KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA BAGSAK DAHIL SA RICE TARIFFICATION LAW – REP. CABATBAT

Rep Cabatbat-Magsasaka

(Ni Nelson Badilla / Huling bahagi)

BAGSAK ang buhay ng mga magsasaka dulot ng pagkakaroon ng Rice Tariffication Law (RTL).

Ito ang pahayag ni MAGSASAKA party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat sa ­Diaryo Bomba.

Idiniin ni Cabatbat na ang pangunahing resulta ng RTL ay dumagsa nang d­umagsa ang inangkat na bigas sa bansa.

Ang layunin, aniya, ng RTL ay ang walang limitasyong pag-angkat ng bigas.

Nasa 95 porsiyento ng bigas sa bansa ay galing sa mga magsasakang Filipino, kaya ang kulang ay limang porsiyento lamang, wika ni Cabatbat.

Nangangahulugang limang porsiyento lang kailangang angkating bigas mula sa ibang bansa na mas mababa sa 800 metriko toneladang bigas, tugon ng mambabatas.

“Pero, ang reyalidad [ay] 2.6 milyong metriko ­tonelada ang inangkat natin mula sa ibang bansa,” banggit ni Cabatbat.

Naniniwala rin ang kongresista na pinaluwag ng RTL ang daanan ng rice smugglers.

Iginiit ni Cabatbat, “Dahil sa krisis na dinulot ng mga masasamang epekto ng Rice Tariffication [Law], hindi lang maliit ang kita ng mga magsasaka ngayon, [kundi] sobrang lugi pa nila. ­Masuwerte na mabibili ng P17.00 per kilo ang ani dahil nitong mga nakaraang buwan, maraming report na nakaabot sa atin na 11 – 12 pesos bawat kilo ang bentahan [ng palay mula sa ani ng mga magsasaka], tapos may mga lugar na P8 ang bawat kilo.”

“Pero, kahit sabihin ­nating P17.00 mabibili ang bawat kilo ng palay [na siyang iniutos ni Agriculture Secretary William Dar sa National Food Authority (NFA)], papatak lang ng halos limang piso ang kita ng mga magsasaka per kilo, o mga P20,000 bawat isang ektarya ng lupa, which is the average hectarage of a Filipino farmer. Multiply natin sa dalawang crop cycles, [lalabas] P40,000.00 kada taon o P3,330 kada buwan lang ang kita ng magsasaka,” patuloy ni Cabatbat.

Sa ganyang kita sa loob ng isang taon, malinaw na bagsak na bagsak ang kita ng mga magsasaka, tugon ng bagong mambabatas.

Aniya, ang P3,300 kita bawat buwan ay hindi sapat upang makabuhay ng pamilya.

“Base sa guidelines ng NEDA (National Economic Development Authority), below food poverty rate na iyang kitang ganyan eh. Kung hindi sapat iyan para bumuahy ng sarili, ‘wag nating i-expect na makakabuhay ang magsasakang Filipino ng pamilya niya. Kulang na kulang ito [para] pampaaral ng anak, lalo na pambili ng pagkain at gamot. Baka nga sa pagbabayad ng utang lang mapunta ang lahat ng kikitain ngayong ani eh.”

Ayon sa NFA, maliban sa P17.00 kada kilo ang pagbili nila ng palay ng magsasaka, ipinasa ng NFA Council ang karagdagang P3.00 kada kilo ng buffer stocking incentive (BSI) noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Maliban sa P17.00 at P3.00, magbibigay din ang NFA ng dalawampung sentimo bawat  isang kilong palay para sa pagpapatuyo nito, dalawampung sentimo uli para sa paghahatid ng palay sa NFA buying station at karagdagang tatlumpong sentimo para sa pangkooperatibang pagbabago.

Kaya, P20.70 ang matatanggap ng magsasaka kapag binili ng NFA ang kanyang palay bawat kilo,  pahayag ng ng NFA.

Batay sa talaan ng NFA, mula Enero hanggang ­Hulyo ng taong kasalukuyan ay ­umabot na sa 286,805 metriko tonelada o 5,736,100 sako ng palay ang nabili ng ahensiya.

Ang kabuuang halaga nito ay P5.936 bilyon.

Iginiit ni NFA administrator Judy Carol Dansal na “We continue to focus on aggressive palay procurement from our local farmers as mandated by Republic Act 11203 or the Rice Liberalization Law not only for buffer stocking purposes during calamities and emergencies but to provide a ready market for our ­farmers’ produce and cushion the impact of the low farm gate price.”

Mayroong 303 NFA ­buying stations na nakapuwesto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nang tanungin ng Diaryo Bomba  si Rep. Cabatbat tungkol sa mga nararapat gawin ng Kongreso, DA at NFA upang umangat ang buhay ng mga magsasaka, ganito ang naging sagot ng mambabatas: “Holistic dapat ‘yan. There is no panacea or single cure sa ­usapin ng pag-angat ng buhay ng magsasaka. Unang hakbang d’yan ay ang pagtutok ng mga ahensiya ng gobyerno natin na iahon ang ating mga magsasaka [mula] sa hirap. Alam n’yo po kasi, ang karaniwang pokus lang kasi ng gobyerno ay kung paano mapakain ang mamamayan – saan man ito galing, kahit imported pa ‘yan. Tama naman ito, pero subukan kaya nating mag-invest sa mismong magsasaka, sa tao, dun sa mga nagbubungkal ng lupa mismo. Tiyak ko susunod ang buong agrikultura na lalago kapag pinangalagaan natin ang ating mga magsasaka.”

Please follow and like us:
Read More

MGA MAGSASAKA INIWAN, INILAGLAG NG NFA

MAGSASAKA-NFA

(Ni Nelson Badilla / Ikalawang Bahagi)

NITONG nakalipas na taon, mistulang sunud-sunod na ‘bagyo’ ang pumasok sa mga palayan at palengke sa mara­ming panig ng bansa, kabilang na ang Bulakan na siyang pinakamalapit sa Metro Manila na pinagkukunan ng bigas.

Napakataas ng presyo ng bigas bawat kilo, sapagkat kapos na kapos ang suplay ng bigas noong 2018, banggit  ng noon ay kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Emmanuel Piñol.

Ngunit, idiniin ni Piñol noong Setyembre ng nakalipas na taon na walang krisis sa bigas dahil walang “rice shor­tage.”

Aniya, ang problema lang ay walang bigas sa merkado na galing sa National Food Authority (NFA) at walang dumarating na mga bigas mula sa ibang bansa.

Ibig sabihin, ang inaa­bangan ng DA noong nakalipas na taon ay bigas na manggagaling sa ibang bansa, sapagkat wala nang mailalabas na bigas ang NFA sa mga palengke.

Ang suliraning ito ay binigyan ng “espekulasyon” ng publiko, kaya malaki ang itinaas ng presyo ng bigas, giit noon ni Piñol.

“We have no rice shortage, but there is admittedly a spike in the price of rice in the market because of speculation dahil nga nawala ang NFA rice sa merkado nang mahaba-habang panahon. Na-delay din ‘yung pagdating ng imported rice,” banggit ni Piñol.

Ang presyo ng bigas noong 2018 ay P50.00 hanggang P60.00 o higit pa bawat kilo.

Dahil sa ganitong masamang sitwasyon ng presyo at suplay ng bigas, iwinawasiwas at iginigiit noon ni Piñol sa media na kailangang tanggalin na limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa iba’t ibang bansa.

Ipinunto ni Piñol noong Agosto 2018 na mareresolbahan na ang kakapusan ng suplay ng bigas dahil aangkat ang Filipinas ng dalawang milyong metriko toneladang bigas kapag ganap nang batas ang panukalang Rice Tariffication Act.

Sa ganitong karaming volume ng bigas, tinatayang aabot sa 40 porsiyento ang taripang makukolekta mula sa mga negosyante.

Ang halaga nito ay aabot sa US$400 milyon bawat taon o P21.6 bilyon.

Sa sobrang laki ng taripang ito, siguradong lalaki rin ang suporta ng DA sa sektor ng magsasaka, pagtitiyak ng dating kalihim.

Ganito ang pahayag ni Piñol: “Ililibre namin ang binhi ng mga magsasaka. Iyong magandang binhi [ang ibibigay ng DA sa mga magsasaka] para ma-doble ang kanilang produksyon, abono, and even subsidized farm machinery and equipment. If that happens then our farmer would be able to improve their productivity, increase the production and lower the cost of production.”

Sa madaling salita, pabor na pabor si Piñol sa panukalang Rice Tariffication Law (RTL).

Ang kilalang panguna­hing nagsusulong ng panukalang RTL ay si Senador Cynthia Villar.

Ngunit, maraming nag­duda kay Villar, sapagkat subdivision at condominium ang ilan sa negosyo ng pamilya Villar.

Sina Villar at Piñol ay kap­wa naniniwalang ang walang limitasyong pagdagsa ng bigas ng mga dayuhan sa Pilipinas ay siyang kagilagilalas na solusyon ng bansa upang magtuluy-tuloy nang hindi maubusan ng bigas sa mga palengke.

Batay sa rekord ng NFA, walang itinulong ang NFA upang dumami ang kanyang bigas na ibebenta sa palengke.

Malaki sanang tulong ang bigas na ibinebenta ng NFA, sapagkat ang presyo nito ay malayo sa presyo ng mga bigas na itinitinda ng mga negosyante.

Kaso, kulang na kulang ang suplay ng bigas ng NFA.

Ang lumabas sa pagsisiyasat at pag-aaral ng Commission on Audit (COA) ay inilaglag at iniwan ng NFA ang mga magsasakang Filipino.

Nadiskubre ng COA na ang P7 bilyong ibinigay ng pambansang pamahalaan sa NFA upang makabili ng mga bigas sa mga magsasakang Filipino ay ipinambayad ng NFA sa utang nito.

Nakasaad sa ulat ng COA na ang ginawa ng pamunuan ng NFA ay ginamit ang P7 bilyon sa pagbayad nito sa “maturing loans” nito sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Nadiskubre ng COA na ang NFA ay umutang ng P6.366 bilyon upang tustusan ang pag-angkat ng mga bigas. Ang P6.366 bilyon ay higit na mataas kaysa inutang ng NFA na P403.872 milyon noong 2017 upang magkaroon ng pondo para makabili ng inangkat na mga bigas.

Ang P7 bilyong inilaan ng pambansang pamahalaan ay siyang kongkretong palaman ng food security program ng NFA para sa taong 2018.

Sa pamamagitan ng pagbili ng NFA ng mga bigas mula sa mga magsasaka ay magiging matatag ang suplay ng bigas sa palengke at pati na ang presyo ng bigas.

Idiniin ng COA na ang desisyon ng pamunuan ng NFA ay tahasang paglabag sa Republic Act 10964 o General Appropriations Act of 2018.

Malinaw na nakasaad at ipinag-utos ng R.A. 10964 na ang pitong bilyong piso ay eks­klusibong gagamitin sa “rice buffer stocking” sa pamamagitan ng pagbili ng mga palay ng mga magsasaka.

Ayon sa R.A. 10964, ang tanging pagkakataon na hindi bibilhin ng NFA ang palay ng mga magsasakang Filipino ay kapag nahaharap sa kalamidad ang bansa o kapos sa produksiyon ng bigas ang bansa.

Kapag nangyari ito, aangkat ng bigas ang NFA, ngunit ito ay batay sa rekomindasyon ng NFA Council at ng pangulo ng bansa.

Please follow and like us:
Read More

KUYA KINATAY NG 3 UTOL

(NI ANNIE PINEDA)

HALOS mahiwalay ang ulo ng isang magsasaka makaraan pagtulungang pagtatagain ng tatlo niyang nakababatang kapatid dahil umano sa agawan sa lupa, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang biktimang si Roger Voluntad, 43, habang ang mga suspek ay kapatid nitong na kinilalang sina Piji Voluntad, 35; Fernando Voluntad, 29, at Gerald Voluntad, 25, pawang mga residente ng sang Barangay Manayupit, Maayon, Capiz.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Maalan, Maayon, Capiz, nang harangin ng mga suspek ang kanilang kuya sakay ng motorsiklo.

Lumabas sa imbestigasyon, pauwi na sana ang biktima sakay ng motorsiklo angkas ang kanyang asawa at tatlong anak nang harangin sila ng mga suspek.

Huminto si Roger at nagulat nang makita ang tatlo nitong kapatid at walang habas siyang pinagtataga ni Piji, dahilan para bumagsak ito sa kalsada.

Sa halip na umawat ang dalawa pa nitong kapatid, pinagtulungan pa siya nitong pagsasaksakin sa iba’t ibang parte ng katawan at leeg na halos na mahiwalay na sa katawan na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa misis ng biktima, matagal na umanong may alitan ang magkakapatid dahil sa pinagtatalunang lupa na sinasaka ni Roger.

Matapos ang insidente nadakip naman ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA NG MGA MAGSASAKA, LUMALA

MAGSASAKA-7

(Ni Nelson Badilla / Unang Bahagi)

HINDI na mainit na isyu ngayon ang problema ng mga magsasaka hinggil sa mababang presyo ng kanilang ina­ning palay.

Ang mainit ngayon ay ang African swine fever (ASF), ang sakit sa baboy na kumakalat ngayon sa ilang panig ng bansa.

Nangangahulugan bang tapos na ang problema ng mga magsasaka tungkol sa mababang presyo ng palay dahil hindi na ito ibinabalita sa media?

“Hindi,” ang sagot ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka kahit ipinag-utos noong unang linggo ng Set­yembre ni Agriculture Secretary William Dar na bilhin ng National Food Authority (NFA) ang palay ng mga magsasaka sa presyong P17.00 kada kilo.

Ang desisyon ni Dar ay resulta ng impormasyong nakarating sa kanyang tanggapan na masyadong mababa ang presyo ng palay sa maraming panig ng bansa. Mayroong  P6 bawat kilo ng palay.

Sa pana­yam sa media noong unang linggo ng Setyembre, idiniin ni Joseph Canlas, tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL), na ang presyo ng palay sa bayan ng Arayat sa Pampanga ay hindi pa umabot ng sampung piso bawat kilo.

Ani Canlas, mataas pa ang presyo ng darak na nasa P12 bawat kilo kumpara sa P6 ang palay bawat kilo.

Ipinunto niya na siguradong hindi mabubuhay ang mga magsasaka sa napakababang halaga ng palay bawat kilo.

Sampung piso naman bawat kilo  sa Cagayan Valley, ayon sa Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Danggayan). Hindi nalalayo ang presyo ng palay sa Bulacan.

Walang saysay ang desisyon ni Dar, pahayag ni Ignacio Ortiz, tagapangulo ng AMGL-Nueva Ecija.

Ani Ortiz, hindi makatutulong sa mga magsasaka ang P17.00 bawat kilo ng palay.

Hindi nito maiaangat ang kabuhayan ng mga magsasaka, tugon ni Ortiz.

Idiniin pa ni Ortiz na “Yung buying price ng NFA na P17 kada kilo [ay] isang dekada nang nakapako habang ‘yung gastos ng mga magsasaka [ay] ilang beses nang tumaas” mula noon.

Ayon kay Ortiz, si­mula nitong Marso ng taong kasalukuyan ay pumapalo na sa P14.79 bawat kilo ng palay ang gastos ng bawat isang magsasaka, kabilang na ang interes sa inutang ng magsasaka.

Kaya, naniniwala ang samahan ni Ortiz na hindi makabubuhay kung bibilhin ang kanilang palay sa pitong piso kada kilo hanggang sampung piso.

Sa nasabing presyo na pito hanggang sampung piso kada kilo ng palay ay pihadong lalong mababaon sa utang ang mga magsasaka – higit silang maghihirap kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ang kalagayan naman ng mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon ay hindi nagkakalayo. Pare-pareho silang dumausdos nang todo ang kita ngayong 2019.

Isang malaking isyu sa sektor ng magsasaka ang deklarasyon ni Secretary Dar na bibilhin ng NFA ang palay ng mga magsasaka sa P17.00 bawat kilo, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit, batay na rin sa mga pahayag o posisyon ng mga samahan ng mga magsasaka, hindi natapos ang suliranin ng mga magsasaka kahit nagmistulang naging mabait ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka nang bilhin ng NFA ang mga palay ng mga magsasaka sa halagang P17.00 bawat kilo, sapagkat ang iginigiit ng mga magsasaka ay matagal nang P17.00 ang presyo ng palay kada kilo, ngunit hindi uma­ngat ang kanilang buhay.

Madalas pa ring nangu­ngutang ang mga magsasaka upang magroon lamang ng salaping ipandurugtong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Sa madaling salita, hindi nawawala ang problema ng mga magsasaka subalit mas lalo pa itong lumaki. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA HINIGOP NG IRIGASYON 

(NI ANNIE PINEDA)

WALA nang buhay nang lumutang ang isang magsasaka na lasing nang higupin ito ng malakas na alon sa irigasyon matapos tumalon para maligo, iniulat sa probinsya ng  Kalinga.

Kinilala ang biktimang si Marvin Bagyo, 43, residente ng Brgy Bulo.

Tabuk City, Kalinga.

Batay sa report ng pulisya, wala ng buhay nang iahon sa irrigation canal ang biktima sa nasabing lugar.

Kuwento ng misis ng biktima, sinundo niya ang kanyang asawa sa inuman dahil lasing na ito at habang pauwi ay napadaan sila sa irrigation canal at sinabi ng biktima na maliligo lang dahil siya’y naiinitan at biglang tumalon.

Ilang minuto ang makalipas, kinabahan ang misis ng biktima dahil hindi pa rin ito umaahon mula sa pagtalon sa irigasyon, kaya humingi na siya ng tulong.

Pagdating ng mga rumespondeng otoridad ilang oras pa ang nakalipas bago nila natagpuan ang katawan ng biktima dahil sa malakas na agos at mataas ang lebel ng tubig sa irigasyon.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay.

Please follow and like us:
Read More

NAMATAY SA SARILING HUKAY

crime600

(NI JUN V. TRINIDAD)

TIAONG, Quezon – Isang magsasaka ang aksidenteng nalunod sa tubig ng kanyang hinuhukay na balon sa bayang ito noong Huwebes.

Batay sa report ng lokal na pulisya, natagpuang bangkay si Ronnie Mendoza, 50, matapos siyang malunod sa tubig sa ilalim ng kanyang hinuhukay na balon sa Barangay San Pedro bandang alas-9:35 ng gabi.

Huling nakita ang biktima na nagdudukal sa ilalim ng ginagawang balon dakong alas-3:00 ng hapon.

Sa teorya ng mga imbestigador, unang nahimatay at bumagsak ang biktima dahil sa matinding pagod at kakulangan ng hangin sa ilalim ng balon hanggang sa malunod ito sa mababaw na tubig na lumalabas na sa hinuhukay niyang kadluan ng tubig para sa pangangailangan ng kanyang pamilya at mga pananim.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA GINILITAN NG 2 LALAKI

stab100

(NI CYRILL QUILO)

GINILITAN ang isang 57-anyos na magsasaka ng dalawang lalaking suspek na naaresto rin matapos ang pagpatay sa Brgy. San Bartolome, San Pablo City, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay kinilala ni Lt.Col.Eliseo Bernales hepe ng San Pablo City na si Bernardo Abraham.

Ayon sa imbestigasyon, si Abraham ay nagtamo ng malalalim na sugat sa kanyang leeg kung saan gamit ang 12 pulgadang kutsilyo nang gilitan ito ng mga suspect.

Sa follow-up investigation, naaresto ang dalawang suspek na sina Roderick Dimaano, 47, ng Brgy. San Bartolome, San Pablo City at si Loreto Hernandez, 66, ng  Brgy. San  Gregorio, Alaminos Laguna.

Ayon pa kay Col. Bernales, alas 9:10 ng gabi nang magbigay ng impormasyon ang mga barangay officials sa mga pulis kaya natuklasan ang katawan ng biktima na laslas ang leeg at ubos na ang dugo.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek habang nakapiit sa San Pablo City Police Station ang mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More