MAGNA CARTA OF COMMUTERS IPASA – NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-2

(PFI Reportorial Team)

NANAWAGAN ang isang bagitong kongresista sa kanyang mga kapwa mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na agad ipasa ang batas na nakikitang solusyon para mapabuti o mapahusay ang pagkilos ng mga Filipino sa buong bansa.

Layunin ng Magna Carta of Commuters na pagtuunan ng pansin ang hindi pagkakapantay-pantay na dulot ng ilang dekadang kabiguan na maipatupad ang wastong pagkokonekta sa ating bansa, pahayag ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles.

“Nananawagan tayo sa ating mga katrabaho. Bagong taon, bagong dekada, ngayon na ang tamang panahon bago pa mahuli para malutas ang araw-araw na bangungot ng ating mga commuter,” ayon kay Nograles.

Ang batas ay naglalayong kilalanin at itaguyod ang karapatan ng mga mananakay.  Saklaw ng karapatang ito ang pagbibigay ng serbisyo sa pampublikong transportasyon, ligtas at maaasahang imprastraktura hanggang sa malinis na hangin habang naglalakbay gayundin sa kapakanan ng commuter at pakikiisa ng mga ito.

Nakasaad din sa Magna Carta na kailangan nang lumipat ang bansa mula sa car-centric public policy and infrastructure patungo sa mas sustainable transport and mobility policy, upang bukod sa kapakanan ng mga commuter ay matiyak din na mapangangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga mananakay na Filipino.

“Ang hakbang na ito ay naglalayong itakda ang ating mga direktang prayoridad sa kung paano ginagamit ang mga espasyo – sa mga gumagamit ng pampublikong transportasyon, sapagkat sila ang bumubuo ng pinakamalaking numero, kaya dapat silang bigyan ng prayoridad sa paggamit ng ating mga kalsada,” saad ng mambabatas.

Dagdag pa nito, upang matugunan ang lumalalang traffic na dinaranas ng bansa, partikular sa urban areas, kinakailangang pag-aralan o alamin ang sanhi o ugat nito tulad ng patakaran sa paggamit ng lupa at ang pagwawasto ng proporsyon ng pribado at pampublikong transportasyon.

“Kung iisipin, maaaring pilitin ng Magna Carta of Commuters ang mga gumagawa ng polisiya at nagpapatupad nito para tingnan ang mga suliranin ukol sa madaliang pagkilos bilang isang sistema ng inter-related issues na nangangailangan ng isang holistic at multi-stakeholder approach,” ayon pa kay Nograles na isa ring abogado na nagtapos sa Harvard.

Ang sukatan para sa pinakamimithing layunin ay matiyak ang mabilis na paggalaw at mabigyan ng dangal ang mananakay, pahayag pa ng mambabatas.

“Aayusin natin para ang Pinoy commuters, hindi hulas, hindi inis, hindi nakakaltasan ng sahod dahil na-late sa trabaho.

Please follow and like us:
Read More