MAJA SIMPLE, INTIMATE WEDDING ANG GUSTO

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

UMAASA si Maja Salvador na ang kasintahang si Rambo Nuñez na ang kanyang mapapangasawa at makakasama sa habambuhay. “I’m praying, sana, yes, I want. Kaya pinagdadasal ko. Yes, I hope. So Rambo, behave,” nakangiting bungad ni Maja.

Para sa aktres ay nakita niya kay Rambo ang lahat ng mga katangiang kanyang hinahanap sa isang lalaki. “When I’m with him, nando’n ‘yung nare-relax ako. After ng work, nando’n ‘yung mabe-burn out ka eh. So I’m very lucky na talagang minsan nag-iisip siya anong trips pwedeng puntahan to relax. Siya ‘yung nagpa-plan ng lahat. With Rambo, may other world. Nilalagay niya ako sa ibang world na nagagawa ko nang magaan lahat,” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.

Ayon kay Maja ay malaki ang kinalaman ni Rambo kung bakit hindi nagtagal ang mga dating relasyon ng aktres. “Kasi nine years ago naging kami but I’m too young. So kailangan kong mag-work muna. Nine years ago nando’n ‘yung gusto mo sa isang relationship, sa isang guy. Baka kaya hindi nagwu-work ‘yung mga past ko? Kasi may mga hinahanap ako na hindi ko ma-pinpoint kung ano. No’ng bumalik siya, no’ng tinanggal ko ‘yung rule na walang balikan ng ex (boyfriend), sabi ko, ‘Parang baka ito ‘yung gusto ko talagang relationship.’ Basta kung ano ‘yung meron kami,” paliwanag ng aktres.

Sa ngayon ay nagpag-uusapan na rin ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. Naiisip na raw ni Maja kung anong klase ang magaganap nilang pag-iisang dibdib ng binata. “Oo napag-uusapan but too early pa nga lang to say. Kasi ilang months pa lang kami. Gusto ko simple lang, hindi ‘yung artista way, very intimate lang,” pagtatapat niya. -Reports from JCC-    

 

Please follow and like us:
Read More

MAJA MALAPIT NANG MAPANOOD SA SERYE

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MALAPIT nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng ‘The Killer Bride.’ Pinagbibidahan ito nina Maja Salvador, Joshua Garcia at Janella Salvador. Malaki ang pasasalamat ni Maja sa pamunuan ng ABS-CBN dahil muli siyang pinagkatiwalaan na makapagbida sa isang serye. Tumatak sa mga manonood ang karakter ng aktres bilang si Lily Cruz sa ‘Wildflower’ na nagtapos noong isang taon.

“After ng magandang project na Wildflower na ibinigay sa akin, ito naman ngayong The Killer Bride. Sobrang challenging ng role. Parehas na about revenge, pero ito iba ang timpla. Nandoon ‘yung challenge sa akin kung paanong atake ‘yung ibibigay ko. Kasi ibang pain at ibang galit ang meron ‘yung charcter ko rito. So very excited ako,” nakangiting pahayag ni Maja.

Masayang-masaya ang aktres dahil ngayon lamang din nakatrabaho ang bagong tambalan nina Janella at Joshua. “Siyempre kay Joshua, napakagaling na aktor din. Then kay Janella na parehas kaming Salvador. Very excited ako kay Janella dahil parang ito ‘yung time niya naman na mag-shine kasi maganda ‘yung role. Maganda ‘yung tatakbuhin ng kwento niya,” giit ng dalaga.

Itinuturing din ni Maja na reunion project nila ni Geoff Eigenmann ang bagong serye. Huling nagbida ang dalawa kasama sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao sa pelikulang Villa Estrella noong 2009. Magkasama rin dapat sina Maja at Geoff noon sa teleseryeng Moon River na hindi naman natuloy. “Yes, mayroon kaming teleserye dati na hindi natuloy. Tapos nag-Maalaala Mo Kaya kami before pero ito ‘yung perfect time para sa pagpapareha naming dalawa,” paglalahad ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nakapagbakasyon sa Europe si Maja kasama ang kasintahang si Rambo Nuñez at ang pamilya ng binata. Ayon sa aktres ay matagal nang nai-book ang nasabing bakasyon. “Sobrang na-enjoy ko. Kasi this time naman kasama ‘yung family ni Rambo. Pero kahit na hindi kami (magkasintahan) ni Rambo, part pa rin ako ng trip na ‘yon. Because si Tita Marilen (ina ni Rambo), si mom, in-invite na niya ako before pa, na sana makasama ako sa Europe trip nila. So na-book na ‘yon nang hindi pa kami ni Rambo. Mas fun lang, nag-enjoy lang kaming lahat kasi siyempre kami na ni Rambo,” kwento ni Maja. -Reports from JCC-  

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAJA NAMAKYAW SA VOID EXHIBIT NI JOHN LLOYD

johnlloydcruz

suri(NI The First Noel Ferrer)

KAHIT na pinakyaw ni Maja Salvador ang tatlong big pieces sa VOID na exhibit ni John Lloyd Cruz, at least nakakuha pa rin ako ng dalawa.
Ang print ng Walls 1 at ang Resting Illusions of Freedom ang napunta sa akin – na in fairness at reasonably priced – at ubusan – na hanggang 3 copies lang per print ang binebenta.

In fairness, reasonably prized ang mga photos at installations ni Lloydie sa Galllery 2 ng West Gallery sa #48 West Avenue.

Base sa mga napagtanungan ko, among the people sa entertainment industry na nakapunta na since the Opening Night noong February 28 at ang ABS CBN  president na si Carlo Katigbak, Linggit Tan, Johnny Manahan,  Thou Reyed, Erwin Romulo at Jerome Gomez.

Kaya sa mga naghahanap kung nasaan na ba ang premyadong aktor na si John Lloyd Cruz – heto at nahanap namin siya sa kanyang exhibit na VOID sa West Gallery sa West Avenue.

Sakop ng mga photos at installations ni Lloydie ang Gallery 2 samantalang sa Gallery 1 naroon ang Behind Closed Doors ni Kaloy Sanchez, Gallery 3 ang Original Situation ni Kawayan de Guia at Gallery 4 ang 002SNTP-HLMOFU ni Tatong Torres.

Kabilang sa exhibit ni Lloydie ng 30 art pieces ang kanyang mga photo prints at ang iba’y naka-duratrans (lightbox) habang ang isa’y archival pigment ink Hahnamuhla Paper.

Nagbukas ang exhibit noong February 28 at mananatili ito hanggang March 30. (West Gallery hours are from 9am-6pm.)

Nang tanungin si Lloydie sa Opening ng : Is he more comfortable with his new side hustle in the art world after several exhibitions? Ang sagot ni Lloydie with his soft eyes flashed, “I’m not comfortable anywhere.”

‘Yan ang gusto namin sa kanya : honest, derecho at nagpapakatotoo lang!

Please follow and like us:
Read More

SECOND CHANCE NI MAJA SA BF; MAGAANG ANG DATING

maja22

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NOONG isang linggo ay naging kontrobersyal ang post ni Maja Salvador sa kanyang Instagram account. Makikita ang mga larawan ng aktres na kasama ang isang lalaki na na nagngangalang Rambo Nuñez. “Huwag na tayo sa into details. Ibigay n’yo na lang sa akin ‘yon, at least nag-share ako. It’s my first time na 1,000%, na walang pagdadalawang-isip if I’ll share or not,” makahulugang pahayag ni Maja.

Ayon sa aktres ay naging magkasintahan sila ng binata mag-iisang dekada na ang nakalilipas pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon. “’Yung dati naman kasi namin, ano ‘yun eh, career or love life, may gano’n. Siyempre bata kami di ba? So parang hindi nabigyan ng todong chance before. So eto na siguro ang chance,” pagtatapat ng dalaga.

Kahit nagkahiwalay noon ang dating magkasintahan ay patuloy pa rin ang komunikasyon sa pagitan ni Maja at ng ina ni Rambo. “Sobrang swerte ko lang din na ang bait ng family niya, na wine-welcome nila ako na parang pamilya. Actually parang anak ang turing sa akin eh. ‘Yon ‘yung masarap sa pakiramdam,” pagbabahagi ng aktres.

Matatandaang si Gerald Anderson ang huling naging kasintahan ng dalaga. Nabanggit din noon ni Maja sa isang pahayag na hindi siya makikipagbalikan sa mga dating nakarelasyon. “Minsan you break your own rules, and I think it’s worth it. Sabi ko nga, ang gaan, sobrang kabaligtaran ng dati,” giit ni Maja. -Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More