INDIE FILM NI MAINE ‘DI SUPORTADO NG FANS NI ALDEN

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NAGSISIMULA  na rin siguro ngayon ang nerbiyos ng kampo ni Maine Mendoza, dahil nagsimula na rin siya ng shooting ng kanyang pelikula na katambal si Carlo Aquino. Kasi maliwanag iyan, ang pelikula ni Maine ay hindi susuportahan ng mga fans ni Alden. Fans lang niya ang inaasahang susuporta sa kanya. Ang aasahan nila sa promo niyan ay ABS-CBN lamang, dahil hindi naman siya star ng GMA para bigyan ng back up kagaya ng ginawa nila kay Alden.

Ang leading man niya ay si Carlo Aquino, na hindi rin naman masasabing ganoon kalakas ang batak. Alalahanin ninyo, inamin mismo ng producers nila na ang pelikula nila ni Nadine ay kumita lang sa kabuuan ng 30 milyon, kalahati lang iyon ng first day gross ng pelikula nina Alden at Kathryn.

AKTOR-AKTORAN NA KONTISERO DIREKTADOR

Kaya pala “direk” ang tawag nila sa isang bikini contest winner na lumabas din sa mga indie films. Hindi na kasi niya kailangan ng “pimp”, dahil siya mismo ang nagtatawag at nag-aalok ng kanyang serbisyo sa kanyang mga “clients” na tinatawagan niya sa telepono o contact niya sa social media.

Ang katuwiran daw niya, “aasa ka sa mga iyan hindi ka sigurado, tapos kukuha pa sila ng komisyon nila sa iyo, Magpo-pokpok na rin lang ako, solohin ko na lang”.

Masyadong wise si direk hindi ba Tito KC?

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE KONTRABIDA NI BOSSING SA MMFF ENTRY MOVIE

(NI GORGY RULA)

ANG saya nang mukha ni Maine Mendoza nang sandali naming nakatsikahan sa story conference ng MMFF entry ng APT at Mzet Films na Mission Unstapabol, The Don Identity na ginanap sa  Novotel sa Cubao nung nakaraang Miyerkules nang hapon.

Excited daw siya sa bagong project niya na kasama uli si Vic Sotto dahil kumportable raw siya talagang si Bossing Vic ang kasama niya.

Pangatlong MMFF movie na nilang dalawa pero this time, hindi raw sila mag-ama.

Sabi kasi ni Bossing Vic, nakikita nilang gustung-gusto ng mga supporters nila na mag-ama silang dalawa kaya nga lumalaban sa rating ang sitcom nilang Daddy’s Gurl sa GMA 7.

Pero dito sa bagong gagawin nila, parang magkakontra raw silang dalawa.

“Ibang-iba ito eh. Para sa akin first time itong gagawin kong pelikula, at first time din naming magsama ni Maine na hindi kami mag-ama.

“Magkakontra kami rito.

“Ang role dito ni Maine, another challenge for her na hindi lang pa-cute lang. Ito, complete package sa kanya,” sabi ng Eat Bulaga host.

Kaya na-excite din ang mga fans nang ipinost ko sa Instagram ko dahil bago raw ito para sa kanila na magkalaban ang dalawang bida.

Kaya tinanong ko rin si Maine kung challenging ba sa kanya na magkakontra sila rito ni Bossing Vic.

“Mas exciting sa akin kesa sa challenging kasi feeling ko naman marami na rin naman talagang nag-aabang every year ng MMFF movie ni Bossing.

“Alam naman nila na nag-iiba naman talaga kapag movie ni Bossing. So, masa excited kami na gawin to,” pakli ni Maine.

Pero iba raw talaga ang feeling kapag naging bahagi ka ng MMFF lalo na kapag kasama ka sa magpaparada na nakikita mong tuwang-tuwa ang mga fans.

“Iba pa rin kasi pag parte ka ng MMFF, talagang ginagawa pa rin lahat para mapasaya ang mga tao,” sabi pa uli ng EB’s phenomenal star.

Doon na rin sa storycon kinumusta ko kay Maine ang isa pang pelikulang ginagawa niya sa Black Sheep, ang Isa Pa With Feelings kasama si Carlo Aquino.

Nagsimula na raw silang mag-shooting kaya tinanong ko na rin kung kilig-kiligan din ba silang dalawa rito gaya nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

“Sakto lang. Hindi siya outright kilig-kiligan, pero…hindi ko masabi. Hindi ko matantiya.

“Tingnan na lang natin kapag mabuo na namin, pag lumabas na ang trailer kung kiligin ang mga tao,” nakangiti niyang sagot sa akin.

Pero nakita raw niya agad na magaling talagang aktor si Carlo.

“Magaling si Carlo, wala akong masabi. Magaling siya talaga.

“Pero mga light scenes pa lang po kasi ang nagagawa namin, and nakaisang araw pa lang kami. So tingnan natin,” sabi niya.

Sinundan ko uli ng tanong kung may kissing scene din ba sila rito.

“Iyun po ang hindi ko alam kasi pinag-uusapan pa,” medyo naalangan niyang sagot.

Malay natin, baka isa rin yan sa pasabog sa pelikula nila.

Nabanggit na rin sa amin ni Maine na napanood na niya pala ang Hello, Love, Goodbye at tuwang-tuwa raw siya para kina Alden at Kathryn.

“Maganda siya.  Magaling silang dalawa, tapos napapakilig ako,” masaya niyang tsika sa amin.

Habang pinapanood daw niya ang mga kilig-kiligan scenes ng dalawa, minumuwestra niyang napapakagat siya sa daliri kasi nakakakilig naman daw talaga.

“Happy ako sa kanila,” sabi pa ni Maine.

KATDEN FILM CONTINUES TO WREAK HAVOC OF LOCAL BOX OFFICE RECORD

Patuloy pa ngang sinisira ng Hello, Love, Goodbye ang box-office record

ng mga Pinoy films na ipinalabas sa mga sinehan.

Natalo na nito ang record ng Alone/Together na nangunguna sa takilya

ngayong taon.

Ang inaabangan na lang ng lahat ay kung kaya ba nitong lagpasan ang

box-office record ng The Hows of Us.

Hindi pa kasi puwedeng ibilang ang mga international screenings dahil ipalalabas pa lang.

Pero marami na raw silang naka-schedule sa iba’t-ibang bansa.

Napakiusapan na nga si Alden na daluhan ang ilang screening kasama si Kathryn pero mas gusto ni Alden na kumpleto ang buong main cast.

Willing pa nga siyang sagutin ang pamasahe ng ibang cast para kumpleto raw sila at sabay na ring maka-bonding niya uli ang mga ito.

Naging close na kasi silang lahat at masaya raw talaga kapag magkakasama sila.

Inaalam pa kung saan siya makakapunta dahil sisimulan na rin ni Alden ang bagong drama series niyang gagawin sa GMA 7.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE MASAYA SA SUCCESS NINA ALDEN, KATHRYN

(NI GORGY RULA)

MGA bloggers ang karamihang naimbitahan sa renewal ng kontrata ni Maine Mendoza sa Betadine Fresh Bliss Feminine Wash na ginanap sa Vanilla Cupcakes sa Quezon City nung nakaraang Huwebes nang hapon.

Iilan lamang kaming mga showbiz reporters ang masuwerteng naimbitahan kaya mahirap magtanong ng nakakaintrigang showbiz issues.

Pero hindi pa rin nakaligtas sa mga ganung isyu si Maine dahil naisingit pa rin namin ang tungkol sa kanila ni Alden Richards.

Third renewal na kasi itong endorsement ni Maine sa Betadine at sinasabi nga nilang na-refresh siya rito.

Kaya sinundot namin ang tanong kung tingin ba niya, na-refresh din ang career niya ngayong maraming nabago sa career nila ni Alden.

Nag-hit ang Hello, Love, Goodbye ni Alden kasama si Kathryn Bernardo at gagawa naman siya ng pelikula kasama si Carlo Aquino sa Star Cinema rin.

Ang daming nabago sa kanila, pero nandiyan pa rin ang AlDub fans na patuloy na sumusuporta sa kanila at sini-celebrate pa nga ang kanilang loveteam.

Ani Maine; “Nandiyan pa rin po ang AlDub kasi everyday naman kami sa Eat Bulaga po, and wala namang ginagawa sa amin…wala namang any announcement na pinaghiwalay na or anyhing pero  siyempre yung nangyayari sa career ko…kinu-consider ko na rin na na-refresh na parang nag-grow din ako as a person, as a host, as an actress, as a celebrity o kung ano man.

“Pero, ayun tulad nga po ng nasabi ko kanina, hindi naman tayo puwedeng mag-stay lang sa isang place. A certain point in life, kailangan talaga nating mag-grow, mag-move forward.”

Masaya raw siya sa box-office success ng pelikula nina Alden at Kathryn, kaya nag-congratulate siya sa dalawa.

“Congratulations sa kanila ni Kathryn. Second day nila ngayon. Message ko hindi kay Alden, kundi sa lahat na mga manonood na panoorin nyo po dahil maganda yung pelikula.

“Hindi ko pa napapanood kasi nakuwento na rin naman sa akin. Nakita ko rin naman yung trailer, so maganda talaga siya. Alam ko maganda talaga,” saad ni Maine.

Kinabukasan ay magsisimula na raw sila ni Carlo Aquino ng pelikulang gagawin nila sa Star Cinema, at ayaw niyang isipin kung maghi-hit din ba ito kagaya ng kay Alden at Kathryn o mahigitan pa. Ang mahalaga raw para sa kanya ay magawa nila nang maganda ang pelikula.

“Ang focus ko lang ngayon ay makagawa ng magandang pelikula.

“Ang gusto ko lang na maging sure kami na makagawa kami ng pelikula na maging proud kami dahil maganda…dahil nagawa namin ang istorya, lahat…yung execution,” sabi pa ng Eat Bulaga Dabarkad.

Thankful si Maine sa mga fans niya dahil hindi raw sila nagkulang sa pagsuporta.

Pati nga ang mga produktong ini-endorse niya ay suportado nila, kaya naman tuwang-tuwa ang mga taga-Betadine dahil magmula nang pinu-promote ito ni Maine, lalo itong lumakas at talagang lumaban sa market.

Bukod pala sa pelikula nila ni Carlo ay sisimulan na rin ni Maine ang MMFF entry nila ni Vic Sotto. Sa August 11 na raw siya mag-start ng shooting.

IBEY  ANG TANGKAD NI KIT THOMPSON

Kahit pa-slang’slang si Kit Thompson sa kanyang audition video na

ipinadala kay Atty. Joji Alonzo para sa Cinemalaya entry niyang Belle Douleur, siya pa rin ang napili dahil malaking bagay talaga yung matangkad siya.

Ang height daw ang isa sa gusto talaga ni Atty, Joji na gaganap na young lover ni Mylene Dizon kaya si Kit ang napili.

Nung nabasa nga raw ni Kit ang script nang ipinadala sa kanya, doon na raw siya nag-decide na babalik ng Pilipinas para ipagpatuloy ang naudlot niyang showbiz career.

“Sobra kong nagustuhan yung script nung sinend sa akin, kaya ako napabalik dito,” pakli nang hunk young actor.

Pero sa pagbabalik ni Kit, hindi maiwasang maungkat ang isyung naiwan niya noon pero iniiwasan na niya itong pag-usapan.

Dagdag pa ang kumalat na sex video scandal na hindi naman bago sa ibang aktor.

Pero sabi nga namin kay Kit, nadagdagan pa nga ang sensuality niya kaya lalo siyang naging kanasa-nasa.

“I guess,” tipid niyang sagot sa akin.

Pero gusto na raw niyang iwan ang mga isyung kinasangkutan niya noon, at kailangan na rin daw niyang mag-move on.

“Move on move on din.

“Past na yun. So, you know… we all learn from it, as I said back then.

“Ang importante lang sa kahit anong ginawa mo na sa tingin mo reckless, na sa tingin mo stupid or irresponsible, kailangan matuto ka. Yun lang,” saad ni Kit.

Thankful lang siya ngayon dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role na ito sa Belle Doleur at bumagay naman sila ni Mylene.

Sa Sabado, August 2 ng 6pm na ang gala night ng Cinemalaya entry na ito ni Atty. Joji Alonzo na gaganapin sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines.

Pagkatapos ng Cinemalaya ay magkakaroon ito ng commercial showing sa August 14.

Tuluy-tuloy na ang showbiz career dito ni Kit pagkatapos ng pelikulang ito dahil sunud-sunod na raw ang mga offers sa kanya.

 

 

Please follow and like us:
Read More

NAG-IBA ANG TONO NI MAINE

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NGAYON sinasabi ni Maine Mendoza, “mayroon pa namang Aldub”. Hindi pa raw naman sira ang Aldub. Pero may nagsasabing baka naiba ang tono kung hindi rin naging malaking hit ang pelikula ni Alden na kasama si Kathryn.

Hindi naman sa nagiging kontrabida kami. Noong aminin nila na may kanya-kanya na silang buhay at wala nang pag-asa iyong Aldub, wala na iyon. Ngayon nga ni hindi na sila halos nagkakasama sa isang screen, ano ang aasahan mong iisipin ng mga taong buhay pa ang Aldub. May mga fans pa sila, pero iyong love team, wala na talaga.

 SUICIDAL PAULO

Nakaka-alarma rin iyong pag-amin ng actor na si Paulo Avelino na may isang panahon na naisipan din niyang mag-suicide. Nabanggit niya iyan dahil sa isang kaibigan niyang nag-suicide kamakailan lang.

Nakaka-alarma, dahil talagang maraming kaso ng depression sa panahong ito, at may mga nauuwi talaga sa suicide. Kaya nga hindi ba may helpline na ngayon sa mga nakakaranas ng depression. Kasi ang mga taong ganyan, kailangan lang may makakausap. Kailangan lang may magpapalakas ng kanilang loob. Sa showbusiness lang, may mga kaso ng suicide na hindi namin akalaing mangyayari. Hindi namin inakalang magagawa ng mga taong iyon.

Kung sabihin nila, “malupit ang mundo ng showbusiness”. Marami kasi ang nagkakaroon ng depression lalo na doon sa mga artists na wala nang trabaho. Mahirap tanggapin lalo na ng mga artista na laos na sila. Nagsisikap siyang umangat na muli, pero madalas basta talaga lipas na ang panahon mo wala na. Nakakatakot lalo na kung ang isang tao ay nagkaroon na ng exposure sa sucide.

Natatandaan namin, iyong unang manager niyang si Paulo Avelino, nag-suicide din at namatay.

Kailangan din kasi magkaroon ng diversion eh. Palagay namin iyan ang isang bagay na kailangang pag-isipan ni Imelda Papin bilang presidente ng KAPPT. Iyong magkaroon naman sila ng activity paminsan-minsan para sa mga artistang walang trabaho, o iyong hindi na halos natin nababalitaan kung ano na ang nangyari. Nalalaman na lang natin kung ano na ang kalagayan nila kung inilalabas na sa tv ang kaawaawa nilang sitwasyon. Papaano nga kung panghinaan ng loob at makagawa nang hindi mabuti?

Siguro nga makatutulong din sina Congresswoman Vilma Santos, at iba pang mga artista nating nasa kongreso, baka naman makagawa sila ng batas o isang project para sa mga artistang wala na sa panahon, para sila ay matulungan at wala na tayong marinig na hindi magagandang bagay gaya ng suicide.

GOODBYE GMA-7  HELLO CANADA FOR RHEA SANTOS

Nagpaalam na si Rhea Santos sa GMA 7 para magsimula ng panibagong buhay sa Canada. Ang kanila daw desisyon ay dahil naniniwala silang mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak kung magma-migrate na sila sa Canada. Mas makakapag-aral daw mabuti roon ang mga anak nila.

Hindi natin masisisi si Rhea kung ganoon nga ang kanyang naging desisyon, na talikuran ang 20 taon niyang karanasan bilang journalist. Baka wala na siyang nakikitang masyadong pagkakataon dito sa ating bansa. Umiiyak si Rhea, at umiiyak din ang kanyang mga nakasama sa GMA News, pero wala na ngang magagawa. Kinabukasan na ang pinag-uusapan diyan.

Marami namang pinoy sa Canada, at nagsasabing maganda nga ang kanilang buhay. Iyon nga lang nagpupunta sa Canada ang maraming magagaling na pinoy. Ang Canada naman nagtatapon ng kanilang basura sa Pilipinas.

 

Please follow and like us:
Read More

HINDI MALAYONG SI MAINE ANG SUSUNOD KAY ANGEL

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

KATATAPOS pa lang makipag-engage ni Angel Locsin sa kanyang boyfriend, ang tinatanong nila ay kung sino naman daw kaya ang susunod. May nagtatanong sino kaya ang mauuna kina Maine Mendoza at Kathryn Bernardo?

Doon sa tanungang iyan, hindi na kasama si Nadine Lustre dahil aminado naman sila ng kanyang boyfriend na si James Reid na nagli-live in na sila. Hindi lang engagement iyan dahil nagsasama na eh. Hindi na kailangang tanungin iyan.

Iyang si Kathryn Bernardo, aminado naman na totoong may relasyon sila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Inamin na rin naman nila ang katotohanan na talagang matagal na ang kanilang relasyon bagama’t noong una ay hindi nila inaamin. Natural lang naman iyon dahil siguro noong panahong iyon ay hindi pa sila sigurado sa isa’t isa. Noong sigurado na sila, at saka umamin na talaga ngang mag-syota na sila.

Pero bago pa man iyang kanilang pag-amin sa publiko na may relasyon sila, nag-post na ng tukso ang nanay ni Kathryn na “may nag-propose na”. Pero natakpan agad iyon at wala namang umamin noon. Pero bakit magsasabi nang ganoon ang nanay ni Kathryn kung wala siyang nalalaman?

Iyan namang si Maine, wala pa namang sinasabing nag-propose na ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde. Pero mapapansin mo na halos hindi na sila nagkakahiwalay. Madalas din silang magkasama sa abroad na mukhang silang dalawa lang talaga. Hindi sinasabing may barkada sila. Hindi rin sinasabing may kasama silang kamaganak, basta silang dalawa lang.

Kung ganyan na rin ang sitwasyon, matindi na rin ang relasyong  ‘yan. Hindi nga malayo na isang araw magulat na lang tayo iyang si Maine pala ang susunod kay Angel.

SASAYANGIN LANG NI MATTEO ANG HITSURA NIYA SA ACTION MOVIES NA HINDI NA USO

Tama ang sinasabi ng ilang observers. Tiyak na pagkatapos ng military training niyang si 2nd. Lt. Matteo Guidecelli, tiyak ang sasabihin ay nakahanda na siyang gumawa ng isang action picture. Iyong training niya sa scout rangers, para lang pagsasanay noong araw sa SOS Daredevils.

Sinasabi nga nila, iyong huling seryeng ginawa ni Matteo sa telebisyon, iyong Bagani ay isang action fantasy rin naman at mahusay siya roon. Pero kung kami ang tatanungin, hindi bagay si Matteo sa action. Sayang kasi iyong hitsura niya kung action movies lang ang gagawin niya samantalang sa totoo lang kapos tayo sa mga batang leading men na may hitsura.

Kaya nga iyong iba mga mukhang ampaw, mukhang kung masasalubong mo sa West Philippine Sea ay babanggain ka, pinipilit minsang gawing bida. Eh wala eh. Tapos ba sasayangin ninyo ang hitsura ni Matteo sa mga action pictures lamang na hindi naman uso ngayon?

 

Please follow and like us:
Read More

PANG-INDIE FILM SI MAINE, PANG-MAINSTREAM SI ALDEN

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

NOONG ibinalita nila na gagawa na rin ng pelikula si Maine Mendoza sa ABS-CBN 2 ka-partner si Carlo Aquino, naikukumpara na ito sa project ni Alden Richards.

Kasi di ba? Nagkaroon ng official announcement ang Star Cinema na magsasama sa isang pelikula sina Alden at Kathryn Bernardo. Tapos sa Hongkong pa ang shooting, si direk Cathy Garcia-Molina ang direktor, at production ng Star Cinema.

Bakit daw itong kay Maine, ang Black Sheep ang magp-produce na isang produksyon ng Star na gumagawa ng mga indie films?

Hindi naman siguro indie film itong gagawin nila di ba?

In-announce na nila agad ang title na Isa Pa With Feelings na ididirek ni Prime Cruz.

Siyempre, hindi ko naman kilala si direk Prime Cruz. Pasensya na po!

Sana malaki naman ang packaging nitong pelikula na co-prod pa yata sa APT at Viva Films.

Kunsabagay, Black Sheep naman ang gumawa ng Alone/Together nina Liza Soberano at Enrique Gil.

So far, itong Alone/Together ang top-grosser pa rin sa mga pelikulang ipinalabas ngayong 2019.

Sana maganda rin ang gagawin nilang promo sa pelikulang ito nina Maine at Carlo.

Ang kina Alden kasi, ang ganda ng promo at sobrang planado ang mga gagawin nila para sa promo ng pelikula na magsu-showing na sa July 31.

 NA-SEPANX AKO WITHOUT ATE SUZI

Starting July 8 ay sa GMA 7 na nga mapapanood ang Mars na pitong taon din natin napapanood sa GMA News TV.  Ang malaking pagbabago lang sa paglipat nila ay nawala na ang co-host ni Camille Prats na si Suzi Entrata,

Bago nga sila nagpa-mediacon, parang naintriga pa kasi parang may kuwento raw sa likod nang pagkawala ni Suzi sa programang ito.

Eh love na love pa naman ni Suzi itong Mars dahil naka-seven years din na talagang iginapang nila sa GMA News TV. Eto lang nga ang naiwan sa dating QTV di ba?

Ngayon ay napagdesisyunang sa GMA 7 na mapanood ng Lunes hanggang Biyernes ng 8:50 hanggang 9:20 ng umaga.

Sabi naman ni Camille, mahirap daw talaga yung transition nila at kung paano nila napag-usapan ni Suzi na hindi na siya kasama.

Kasi nga kasama si Suzi sa Unang Hirit at itong Mars na ang isusunod, kaya hindi naman daw puwedeng magkasunod na si Suzi pa rin ang host.

Sabi pa ni Camille; “It was actually a very long talk yung transition din ng Mars from GMA News TV to GMA.

“Unang-una it was not easy for me to transition from GMA News TV without Ate Suzi because we worked together for 7 years.

“We’re practically family. She supported my life. She was my ninang, lahat ng parte ng milestones ng buhay ko.

”Kaya lang nung nag-transition na to GMA…na-explain naman sa amin nang maayos. Ayaw din kasi siyang papiliin kasi ng management na magma-Mars ka ba o mag-Unang Hirit ka.

Dun siya sa Unang Hirit halos nag-grow. And it was not easy decision for her to make also, that’s why GMA didn’t asked her to make a decision anymore.

“Siyempre, naintindihan din po namin yung management that they wanted to show naman na may iba namang Moms out there na puwede din namang magbigay ng ligaya sa umaga.”

Mabuti na lang at kaibigan naman nila at gamay na rin ni Camille ang ipinalit na si Iya Villania.

“When I found out it was going to be her…kumbaga, mixed emotions na I was of course sad, na-sepanx ako without Ate Suzi dito sa Mars. But when I found it was gonna be her, I knew right away that it was going to be an easy show. Kasi  I’ve known her for awhile dun pa sa kabila magkasama na kami. So, parang hindi na siya bago para sa akin. Pero yun talaga, may mga pagbabago lang talaga na nangyayari, but I just hope that you give Mars Pa More a chance kasi iba rin yung flavor na nabibigay ni Iya dun sa program,” sabi pa in Camille.

Sabi naman ni Iya; “I hope that the people will welcome to love me also as much as they loved Suzi.

“I’m just also thankful na friends kami ni Suzi eh.

“Nakakatawa nga si Suzi kasi pati ba naman sa pananamit sa akin dito, inaayos nga niya.

“She even checked up for me na ‘o Iya kumusta ang first day mo? It’s nice that we can talk about these things,” sabi naman ni Iya,

Si Alden Richards ang special guest nila sa unang araw ng Mars Pa More kasama ang mga anak nila.

Excited si Iya dahil first time daw na lumabas sa TV ang anak nila ni Drew Arellano na si Primo.

Ipinaalam pa niya kay Drew na lalabas na sa TV si Primo.

Ang panganay na anak naman ni Camille na si Nathan ang sasabay nang sayawan kay Alden.

Abangan nyo na lang yan.

 

Please follow and like us:
Read More

WALA AKONG DAPAT IPALIWANAG SA KANILA — ARJO

arjomaine12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

SPECIAL guest pala namin ni Cristy Fermin si Sylvia Sanchez sa online show

namin kahapon at base sa mga sagot niya parang sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na nga talaga.

Masaya raw siya para sa anak niya dahil nakikita niyang masayang-masaya ito kapag kasama si Maine.

Ipinakilala na nga raw sa kanya si Maine at magaaan daw ang loob niya. Mabait na bata raw si Maine at magalang, kaya gusto niya ito para sa kanyang anak.

Ang laki raw nang ipinagbago ni Arjo magmula nang dumating si Maine sa buhay niya.

Nakikita raw niyang good influence talaga si Maine kay Arjo kaya botong-boto siya rito.

May mangilang-ngilan pa ring namba-bash sa kanila, pero bilib daw siya kung paano ito dedmahin ni Arjo.

“Bilib nga ako diyan sa anak ko eh. King of deadma siya talaga. Hindi siya apektado at hindi na lang niya ito pinapansin.

“Sabi niya kasi, ‘wala akong dapat ipaliwanag sa kanila, dahil buhay ko to. Ako ang magdi-decide para sa buhay ko. Choice ko to,” sabi raw ni Arjo sa kanya.

“Kaya yun ang gusto kong ituro sa akin ni Arjo, kung paano man-deadma sa mga bashers talaga.  “Malaking bagay din kasing masaya siya sa relasyon nila ni Maine,” sabi pa ni Sylvia.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE, ALDEN NAGPAPATALBUGAN SA ENDORSEMENTS

(NI GORGY RULA)

NAKAAALIW ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na pati sa negosyo ng dalawa ay nagpapatalbugan pa sila.

Napapag-usapan kasi na malakas daw ang bagong bukas na McDo outlet ni Alden sa may Binan, Laguna.

Nung kabubukas pa lang ng naturang food chain, dinagsa raw ito ng napakaraming tao. Hindi na nga raw nila kayang papasukin lahat, kaya may mga naghihintay pa sa labas at binibigyan na  lang ng number.

Ang dagdag pang kuwento sa amin, sa loob ng dalawang araw ay umabot daw ng halos 400 thousand pesos ang benta nila.

Kaya nagri-react ang ibang fans ni Maine dahil mas malaki pa raw doon ang kinita ng McDo outlet ni Maine nung kabubukas nito sa Bulacan.

Matagal na kasing nagbukas yung kay Maine at mas maliit ito sa ipinatayo ni Alden sa Laguna.

Ang dating tuloy parang nagkanya-kanya na ang mga AlDub fans at namili na lang sila kung kanino kina Alden at Maine sila susuporta.

Kahapon nga sa Twitter account ay nag-trending ang hashtag na #AnditoLangKamiALDEN, bilang pagpapahayag ng suporta nila sa Pambansang Bae.

Ngayon pa lang ay may mga inaayos na ang grupo ng mga fans na block screening para sa Hello, Love, Goodbye.

Ganundin sa mga fans ni Kathryn ay nag-trending din ang hashtag na

#KathrynIsJoy bilang simula na rin ng pagpu-promote nila ng naturang pelikula na kung saan si Joy ang pangalan niya sa naturang pelikula.

Pati ang brand ng ice cream na ini-endorse na ngayon ni Kathryn ay pinag-trending din nila kasama si Alden.

Si Maine dati ang ka-partner dun ni Alden, pero ngayon ay si Kathryn na.

Hindi rin naman nagpabaya ang mga fans ni Maine. Panay din ang post nila ng bagong endorsement ng phenomenal star na isang brand ng deodorant.

Sampung produkto pa ang ini-endorse nito, kaya tila pinapalabas nilang kung meron mang hindi nag-renew, marami pang mga produktong nagtitiwala sa EB Dabarkad.

 

Please follow and like us:
Read More

MAY ‘SOMETHING’ NA KINA MAINE, ARJO

maine245

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

ALAM n’yo, ang bongga na talaga ng mga fans ngayon!

Noong kapanahunan nina Nora Aunor at Vilma Santos, hanggang sa pagtili sa mga idol nila, pagbantay sa shooting at sa lahat na mga lakad nila.

Minsan, nagtitiyagang maghintay sa labas ng bahay nila at sunud-sunuran sila sa mga artistang hinahangaan nila.

‘Di ba nung nakatira pa si Nora sa bahay niya sa Valencia, hindi talaga nawawala ang tao sa labas ng bahay dahil nagtitiyagang maghintay sa paglabas ng aktres at pag-uwi naman niya galing sa shooting o ano mang lakad niya.

Ngayon iba na talaga!

Ang yayaman ng mga fans at sila na ang sinusunod ng mga artistang hinahangaan nila.

Nanibago ako at parang di ako sanay na ganito na ang kalakaran!

Itong kaso lang ng AlDub nation na talagang gumagastos sila nang bonggang-bongga para kina Alden Richards at Maine Mendoza.

‘Di ba nitong nakaraang weekend lang magkasunod na nagpa-party ang mga fans ni Maine    na hindi lang basta simpleng party ha?

May banda, bongga ang catering at pati cakes ang bubongga.

Two months ago pa ang birthday ni Maine, pero hanggang ngayon panay ang pa-party nila.

Noong nakaraang Biyernes, May 3 sa Sequioa Hotel sila at doon nga medyo emotional si Maine na nagpasalamat sa mga fans niya kahit alam niyang marami na raw sa mga fans niya ang tumalikod sa kanya.

Nag-trending yun dahil sa marami pa rin naman talagang mga fans si Maine at Alden na tanggap na kahit marami na ang nabago sa kanila.

Noong Sabado naman ay may pa-party uli kay Maine na ginanap naman sa Cities Events Place sa Quezon City din.

Bongga rin ang party na yun na Havana night ang theme na mala-boho ang motif.

Ang saya-saya ni Maine dun kasi kasama niya si Arjo Atayde.

Tanggap naman ng mga fans si Arjo na nagpaunlak pa nga ng kanta sa bandang nag-perform dun.

Nagtitilian pa rin mga fans nang nakita nilang  sweet ng dalawa.

‘Di ba nag-trending ang kuha nilang video na umalis silang nakaakbay si Arjo at nakahawak naman si Maine sa baywang ni Arjo.

Diyos ko day! Hindi na ‘exclusively dating’ yun ha?

May something na talaga at masaya silang dalawa.

Kaya tanggap naman ng mga fans ang piniling relasyon ni Maine at sabi nga niya, marami na raw na bago sa kanilang personal na buhay, nagpapasalamat siyang nandiyan ang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Kaya masaya na tayo para kay Maine at kay Alden na rin siyempre na tapos na ang shooting nila sa Hongkong ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love Goodbye.

SUPER TEKLA TINABLAN KAY KIM

Marami pa rin pala ang tumataas ang kilay sa desisyon ni Kim Domingo na

titigil na siya sa pagpapa-sexy.

Kasi ang sabi ng mga bakla, hindi pa nga siya nakilala nang husto, hindi pa nga bumongga ang career niya, tumigil na sa pagpapa-sexy.

Kumbaga, wala pa siyang napatuatunayan sa pagiging aktres, nag-iinarte na raw.

Sabi naman ni Kim, hindi na raw siya talaga masaya kaya kahit ano pang gusto nilang sabihin, kung hindi man sila kumbinsido sa desisyon niyang iyun, okay lang.

Mabuti naman at nirespeto ng GMA 7 ang desisyon niya at hindi na siya pinilit na magpa-sexy sa Bubble Gang.

Siya ang pinaka-sexy sa lahat dun sa Bubble Gang, pero naka-one piece lang ang puwede niyang gawin sa summer episode nila.

Tapos kahit underwear ang ini-endorse niya sa Bench, rumampa siyang naka-one piece din at may takip pa yung bandang taas niya.

Natatawa nga si Kim na kinuwento sa mga reporters na magmula nang mag-decide siyang tumigil sa pagpapa-sexy, nabawasan na raw ang mga indecent proposals sa kanya.

Sabi naman niya kahit nung nagmu-model pa lang siya ang dami nang offers sa kanya, at lalo nang naging artista siya. Pero ngayong pa-wholesome na siya, nabawasan na raw.

Gusto na lang daw niyang mag-focus sa acting at talagang nag-aaral daw siya ng tamang acting para ipakita sa lahat na isa siyang aktres, hindi sexy star!

Deadma na lang daw siya sa ibang di naniniwala sa desisyon niyang iyun. Basta magpaka-aktres na raw siya at hindi na ilantad ang maganda niyang katawan.

Partner si Kim ni Super Tekla sa pelikula nilang Kiko en Lala ng Backyard Productions.

Eh di ba hindi naman bading si Super Tekla? Hindi maiwasang nag-iinit pa rin siya sa kaseksihan ni Kim.

Tinatablan nga siya sa mga intimate scenes nila ni Kim, kasi lalaki siya ang isang karakter na ginagampanan niya sa pelikulang iyun.

Laugh na lang nang laugh si Kim!

Please follow and like us:
Read More

MAINE NAIYAK SA PA-BDAY PARTY NG FANS

(NI GORGY RULA)

HINDI napigilan ni Maine Mendoza na maluha nang dumalo ito sa post-birthday party na inihanda ng mga fans niya at pati na rin sa loveteam nila ni Alden Richards.

Noong March 3 pa talaga ang birthday ni Maine, pero ngayon lang daw sila nagkaroon ng pagkakataong ma-celebrate ito dahil sa sobrang puno ang schedule ng phenomenal star ng Eat Bulaga.

Ginanap ang party sa Sequioa Hotel sa Quezon City na kung saan nagtulung-tulong ang mga fans na mabuo ito. May banda at ang daming cake para sa kanilang idolo.

Dumalo ang magulang ni Maine, na masaya rin sa inihanda ng mga fans.

Bago niya binlow ang candle sa cake, nagbigay ng mensahe ang EB Dabarkad para sa kanyang mga fans.

Hindi niya napigilang maluha bago niya natapos ang kanyang mga sinabi.

Ani Maine; “Gusto ko magpasalamat sa inyo sa lahat nandito ngayon, sa lahat na nag-organize, sa lahat po na attendees, ang naging part ng birthday party na ito, nagpapasalamat po ako.

“Nagpasalamat ako kasi alam naman natin lahat na marami ang nawala. Pero nandito pa rin po kayo. Kaya nagpapasalamat po ako.”

“Hindi natin alam kung ano ang nangyayari balang araw, pero nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo.

“Sa lahat na nagawa nyo po sa akin, sa amin po ni Alden. Sa lahat po na patuloy nyong suporta sa amin pong dalawa. Maraming salamat po.

“Kahit individually na po ang mga ginagawa naming proyekto, nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo sa patuloy nyong pagsuporta at pagmamahal sa amin. Sobrang tini-treasure po naming dalawa yun.

“Kung ano man po ang mangyari…hindi man natin alam kung hanggang saan ang pagsuporta nyo, kung hanggang saan to matatapos, gusto ko lang po malaman nyo  ang taus-puso po akong nagpapasalamat sa lahat na naipakitang suporta at pagmamahal po sa akin mula simula.

“Sobrang na-appreciate po ang presence nyo rito.”

Naiyak na si Maine bago niya natapos ang kanyang mensahe sa mga fans. Panay naman ang sagot ng mga fans na patuloy silang susuporta at hindi sila mawawala.

Nagpatawa na si Maine na sinabi niyang nakakaiyak kasi ang music kaya naluha na siya.

“Hindi nyo masasabing umaarte ako kasi alam nyo hirap akong umiyak pag umaarte ako,” sabi pa niya.

Kinabukasan, nag-trending na sa Twitter si Maine pati na rin si Alden na tinatapos na ang shooting ng Hello, Love, Goodbye.

Puring-puri ng mga fans si Maine na ramdam daw nila ang sincerity sa mga sinasabi niya. Natutuwa pa sila na hindi pa rin niya kinakalimutan si Maine.

Sabi naman ni Maine sa interview sa kanya ng GMA news, wala na raw siyang mahihiling pa nang sinilebreyt niya ang kanyang 24th birthday two months ago.

Ang mahalaga raw sa kanya ay mapasaya lang ang lahat lalo na ang mga fans na patuloy na nagmamahal sa kanya.

 

TINALO NA NGA BA NI BIANCA SI ANGEL SA RATINGS?

 

Tuwang-tuwa na ang humahawak ng drama series ng GMA 7 dahil lumalamang na ang Sahaya at Love You Two sa katapat na teleserye ng ABS-CBN 2.

Ang bida-bidang si Suzette Doctolero na head writer ng mga soap ng GMA 7 ay nag-post sa kanyang Facebook account kamakailan lang.

Sabi niya: “Finally, salamat po mga Kapuso! Tuloy lang po ang suporta sa Sahaya at sa lahat ng aming mga shows. Iba-iba po ang handog naming palabas sa inyo.

“Thank you po at kahit paano ay nagustuhan na ninyo.”

Ipinost din niya ang rating ng AGB-NUTAM noong Miyerkules, May 1. Naka-11 percent ang Sahaya, kontra sa General’s Daughter na 10.4 percent.

Nakakuha naman ng 8.7 percent ang Love You Two, at 7.8 percent ang Mea Culpa. Pero iba naman ang nasa Kantar na kung saan ABS-CBN 2 ang subscriber.

Ayon sa ABS-CBN, 25.6 percent daw ang General’s Daughter at 17.6 percent ang Sahaya. Ang Mea Culpa naman ayon sa kanila, 17.2 percent daw ang nakuhang rating kontra sa Love You Two na 13.3 percent.

Samantala, kahit patuloy pa ring namamayagpag sa rating ang Ang Probinsyano, lumalaban naman ang Kara Mia nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Ayaw nang magpa-pressure ng dalawang bida sa rating. Masaya sila dahil lalong lumalim ang friendship nilang dalawa.

Pansing-pansin nga ang bigayan nila sa mga mabibigat na eksena.

Kapag moment ni Mika, hindi nakipagsapawan si Barbie, at ganundin naman si Mika. Hindi sila nagpapatalbugan sa eksena kaya naman pareho silang lutang na lutang sa mga  drama scenes at naipakita nila ang galing nila sa pag-arte.

 

 

Please follow and like us:
Read More

JASMINE CURTIS KAILAN BIBIDA?

jasmine12

(NI GORGY RULA)

EWAN ko kung masaya ang taga-Fox Philippines, ang Cignal at Unitel sa first day gross ng pelikulang Maledicto nung kamakalawa lang.

Ayon sa aming source, barely P1M daw ang kinita ng pelikulang ito nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith, dahil sa lakas pa rin talaga ng Avengers Endgame.

Meron pang isang international na horror film na kasabay pero mas mahina pa raw ito.

Kaya nagpasabi na raw ang mga theater owners na bibigyan nila ng isa pang araw ang dalawang pelikulang ito. Kung mahina pa rin at hindi makabawi sa second day na showing, ibabalik nila sa Avengers ang mga sinehan.

Tiyak namang hindi umaasa ang mga producers na magiging malakas ito nang husto dahil alam naman nila na mahirap talaga tapatan ang Avengers.

Kaya ang isa pang nabalitaan namin, gusto sana nilang i-showing ito ng one week before Avengers, pero di raw pumayag ang taga-Star Cinema dahil baka maapektuhan daw ang Eerie na showing pa sa ilang sinehan.

Ang Star kasi ang distributor ng Maledicto kaya wala rin silang magawa.

Kaya may taglay talagang lakas ang Star Cinema dahil ang pelikula lang nila ang kumikita at tila may control pa sa mga sinehan.

Ang dalangin na lang sana ng mga taga-Maledicto at mga supporters ng local films na sana umabot pa ito ng weekend dahil maganda naman daw ang pelikula.

Ang narinig ko sa mga nakapanood ng Maledicto, magaling daw talaga si Jasmine Curtis-Smith kaya ang dami pang producers ang nagka-interes sa kanya.

Sa celebrity premiere nga nito, pinag-uusapan din doon na dapat na mabigyan daw talaga ng GMA 7 ng magandang proyekto si Jasmine dahil sa galing nito.

Ang latest nga, kasali raw ito sa Descendants of the Sun ni Dingdong Dantes, na ang napipisil naman daw na leading lady ay si Jennylyn Mercado.

                                                                   PINASOK ANG PAGPO-PRODUCE

Hindi pa rin sumusuko ang mga producers, tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula kahit parang nagsu-suicide ka sa showing nito.

Pinasok na nga ni Michael V ang pagpu-produce kasama ang asawa niyang si Carol Bunagan. Dito nabuo nila ang Mic Test Entertainment at ang first venture nila ay ang pelikulang Family History na si Bitoy din ang nagsulat at nagdidirek.

Co-production nila ito sa GMA Pictures, pero ang asawa ni Bitoy ang talagang nangangasiwa sa shooting na malapit nang matapos.

Sabi ng Kapuso comedian at nasa Creative na rin sa comedy, talagang showbusiness daw ang partnership nilang mag-asawa; sa kanya ang show, ang misis niya ang nasa business.

“Very healthy kasi gaya nga ng sinasabi ko, there is always two sides of showbiz eh; one is the show, one is the business side.

“Pagdating sa creativity, pagdating sa artistic side, ako lahat magha-handle nun. Tanungin mo ako, ako alam ko lahat yan.

“Pagdating sa finances, siya na lang tanungin nyo,” pahayag ni Michael V.

So far, okay pa naman daw sila sa production na kung saan tatlong araw na lang matatapos na ang shooting.

Medyo madugo na raw ang mga huling araw ng shooting kaya nakatutok ang dyowa.

So far, hindi pa naman daw siya kinakalabit ng asawa niya kung lumalagpas na sila sa budget.

“Pag sinabi niya yun, may problema na.

“So far, may mga kalabit pa lang na mahina. Pag naramdaman mong malakas na, ano na yan,” napapangiting pahayag ng magaling na komedyante.

Sa June ang target na showing  ng pelikulang Family History, at sunud-sunod nang ipalabas ang mga pelikulang ginawa ng GMA Pictures.

Sa May 22 ang Kiko en Lala ni Super Tekla, at meron pang Banal tampok naman sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Sana maganda itong pagbabalik ng GMA Pictures.

 

                                                   BINALAK  NA KAPALIT  SI ATOM KAY ALDEN

Nag-inquire pala sa kaibigang Noel Ferrer kung puwedeng mag-guest si

Atom Araullo na gaganap na parang love interest ni Maine Mendoza sa Daddy’s Gurl.

Sa news lang kasi puwede si Atom at ang pagkakaalam ko napagkasunduang sa news reporting o documentary lang mapapanood ang guwapong journalist. Hindi siya puwedeng umarte.

Dapat kasing mag-isip ng bago ang sitcom na ito nina Vic Sotto at Maine Mendoza dahil dalawang linggo nang natatalo ng Idol Philippines.

Todo pa rin naman ang suporta ng AlDubnation at mga loyal fans ni Maine, pero matatanggap kaya nila kung sakaling makahanap ng bagong ka-partner si Maine sa sitcom na ito?

Ang iba kasi tila tanggap na nila si Arjo Atayde na tinatawag nilang ‘Atay’.          Si Alden Richards naman ay sisimulan na rin ang promo ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo. Kaya handa na ba ang mga fans kung sakaling maghanap ng bagong ka-loveteam si Maine?

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BABALA SA CYBER BULLIES NI MAINE

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NAGBIGAY na rin ng babala ang manager ni Maine Mendoza na si Rams David ng Triple A sa ilang bashers ng phenomenal star.

Aba, e, kahit kami, may nabasa kaming isang account na wala yatang ibang pinagkaka-abalahan sa buhay kung hindi ang mag-post at mag-tweet ng mga paninira at pangba-bash kay Maine. Halos lahat nang binasa namin ay talaga namang imbento o fake news.

Kung solid lang ang batas sa Pilipinas sa cyberbullying at fake news, may karapatan si Maine na idemanda ng bongga ang basher/bully niyang ito.

Pero katulad ng ibang basher o fake account, walang profile, peke ang picture at walang anumang detalye ang account. Ayon kay Rams, hinahamon nila itong lumabas, magpakilala at sa harapan nila sabihin ang mga pino-post.

Na at the same time, gumagawa na rin sila ng action para ma-trace at magawan ng legal complaints ang mga walang sawa na nagkakalat ng fake news at talagang grabeng paninira ang ginagawa.

Anyway, naalala namin sa South Korea kung paano ang mga agency ro’n ay talagang isinasa-legal ang mga nagkakalat ng malisyosong balita o isyu sa mga artists nila.

Maybe because, mas solid at buo na kasi ang law nila ron sa mga sa ganitong kaso. Kaya may proteksiyon ang mga nasa-cyberbully mapa-artista man o hindi.

Please follow and like us:
Read More

MAINE IMBITADO SA GRAND OPENING NG MCDO OUTLET NI ALDEN?

aldub12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

CONGRATULATIONS kay Alden Richards na nakabalik na pala mula sa ilang linggong shooting niya sa Hongkong.

Napagkasunduan na kasi nila yan sa Star Cinema na kailangang makabalik ng bansa si Alden dahil asikasuhin pa niya ang opening ng McDonald’s outlet niya sa Binan, Laguna.

Noong nakaraang Martes, April 23 siya dumating  at kinabukasan ay pina-bless na niya ito.

Dumating ang mga kaibigan ni Alden na mga Kapuso stars bilang suporta sa kanyang binuksang negosyo.

Mga dati niyang kasamahan sa Tweenhearts na sina Kristoffer Martin, Bea Binene at Joyce Ching, pati sina Winwyn Marquez at Rodjun Cruz.

Dumating din ang mga executives ng GMA-7 na sina Lilybeth G. Rasonable, Redgie Acuña-Magno at si Gigi Santiago-Lara.

Siyempre, suportado si Alden ng buong pamilya niya at mga fans.

Nagpamisa muna sila roon at pina-bless na ito.

Ngayong Biyernes, April 26 naman ang grand opening. Inaalam ko pa nga kung sino pa ang mga imbitado ng Pambansang Bae para sa ribbon cutting.

Siguro naman inimbita niya si Maine Mendoza na kasama niya sa endorsement nito. Dapat kasama siya sa magputol ng ribbon di ba?

Good luck sa bagong negosyong ito ni Alden at siyempre hinihintay na natin lahat ang pelikula niya sa Star Cinema kasama si Kathryn Bernardo na Hello. Love, Goodbye.

Please follow and like us:
Read More

MAINE MENDOZA AS DARNA?

mainedarna12

(NI GORGY RULA)

PARANG ayaw maniwala ni Jessy Mendiola sa tsikang isa siya sa pinagpipiliang gumanap na Darna.

Sabi ni Jessy nang nakatsikahan namin sa premiere night ng pelikulang Stranded nila ni Arjo Atayde, tingin daw niya hindi na gaanong kilala ng mga millennials ang sikat na Pinoy heroine kaya mas okay daw sana kung morena ang gaganap na Darna para Pinay na pinay ang dating.

Pero kung papiliin naman siya, mas type daw niyang si Pia Wurztbach ang mag-Darna. Mukhang type naman kasi talaga ni Pia na mag-Darna.

Pero ang isa pang narinig namin, tinanong na rin daw si Kathryn Bernardo kung gusto niyang subukang magpa-screen test na Darna, tumanggi raw ito. Tingin daw niya hindi siya nababagay sa naturang role. Si Liza Soberano lang daw talaga ang nakikita niyang puwede sa naturang role.

Nabanggit din ni direk Erik Matti na bagay din daw si Nadine Lustre. Meron ding nagsasabing bakit hindi si Sarah Geronimo.

Pero ang latest na nabalitaan namin, marami raw ang nagsa-suggest na bagong mukha na raw sana ang gaganap.

Puwede raw magpa-search ng bagong mukha para pasikatin na rin ng malaking film project na ito.

Pero sa totoo lang, excited pa ba kayo sa proyektong ito?

Sangkatutak na kasi ang mga naglabasang isyu. Kung anu-ano pang problema ang inabot nito. Kaya mas mabuti sigurong sa susunod na taon na nila ito gawin, at simulan na lang nila sa stage one.

Kasi parang kung anu-anong kamalasan ang kumabit sa project na ito. Kaya hintayin na lang talaga ang tamang panahon.

Pero sa totoo lang, ang tingin kong nababagay na masang-masa ang dating na tila nakaka-relate ang karamihan ay si Maine Mendoza.

Kinuha na rin lang ng Star Cinema si Alden Richards, bakit hindi nila kunin na rin si Maine at makipag-co-prod na sa APT Films?

  

DINGDONG TUTOK SA PANGANGANAK NI MARIAN SA KANYANG 1ST BABY BOY

 

“Yes anytime na,” sagot sa akin ni Marian Rivera nang tinext ko kung

malapit na ba siyang manganak.

Kaya pala hindi na gaanong naglalabas ngayon si Dingdong Dantes dahil

binabantayan na rin niyang mag-labor si Marian.

Hindi na nga nakarating si Dingdong sa binyag ng anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer dahil  parang hinihintay na raw nila na sumakit ang tiyan ng asawa.

Mas lalong nai-excite na nga raw ngayon si Marian dahil nakikita rin niyang excited din si Dingdong at Ate Zia.

Hindi pa ako nasagot ni Marian nang sinundan ko ng tanong kung may napili na silang pangalan sa kaniang baby boy.

 

NAGDIDIKIT PA RIN SINA KARA AT MIA

 

Marami palang twist na nagaganap sa Kara Mia.

Pagkatapos silang paghiwalayin ni Reynara (Aiai delas Alas), nagdidikit pa

rin pala sila sa umaga at sa gabi lang nahiwalay.

Pero ang panibagong aabangan ngayon kina Kara at Mia ay kapag nagdikit sila sa umaga, napupunta na pala sa likod si Kara (Barbie Forteza) at sa harap naman ngayon si Mia (Mika dela Cruz).

Yun ang nakakalokang switch ng kambal na bida ng Kara Mia.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAS GUSTONG PAG-USAPAN ANG SEX LIFE KAYSA KAY MAINE

sylvia sanchez12

(NI GORGY RULA)

NAPAGOD na rin siguro si Sylvia Sanchez sa mga bashing na inabot niya, dahil tumatanggi na itong sumagot kapag tungkol kina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang tinatanong.

Humarap na naman kasi siya sa press nung mag-renew siya ng kontrata bilang endorser ng Beautederm nung kamakalawa lang.

Pahapyaw lang ang tanong ko sa kanya kung bibigyan ba niya ng mga Beautederm products si Maine pag magkita sila.

“Ay pasensya na! Hindi ko na talaga sasagutin yan,” napapangiting sagot ng Kapamilya actress.

Anything about Arjo at Maine, pati ang pagkaka-link nina JM de Guzman kay Ria Atayde ay ayaw na rin niyang sagutin.

Kasama nga ni Sylvia si JM sa bagong teleserye na gagawin niya sa ABS-CBN 2. Pero, tungkol na lang daw sa Beautederm ang pag-uusapan.

Naging magkaibigan na rin kasi sina Sylvia at Ms. Rei Tan ng Beautederm kaya parang pamilya na raw ang turingan nila.

Kinuha rin ni Rei si Arjo na mag-endorse ng ibang produkto ng Beautederm, kaya pinag-iisipan na rin ng aktres na mag-dealer na rin daw siya nito.

Ang dami pang celebrity endorsers na kukunin ang Beautederm, at ang iba raw doon ay suggestion ni Sylvia.

Kaya sinundan na naman namin ng tanong kung isa ba si Maine na isinuggest niya. Hindi na naman niya ako sinagot.

Mabuting manahimik na lang daw siya at hindi na niya sasawsawan ang lovelife ng mga anak niya.

Type pa niyang pag-usapan ang sexlife nila ng asawa niyang si Art Atayde, dahil active na active pa rin daw ngayon.

Hindi raw mawawala iyun sabi ni Sylvia, at baka ikamatay raw niya kung walang ‘Gloria’ sila ng asawa niya sa kama.

Doon pa rin sa Beautederm event sinagot ni Sylvia ang pamba-bash ng ilang netizens sa pagtulong ng OWWA sa paghahanap ng kanyang amang nasa Brazil.

Nilinaw niyang hindi raw siya nagpapalibre sa OWWA para makita lang ang kanyang ama.

Nung tinanggap nga niya ang project na OFW The Movie, ang taga-OWWA raw ang nag-alok na hanapin ang kanyang ama  nang nalaman nilang matagal na pala niya itong hinahanap.

Sinabi rin daw niya na kung may gagastusin, babayaran niya.

Pahayag ni Sylvia; “Actually din, yung gastos niyan, sabi ko sa kanila, ako ang gagastos. Kung may gastos, sabihin niyo sa akin.

“Ayoko kasi yung sila ang gagastos for me kasi tatay ko yun, e. “Ang sabi nila, walang gastos sa paghahanap kasi connect-connect lang. Phone calls lang.”

“Ang gastos, yung pagpunta mo at ng pamilya mo sa Brazil para puntahan yung tatay mo.

“Sorry po, meron po akong pambayad sa eroplano para pumunta doon, so walang gastos,” deretsong pahayag ni Sylvia.

Hinihintay na lang daw niya ngayon ang tawag ng Embassy sa Los Angeles, California kung may update na sa paghahanap sa kanyang ama.

Nakatakdang umalis si Sylvia pa-Dubai para mag-shoot doon ng OFW The Movie.

Showing na rin daw ngayon sa SInag Maynila ang pelikula niyang Jesusa.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE ‘DI TINANGGAL, LUMUTANG NA SA EB

maine12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

AYAN! Napanood nyo na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga nung Sabado! Ang saya nga nilang lahat, at okay naman sila si Alden Richards.

Kaya siguro titigil na ang mga nang-iintrigang tinanggal o sinuspinde si Maine pagkatapos mag-aminan nila ni Arjo Atayde.

Nilinaw naman ni Malou Fagar na walang tinanggal. Hindi lang talaga pumuwede sa schedule niya, kaya hindi siya nakakapasok at pati sa taping nila.

Nauna ngang umalis si Maine pabalik ng Maynila, dahil meron pa siyang ibang commitments.
Kaya okay na talaga!

Kung gusto mang mag-date nina Maine at Arjo Atayde sa Star City, hayaan na rin natin sila.

O di ba? Nagpakamasa na sila?

Diyan nga ako bilib kay Maine eh. Wala talaga silang pakialam sa sasabihin ng mga tao, basta ang mahalaga masaya sila ni Arjo, na wala naman silang inaagrabyado.

Kaya naman, yung mga AlDUb fans bumuo na raw ng ArMaine fans club? Hay naku! Hindi naman natin maku-control kung ano at sino ang gusto ng mga fans! Ang mahalaga masaya tayong lahat no!

 

  BOSSING AT PAULEEN NAKABUO NG KASUNOD NI ALING TALI SA HOLY LAND?

 

Heto pa nga ang masaya dahil isa raw sa pinaka-memorable na biyahe ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna itong Holy Land nila.

Masaya silang lahat dahil kumpleto silang mga Dabarkads doon, at nagkaroon pa ng chance na mag-renewal of baptism sa Jordan.

Ang isa pa nga sanang gustong gawin ng mag-asawa ay mag-renew ng kanilang marriage vows sa Cana.

Di ba alam naman natin ang kuwento ng Wedding at Cana?

Sabi ni Pauleen, kung nakapunta raw sana sila roon, malamang na magkakaroon ng renewal of vows sila. Pati na rin sina Mr. and Mrs. Tuviera siyempre.

Tanong ko nga kay Pauleen, doon kaya nila nagawa ang kasunod kay Talitha?

“Bahala na po si Lord,” sabi lang ni Pauleen.

Kasi gusto na rin nilang sundan si Talitha. Pero waley pa nga! Kaya waiting na lang sila, at ayaw na lang magpa-pressure.

 

 JASMINE & SNOOKY VS. MARICEL

 

In fairness, maganda ang feedback sa pilot week ng Sahaya ha?

Ang pinuri nang husto rito si Jasmine Curtis-Smith na siyang gumanap na Nanay ni Sahaya, na kung paano siya nabuntis at iniluwal si Sahaya.

Kahit nga si Anne Curtis ay puring-puri sa kapatid niya, kaya nanawagan talaga siya sa GMA 7 na sana mabigyan daw ng ganun pang project si Jasmine.

True naman talaga! Magaling na artista si Jasmine, kaya maganda ang kinalabasan ng pilot ng Sahaya.

Starting next week ay naglakihan na ang mga pangunahing karakter, at doon na lalabas sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Si Jasmine ay naging si Mylene Dizon na, kaya todo pa rin ang promo nila.

Nasa Eat Bulaga nga sila nung Sabado, para i-promote ang paglabas na nila sa mga susunod na episode ng Sahaya.

Ang isa pang aabangan ang mga bonggang eksena ay ang kay Snooky Serna.

Pinuri rin siya sa pilot episodes ng Sahaya, kaya hindi mapigilan ang mga

Nasa General’s Daughter naman kasi si Maricel at magkatapat nga sila.

Ayan! Pinagkumpara  na naman sila, at gusto pang intrigahin.

Marami ang nagsasabing mas magaling na raw ngayon si Snooky, na ayaw naman ng aktres ng ganun dahil ginagawa lang daw niya ang trabaho niya.

Tapos na raw yung banggaan nila ni Marya, kaya huwag na raw intrigahin no!

Magaling naman si Maricel sa General’s Daughter, kaya huwag na raw silang  pagsabungin.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

EVERYTHING IS SO OVERWHELMING –ARJO

arjo123

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ARJO Atayde is having the best of both worlds nowadays dahil ang gaganda ng nangyayari ngayon sa buhay niya, mapa-personal man o mapa-career.
Sa kanyang career, heto’t after 7 years na pagsusuporta sa mga lead stars, finally ay nabigyan na siya ng pagkakataong magbida sa digital series na Bagman ng Iwant, Dreamscape Digital at Rein Entertainment.

Sa kanyang love life naman, well, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na masaya silang nagmamahalan ni Maine Mendoza na recently nga ay very proud na ring umamin sa buong mundo that they’re
dating at inisa-isa pa ang mga dahilan kung bakit siya nagustuhan.

Sa presscon nga ng Bagman ay natanong si Arjo kung ano ang feelings niya sa pag-amin ni Maine at aniya ay sobrang saya niya. “Masaya po ako ako. I’m very, very, very happy, I’m
contented,” sey ni Arjo.

When asked kung napag-usapan ba nila ang bagay na ito bago
ilabas ni Maine sa kanyang blog at ayon kay Arjo ay hindi raw at
personal decision daw ito ng dalaga. Kahit nga sa gitna ng kaligayahan niya ngayon ay may mga
bashers pa rin, ayon sa aktor ay hindi raw ito mahalaga. “I am, very, very happy and I think, that’s what matters now.

My career, ABS-CBN is taking care of me, my personal life is good, my family is fine, they’re all very good, so I’m very happy. Kontento po ako ngayon, sobra,” pahayag pa ni Arjo. At kahit nga maraming bashers, talaga namang ipinaglaban din ni Arjo si Maine at sey nga niya nang mahingan ng komento tungkol dito, “as I’ve said last time, she’s worth fighting for, so dedma na lang siguro. I’m happy nga, eh, tulad nga po ng sinabi ko kanina,
kontento na po ako.I’m just really happy, and I see her happy, and I think it’s all that matters to me.”

Diretsong natanong din si Arjo kung siya baa ng dahilan ng pagkabuwag ng AlDub (Alden Richards and Yaya Dub) loveteam, at ayon sa aktor, “ay hindi ko po alam ‘yun, but I’m on a personal side. ‘Yun
lang po ang masasabi ko.”

Samantala, sobrang proud si Arjo sa Bagman kung saan ay gumaganap siya bilang isang ordinary ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya subalit naipit sa isang illegal na gawain
para mabuhay ang kanyang pamilya.

Sobrang intense raw ng mga eksena ni Arjo and the whole series itself, ayon na rin sa direktor ng serye na si Shugo Praico at  mga co-stars ng aktor na sina Yayo Aguila, Allan Paule, Chanel Latorre at
Raymond Bagatsing.

“Everything is surreal, everything is overwhelming,” pagtatapos ni Arjo. Ang Bagman ay may 12 episodes at ang first six episodes nito ay magiging available sa iWant nang libre simula Marso 20. Tatlong
episodes naman ang mapapanood sa Marso 27, at ang huling tatlong episodes naman sa Abril 3.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO KAY MAINE: SHE’S WORTH FIGHTING FOR!

arjomaine12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

EXCLUSIVELY dating na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ngayon. Nagsimulang makaranas ng online bashing ang aktor sa social media mula nang maugnay sa dalaga. Para kay Arjo ay wala nang makapipigil sa
kanyang tunay na hangarin kay Maine dahil pareho silang masaya rito.

“Masaya po ako, we’re exclusively dating. Nando’n pa lang po kami. She’s worth fighting for. I’m just really happy and I see her happy. I think that’s all that matters to me,” bungad ni Arjo.

Hanggang maaari ay gusto na lamang daw gawing pribado ni Arjo kung ano man ang tunay na namamagitan sa kanila ni Maine. “Having the freedom of posting doesn’t make us post even more. Kasi for us, I don’t think
basehan ‘yung relationship, ang pag-post nang pag-post (sa social media). We want it private as much as we can. Di ko naman sinasabing private tayo. But of course, ang sa amin, what you see is what you get
naman,” paliwanag ng aktor.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makatrabaho ng binata si Maine. Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa pelikulang ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’ na kalahok sa Metro Manila Film Festival
2018. Sa nasabing proyekto rin nagkakilala at naging magkaibigan sina Maine at Arjo. “Of course. I would love to work with her. Pero now, huwag po muna, saka na po when the time is right. But of course, I’m
looking forward to working with her, definitely,” pagtatapos niya. -Reports from JCC-

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO ATAYDE BIDA SA BAGONG ACTION SERIES

red(NI ISAH V. RED)

SOBRANG mapagpakumbaba itong anak ng aktres na si Sylvia Sanchez. Labis ang papuri ng mga manunulat kay Arjo Atayde sa prescon ng Bagman nung Miyerkoles ng gabi sa ABS-CBN kasama ang iba nyang co-stars na
ipapalabas on line via iWant, and digital service ng Kapamilya.

In all humility, sinabi ni Arjo na natutwa sya at napapansin ng mga manunulat ang mga ginagawa nya sa mga serye, pati na rin ang mga kasama nyang artista sa lahat ng seryeng nilabasan nya.

Nguni’t hindi nya tahasang inaamin na talagang magaling syang actor, Napapanood pa rin ang binata sa Kapamilya series na The General’s Daughter kung saan puring-puri sa kanya ang co-star at batikang artista na si Maricel
Soriano. Sabi nya patungkol sa papel na ginagampanan nya sa Bagman,”Wildest role I’ve ever done.”

Si Arjo, dito sa serye na dinirek ni Shugo Praico at prinodyus ni Lino Cayetano,  ng Rein Entertaiment para sa Dreamscape Digital, isang barbero (Benjie Malaya)
na nahikayat na maging isang bagman ng isang politico. Kung baga, kapit na sa patalim ang karakter na ginagampanan ni Arjo dahil sa mga pangangailangan nito.

Kung ano ang kahihinatnan ng barbero sa kanyang bagong papel bilang bagman ang siya dapat na sundan sa panonood ng Bagman  simula sa Myerkoles (March 20) sa iWant for free. Anim na episodes kaagad ang
mapapanood ninyo at sa March 27 (Sabado) ang huling tatlong episodes ang inyong mapapanood.

Kasama ni Arjo sa seryeng ito sina Raymond Bagasing, Yayo Aguila,
Allan Paule, at Chanel Latorre. Sabi ni Arjo wala naman raw syang balak na maging isang action star.
“Whatever the management gives me to play in a series, I do it and I give my all. If I am doing an action series, it’s because iWant has given me the opportunity to play the lead role in Bagman.”

Sabi ng isang manunulat, napaka swerte naman nitong si Arjo. Hindi lang syan maswerte bilang isang actor, maganda rin ang tinatakbo ng kanyang love life.

Si Arjo ngayon ang sinasabing constant date ni Maine Mendoza, popular na pangalan sa kabilang istasyon. Sinasabing namatay na raw ang AlDub dahil sa pagkaka-link ni Arjo kay Yaya Dub. Pakiusap ni Arjo na sana naman maunawaan ng mga fans ni Maine ang personal nyang mga choices sa buhay. “Let’s respect her personal
choices and be happy for her for finding the things that make her happy.”

GERALD SANTOS IS BACK FOR GOOD  FROM UK

Nakabalik na pala itong si Gerald Santos mula sa UK kung saan sya’y gumanap na Thuy sa Miss Saigon UK/International Tour. Dalawang taon ding nawala si Gerald sa local music scene.

Sa May 4, magkakaroon sya ng homecoming concert sa The Theatre at
Solaire na pinamagatang  Gerald Santos: The Homecomong Concert. Si Gerald ay nakapagperform ng 553 bilang Thuy, ang karakter na ipinagkatipan ng mga magulang nya at ni Kim. Nguni’t umibig si Kim sa
isang sundalong Amerikano at nang ito ay bumalik para hanapin sya, napilitang syang kitlin ang buhay ni Thuy na handang patayin ang sundalong Amerikano para mapigilan ang nagbabadyang pagsami ni Kim sa
kanya.

Natapos na ang kontrata ni Gerald kay Cameron Mackintosh, ang producer ng Miss Saigon. Sabi nya sa mga manunulat na pumunta sa kanyang homecoming presscon sa Oriental Palace sa T. Morato ilang oras lumagag
ang eroplanong sinakyan nya mula UK, nag-apply na raw sya ng working visa sa UK at hinihintay na lang nya ang resulta. Baka daw itong linggong ito ay mayroon ng sagot.

Dagdag pa nya, meron na ring syang agent sa U.K. na maghahanap ng mga posibleng papel na gampanan nya sa West End. Nakasama na sa Miss Saigon Tour sina Aicelle Santos who played Gigi
(runner up nya sa Pinoy Pop Superstar nung 2006), Joreen Bautista na nag-alternate na Kim at si Leo Valdez bilang The Engineer. Mga panauhin din nya ang mga ito sa kanyang homecoming concert pati na si
Jake Zyrus. Gerald Santos: The Homecoming Concert is presented by Mediabiz Entertainment Production, Echo Jam and Twin M Productions International, in cooperation with Solaire Casino and Resort, Star
Events and Globaltronics. Tickets are available at TIcketWorld (02) 891 9999.

Please follow and like us:
Read More

WHY ARJO? WHY NOT?–MAINE

arjomaine1

(NI GORGY RULA)

PASABOG ang ipinost ni Maine Mendoza sa kanyang blog nung kamakalawa lang.

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 24th birthday, isang mahabang emote ang inilagay niya sa kanyang blog tungkol sa kanila ni Arjo Atayde.

Napakalinaw ng paliwanag ni Maine kung anong namamagitan sa kanila ni Arjo at kung ano ang kalagayan nila ni Alden Richards bilang loveteam sa Eat Bulaga.

Si Arjo ang unang nag-break ng news na exclusively dating sila ni Maine, at pinatotohanan ito ng huli.

Malinaw na ipinaliwanag sa mga fans na sana maging positibo lang at maging masaya sa kanilang idolo.

Isa na nga rito ay ang matinding bashing na ibinabato sa kanila, kay Arjo, pati sa pamilya nito.

Sabi ni Maine; “It has to stop. You may not be required to love the people around the person you idolize but I don’t think it’s too much to show them at least some respect.”

Bakit nga ba si Arjo?

“Why not?” bahagi ng sagot ni Maine sa kanyang blog.

Sabi pa niya?  “You may have listed a long list of reasons why I shouldn’t but we all know it’s made out of hatred, anger and disappointment.

“I choose not to judge his character for whatever he’s done in the past because that does not define him as a person.

“I was raised to never judge a person, to always see the goodness of people no matter how other people see them. As for Arjo, I choose to go out with him multiple times so I’d get to know him better. I don’t see anything wrong with that. I welcomed him to my life, just like what I’d do to other people.”

Malinaw ding ipinaliwanag ni Maine na talagang magkaibigan sila ni Alden. Nakikita naman ang masaya nilang samahan sa Eat Bulaga.

In fairness din kay Alden, noong nagsimulang ma-link sina Maine at Arjo, lagi namang sinasabi ng Pambansang Bae na masaya siya para sa kanyang ka-loveteam.

Hanggang sa kasalukuyan ay talaga namang magkaibigan sina Alden at Maine, at masaya sila sa ikaliligaya ng bawat isa.

Sa blog pa ring iyun ni Maine, ibinahagi niyang pormal na humarap si Arjo si pamilya ng dalaga.

“He went to our house  in Bulacan to personally talk to my parents and tell them that he has nothing but good intentions for their daughter,” sabi ni Maine.

Kaya obvious na nag-aakyat ito ng ligaw, na sa totoo lang, deserved naman ito ni Maine.

Maganda at masaya ang friendship nila ni Alden, kailangan din naman ng lalaking magpapatibok ng puso niya.

Hopefully, si Alden ay magkakaroon na rin, at sana tanggapin naman ito ng fans nila.

Masaya sina Alden at Maine sa mundo nila ng AlDub.

Nakikita ring masaya si Maine at Arjo sa kanilang mundo. Sana nga tanggapin na ito ng lahat ng mga nagmamahal kina Alden at Maine.

Sabi pa uli ni Maine; “Sadly, I cannot stay as Yaya Dub forever. This is Maine, the real me.  And this is real life. And I cannot go on with my life behind a fictional character.

“The world is big, there are so many things to do, so many places to go and so many people to meet. There are things beyond our control and sometimes we just have to let life happen and move forward.”

At ang bahagi ng mahabang mensahe niya sa mga fans; “Please do not ever let your world revolve around the loves of the people you idolize. Never let the virtual world turns you into ‘another person’.”

Ang ganda, at naging totoo lang si Maine sa lahat.

Ayaw na niyang magkunwari  pa, at baka lalabas pang nakipaglokohan lang siya sa mga tao.

 

THE FAMILY AND HER MANAGEMENT TRUST MAINE KUNG SINO MAN ANG DINI-DATE NIYA

 

Kahapon lang ay napasama ako kay Manay Lolit Solis sa isang ka-meeting niya sa Coffee Project sa Quezon City, nakita namin doon ang manager ni Maine sa Triple A o All Access to Artists, Inc. na si Rams David.

Kinulit-kulit ni Manay Lolit si Rams tungkol kay Maine.

Ang isa sa nilinaw sa amin ni Rams ay mga kabarkada raw ang kasama ni Maine na pumunta ng Taiwan. Pa-birthday daw niya iyun sa sarili kasama ang mga kaibigan, at sumama rin doon si Arjo.

Biyahe raw iyun ng grupo, hindi lang silang dalawa.

Hiningan namin ng pahayag si Rams kaugnay sa isyung ito nina Maine at Arjo.

Sabi niya;”Nirerespeto ko kung ano man ang personal na nangyayari at desisyon ni Maine.

“Si Maine ay nagtatrabaho po nang maayos bilang artista.

“Sa labas po, kung ano ang ikaliligaya niya na hindi ikapapahamak ng bata, she can do it. Kasi we trust her.

“The management, and I’m sure the family trust her kung sino man niyang lumalabas, nagdi-date, out of town, out of the country. Which is right now, she’s with the company of friends na nagbabakasyon kasi birthday niya, baka puwede naman ibigay na natin kay Maine yun, as a gift na maging masaya yung bata.

“Iyun din ang wish namin sa kabila..kay Alden. I’m sure si Alden ay may sarili ring buhay. Let us respect kung ano man yung desisyon din nung tao para sa sarili niyang buhay.

“Alden is working hard. Hanga ako kay Alden. He is part of Sunday Pinasaya, at sobrang appreciation meron kami lalo na ako, kasi he makes it a point na nandun siya pag Sabado to rehearse. At tuwang-tuwa siya  pag maganda ang nagawa niya every Sunday.

“For me, ang artista kung ano ang ginagawa niyang tama, at marespeto kang tao,  that’s it . Kung ano man magpapaligaya sa ‘yo outside showbiz, kung wala kang tatapakan at masasaktan, you can do it.

“Sa nagmamahal sa kanila maraming salamat

“Sa mga nasaktan, salamat sa pagsuporta sa kanila. At humingi kami ng pang-unawa sa kung anong present na situation nila ngayon.

“Di ba masarap ang pakiramdam  kung makita mong masaya ang isang taong minamahal mo?”

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO INANGKIN NA SI MAINE

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“Miercoles de Ceniza” na. Miyerkules ng Abo. Simula ng panahon ng Kwaresma. Simula ng panahon ng pagsisi at pangangako ng pagbabagong buhay para sa maraming Katoliko na bumubuo ng mahigit na 87 porsiyento ng ating bansa.

Ibig naming sabihin, aminin na ninyo ang lahat ng katotohanan. Huwag na iyong puro na lang kayo pra la la, na kahit na hindi totoo, iyon ang sinasabi ninyo dahil sa “give”.

Marami kaming naririnig, at sinasabi sa amin sa social media na kami raw ay kontrabida at nagpapalabas pa ng “fake news” nang sinasabi naming naniniwala kaming mag-syota na nga sina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Ngayong lumabas na ang totoo, sino ang nagsusulat ng “fake news”?

Ngayon napilitan na rin si Maine na aminin mismo, “nagpunta si Arjo sa bahay namin sa Bulacan para kausapin ang aking mga magulang, at humingi ng permiso na makapanligaw sa akin”. Inamin din naman niya na nag-warning ang mga magulang niya kay Arjo, pero napatunayan noon ang kanyang malinis na hangarin, kaya maski sa mga magulang ni Maine, legal ang panliligaw ni Arjo.

Kung ang mga magulang ni Maine ay payag sa panliligaw ni Arjo, sino naman iyang mga umaapela pang iyan na gustong mabuhay sa kanilang ilusyon?

“Hindi naman puwedeng Yaya Dub na lang ako forever,” sabi pa ni Maine. Maliwanag sa kanyang statement na gusto na niyang mabuhay nang tama. Aba eh hindi ba naman totoong 2017 pa inamin na ni Maine na hindi nanliligaw sa kanya si Alden at wala silang relasyon? Bakit hanggang ngayon pinepeste ninyo si Maine? Bakit hindi si Alden ang tanungin ninyo kung sino ba ang nililigawan niya? Bakit hindi siya nanligaw kay Maine. Baka naman iba ang gusto ni Alden, tapos binuburo ninyo si Maine.

Si Arjo naman ay naglabas din ng isang statement kung saan tinawag niya si Maine na “my Maine”. Maliwanag ha, inaangkin na ni Arjo si Maine na sa kanya na. Mag-syota na sila. Huwag na kayong aapela pa. Puro “fake news” na lang ang pinagsasabi ninyo. Huwag na kayong maniwala sa inyong mga panaginip. Wala na iyang Aldub. Love team na lang iyan. Huwag na ninyong ipaglaban pa ang inyong mga pra la la. The end na iyan, at magsisi na kayo sa inyong pambobola sa publiko.

 

SANA MAY SUMIKAT PA KAGAYA NI RUDY FERNANDEZ

 

Natuwa naman kami nang makita namin ang picture ng libingan ni Rudy Fernandez, isa sa ating mga action superstars noong araw, puno iyon ng bulaklak bilang pag-alala sa kanyang birthday noong Linggo, ng kanyang pamilya, particularly ng kanyang asawa, ang aktres na si Lorna Tolentino.

Isa iyang si Rudy sa mga artistang nagtindig ng industriya, at nagsikap hanggang sa marating niya ang kasikatang kanyang tinamo. Noong panahong iyon, sinasabing si Rudy lamang ang number two kay FPJ, kaya nang halos magkasunod na nawala ang dalawa, bumagsak ang action pictures.

Marami ang nagtatangkang buhaying muli ang mga action movies. Bakit nga ba hindi eh iyong action pictures ng mga dayuhan kumikita nang malaki. Dito lang naman sa atin humina iyan nang halos magkasunod ngang mawala sina FPJ at si Rudy Fernandez.

Pero sana nga makabawi naman ang industriya ng ating pelikula. Sana may gumawa pa ng mga mahuhusay na pelikulang kagaya noong araw. Sana rin may mga artista pang sumikat kagaya ni Rudy Fernandez na totoong minahal ng masa.

Iyong iba naman kasi hindi talagang sumikat eh. Pasikat lang.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ALDUB FANS NABUHAYAN NG LOOB SA TWEET NI ALDEN

alden22

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NAKAAALIW  talagang magbasa minsan ng mga comments ng mga fans. Given na given na sa amin na isa sa mga passionate o minsan over na mag-isip at analyze ay ang mga fan ng AlDub nila Alden Richards at Maine Mendoza.

Eh, nag-post si Alden sa Twitter account niya nang, “Relax… God is watching.” Yun na, kanya-kanya ng interpretasyon sa apat na words lang na tweet niya ha.

May nagpalagay agad na ang tweet daw ni Alden na yun ay para sa Aldubnation na mag-relax lang, kung may mga hindi man gustong isyu na lumalabas ngayon like Maine and Arjo Atayde, sa tweet ni Alden, may mga nabuhayan ang dugo at inisip na there’s something pa rin between Maine and Alden.

May nagsabi naman na “pa shade, hindi na lang diretsuhin. Kaya maraming delulus.” Ibig sabihin, hindi raw kasi malinaw ang mga post ni Alden kaya yung iba, can’t help na mag-ilusyon pa rin sa kanila ni Maine.

Pero ang maganda sa nabasa namin, mukhang hindi nga kasi tumitigil ang pangba-bash ng iba dahil sa pagka-against sa Maine and Arjo in real-life naman. Na kung tutuusin, labas na si Alden sa ArDub pero pilit pa rin isinisisi kay Alden ang kung anuman meron sa dalawa.

Dahil daw sa simpleng tweet ni Alden, may mga fan na kumalma na. Sabi ng isang netizen, “Kaya I’m a fan. Hindi patola. He has mastered the art of deadmalogy!”

Sayang nga lang at sa ginanap na NDAA 2018 National Digital Arts Awards sa PICC noong Martes ng gabi ay hindi na namin nahintay si Alden na isa sa mga performer.

Eh, ‘di sana, mas bongga at naitanong namin dito kung ano ang pinanggagalingan ng tweet niya na yun at kung ano talaga ang totoo sa KathDen movie.

 

****

NAMANHID ANG ANIT NI THEA DAHIL SA SABUNOT NI KRIS

 

Isang Linggo na lang at magwawakas na ang afternoon prime na “Asawa Ko Karibal Ko” ng GMA-7, after nga raw, plano muna ni Kris Bernal na harapin ang mga pinut-up niyang negosyo. Aminado itong talagang nakukuha ang oras at isip niya raw rito.

Kaya timing din daw na magtatapos na ang isa sa highest rating afternoon prime ng GMA-7 na AKKK at sasabayan na rin daw niya ng travel papuntang Japan kasama ang 2 years non-showbiz boyfriend.

 

Kasabay ng pagtatapos ng AKKK, matatapos na rin ang mga pisikalan nila ni Thea Tolentino na ayon sa dalawa, nagiging totohanan daw talaga.

Naglitanya nga si Thea na manhid na raw ang anit niya dahil sa mga sabunot na natatanggap niya sa serye nilang Asawa Ko Karibal Ko.

“Nagkakasakitan talaga kami, naaawa na nga ako sa kanya,” sabi naman ni Kris.

Ngayong isang Linggo na lang ang serye nila at magpi-finale na, tinanong namin kay Kris kung ano ang pinaka-mahirap na pinagawa sa kanya.

Ayon dito, “Kasi, sanay na ko lagi ng mga ganyang eksena. Iyakan, mga confrontation, api-apihan. Pinakamahirap siguro yung asawa mo, transgender.

“Hindi mo alam kung ano ang magiging reaction mo so for me, yun ang pinaka-mahirap imagine. Isipin mo ba na ang asawa mo, lalaking-lalaki, tapos ngayon, babaeng-babae?”

Intense nga raw ang scene kapag nalaman niya na asawa pala niya dati ang hindi niya inakalang transgender pala na karibal niya which is, played by Thea nga.

Sa totoong buhay, umamin si Kris na may napagdudahan din siya na naging karelasyon niya.

“Hindi naman bading, pero napa-isip lang ako na may chances na– jowa ng bading. Ewan ko, may pakiramdam lang din ako, tapos nakuwento-kuwento lang din.”

After na raw ng relasyon nila nang malaman niya, pero hindi na rin naman daw niya kinumpirma. Bukod pa rito, hindi na rin naman daw isyu sa kanya kung may jowa o naging jowang bading ang nakarelasyon niya.

“Eh kasi, maiintindihan ko rin naman. Malay mo, may pangangailangan,” ang bonggang sagot niya.

Kung during the relationship daw niya malaman na may kasabay siyang dyino-jowa ng boyfriend niya na bading, siguro raw ay makikipag-hiwalay siya. Pero humirit pa rin ito na depende rin daw kung mahal niya.

“Depende e, kasi kung love ko, tinutuloy ko. Pero kung ayaw niya sa akin at siya mismo ang may ayaw sa akin, okay lang. Maintindihin kasi ako. Pero kung gusto pa namin parehong ituloy ang relationship, okay lang din.”

At dahil sa mga rebelasyon na yun ni Kris, isa ang sigurado, mamahalin siya ng LGBTQ community, huh!

Sa mga naging ex-boyfriend naman niya, may ilang short-lived lang, pero pinaka-matagal daw ay si Carl Guevarra.

 

 

Please follow and like us:
Read More

RELASYONG MAINE-ARJO BUKING SA SOCIAL MEDIA

maine22

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AY naku, ano man ang sabihin nila Tito Kc, maliwanag na talaga ang relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Aba ngayon ang lumalabas ay intimate pictures na noong dalawa na kung makikita mo, hindi ka na magtatanong kung ano nga ba ang relasyon nilang dalawa. Hindi na mukhang “exclusively dating” lang.

Hindi lang kagaya noong dati na puro third party lang ang naglalabas ng mga pictures nila together. Naunang naglabas si Arjo sa kanyang social media account. Hindi nagtagal naglabas na rin ng pictures si Maine na magkasama silang dalawa. Tapos ngayon ang sinasabi pa sa mga tsismis, lumabas ang mga bagong pictures na isang “dummy account” na ang totoong may ari ay si Maine din.

Maliwanag kung ganoon na kahit na nga sabihing hindi naman sila magka-love team, at walang pag-asang maging magka-love team sila dahil sila ay nasa magkalabang network, desidido sila sa kanilang relasyon. Para bang kaso nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Pero ano malay ninyo kung may isa rin sa kanilang lumipat kagaya ng ginawa ni Matteo, na lumipat sa Viva para lang makasama si Sarah?

Kami, talagang natutuwa sa ganyang mga love affairs. Kasi hindi ginagawa lang eh. Totohanan iyan. Hindi kagaya noong iba na aamin lang na mag-syota sila dahil may ipalalabas na pelikula, at pagkatapos naman noon ay wala rin. Hindi nagliligawan para lamang mapataas ang kanilang career. Nagkaroon sila ng relasyon dahil gusto nila at masaya sila sa isa’t isa.

Basta ganyan namang sitwasyon, huwag na kayong kokontra. Kung sa bagay kahit na sa mga istorya ni Walt Disney, basta nagkagustuhan na ang prinsipe at ang prinsesa, nang-aasar na ang mga bruha. Huwag naman kayong maging bruha.

 

Please follow and like us:
Read More

ARJO, MAINE LABING-LABING NA SA AURORA BOREALIS?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MABILIS ang mga ispekulasyon na magkasama na sa US ang “mag-syotang” sina Maine Mendoza at Arjo Atayde matapos na i-post ng huli sa kanyang social media account ang isang picture na nagpapakita sa kanyang girlfriend na nakatawa sa isang restaurant. Wala namang sinabing magkasama na sila. Nagpunta sa New York si Maine para sa promo ng isang lipstick, samantalang si Arjo naman ay naging participant sa isang concert, pero sinasabing baka nga nagkita na sila.

Nauna riyan, sinasabing balak ng dalawa na magpunta sa Alaska para masaksihan ang Aurora Borealis o iyong tinatawag na  ‘Northern Lights’.

Eh ano naman, nai-inggit kayo kaya namba-bash na naman kayo.

 

NABAWASAN NA NAMAN NG VILMANIANS

 

“Nabawasan na naman ang mga Vilmanians,” ang text sa amin ng isa naming kaibigang writer din, kasi pala namatay na noong Lunes ng hapon ang aktres-singer at producer na si Armida Syguion Reyna. Noong nabubuhay pa siya, sinasabi niyang ang napipisil niya sa mga artista ay sina Congresswoman Vilma Santos, si Susan Roces, Maricel Soriano at Dawn Zulueta.

Sa mga singers, pinupuri niya ni Lea Salonga, at noong iyon nga ay unang lumabas sa Miss Saigon, talagang dumayo siya sa London para mapanood iyon.

Si Armida ay nanungkulan din bilang chairman ng MTRCB, noong panahong presidente si Joseph Estrada, kahit na sinasabi niyang bilang alagad ng sining ay tutol siya sa anumang uri ng sensura. Noong kanyang panahon ay bina-bash siya ng ilang lider relihiyoso, na nag-rally pa sa harap ng kongreso laban sa kanya sa pamumuno ni Eddie Villanueva nang mapahintulutan ang isang pelikula ni Priscilla Almeda, iyong kontrobersiyal na Sutla.

Pero mahigpit din naman siya. Maraming mga pelikulang hindi rin niya pinalusot dahil sa labis na pagpapakita ng sex, kabilang na riyan ang pelikulang Toro. Nang mawala siya sa MTRCB, pinalitan ang title ng pelikula at ginawang Live Show, na nakalusot naman sa board sa ilalim ng pamumuno ni Nick Tiongson. Napilitan ding mag-resign si Tiongson dahil sa pressure naman ng simbahan sa presidente noon na si Gloria Macapagal Arroyo ng arsobispo ng Maynila, Jaime Cardinal Sin.

Pero bago namin makalimutan, nasabi nga pala ng kumedyanteng si Joey de Leon na “wala nang maka-quorum sa mah-jong ang ermat ko, kaya nag-last jai alai na kagabi. I love you Ma”.  May halo pa ring pagpapatawa si Joey nang ibalitang yumao na nga ang kanyang inang si Mrs.Emma Manahan Reyes de Leon sa edad na 93.

Nag-host pa rin si Joey ng kanilang noontime show, katunayan ng kasabihang ano man ang mangyari sa buhay ng isang artista, “the show must go on”.

 

MAG-ALAGA NA LANG NG ANAK ANG LAOS NA KOMEDYANTE

 

Hindi matanggap talaga ng isang kumedyante na laos na siya ngayon. May panahon kasing masyado siyang in-demand. Hits ang kanyang mga pelikula kahit na walang kuwenta, at araw-araw siyang nasa telebisyon. Ngayon hindi na ganoon. Iyong pelikula nga niya aywan kung magtatagal sa sinehan eh.

Pero mayroon talagang saturation point ang career ng mga kumedyante. Basta nagawa mo na ang lahat at hindi na natatawa sa iyo ang mga tao, it’s time to say goodbye. Dapat na nga siguro siyang mag-retire at asikasuhin na lang kung anong negosyo mayroon siya. Pwede rin siyang mag-alaga na lang ng anak niya

 

 

Please follow and like us:
Read More