GRUPO NG MNLF NASABAT NG MILITAR; ARMAS ISINUKO

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

MAGUINDANAO – Nasabat ang grupo ng Moro National Liberation Front  (MNLF) matapos hanapan ng kaukulang mga dokumento ay bigong makapag-presinta ang mga ito at sa halip ay kanila na lamang isinuko ang mga dalang armas sa Buluan gymnasium sa bayan ng Buluan, Maguindanao, Sabado ng tanghali.

Sa ulat ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army, alas-12:30 ng tanghali ng isinuko ng mga MNLF ang kanilang bitbit na armas ng maharang sila sa nasabing lugar.

Kabilang na rito ang 21-M16, tatlong M14, isang Ultimax, dalawang M4A1 Carbine, Garand – 2, Bar – 1, Cal. 45 – 3, M203 – 1, M79 – 1, Springfield – 1, Carbine – 1 at mga bandoliers maliban pa sa mga magazines na puno ng bala.

Sa ulat ng pinagkakatiwalaang source, magsasagawa umano sana umano ng pagpupulong ang nabanggit na organisasiyon pero wala naman umanong koordinasiyon ang mga ito sa kinauukulan o sa pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao.

Kinuwestiyon din ang pagsuot nila ng damit sundalo at ang pagdadala ng armas gayong nasa ilalim ng martial law ang Mindanao.

 

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN VS MILF MEMBER; 1 PATAY, 5 KRITIKAL

maguindanao map12

(NI ANNIE PINEDA)

NAUWI sa barilan ang matagal nang alitan ng punong barangay at ng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng limang katao nitong Martes sa Maguindanao.

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawi at mga nasugatan sa gulo nina Punong Barangay Yasser Diakal ng Barangay Darampua Sultan Sabarongis at Kumander Pia Mabang ng MILF.

Batay sa report ng 601st Brigade, bandang alas 8:05 ng gabi nang sumiklab ang bakbakan sa nasabing lugar.

Napilitan naman lumikas ang mga residente sa lugar sa takot na madamay sa gulo at matamaan ng mga bala ng baril na tumagal ng halos 1-oras.

Sinisikap naman ng militar at pulisya na mamagitan sa gulo para humupa at wala nang iba pang madamay na sibilyan.

Inaalam na rin ang tunay na dahilan na pinag-aawayan ng dalawang grupo.

 

Please follow and like us:
Read More

BATANG LALAKI PATAY SA BOGA NG KALARO

crime

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI na magawa pang makapaglaro ng limang taon gulang na batang lalaki makaraan mabaril ito ng kanyang kalaro habang naglalaro ng baril-barilan sa labas ng kanilang bahay, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Maguindanao.

Kinilala lamang ang namatay sa alyas Tato habang ang suspek naman ay si alyas Tahir, 7, at kapwa residente ng Parang Maguindanao.

Batay sa report ng Parang Municipal Police Station, naglalaro ang dalawang bata sa malapit sa kanilang tahanan gamit ang hollen gun nang biglang makalabit ni Tahir ang gatilyo ng nito at pumutok na tumama sa ulo ng biktima.

Agad naman dinala sa ospital si Tato pero patay na nang idating.

Kinuha ng mga awtoridad si Tahir at tinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at mahaharap sa kaukulang kaso pagsapit ng tamang edad nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGA NI-RAPE, PINATAY NG TIYUHIN, 4 KAIBIGAN

maguindanao map12

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang 22-anyos na dalaga makaraan gahasain at patayin ito ng lima, kabilang ang sariling tiyuhin, habang nasawi ang isa sa mga suspek nang kuyugin at bugbugin ng mga residente, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Parang MPS Chief Police Lt. Col. Ibrahim Jambiran, hindi pinangalanan ang 22-anyos na biktima at graduating student, ng Parang Maguindanao.

Batay sa report, natagpuan ang bangkay ng biktima na puro at sugat sa katawan sa likuran bahagi ng Parang National High School sa bayan ng Parang sa Maguindanao, noong  Agosto 10.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre ang sulat ng biktima para sa kanyang ina at sinasabig ginahasa ito ng kanyang tiyuhin.

Kaagad naman nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad at nadakip ang dalawa sa limang suspek subalit, kinuyog ng mga residente ang mga ito at namatay ang isa sa bugbog.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

9 TERORISTA PATAY SA MAGUINDANAO

maguindanao map12

(NI JESSE KABEL)

SIYAM na terorista ang napaslang ng Philippine Army-at AFP Task Force Central bukod sa tatlong sugatan sa inilunsad na opensiba laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Abu Torayfie terror group sa Maguindanao.

Sa ulat na ibinahagi ni Army Maj Alvin Encinas, tagapagsalita ng AFP 6th Indantry Division, kabilang sa mga napaslang ng militar sina Abdul Mosaiden, Mohammad Satar, Hamid Ekal, Maula Samad, Esmail Kagui Malang, Muner Akbal, Musanep Kabelan at isang alyas Alimudin.

Ayon kay Encinas, inaalam pa nila nang husto ang mga nakakalap na ulat hinghil sa mga sinasabing casualty at naneyutralisa sa serye ng air at ground assault nitong mga nakalipas na araw.

Base sa intell report ng JTF Central , kabilang sa mga sugatan sina Abdul Mama, Pagayao Sulaiman, at Omar Malayog.

Sa pinakahuling sagupaan sa Barangay Dasawao, Shariff Saydona Mustapha at may isang sundalo ang nasugatan at kinailangan itakbo sa Camp Siongco Station Hospital.

Magugunitang noong nakalipas na linggo ay nasawata ng JTF Central ang planong paglulunsad ng terorismo ng BIFF at Abu Toraypie groups naglunsad ng tactical operation ang AFP sa Barangay Dasawao, na ikinamatay nu Army Sergeant Ahmad Mahmood.

Ayon kay Western Mindanao Command, chuef Lt. Gen. Cirilito Sobejana,

“Deliberate offensives against terrorists continue, inflicting more casualties and impeding any hostile plans of terrorists as military troops attempt to penetrate enemy strongholds in Maguindanao.”

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS PATAY, MISTER, APO SUGATAN SA AIR STRIKE

maguindanao map12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis habang sugatan ang kanyang asawa at kanilang apo makaraan bumagsak sa kanilang bahay ang airstrike ng militar laban sa teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao at Cotabato.

Kinilala ang namatay na si Misbah Masla, habang sugatan ang mister nitogn si Ali at kanilang apo na si Edwin Masla, 10-anyos , kapwa ng Sitio Butilen Barangay Kabasalan, Maguindanao.

Batay sa ulat ng 6th Infantry Division spokesperson, dakong alas 3:30 kaninang madaling araw (July 25), nagpakawala ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ng airstrike, laban sa grupo ni Abu Toraife.

Subalit, bumagsak ito sa tahanan nina Masla, na agad ikinamatay ng misis habang dinala naman sa Cruzado Medical Clinic ang maglolo para lapatan ng lunas.

Ayon sa pag-imbestiga ng 602nd Army Brigade na naka-base sa Cotabato, ang tinamaang bahay nina Masla ay bahay umano ng miyembro ng BIFF.

Isinagawa ang airstrikes at ground assaults pagkatapos ang berepikasyon ng intelligence information na si Commander Abu Toraife at Salahuddin Hassan, kasama ang ilang dayuhang terorista, ay namataan sa naturang barangay.

Ang pag-atake ng militar sa barangay ay upang sirain ang pagawaan ng bomba ng BIFF.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

13-ANYOS SAPUL SA MATA NG NILARONG ‘HOLEN GUN’

crime1000

(NI ANNIE PINEDA)

NANGANGANIB mabulag ang isang 13-anyos na totoy makaraan aksidenteng mabaril nito ang sarili nang paglaruan umano ang kanyang ‘holen gun’, sa Maguindanao.

Kinilala ang biktimang si Datu Jay Guiaman, residente ng North Upi Maguindanao.

Batay sa report ng pulisya, pinaglalaruan umano ng biktima ang kanyang holen gun at aksidente nitong nakalabit ang gatilyo na tumama sa mata.

Kaagad naman dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City ang biktima para gamutin ang sugat nito at ayon sa mga doktor ay delikado umano ang lagay ng mata nito.

 

Please follow and like us:
Read More

P1-M SHABU NASAMSAM SA MAGUINDANAO

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

KALABOSO ang isang kilabot na tulak ng droga makaraang mahulihan ng P1 milyong halaga ng shabu sa inilatag na entrapment operation ng pulisya sa Poblacion ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao, Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Sahid Talib.

Ayon kay Juvenal Azurin, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nahulog sa kamay ng batas ang suspek alas-2:00 ng hapon sa ikinasa nilang entrapment operations.

Nanguna sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng Maguindanao provincial police at ng Criminal Investigation and Detection Group-BARMM kung saan matagal na umanong minamanmanan ang suspek.

Nabatid na ang pagkakahuli kay Talib ay isang linggo matapos na matimbog din ang tatlong kababaihan na gumagamit ng mga bata bilang courier.

Ayon kay Azurin, inaresto si Talib nang iabot ang isang kilo ng shabu na nakasilid sa isang damit sa isang ahente ng PDEA na undercover. Samantala, kinilala naman ang tatlong mga kababaihan na nahuling sangkot sa large scale na bentahan ng Droga na sina Raihana Macalimpas at ang dalawang mga Kasama nito na sina Dacel Duloan at Malvina Doluan na nakuhanan naman ng P1.3 milyong halaga ng shabu.

Habang nai-turn-over naman sa Department of Social Welfare and Development office ang apat na kabataan na ginagamit sa pagtutulak ng illegal na droga.

 

Please follow and like us:
Read More

BALLOT BOX, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Natagpuang palutang-lutang sa isang latian o bagsakan ang isang ballot box na naglalaman ng mga balotang hindi umano naisama sa bilangan noong nakalipas na May 13 elections sa Barangay Sambulawan sa Datu Salibo, Maguindanao, iniulat kahapon.

Ang naturang ballot box ay natagpuan ng mangingisdang si Moadz Mindao sa nasabing barangay noong nakaraang linggo.

Sabi ni Mindao, napagkamalan niya pang buwaya ang lumulutang na ballot box kaya’t natakot siyang lapitan ito.

Ngunit nang makumpirmang isa ngang ballot box ang kanyang nakita ay kaagad naman niya itong ipinagbigay-alam sa kanilang barangay officials.

Agad ding nai-turnover sa local election office ng bayan ang naturang ballot box.

Ayon naman sa local election office ng bayan, wala umanong epekto sa naging resulta ng halalan kahit bilangin pa ang mga balotang laman ng natagpuang ballot box.

Mayroong 9,504 registered voters sa Datu Salibo. Sa bilang na ito, halos limang libong mga botante lamang ang bumoto noong May 13.

Naiproklamang bagong halal na alkalde si Solaiman Sandigan na nakakuha ng 2,729 boto, habang 1,427 boto naman ang nakuha ni outgoing mayor Norodin Salasal.

Mayroong 1,778 na mga rehistradong botante sa Barangay Sambulawan kung saan nakuha ang ballot box.

 

Please follow and like us:
Read More

GUN FACTORY NADISKUBRE SA MAGUINDANAO

maguindanao map12

(NI JG TUMBADO)

ISANG sinasabing gun factory at repair shop ang nadiskubre ng pulisya at militar habang nagsisilbi ng arrest warrant laban sa isang “High Value Target” (HVT) sa General SK Pendatun sa Maguindanao.

Sa Barangay Madconding natagpuan ang nasabing pagawaan ng armas sa kalagitnaan ng operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Maguindanao Provincial Police Office-Public Safety Battalion, 33rd Infantry Battalion at 2nd Mechanized Infantry Battalion.

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, Division Commander ng 6th Infantry Division, isang Sukarno Buka, ang sinasabing sub leader ng ISIS terror linked na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang siyang target ng arrest warrant sa lugar.

Pero sinabi ni Sobejana na nakatakas na si Buka bago pa man makarating ang  mga awtoridad sa lugar ng operasyon kung saan sa bahay nito bumungad sa mga awtoridad ang naturang gun factory at repair shop nito.

Batay sa intel report, gumagawa si Buka ng mga baril para sa mga miyembro at opisyal ng nasabing terrorist group.

Sangkot din umano ang suspek sa illegal drug activities sa lugar.

Nasamsam ng mga awtoridad ang ilang hindi pa tapos na assemble parts mula sa iba’t ibang uri ng mga armas, equipment at mga amunisyon.

Ang pagkadiskubre sa pagawaan ng mga baril ay nakaapekto umano sa kakayahan ng BIFF na lumaban sa gobyerno.

Patuloy naman ang manhunt operation ng pulisya at militar kay Buka.

 

Please follow and like us:
Read More

4 PAMPUBLIKONG CLASSROOMS NASUNOG 

maguindanao map12

(NI NICK ECHEVARRIA)

TINUPOK ng apoy ang apat na classroom sa pampublikong paaralan ng Pageda Elementary School sa Talitay, Maguindanao, Huwebes ng hapon.

Sa report ni P/Lt. Col. Karl Centinaje, hepe ng Municipal Police Station, naganap ang sunog bandang alas-3:30 kung saan katatapos lamang ng klase ng mga estudyante.

Dalawang anggulo ang tinitingnan ng pulisya kaugnay sa naganap na sunog kung saan wala namang nasaktan.

Ayon sa mga imbestigador, maaaring faulty electrical connections ang dahilan ng sunog habang hindi naman iniaalis ng pulisya ang posiblidad na sinadya umanong sunugin ang nabanggit na paaralan batay sa ilang mga reports.

Gayunman, ayon sa mga naninirahan sa lugar wala naman silang napansin na mga kahina-hinalang indibidwal na gumagala sa lugar bago nangyari ang sunog.

Ikinalungkot naman ng district supervisor ng Talitay Schools na si Edres Kasan ang insidente dahil 200 mga estudyante umano ang nagkaklase sa apat na silid aralan ng nasunog na isang palapag na gusali.

Balak namang tayuan ng pansamantalang classroom ng mga local school officials sa lugar ang bakanteng lote sa tabi ng nasunog na eskwelahan para magamit ng mga mag-aaral.

 

Please follow and like us:
Read More

ILLEGAL LOGGING NABUKING; 2,000 PINUTOL NA PUNO NASAMSAM

illegal logging12

(NI JESSE KABEL)

TINATAYANG aabot sa milyong pisong halaga ng troso ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Army sa bayan ng Barira sa lalawigan ng Maguindnao.

Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Hukbong Sandatahan, nasabat ng mga tauhan ng Philippine Army ang mga pinutol na puno mula sa isang watershed facility sa bayan ng Barira sa Maguindanao.

Sakto sa pagpapatrulya ng mga tauhan ng 37th Infantry Battalion ay natiyempuhan ang ginagawang pagkakarga sa dalawang truck ng mga pinutol na puno.

Ayon kay  1st Lt. Ric Pitallano, ng Philippine Army, tinatayang aabot sa 2,000 troso ang nasabat ng mga tauhan ng 37th Infantry Battalion sa Barangay Lamin.

Nakatakas naman ang driver ng dalawang truck bago pa sila masakote ng mga sundalo.

Naaresto naman ang tatlo katao na nagsisilbing escort ng truck na nakilalang sina Bacve Morog, Rudta Fanares at Marju Elias.

Nabatid na dadalhin ang mga troso sa bayan ng Parang.

Please follow and like us:
Read More

BANGKAY NATAGPUAN SA ABANDONADONG BANGKA

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

COTABATO CITY – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang abandonadong bangka sa karagatang malapit sa Bongo Island, Parang, Maguindanao habang arestado naman ang suspek sa pagpatay sa Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao, nitong Lunes.

Sa report ng Parang PNP, alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ng Parang Bantay Dagat at PNP BARMM Maritime Unit ang RRV-3 Light Boat kung saan naroon ang bangkay na nagmula pa sa Sibago Island, Basilan.

Nakilala naman ang biktima na si Jeorey Pagnete, 31,may asawa at taga Pitogo, Zamboanga del Sur.

Natagpuan din ng Datu Blah Sinsuat PNP, Philippine Coast Guard – Cotabato Station at PNP BARMM Maritime Unit, ang suspek na nakilalang si Bonifacio Segudan Rabe, 43, may asawa at taga Malian, Zamboanga del Sur.

Ang suspek ay nasagip ng mga otoridad habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Datu Blah Sinsuat.

Sa imbestigasyon ng Parang PNP, inamin ni Rabe na pinagsasaksak niya hanggang sa mapatay ang biktimang si Pagnete.

Pagkatapos ay nagpasya siyang tumalon sa dagat at iwan ang bangkay sa naturang bangka hanggang sa mapadpad sa Bongo Island.

Nakakulong naman sa Parang PNP ang suspek habang ang RRV-3 Light Boat ay nasa kustodiya ng PCG-Cotabato.

Please follow and like us:
Read More

KAMBAL NA PAGSABOG YUMANIG SA MAGUINDANAO

maguindanao map12

MAGUINDANAO – Dalawang magkasunod na pagsabog ang gumimbal sa mga residente habang nasa kalagitnaan ang mga ito ng (Taraweeh) pagdarasal sa isinasagawang pag-aayuno ng mga Muslim ngayong panahon ng Ramadan sa Talitay, Maguindanao, iniulat nitong Huwebes.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones na nangyari ang mga pagsabog sa Barangay Poblacion ng bayan, bandang alas-6:45 ng gabi.

Dalawang bala umano ng M-203 Grenade launchers ang pinaputok ng mga hindi pa nakikilalang suspek ilang minuto lamang matapos ang Taraweeh prayer. Sumabog ang dalawang mga eksplosibo sa isang bakanteng lote malapit sa public market ng bayan ngunit masuwerteng wala namang nasaktan sa insidente.

Una rito, ilang mga matataas na uri ng armas, mga bomba at mga bala ang nakuha ng militar sa barangay Bentan at barangay Kilalan, Talitay na iniwan ng dalawang private armed groups na nakasagupa ng mga sundalo noong kasagsagan ng election season.

Nagresulta naman ito sa paglikas ng libu-libong mga sibilyan mula sa naturang mga barangay.

 

Please follow and like us:
Read More

36 VCM SA MAGUINDANAO SIRA; MANO-MANONG BILANGAN INIUTOS

maguindanao12

 

 

(NI NICK ECHEVARRIA)

MANO-MANO ngayon ang ginagawang botohan sa ilang mga presinto sa  Pagalungan, Maguindanao makaraang mag-malfunction ang 36 na mga Voter Registration Verification Machines (VRVMs).

Ayon sa election officer na si  Tahir Abo , nauna nang tinesting ang nasabing mga machines bago ang eleksiyon at maayos namang gumana subalit nag-bog-down sa mismong araw ng halalan, maging ang mga back-up nito.

Dahil sa mga naranasang problema, agad iniutos ni Abo sa mga personnel ng bawat precinct-level ang manual voting.

Parehong problema rin ang naranasan sa iba’t-ibang mga presinto sa Cotabato City, partikular sa L. S. Sebastian Elementary School, Rojas National High School, P.C. Hill Elementary School at Vilo Elementary School. Sinisikap naman ng mga technicians ng Commission on Elections (Comelec) na agad maisaayos ang naturang mga makina.

Please follow and like us:
Read More

TEENAGER SUPPLIER NG DROGA ARESTADO

talayan3

(NI NICK ECHEVARRIA)

KALABOSO ang isang teenager sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) makaraang makumpiskahan ito ng shabu sa Isulan, Sultan Kudarat, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay P/Major Lorenzo Henares, chief ng RPDEU sa Region 12 (Soccsksargen), inaresto ang suspek matapos pagbentahan ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na undercover sa public market ng nasabing bayan bandang alas-11:00 ng umaga.

Makaraang kapkapan muling nakuhanan ng dalawa pang sachet ng shabu ang suspek na pansamantalang hindi binanggit ang pangalan dahil sa isinasagawang follow up operations.

Pinaniniwalaang miyembro ito ng isang malaking sindikato na nag-ooperate sa Maguindanao at Sultan Kudarat.

Nadakip ang suspek na residente ng Talayan, Maguindanao sa ikinasang drug bust operation matapos ituro ng isa pang suspek na nauna nang inaresto ng mga tauhan ng pulisya bilang supplier nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nadakip na binatilyo na ngayon ay nasa pangangalaga ng RPDEU.

Please follow and like us:
Read More

‘GUN-FOR-HIRE’, SUGATAN, 2 ARESTADO SA POLICE OPS

arrested123

(NI BONG PAULO)

SUGATAN ang isang gun-for-hire habang natimbog naman ang dalawa pa nitong kasama sa inilatag na drug operation ng mga pulisya laban sa mga sindikatong grupo sa Barangay Balanaken ng bayan ng Datu Piang sa Maguindanao, Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasugatan na si Onz Meguan at ang mga kasamahan nito na sina Mangi Kato at Tato Tilendo na pawang nasa kustodiya na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Habang nakatakas naman ang iba pa na mga kasamahan ng mga suspek na sangkot din sa iba’t ibang krimen sa lugar kabilang na rito ang mga magkakamag-anak na parehong may apelyidong Paglas na kinilalang sina Salam, Mike, Hadie, Ronnie at Zainudin at ang isa pa na si Pake Eson ng Barangay Balanaken, Datu Piang.

Isinagawa ang operasyon alas-6:00 ng umaga kung saan parating pa lamang ang mga raiding team ay pinaputukan na sila ng mga suspek dahilan para gumanti din ng putok ang mga ito.

Si Meguan ay binaril ng mga pulis nang akmang itatapon ang granada sa mga parating na kasapi ng CIDG-ARMM na pinangungunahan ni Police Major Esmael Madin.

Narekober naman ng raiding team sa pinangyarihan ng engkwentro ang limang 40 millimeter grenade projectiles, rifle at pistol ammunition at ilang mga methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu na nakalagay sa plastic heat sealed sachet.

Ang target ng nasabing operation ng CIDG ARMM ay mga high value target (HVT) na responsable sa pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Datu Piang at mga kalapit na lugar sa Maguindanao.

Please follow and like us:
Read More

KANDIDATONG MAYOR, 2 TAUHAN HULI SA ARMAS 

maguindanao map12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO ang isang mayoralty candidate at dalawa pa nitong mga tauhan sa isang police operation laban sa mga loose firearms sa Maguindanao, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Esmael Madin, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Maguindanao ang nadakip na   si  Zamlon Guinomla Abdulwaris na kandidatong alkalde sa bayan ng Datu Salibo sa kanilang hideout sa Brgy. Bagua 2, Cotabato City, bandang 4:30 ng madaling araw,  kasama sina Serhan Kadatuan at Zahabudin Mohamad kapwa nakatira sa nasabing bayan, sa isinagawang pagsalakay  sa ilalim ng “Oplan Paglalansag Omega.”

Dinakip ang tatlo matapos isilbi ang isang search warrant mula sa korte sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunitions law ng mga tauhan ng CIDG-Maguindanao  na suportado ng  Special Forces ng Philippine Army.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang .45-caliber pistol, isang 40-caliber pistol, isang hand grenade at mahigit 200 live ammunition para sa iba’t ibang mga armas.

Ayon kay Madin, si Abdulwaris ay nagsilbi rin bilang presidente ng  Association of Barangay Chairmen sa Datu Salibo at nanungkulan din bilang ex-officio member ng lokal na konseho ng nasabing bayan.

Nakadetine ngayon ang mga dinakip na suspek sa CIDG-Maguindanao detention cell habang inhahanda ang kakaharaping mga kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

BBQ STALL HINAGISAN NG GRANADA, 2 SUGATAN

maguindanao map12

PATULOY na tinutugis ng pulisya ang hindi kilalang riding in tandem na naghagis ng granada sa isang barbeque stall at ikinasugat ng dalawa katao sa Sultan Kudarat, Maguindnao, Linggo ng gabi.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Graciano Mijares, police director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na ang pagsabog ay naganap bandang alas-7 ng gabi sa Barangay Rebuken, Sultan Kudarat town, ayon sa report ng Sultan Kudarat municipal police office.

Patuloy na inoobserbahan ang mga biktimang sina Bai Urugan Murod, 45, at Rakma Tarim, 47, residente ng Barangay Rebuken, na nagtamo ng shrapnel wounds sa katawan.

Sinabi sa report na sakay ang dalawang lalaki sa motorsiklo kung saan ang back rider ang naghagis ng granada saka mabilis na pinasibad ang motorsiklo.

Hiningi na ang tulong ng mga lokal na opisyal at Muslim leaders upang makilala ang mga suspect.

Please follow and like us:
Read More

UTOL, ANAK NG BIFF LEADER, 2 PA PATAY SA ENCOUNTER

maguindanao map12

(NI JG TUMBADO)

NAPASLANG ng militar ang apat na umanoy miyembro ng ISIS terror-linked na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa naganap na engkuwentro sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao Huwebes ng umaga.

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division-Philippine Army, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kanyang mga tauhan at ng nasa 60 bilang na mga BIFF fighters sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pamalian.

Nakipagsagupaan umano sa tropa ang mismong sub commander ng teroristang grupo na si Ali Abdul Malik, isa sa apat na napatay.

Si Ali ang umano’y kapatid ng BIFF commander na si Abu Turaife.
Bukod kay Ali, kabilang din sa napatay ay ang anak ni Abu Saiden, ang sub commander din ng BIFF.

Nasa 12 miyembro naman ng mga terorista ang nasugatan ayon kay Sobejana.

“Four dead saka 11 wounded, marami pa ‘yan actually… nagkakalat-kalat ngayon. Very deliberate lang kami kasi ang daming improvised explosive devices,” ani Sobejana.

Dalawang sundalo naman ang iniulat na nasugatan.
Sinabi ni Sobejana na nag-umpisa ang sagupaan nang maglunsad ng airstrikes at ground assaults ang tropa ng pamahalaan sa hinihinalang pinag kukutaan ng teroristang grupo sa nabanggit na lugar.

“Hinahalughog namin lahat ng suspected hideouts nila, tapos nag-indirect fire kami, ‘yun nga nasapol ‘yung location nung brother ni Abu Turaife at ‘yun nga nadali si Ali Abdul Malik,” dagdag pa ni Sobejana.

Please follow and like us:
Read More

PAMILYA NG SINDIKATO: HIGH-POWERED FIREARMS NABAWI

maguindanao map12

ARESTADO ang apat na miyembro ng pamilya matapos masamsaman ng mataas na uri ng armas ng mga ahente ng 37th IB Phil Army, 603rd Brigade, CIDG-BARMM at Maguindanao PNP sa Maguindanao.

Iniimbestigahan na ngayon sina Guiaman Lumbos, Ali Lumbos, Samsudin Lumbos at Digna Lumbos Dirangaren, pawang residente ng Barangay Langkong, sa bayan ng Matanog at pinaniniwalaang miyembro umano ng isang lawless group.

Kasamang nasamsam sa pamilya Lumbos ang 40 mga matataas na uri ng baril na kinabibilangan ng 30 improvised sniper rifles, dalawang M-16 assault rifles, isang M-203 grenade launcher, isang M-14 rifle, isang M-1 carbine rifle, isang granada, mga bala at magazines.

Matagal na rin umanong mininomitor ang pamilya dahil sa mga report na natatanggap ng PNP at AFP laban sa mga suspect.

Nakakulong na ang mga ito at nahaharap na kasong paglabag sa Republic Act No. 10951 o illegal possession of firearms and ammunitions.

Please follow and like us:
Read More

‘TULAK’, PATAY; 2 PULIS SUGATAN SA DRUG OPS

magi

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang drug suspect habang sugatan naman ang dalawang mga pulis nang mauwi sa shootout ang ikinasang anti-drug operation ng mga otoridad sa Barangay Lipao sa bayan ng Datu Paglas, sa lalawigan ng Maguindanao, Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawing suspect na si Thong Sambulawan Maido, 44, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ni Maguindanao Provincial Director Supt. Ronald Briones nagpanggap na mga buyer ng droga ang dalawang pulis, ngunit nang matunugan ng suspect ay agad nitong pinagbabaril ang dalawang pulis gamit ang caliber .45 pistol.

Nagkaroon ng palitan ng putok na nag-resulta sa kamatayan ng suspect habang sugatan naman ang dalawang mga pulis na sina PO2 Winston Arellano at PO1 Jeffrey Banzon.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA PATAY SA MILITAR

father

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang mag-ama na tinaguriang mga kriminal makaraang makipagbarilan sa militar sa bulubunduking bahagi ng Datu Sinsuat sa Maguindanao Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Tenti Taup, 42, alyas ‘Winston’ at anak na si ‘Minggoy’, 25.

Batay sa report kay Lt. Col. Oliver Baylon, commanding officer ng Marine Battalion Landing Team-7(MBLT7), nangyari ang sagupaan sa pagitan ng mag ama at ng mga sundalo ng MBLT-7 sa Sitio Kamalig, Barangay Sedem habang nagpapatrulya ang mga ito sa lugar.

Una umanong pinaputukan ng mag ama ang mga sundalo hanggang mauwi na sa barilan na tumagal ng 10 minuto.

Napag-alaman na may naka bimbing kaso ang matandang Taup bukod sa dalawa pang arrest warrant nito sa kasong attempted murder at murder.

Itinuturong  sangkot ang mag ama sa ilang serye ng pagpatay at iba pang krimen sa bayan ng Kalamansig at kalapit na bayan.

Matagal na umanong tinutugis ng mga awtoridad ang mag amang Taup subalit sila ay nakakaligtas dahil na rin sa palipat lipat ng lugar na pinagtataguan.

Nakuha malapit sa bangkay ng mag ama ang isang baril at isang M16 armalite rifle at mga bala.

Please follow and like us:
Read More

MILITARY TRUCK VS MOTORSIKLO: 2 PATAY

road mishap

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang dalawang motorista habang sugatan ang dalawang iba pa nang magsalpukan ang trak ng Philippine Army at motorsiklo sa bayan ng Barira, Maguindanao.

Nabatid mula kay Senior Supt. Ronald Briones, Maguindanao provincial police director, ang pagkakakilanlan ng mga nasawi sa insidente na sina Mohammed Mastura at Jamil Bara, kapwa mga residente ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Briones, ang dalawang namatay ay kabilang sa apat na sakay ng motorsiklo na bumangga sa trak ng Philippine Army.

Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang drayber ng KM-450 truck ng Army 37th Infantry Battalion at aksidenteng nahagip ang mga biktima na tumilapon at namatay ang dalawa sa kanila.

Patuloy nang nagpapagaling sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City ang dalawang nasugatan sa insidente.

Please follow and like us:
Read More