MAJA, DYOWA TODO SUPORTA SA PELIKULA NI JANELLA

(NI GORGY RULA)

SUPORTADO ng mga kaibigan ng main cast ng The Heiress ang kanilang premiere night na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall nung nakaraang Martes, November 26.

Dumating ang magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nunez, Arjo Atayde, Alexa Ilacad, at Pamu Pamorada ng PBB.

Sabi ni Janella Salvador, hindi pa raw niya naimbita si Maja nagprisinta na itong  dadalo siya sa premiere night para sumuporta sa pelikula niya.

“Sobrang thankful ako sa lahat na nagpunta.

“Especially yung cast ng Killer Bride, nagpunta sila.

“Si Ate Maja, siya mismo nasabing ‘support natin yung movie ni Emma (character niya sa Killer Bride),” pahayag ng Kapamilya young actress.

Namataan din naming  nanood si Markus Patenson na nali-link kay Janella, pero kaagad na iniwas siya ng taga-Star Magic sa movie press na gusto sanang mag-interview sa kanya.

Pinaalis siya pagkatapos ng pelikula.

“Of course!” bulalas naman ni Janella nang binanggit naming nandun si Markus.

Sinundan ko siya ng tanong kung sa anong level na ba ang relasyon nilang dalawa, pero napakibit-balikat lang siyang nakangiting pagkatamis-tamis.

“Pag ready na kami sasabihin namin sa inyo,” makahulugan niyang sagot sa amin.

Si Arjo naman ay suporta siyempre Maricel Soriano, ang Nanay Sabel ni Elai ng General’s Daughter.

Doon na rin ay tinanong namin ang Kapamilya actor kung napaplano na ba ang dinner nila uli kasama na ang pamilya ni Maine Mendoza.

“Opo,” medyo naaalangan niyang sagot.

“Sa amin na lang po muna yun and I’m happy na may time kami with our family. Pero sa amin na lang po muna yun,” sabi pa niya.

Nakasabay din nila roon ang premiere night ng Unbreakable at nagtilian din ang mga fans na nakatambay sa The Heiress nang dumaan doon sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion at Bea Alonzo.

Napansin lang namin, karamihang taga-media ay nanood ng The Heiress at natapos dahil maayos naman ang pelikula.

Bagay nga itong pang-MMFF na obvious namang ginawa ito ni direk Frasco Mortiz para sa taunang filmfest.

Kaya na-curious tuloy ako kung gaano kaya kaganda ang nag-iisang horror sa MMFF na Sunod, para ito ang piliin over The Heiress.

Showing na ngayon ang The Heiress, na tiyak na tiyak na ikatutuwa ito ng mga fans ni Maricel na magaling pa rin at bagay sa kanya ang role bilang tiyahin ni Janella na mambabarang.

Pagkatapos nga ng screening, mahigpit na nagyakap sina Maricel at Roselle Monteverde na tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pelikula.

Medyo emotional si Maricel dahil sa magagandang feedback sa performance

Sa 2019 MMFF Parade…VIC SOTTO UNA, VICE GANDA HULI

Nagkabunutan na pala ang mga representatives ng walong pelikulang

kalahok ng sequence ng parada, kung aling pelikula ang unang paparada at alin ang huli.

Ang maganda, ang pelikula ni Vic Sotto ang mauna at tatapusin naman ng pelikula ni Vice Ganda. Kaya ang saya nito dahil talagang mag-aabang ang mga fans hanggang sa matapos ang buong parada.

Mauuna nga ang Mission Unstapabol nina Bossing Vic at Maine Mendoza, susunod ang Culion ni Iza Calzado, pangatlo ang Write About Love nina Rocco Nacino at Miles Ocampo, pang-apat ang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon, susunod ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach,  tapos ang Sunod nina Carmina Villaroel at Mylene Dizon, na susundan ng Mindanao nina Judyann Santos at Allen Dizon at panghuli ang M&M: The Mall, the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis na tiyak na malaki na ang tiyan niyan.

Ang dinig namin, kakaririn ng taga-Mindanao ang kanilang float na Muslim inspired at marami silang puwedeng gawin para maging colorful ito.

Pero alam naman natin kung aling float ang talagang pagkakaguluhan.

Iikot sa buong Taguig ang parada dahil ito ang host city.

Tiniyak naman nilang maayos ito at never na mangyari ang kapalpakan nung nakaraang taon.

Samantala, may narinig naman kaming tsika na meron daw isang entry na nakakatulog daw ang mga naka-screen nito.

Ano kaya ito?

 

Please follow and like us:
Read More

EX-BFFs NA EX-GFs NI GERALD ALIW SA BONDING SA NJ

(NI ROSE GARCIA)

NAALIS kami sa parehong Instagram post ng dating mag-best friend at dating ex-girlfriends ni Gerald Anderson na sina Kim Chu at Maja Salvador.

Kung matatandaan, may panahong nagkatampuhan at hindi rin nag-usap ang dalawa. Ito yung naging girlfriend naman ni Gerald si Maja.

Pero naibalik ng dalawa ang friendship nila as time passes by. Pareho na rin silang happy sa kanya-kanyang lovelife nila. Si Kim kay Xian Lim at si Maja naman kay Rambo Nunez.

Nasa New Jersey sina Kim at Maja for a Kapamilya show.

Sa IG post ni Kim, sinabi nitong, “endless reminiscing with this one, remembering our kalokohan before… laugh here and there, stories this and that. From wedge, heels to white sneakers now!!! hahaha some things never change!! Still the same us!!! Fun times in times square at 1am.

Pati si Kris Aquino ay napa-comment sa happy pictures ng dalawa at sey nito, “May I join?,” sa bonding o future bonding pa nila. At sabi pa rin niya, “So happy to see the happiness.”

Pareho din malapit ang dalawang Kapamilya stars kay Kris.

Siyempre dahil sa napakasayang pictures nina Kim at Maja, hindi maiiwasang maisip naman ang patuloy na isyu sa pagitan nina Bea Alonzo at Julia Barretto ngayon.

All of them, may pagkakatulad, lahat sila naging o Gerald Anderson’s girls.

Both Kapamilya rin, but Gerald’s ex and present now na nag-unfollow na sa isa’t-isa sa Instagram.

Tulad nina Kim at Maja, darating kaya ang panahon na magiging okay rin sila at babalik muli sa “Ate” ang tawag ni Julia kay Bea? Huh!

 

 

 

Please follow and like us:
Read More