‘DELULU’ ALDUB FANS, ‘CREEPY’

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

PARANG gusto na rin naming isipin na may punto ang ilan sa mga netizens na ‘creepy’ na ang ilang so-called ‘AlDub’ fans pa rin daw. Agree naman kami na ‘delulu’ ang mga ito. As in, delusional pero nakaka-creepy na nga, yung tipong pang-entry na ngayong Halloween.

Ishinare na ng tatay ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang itinag sa kanya ng isang delulu fan. Isang salita lang ang caption nito that explains everything. Sey ng tatay ni Alden, ‘Fiction’.

Imagine, gumawa ng kuwento ang fan na sa last shooting daw ng movie ni Maine Mendoza ngayon with Carlo Aquino, ang “Isa Pa, With Feelings” e, surpresang sinundo raw ni Alden si Maine at tuwang-tuwa raw si Maine nang makita si Alden.

Nakakatawa na nakaka-amused na talaga ang mga delulu fans. Given at hindi naman maiaalis na marami pa rin talaga ang mga tagahanga ng loveteam nina Maine at Alden at normal yun. Normal din na umasang magsama silang muli at hindi rin naman imposible pagdating siguro ng tamang panahon.

Pero, ang abnormal yung kung ano-anong imbentong kuwento ang ginagawa ng mga ito. Nabubuhay na sila sa isang ilusyon, huh.

Anyway, parehong okay ngayon both personal and professional life nila sina Alden at Maine. Si Alden busy sa kanyang primetime series na The Gift sa GMA-7 na ang daming positive feedback na natatanggap. Habang si Maine naman, sa movie nga nila ni Carlo Aquino under Black Sheep and APT Films.

Kesa magpaka-delulu, try rin kaya ng mga ito na suportahan ang dalawa sa mga solo projects nila, ‘no.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE, CARLO MAY LOVE SCENE SA PELIKULA?

(NI GORGY RULA)

KAMAKALAWA natapos ng shooting ang Isa Pa With Feelings nina

Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Ipinost ni Maine sa kanyang Twitter account na “AAAAND IT’S A WRAP!!!! #IsaPaWithFeelings #SEPANX”

Nakikita naman kasi sa kanilang magandang samahan nilang dalawa na nabuo sa shooting na iyun.

Puring-puri pa ni Maine ang magandang pagtrato sa kanya ng mga taga-ABS-CBN 2 kaya nakararamdam na nga naman siya ng separation anxiety o sepanx.

Curious lang ako kung nakunan na ba ang kissing scene nilang dalawa, kasi nung nasa mediacon sila, natawa lang sila sa tanong namin kung meron ba silang intimate scenes. Hanggang saan umabot ang mga kilig-kiligan at ilang intimate scenes nila?

“Parang holding hands lang po. Parang doon lang umabot.

“Beso lang yung naalala ko,” pakli ni Maine.

“May mga papalu-palo. Ganun lang,” sabi naman ni Carlo.

Pero base sa teaser ng pelikula, nakakakilig na lalo na yung parang ballroom dancing nila na sabi ni Maine, two months daw bago sila mag-start ng shooting, inaral na raw nila ang ballroom dancing na iyun, kahit kakapiranggot lang ang eksenang iyun.

Sa October 16 na ang showing ng Isa Pa With Feelings, at ramdam na naming malakas ito. Inaabangan na ng mga fans lalo na ang mga loyal fans ni Maine na alam namin sumuporta rin sa Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

BUBOY KASAMA SINA IPE, MOYMOY AT MOCHA  SA JUNKET NI PDUTZ SA RUSSIA KAYA ABSENT SA DEBUT NI ANGELINA

Hindi naman deretsahang sinagot ni Sunshine Cruz ang tanong ng ilang netizens kung imbitado ba si Cesar Montano sa debut ng panganay na anak nilang si Angelina.

Ipinost kasi ni Sunshine sa kanyang Instagram account ang celebration nila na ginanap sa Blackbird Neilson Tower sa Makati nung nakaraang Sabado.

May ilang followers siyang nagtanong kung inimbitahan ba si Cesar. SInagot ito ni Sunshine ng link sa article na sinabi ni Angelina na inimbita niya ang kanyang ama.

Simpleng selebrasyon lang naman daw iyun na kung saan dinaluhan ang dinner na iyun ng ilang anak ng mga celebrities na sina Carmina Villaroel, Ruffa Gutierrez, Marjorie Barretto at iba pa.

Nalaman naming sumama naman pala si Cesar sa biyahe ni Pres. Rodrigo Duterte sa Russia.

Ilan pa sa mga celebrities na sumama roon sa Russia ay sina Phillip Salvador, Moymoy Macasero ng Moymoy Palaboy, at ang bagong OWWA Deputy Adminstrator na si Mocha Uson.

Magbibigay daw sila roon ng entertainment sa mga kababayan natin doon sa Moscow, bilang suporta pa rin sa lahat na mga lakad n gating pangulo.

Nilinaw nga ng Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na hindi raw sinagot ng Malacanang ang biyahe roon ng mga artista.

Mag-entertain daw sila roon ng libre kagaya ng iba pang nakaraang biyahe.

Balik tayo sa mga anak ni Cesar, sinasabi naman noon sa amin ng aktor na okay daw ang komunikasyon niya sa kanyang mga anak.

Wala naman daw siyang problema sa mga anak niya.

Kaya baka nabati naman niya si Angelina nung debut nito.

PROUD SI JASMINE SA PAGIGING DOT REGIONAL DIRECTOR NG DYOWA 

Proud na proud si Jasmine Curtis Smith sa boyfriend niyang si Jeff Ortega

Si Jasmine ang sumama sa boyfriend nang mag-oath taking ito dahil nasa  La Union naman daw ang pamilya ni Jeff.

Bale siya na nga raw ang pamilya rito sa Maynila.

“Lahat ng family niya sa La Union and they all have their own careers in politics, in other industries, so, hindi makapunta yung iba and his Dad is very weak. His mom is ano also, has agenda in the province. So, ako yung family niya here,” pakli ni Jasmine nang nakatsikahan namin sa pocket presscon ng bago niyang pelikulang Cara X Jagger.

Bilang nasa pamilya ng pulitika si Jeff, posible talagang papasukin nito ang pulitika, at nandun naman daw ang suporta ni Jasmine gaya nang pagsuporta ni Jeff sa kanyang showbiz career.

“Siyempre, the same way na na learn niya how to accept my industry, I also have to learn and adopt his industry, para it’s a mutual respect na rin for each other’s professional careers,” saad ni Jasmine.

Sa November na ang showing ng Cara X Jagger ni Jasmine na kung saan kasama niya rito si Ruru Madrid.

Naging close daw sila ni Ruru sa pelikulang ito at nagsi-share sila ng kuwento ng kani-kanilang lovelife.

 

Please follow and like us:
Read More

AFTER ALDEN, MAINE, SI DENNIS TRILLO NAMAN ANG KINUHA NG ABS-CBN

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

SA dami ng mga artista ng ABS-CBN 2, kumukuha pa rin sila ng mga artista

ng GMA 7.

Inaabangan na ngayon itong Hello, Love, Goodbye na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.

Ang sabi nila, ang ganda raw talaga. Nakakaiyak, at ang galing daw nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Pagkatapos ni Alden, kinuha na rin nila si Maine na ipinartner naman kay Carlo Aquino.

Ang latest naman ngayon si Dennis Trillo ang kinuha nila para sa isang horror movie na may pamagat daw na A Family Ghost Story kasama sina Beauty Gonzales, Alyssa Muhlach at Raymond Bagatsing.

Nakagawa na noon si Dennis Star Cinema co-production sa Regal Films, pero ngayon Star na lang yata talaga.

Tapos na ba ang kontrata ni Dennis sa Regal?

Bakit kaya kuha nang kuha ang mga taga-ABS sa mga stars ng GMA 7?

Kunsabagay, magagaling naman ang mga big stars ng Kapuso network, at bumabagay sila sa mga stars ng Kapamilya.

Pero panoorin ko talaga itong Hello, Love, Goodbye dahil happy talaga ako para kay Alden.

Puring-puri siya sa pelikulang ito at gustung-gusto siya ng mga taga-Star.

Malamang may kasunod pa yan, at gagawa pa uli si Alden sa Star Cinema.

Bakit kaya hindi naman kumuha ang GMA Pictures ng stars ng ABS-CBN 2 para gumawa ng pelikula sa kanila?

Abangan muna natin tong Family History ni Michael V na magbubukas na ngayong araw.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE, ALDEN WALANG IWASAN; HARUTAN ‘DI NAWALA

alden maine12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

WALA naman daw iwasan na nagaganap sa pagitan nina Alden Richard at Maine Mendoza sa Eat Bulaga ayon kay Jose Manalo. In fact ay sweet pa rin naman daw ang dalawa kapag magkasama sa studio.

“Nag-uusap ‘yun, parang mga bata ‘yung dalawa na ‘yun pag nag-uusap, ‘yung magbiruan. Masaya, masaya kami,” sabi ni Jose nang makatsikahan ng entertainment press sa presscon ng Starstruck Season 7 kung saan ay isa ang komedyante sa mga hurado.

“’Yung sweetness, nandu’n. Naghaharutan ‘yung dalawa,” dagdag pa ni Jose.

Wala raw siyang nararamdamang pinaghihiwalay or hiwalay na ang AlDub loveteam.

“Sa Eat Bulaga kasi, siguro, ‘yung portion namin, maraming portion sa Bulaga, so bawat host, binibigyan sila ng kanya-kanya. Mayroong time naman na magkasama. Minsan, kasama rin namin sila sa Juan For All (All For Juan), eh. Siguro sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila. Hindi naman siguro pinaghihiwalay,” sey pa ni Jose.

Anyway, bago pala tinanggap ng komedyante ang pagiging StarStruck Council, tinanong muna raw niya kung alam ba ito ni Joey de Leon since for the longest time ay napapanood din natin ito bilang hurado sa mga nakaraang seasons ng StarStruck.

Pero ang sabi nga raw sa kanya ay hindi naman daw regular ang mga nagiging judges sa StarStruck at alam din daw ito ni Joey.

Idol daw niya si Joey at siya naman ay first time pa lang na magiging council sa nasabing artista search kaya kung baga ay bagitong-bagito pa siya pero siyempre, gagawin naman daw niya ang best niya sa trabahong in-assign sa kanya.

 

Please follow and like us:
Read More

SWEETNESS NINA ALDEN, MAINE ‘DI NAWALA — JOSE

 (NI GORGY RULA)

SA mediacon ng Starstruck nung nakaraang LUnes nang gabi, nahingan ng opinyon si Jose Manalo tungkol kina Maine Mendoza at Alden Richards.

Siya rin kasi ang madalas na nakakasama ng dalawa kapag nasa barangay sila sa labas.

Sabi naman ni Jose, nakikita naman daw niyang walang nabago kina Alden at Maine.

Okay naman daw ang dalawa, na tingin nga raw niya lalo silang naging close.

Kaya sa nakikita raw niya, malabong paghiwalayan sina Alden at Maine.

“Nakakasama namin sila sa Juan for All.

“Mas madalas…siguro sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila.

“Hindi naman siguro pinaghihiwalay.

“Hindi rin sila nag-iiwasan. Nag-uusap sila eh,” kuwento ni Jose.

“Parang mga bata nga yung dalawang yun pag nag-uusap, nagbibiruan sila.

“Naghaharutan pa yung dalawa. Yung sweetness, nandun pa rin eh,” dagdag na pahayag ng komedyante.

Hindi raw niya masabi kung ibabalik pa ang Kalyeserye.

Kung hindi man daw, baka darating ang araw may maisip ang mga taga-Eat Bulaga, at meron na naman silang gagawing segment na pagsamahan ng dalawa. Kaya hindi rin daw sure.

“Hindi pa natin masasabi yung sa Kalyeserye. Baka mamaya…eto na uli di ba?

“Wala akong nakitang pinaghihiwalay o pinaglalayo yung dalawa,” sabi pa ni Jose.

Ang isa lang daw sa  napansin niya lalong gumaling daw sa hosting si Maine. Iyun lang daw ang nabago sa kanya, pero bukod pa dun wala na raw at kagaya pa rin daw nang dati itong phenomenal star ng Eat Bulaga.

Samantala, excited si Jose dito sa bagong trabaho niya bilang Starstruck council kasama sina Heart Evangelista at Cherie Gil.

Bago raw niya tinanggap ito, ipinaalam daw niya kay Joey de Leon, dahil sinasabi na raw ng iba na parang inagaw niya ito Eat BUlaga host dahil matagal ding nagdya-judge si Tito Joey sa Starstruck.

Wala naman daw it okay Tito Joey, at hindi raw niya naiisip na siya na ang pumalit dahil nandiyan naman daw lagi ang Eat Bulaga host.

Kakaibang experience daw ito sa kanya ang mag-judge sa sikat na Starstruck na magsisimula na sa Sabado, sa June 15.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE PANAY GUESTING HABANG NASA NEW YORK SI ALDEN

aldub23

(NI GORGY RULA)

OBVIOUS na nagkakanya-kanya na nga talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Habang nasa New York si Alden para sa GMA Pinoy TV nung nakaraang linggo, panay naman ang guesting ni Maine at mataas ang rating ng guestings  niya ha?

Guest co-host si Maine sa Sunday Pinasaya nung nakaraang Linggo dahil absent nga roon si Alden. Mataas ang rating nito na nakakuha ng 5.3 percent ayon sa AGB NUTAM, at 4.8 percent ang katapat na ASAP.

Kinagabihan naman sa The Boobay and Tekla Show ay wagi rin ang guesting doon ng phenomenal star ng Eat Bulaga. Nag-enjoy sa mala-Dante Gulapa na sayaw niya kaya humataw ang rating na 7.7 percent at muling tinalo ang katapat na Gandang Gabi Vice na may 6.6 percent.

Ang nakakalungkot lang, hindi pa rin makagulapay ang Daddy’s Gurl nila ni Vic Sotto sa Idol Philippines.

Nung nakaraang Sabado ay 9.9 percent lang ang nakuha at 13.1 percent ang katapat na Idol Philippines.

Kaya dapat talagang magkaroon sila ng reformat at maghanap ng i-partner kay Maine para abangan ito at pag-usapan.

Puwede pa talaga silang magpakilig depende kung sino ang mapiling ka-partner ni Maine

Marami pa rin ang nagsasabing swak na swak si Jake Ejercito, pero depende yan ngayon kung ano ang plano ng binata ni Mayor Erap pagkatapos nilang mabigo sa nakaraang eleksyon.

Samantala, nung nakaraang Sabado naman nagsimula ang bagong reformat at recast na Home Sweetie Home. Mataas ang rating nito na 10 percent laban sa Pepito Manaloto na 9.4 percent ang nakuha,

Ngayon lang nakatikim ng talo ang Pepito na consistent itong toprater.

Ewan ko lang kung kaya ma-maintain nila dahil mas nakakatawa naman talaga ang Pepito Manaloto ni Michael V.

Abangan natin yan!

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE NALALAOS NA; PDA KAY ARJO WA EPEK

maine23

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PAKI-EXPLAIN mo sa akin Tito KC, masasabi bang “exclusively dating” lang iyang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde eh doon sa nakita naming video na kuha ng isang fan, “tinutuka:” ni Arjo sa batok si Maine kahit na nasa harap sila ng maraming tao, at hindi mo naman kinakitaan ng pagtutol si Maine.

Kung noong araw iyan, aba malaking gulo na iyan. Malamang kalbuhin pa ng magulang ang babae para hindi na makababa ng bahay. Noon masyadong conservative pa ang mga Pilipino eh, pero ngayon mukhang ok na nga iyang halikan in public na kung tawagin nila ngayon ay “public display of affection”.

Pero ang gumagawa nang ganyan ay iyong talagang mag-syota lang. Bakit nga ba ayaw pang aminin nina Maine at Arjo na talagang mag-syota na sila eh nagtutukaan na nga sa harap ng tao? O baka naman ang iniisip nila, hindi na kailangan ang kahit na anong sasabihin nila, nagtutukaan na nga eh.

May mga kritiko na nagsasabing mukhang ang kanilang relasyon ay hindi naman nakakatulong sa kanilang career. Medyo bumaba kasi ang popularidad ni Maine nang umurong na ang fans ni Alden sa kanya. Si Arjo naman, ganoon pa rin, wala naman siyang nagawang hit na pelikula. Ibig sabihin, walang epekto sa kanyang career ang relasyon nila ni Maine. Talagang relasyon lang.

Pero personal na nila iyon eh. Ano pa nga ba ang pakialam natin sa mga bagay na iyon? Hindi na iyon dapat na pinanghihimasukan pa, kaya lang nakikita kasi eh.

Magtukaan man sila nang magtukaan kung hindi nakikita ng ibang tao, at hindi nakukunan ng video ng mga fans, aba eh sino nga ba ang makikialam sa kanila. Kung nakikita ng publiko, ibang usapan na nga iyan. Mayroong hindi makikialam dahil nangyayari naman talaga iyon ngayon eh. Minsan nga kahit na sa MRT siksikan may naghahalikan eh. Minsan nga may makikita ka pang kahit dalawang lalaking naghahalikan. Pero doon sa medyo conservative, parang malabo pa rin iyon.

HAPPY BIRTHDAY MY FRIEND MAYOR HERBERT BAUTISTA

Bago nga pala namin makalimutan, ngayon mismo ang birthday ng kaibigan naming si Mayor Herbert Bistek Bautista. Ok lang naman siyang banggitin Tito KC dahil hindi naman siya kandidato ngayon para sa kahit na anong posisyon. Gusto na muna ni Mayor Bistek na magpahinga sa pulitika. Ang sabi ay haharapin daw muna niya ang pagiging “tatay” niya.

Aba eh malalaki na rin naman ang mga anak niya. Iyong isa nga niyang anak, si Race, pumirma na sa Viva para mag-artista at director na rin yata, dahil nag-aral iyan ng film making sa New York at nanalo na ng award bilang director ng isang short film.

Sa totoo lang, magandang panahon ito para magbalik pelikula si Mayor Bistek, kasi mukhang sawa na ang mga tao doon sa ibang comedians na laging sila na lang ang napapanood, kaya nga laos na eh. Kailangan natin ang bubuhay sa comedy. Iyong totoong comedy, hindi iyong pang gay show lamang.

MADAM AURING, MADAM VENUS AT MADAM SARAH TINAMAD SA PANGHUHULA

Napansin lang namin, mukhang walang hulang lumabas si Madam Auring kung sino ang mananalo sa eleksiyon. Hindi rin nakuha ang hula ni Madam Sarah.

Pati ang kaibigan ni Shalala na si Madam Venus wala ring hula. Mukhang mahirap hulaan ang mananalo sa eleksiyon.

Hindi nila matunugan kung ano ang ilalabas ng mga computer, hindi gaya noong araw na tao lang ang nagbibilang kaya nahuhulaan nila gamit ang baraha. Ang tinitingnan naman namin noon, kung sino ang sinasabi nilang hindi mananalo, dahil mas malamang iyon ay makakaupo sa puwesto.

Hula nga lang eh.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE VS NADINE VS KATHRYN VS JENNYLYN…  AS  DARNA

DARNA12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ANG pagba-back-out  ni Liza Soberano sa pelikulang Darna ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz. Inanunsyo ng aktres ang kanyang withdrawal sa nasabing proyekto sa panayam niya kay MJ Felipe na umere sa TV Patrol last Thursday night.

Ang injury na tinamo ni Liza sa finger last year habang ginagawa ang Bagani ang naging dahilan ng kanyang pag-atras na matagal na raw na tini-treat pero up to now ay hindi pa rin ito maayos and she’s still undergoing therapy bukod pa sa dalawang beses na raw siyang inoperahan.

Nagbigay na rin ng official statement ang ABS-CBN and Star Cinema regarding this stating na naiintindihan at nirerespeto nila ang kundisyon at desisyon ng aktres.

Dahil dito ay open nang muli ngayon ang Darna role para sa mga aktres nating nangangarap na makaganap ng iconic character na likha ng yumaong magaling na nobelistang si Mars Ravelo.

Ang dami na namang lumilitaw na pangalan ngayon kung sino ang pwede sa role. Nag-trending pa kahapon sa Twitter Phillipines ang hashtag na #BagongDarna at kanya-kanyang suggestions ang netizens.

Nagpa-survey din si Eric John Salut ng ABS-CBN kung sino ang best choice ng netizens para maging bagong Darna.

Ang daming sumagot ng Maine Mendoza, Nadine Lustre, Kathryn Bernardo and Jennylyn Mercado. May mga nagbanggit din ng names nina Maja Salvador, Julia Montez, Pia Wurtzbach, Catriona Grey, Yassi Pressman, Loisa Andallo at Maymay Entrata. Ang iba ay sinasabi namang ibalik na lang daw kay Angel Locsin ang Darna.

Bukod kay Jen at Maine, may nagru-root din kina Sanya Lopez at  Andrea Torres na mga Kapuso actresses din.

Ang nakakatuwa, nilalagyan na nila ng costume ni Darna ang kani-kanilang bet para ipakitang bagay ang mga choices nila for the role.

Kung kami ang tatanungin, eversince ay dalawa ang gusto naming aktres for the role. Magkaibang star for Darna and Narda para mas bongga. Pwedeng si Nadine for Darna at Kathryn for Narda or vice versa. Kailangan lang ay equal ang exposure gayundin ang mabibigat na scenes or pwedeng at one point ay gawan ng paraan na pareho silang magsuot ng costume para walang lamangan.

Pero sinuman ang mapili, iisa lang ang sure na naman, magtatagal na naman ang proyekto bago mag-materialize again dahil fresh start na naman ito for the production at kinakailangang sumailalim na naman sa matagalang rigid training ang mapipili.

Ito yata ang Darna movie na nakita naming talagang nagkaroon ng maraming problema at napaka-kontrobersyal since from the start. Just when everybody thought na okay na, bigla na namang magkakaroon ng panibagong aberya.

                                 GARY ‘DI PABOR NA IBROADCAST ANG MGA ADIK SA SHOWBIZ

Hindi pabor si Gary Valenciano na i-broadcast pa ang pangalan ng mga artistang nasa narco-list or drug watch list and instead, mas gusto niyang mabigyan muna ng tulong ang mga ito mula sa gobyerno.

“Right now, I think there’s a whole list of people, more than artist na hindi rin alam ng ibang tao,” pahayag ni Gary V. nang makausap namin last Wednesday sa presscon niya with Jona and Katrina Velarde para sa kanyang US concert tour ngayong Abril.

“So, I think that in this case, if I were the government, I would exhaust all efforts to either help, rehab anyone that in involved in it, but they personally need to know your name, alam na ng government, because the government is also doing efforts to lessen the use of it.

“It’s important na rin siguro for people who are on the list to know that they are on the list but it doesn’t have to be (broadcasted). Because again, that doesn’t change anything, eh, it doesn’t change the practice, eh. Mas lalo pang itatago siguro,” patuloy ni Gary.

Naniniwala rin siya sa pagbibigay ng another chance sa mga taong ito at kailangan lang talagang mag-reach out ang gobyerno para mabigyan ang mga ito ng tulong.

Samantala, matapos ang kanyang dalawang operasyon sa puso at sa kidney last year, Gary V. is back at the international scene. He’s having his US concert tour this April titled “He’s Back: Gary V US Tour.”

Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at susundan ito ng mga shows sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; sa Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; sa Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos ito sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.

Kasama ni Mr. Pure Energy sa concert tour ang award-winning na musikerong si Mon Faustino bilang musical director at at kanyang mga espesyal na panauhin na sina Fearless Diva Jona at Suklay Diva Katrina Velarde.

 

Please follow and like us:
Read More

‘EXCLUSIVELY DATING’

ma

MATAPOS aminin ni Maine Mendoza na friends lang sila ng aktor na si Arjo Atayde, inamin naman ng aktor na ‘exclusively dating’ na sila ngayon ng tv host/actress.

Sa press conference, walang paliguy-ligoy na inamin ni Arjo na exclusively dating na sila ni Maine at ito raw ang dahilan kung bakit napakasaya niya.

“We are exclusively dating. I am at my happiest now and further details I will not say anymore. So hanggang doon na lang muna,” sabi ni Arjo nang pigain sya para sa movie na ‘Tol.

Tungkol sa kanyang bashers, sinabi ni Arjo na kaya nyang sanggain ang mga pamba-bash sa kanya pero hindi maaaring hindi niya idepensa si Maine at kanyang pamilya.

“To insult me is fine and I can take it. I’m a very passive person. But to insult my family or Maine… sabi ko nga in (As I said on) social media, I’ll let it go. Wala akong kalaban dyan ( I can’t fight that).”

“I don’t know how to get mad, I don’t know how to disrespect people. I despite disrespectful people. So if they disrespect me, it’s fine. But for my family to get affected, for Maine to be disrespected, like anything, that’s not okay with me.”

Ibinahagi rin ng aktor na marami silang bagay na pinagkakasunduan at madalas umanong napapatawa siya ni Maine.

Please follow and like us:
Read More

PHOTOS NI ALDEN WALA NA KAY MAINE

aldub

ang kulit ni LolitMARAMI ang naintriga sa hanash niya sa kanyang Instagram account na

kung saan nagpapasalamat siya sa magagandang bagay na dumating sa buhay niya niya nung 2018.

Nakakaintriga raw ang linya niyang; “I am just so so glad to have finally moved on from the toxic energy and people that used to drain me—the best realization and resolution still.”

Sino raw kaya yung mga toxic energy na yun?

Kapansin-pansin din na sa mga litratong ginamit sa post na iyun, wala talaga si Alden Richards.

Tapos na raw kaya ang sa kanila ni Alden?

Naku! Hindi pa rin sumusuko ang mga loyal AlDub nation. Umaasa pa rin silang magsasama uli ang dalawa sa isang magandang project.

Sabi naman ni Maine nung na-interview ito nung nakaraang MMFF parade, hindi naman daw imposible yun. Darating daw sila diyan sa tamang panahon.

Tingin ko okay naman ang dalawa na nakikita naman naming masaya sila sa Eat Bulaga.

Sana huwag nilang biguin ang mga loyal fans na naghihintay ng magandang project na pagsamahan nilang dalawa.

 

Please follow and like us:
Read More