3 BATA INIWAN SA LOOB NG KOTSE, PATAY

crime12

(NI JG TUMBADO)

PATAY  na nang matagpuan ang tatlong bata matapos iwan ang mga ito sa loob ng kotse sa bayan ng Orion, Bataan.

Nakilala ang mga biktima na sina Agatha Morales, 9, , Shamel Alghela Morales, 8, at Pauline Keziah Morales, 6, na pawang magpipinsan.

Batay sa naantalang ulat ng Orion police, huling nakita ang mga bata na naglalaro sa loob ng kanilang kotse sa Barangay Calungusan, ilang metro lamang ang layo sa plantasyon ng petrolyo nitong araw ng Lunes, May 13.

Mismo ang ama ng isa sa mga bata na si Jessie ang nakadiskubre sa insidente pasado alas 8:00 ng gabi.

Ayon sa pahayag ng ama sa pulisya, iniwan nya sa loob ng kanilang sasakyan ang mga bata alas 4:00 ng hapon habang ipinarada nito sa bahagi ng eskinita.

Dinala pa ng ama ang mga bata sa St. Michael Hospital subalit idineklarang dead on arrival na ang mga ito.

Sinasabing na suffocate o nahirapang huminga ang mga biktima nang sila ay iwanan dahil sa pagkakasara ng mga bintana ng kotse.

Please follow and like us:
Read More