 high value target ng lungsod ng Makati at Pasig na sangkot umano sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon sa ipinadalang report ni Makati City Police Chief Public Information and Intelligece Section P/Major. Gideon T. Ines kay Chief of Police P/Col. Rogelio Simon, dumating sa nasabing presinto ang isang Norma Brub at ipinagtapat nito na ang natagpuang bangkay na nakabalot sa plastik at nakatali ang mga kamay at paa at  nakabalot din ng tshirt na may alambre ang mukha at leeg, ay  ang kanyang apo na si Manite dahil sa mga tattoo nito sa kaliwang balikat na “ACE” at sa kanan naman ay meron pangalan na “DENNIS”.

Nakuhanan din ng anim na piraso ng plastic sachet ng mga hinihinalang shabu ang suot na short pants ng biktima.

Pansamantalang naka safekeeping ngayon ang bangkay sa Rizal Funeral Parlor para sa isinasagawang autopsy examination ng mga otoridad at patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

BANGKAY NG LALAKING BALOT NG PLASTIK ITINAPON SA MAKATI

plastic man12

NAGULANTANG ang mga residente sa isang barangay sa Makati City, Miyerkoles ng umaga, nang tumambad sa kalsada ang bangkay ng lalaking nakabalot ng plastik.

Ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ay nakita sa Kalayaan Avenue, West Rembo, bandang alas-6:40 ng umaga

Kapwa nakatali ng packaging tape ang kamay patalikod sa katawan ng biktima at nakatali rin ng tape ang paa bago ibinalot ng plastic ang buong katawan nito.

Sinabi ni Police Sergeant Lamberto Pantaleon, na posibleng itinapon lang sa lugar ang bangkay upang lituhin ang mga pulis.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima kasabay ng pagkuha ng CCTV footage sa lugar.

Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group ng Makati Police ang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

2 TAXI DRIVER NA NAMBIBIKTIMA NG CHINESE TIMBOG

ARRESTED-12

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang isang taxi driver at kasabwat nito  na sinasabing kasama sa grupo na nambibiktima ng mga Chinese national.

Ang pagkakadakip sa suspek ay dahil sa maagap na mga barangay officials at resulta ng manhunt operation na isinagawa ng mga operatiba ng Ayala Police Community Precinct 5, Makati CPS, SPD  bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Martes sa Baliuag Transit, Edsa, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang nahuling mga suspek na taxi driver na sina  Fredelino Almirante Amido, 43, nakatira sa 84-A Kapayapaan St., Bagong Barrio, Caloocan City at Ricardo Renio Villarin , 47, residente ng Area 4, Sitio Libo, Brgy. San Antonio,

Base sa  report na isinumite  ni PCAPT Anthony  Bagsik, hepe ng  PCP-5, Makati CPS kay  PCoL Rogelio P. Simon,  Chief of Police ng Makati CPS, sinabi na sumakay ang biktimang  sina Xianhui Zhu at Nam Yan, kapwa Chinese national at residente ng Jazz Residences sa Bel-Air, Makati sa taxi na may  plate number AQA 5556 na minamaneho ni Fredelino sa Urban Avenue, Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Nagpahatid umano ang dalawang Chinese national sa Jazz Mall, Makati City pero dinala sila ng suspek sa Pinagkaisahan, Makati City kung saan sumakay naman ang ikalawang suspek sa tabi ng driver.

Nang marating umano nila ang EDSA Magallanes Southbound, Barangay San Lorenzo, nagdeklara ng holdap ang suspek na si Ricardo Villarin at tinutukan sila ng baril bago kinulimbat ang kanilang  P7, 000 at mobile phone.

Agad umanong bumaba tangay lahat ng pera at mobile phone ang suspek na si Villarin habang nagtuloy sa pagmamaneho ng taxi si Fredelino hanggang makarating ng  Arnaiz Avenue, Makati City.

Dito na nakakita ng pagkakataon ang mga biktima na magsumbong sa barangay officials kaya agad na naaresto ang taxi driver.

Agad na nagsagawa ng  follow-up operations ang pulisya sa Cubao,  Quezon City malapit sa  Baliwag Transit na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Villarin, pagkakabawi sa mobile phone ng biktima at pagkakakumpiska  sa Toyota Lovelife na get away vehicle at isang kalibre .38 baril na kanyang ginamit sa panghoholdap.

Kasalukuyan ngayong nakakulong ang mga suspek na kinasuhan sa Makati City Prosecutors Office sa kasong Robbery, Illegal Possession of Firearm at Violation of Omnibus Election Code.

 

Please follow and like us:
Read More

2 MENOR DE EDAD NA ESTUDYANTE HULI SA NINAKAW NA MOTORSIKLO

arrested123

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO sa follow-up at manhunt operation ng mga otoridad ng Makati City Police Station ang dalawang menor de edad na tumangay at nagnakaw ng isang motorsiklo sa tapat isang autopart shop  sa Evangelista St., Brgy. Bangkal, Makati City, nitong Lunes.

Nakilala lamang ang mga batang suspek na sina alyas “John”, 15,  at isang alyas “Ken”, 14, na parehong mga estudyante at residente ng Conchita St., Pasay City habang ang biktima ay kinilalang si Josephine Tobias.

Base sa report na ipinadala ni Makati Chief of Police P/Col. Rogelio Simon kay SPD District Dir. P/BGen. Eliseo DC. Cruz, inaresto ang dalawang menor de edad na suspek matapos positibong mamukhaan ng mga barangay officials sa lugar. Nagpostibo rin ang operasyon dahil huli sa CCTV ang pagnanakaw sa motorsiklo ng biktima noong April 30.

Nabawi ang ninakaw na motorsiklo habang dinala na sa Makati Youth Center ang dalawang batang suspek na itinuturing ngayon na mga Children in Conflict with the Law o (CICL).

 

Please follow and like us:
Read More

7-ANYOS NAKALAGOK, TIGOK SA SILVER CLEANER

crime

(NI DAVE MEDINA)

PATAY ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos umano nitong aksidenteng mainom ang silver cleaning solution na nakalagay sa plastic na bote ng softdrinks, Huwebes ng umaga sa Makati City.

Kinilala ang nasawi sa pagkakalason na si Rain Mendoza, ng Block 317, Lot 10, Mockingbird St., Brgy. Rizal ng nabanggit na lungsod. Si Mendoza ay namatay habang ginagamot sa Ospital ng Makati.

Sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Police Colonel Rogelio Simon, base sa pahayag ng ina ng bata na si Jenifer Mendoza, 37, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng umaga sa loob ng kanilang comfort room.

Ayon kay Jenifer napansin ng kanyang 5-anyos na anak na lalaki na nangingisay ang kanyang kuya kaya’t kaagad silang humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay.

Dagdag pa ng ina ng biktima na napansin  niyang bukas ang plastic na bote ng softdrinks na naglalaman ng silver solution.

Sinabi pa ni Jenifer na napagkamalan ng kanyang anak na softdrinks ang nakalagay sa bote kung kaya’t nilagok nito.

Please follow and like us:
Read More

JEEP RUMAMPA SA CENTER ISLAND, 5 SUGATAN

accident121

(NI KOI HIPOLITO)

HINDI na nagawang makaiwas pa sa disgrasya ang isang tsuper ng jeepney matapos mawalan ito ng kontrol sa manibela at rumampa sa center island at nakabangga pa ng dalawang sasakyan at nasaktan din ang mga sakay nitong lima katao, Lunes ng gabi sa North Bound Cloverleaf cor P. Victor Guadalupe Nuevo sa Makati.

Nakilala ang mga nasaktan na sina Lorna Academia, 48, John Michael Rondina, 16,  Luisito Vicera, 60, Jasmin Vicera, 18, at isang Elona Vicera, mga pawang pasahero ng jeep habang ang driver naman ay kinilalang si Leopoldo Castillo, 60.

Ayon sa report, binabagtas ng jeepney na may plaka na DMF 418 galing ng P. Victor St., ang pababang daan patungo ng North Bound ng Cloverleaf nang mawalan ng kontrol sa manibela si Castilo. Hindi rin umano  gumana ang preno nito dahilan para unang mahagip ang sasakyan na Nissan Terra na may plaka na F1G127 na minamaneho ng driver na si Engineer Dominador Balangue, 46, at ang isa pang Toyota Vios na YU 8865 na minamaneho naman ng isang Jaywen Patio, 37. Pawang patungo sa direksyon ng J. P.Rizal at Edsa Avenue ang mga ito. Agad na dinala sa pagamutan sa Makati ang mga nasaktan na pasahero ng jeep.

Mahaharap ngayon sa mga kaso ng Reckless Imprudence Resulting to Multiple Injury and Damage to Property sa Makati City Prosecutors Office ang nakakulong na driver.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PATAY SA MOTORCADE NG POLITIKO SA MAKATI

makati map12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

PATAY ang isang nangangalakal ng basura makaraang mahagip ito ng van na kasama sa motorcade ni congressional candidate Romulo ‘Kid’ Pena,  Linggo ng umaga sa Makati City.

Hindi na umabot pa nang buhay sa Pasig Alfonso Hospital sanhi ng tinamong mantinding pinsala sa katawan ang biktimang si Eduardo Arcilla, 25, residente ng 2096 Caridad St., Brgy. Tejeros, Makati City.

Agad namang saumuko sa Makati City police ang driver ng nakasagasang van na si Anthony Rebano Ocfemia, 36, tubong Mahabang Parang,  Santa Maria, Bulacan.

Ini-inquest na ito nitong Lunes sa Makati City prosecutor’s office para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Base sa report ng hepe ng Makati City Traffic Bureau na si Inspector Gema Reyes, nangyari ang insidente dakong alas-10:16 ng umaga sa kahabaan ng H. Santos St., Brgy. Tejeros, Makati City.

Napag-alaman na ang Isuzu Elf na may plakang  CAE-1944 na minamaneho ni Ocfemia ay inarkila para maisakay ang mga supporters ni dating Makati mayor Romulo “Kid” Peña na kasalukuyang tumatakbo bilang kongresista sa unang distrito ng lungsod, upang sumama sa motorcade nito.

Nabatid na habang nangongolekta ng basura si Arcilla ay inilagay nito ang kanyang mga kalakal sa Isuzu Dump Truck 2017 (MV File No. 1380-1018368) na minamaneho naman ng isang Jeffrey Arevalo, 33, kung saan nahagip at naipit  ito ng  Isuzu Elf na minamaneho naman ni Ocfemia.

Sa ingay na dulot ng naturang motorcade ni Peña ay hindi namalayan ni Ocfemia na nakadisgrasya siya.

Sa kabilang nito, ikinalungkot naman ni Peña ang pangyayari at nangako itong handa silang magbigay ng tulong sa naiwang pamilya ni Arcilla.

Please follow and like us:
Read More

‘NAPOLCOM AGENT’, 8 IBA PA NASAKOTE SA SHABU

ARRESTED

(NI DAVE MEDINA)

NASAKOTE ang isang nagpakilalang National Police Commission (NAPOLCOM) confidential agent at walong iba pang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Makati City Police sa Alagao St. Brgy. Comembo ng naturang lungsod.

Ayon kay Makati City Police chief Lt. Col. Roger Simon, ang talagang target ng mga operatiba say isang Pascual Flores na positibong nabilhan ng police poseur-buyer ng P300 halaga ng shabu sa mismong bahay nito.

Sa pagsasagawa ng buy-bust operation ay naaktuhang gumagamit ng shabu ang walong iba pa kabilang na ang anak at apo ni Flores at isang Evangeline Grimpula na nagpakilalang confidential agent ng Napolcom ngunit wala itong naipakitang dokumento na magpapatibay sa kanyang alegasyon.

Nakuha mula sa buy bust operasyon ang 53 sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money, at iba’t ibang drug paraphernalia.

Kinakaharap ngayon ng mga suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Makati City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

STARSTRUCK WINNER HULI SA HIT-AND-RUN NG 2 MMDA PERSONNEL

ERROL12

(NI KOI HIPOLITO)

MAHAHARAP ngayon sa mga kasong Reckless Imprudence resulting in Physical Injuries and Damage to Properties and Disobediece to a Person in Authority ang isang dating Starstruck “Ultimate Male Survivor” matapos nitong aksidenteng mabundol ang dalawang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) habang nasa impluwensya ng alak Martes ng hapon sa kahabaan ng JP Rizal Street corner Pertirra St., Brgy. Poblacion sa Makati.

Nakilala suspek na si Douglas Errol Dreyfus Adecer na meron screen name na Migo Adecer, residente sa No.29 Jazz Residences, Jupiter St. ng Makati.

Habang ang mga biktima naman ay nakilalang sina Rogelio Castillano at Michelle Papin, parehong mga empleyado ng MMDA na naka duty sa lugar ng insidente.

Batay sa ulat ng Makati City Police Station Police Community Precint (PCP1) kasalukuyan umanong minamaneho ni Adecer ang sasakyan na Subaru BR2 na hindi naplakahan na kulay puti nang mahagip nito ang dalawang biktima subalit imbes na huminto ay tinakasan nito ang nagawang krimen. Agad naman nagresponde ang mga nakakita at isinakay sa ambulansya ang dalawang biktima na kasalukuyang nagpapagaling na sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Nadakip naman ang suspek matapos na makorner ng mga rumespondeng otoridad sa N. Garcia St. at muli umanong nagtangkang tumakas ang suspek ng hinihingi na ang lisensya nito at nakabangga pa ng isang mobile patrol car at doon na nabisto na lasing ang driver na suspek.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa opisina ng Traffic Investigation Unit ng Makati City Police Station ang suspek para sa isinasagawang imbestigasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

AIDE NI JUNJUN NAMATAY NA; P1-M REWARD VS KILLERS INILABAS

makati city mpa 12

NAMATAY din makalipas ang isang araw ang executive secretary ni dating Makati City mayor Junjun Binay matapos itong barilin ng hindi pa kilalang gunman sa harap ng bahay sa Barangay Olympia, Makati City, Huwebes ng gabi.

Si Monaliza ‘Monette’ Bernardo, 44, ay namatay sa tama ng isang bala sa kamay na lumagos sa tyan, Biyernes ng gabi.

Kagagaling lamang sa meeting ni Bernardo at nasa harap na ng kanyang bahay nang lapitan ng gunman na sakay ng motorsiklo.

“Kagabi pumanaw ang ating kaibigan, si Monette Bernardo. “No words can describe this tragic loss. Monette was a kind, generous, and compassionate soul whose friendship I treasured and valued deeply,” sabi ni Binay sa kanyang FB account.

Nag-alok naman si dating vice president Jejomar Binay ng P1 milyong reward para sa killer ni Bernardo.

“Umaasa ako na mananaig ang katotohanan at katarungan, at makilala ang nasa likod ng karumaldumal na gawaing ito. Handa akong magbigay ng pabuya na P1 milyon para sa anumang impormasyon na magtuturo sa mga nasa likod ng krimen,” sabi ng dating bise presidente.

Please follow and like us:
Read More